logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 2

“I am sorry for making you cry last night, it's not my intention to hurt you, lil' sis.” I woke up with a heavy-eyes at pagdating ko sa kusina ay si ate agad ang bumungad sa' kin. “You know, I want you to voice out your feelings and don't just keep it as a secret, balang araw maiintindihan din ni papa kung bakit gusto mo maging writer.” she continued. Honestly, I don't really have any grudges with ate, so I smiled at her genuinely.
“naiintindihan ko po, I know you're proud of me.” sagot ko, and she smiled back.
“of course, I always do.” she replied. Nagtimpla pa ito ng coffee na akala ko ay para sa kaniya, pero binigay niya din sa'kin.
may klase na kami ulit so I packed up my things at saka naligo pagkatapos. Si papa ay maagang umalis dahil may consultation siya ngayon since he's a doctor.
“Mama, aalis na po ako.” bago ako umalis ng bahay ay pinuntahan ko muna si mama sa kwarto niya at nagpaalam. I can't avoid not to be sad seeingy mother being weak sometimes due to her condition. Ngunit kung patuloy akong kakainin ng negative thoughts then I'll think I'll get depressed in the end.
“mag-iingat ka, anak.” saad ni mama habang nakangiti sa' kin. Binilin niya ring magdala ako ng tubig para stay hydrated, na ginawa ko naman.
I thought ate already left to go to her office, she's an accountant, pero naabutan ko pa itong nakatayo sa labas ng bahay. Bahagyang napakunot ang noo ko.
“ate, akala ko ba kanina ka pa umalis?” tanong ko. Humarap naman ito sa akin nang naka ngiti.
“here's a 5k, pambawi ko for making you cry kagabi.” sambit niya sabay lahad ng five thousand pesos sa kamay ko.
“no po, I don't want to be a burden, just keep it on your wallet ate. I still have an allowance.” pagtanggi ko sana sa alok niya pero hindi naman ito nagpatinag, sa halip ay siya na mismo ang naglagay nito sa loob ng bag ko.
“Okay sige, thank you ate. ” I said in a cheerful tone. Tumango lang ito at tinapik ang balikat ko bago pumasok sa kotse niya.
it's already 6:30 am. Nagbantay ako ng jeep papuntang school, hindi naman bihirang mapadaan ang mga sasakyan sa' min dahil katapat lang ng kalsada ang bahay namin, kaya hindi narin ako nahirapan pang maghintay.
I listened to music while on my way to university, and suddenly my phone vibrated. It's a message coming from Nephtalie.
“papunta ka na ba?” she asked.
“Yep.” I replied shortly.
hindi narin ako nakatanggap ng response galing sa kaniya pagkatapos kong mag reply, madalas kasi ghoster ang kaibigan ko na 'yon.
after a minute ay nakarating narin ako sa univ. dumiretso ako sa classroom second floor at kaagad na hinanap si Nephtalie pero wala siya. habang nagrereview ako sa science quiz ay nagvibrate ulit ang phone ko.
“ hi, this is me!” a message from unknown number.
“Nephtalie?” I asked.
“no, this is Zenrick Lopez.” I was shocked when I saw his message, paano naman kaya niya nakuha ang number ko?
“if you're curious about where did I take your number, then asked your diary.” bago pa man ako makapag-reply ay message ulit galing sa kaniya ang natanggap ko. I immediately opened my diary. I bit my lower lip, naisulat ko nga pala dati ang number ko doon, ang bilis ng memory niya at natandaan niya pa.
“and you're a writer too?” he asked again. napansin kong nagsidatingan na ang iba ko pang mga kaklase. But I didn't bother to look at them
“self-proclaimed.” sagot ko. Walang may nakaka-alam na writer ako, not even my cousins, si Nephtalie, sina mama at dumadagdag narin siya.
I waited for his reply, but for the second time isa na namang tao ang nang ghost
sa' kin. Ang hilig nilang mang-iwan 'no?
hinagilap ng mga mata ko si Nephtalie, ngunit pagtingin ko sa likuran ko ay nando'n siya nakatayo.
“kanina ka pa ba diyan?” tanong ko.
“oo, kita ko nga 'yong conversation niyo, e.” sagot namam niya nang may nakakalokong ngiti. Baliw!
after a long hour ay natapos narin ang three subjects namin, wala narin kaming klase after since may meeting ang lahat nang teachers and staffs.
“bes, asan tayo?” sulpot ni Nephtalie habang nakatayo ako sa labas ng room.
“saan pa ba? edi uuwi na!” pabalang kong sagot, inirapan lang ako nito.
“punta tayong Cafe de Diego, I am craving for coffee kasi. ” saad niya na agad ko namang sinang-ayunan.
the moment we stepped inside the cafe, someone's caught my attention.
“'diba si Zenrick 'yon?” napatingin ako kay Nephtalie at tumango. may kasama siya at hindi ko alam kung sino. hinayaan nalang namin sila at pumunta sa table sa tapat ng bintana at doon umupo. Maya-maya pa ay tumayo silang dalawa na akala ko lalabas na pero agad silang pumunta sa table namin at doon nakisabay.
“ikaw iyong author 'diba na crush nito?” napangiwi ako sa sinabi ni Nephtalie habang tinuturo pa ako nito. Pansin kong napakunot nang noo ang kasama niya, kaya umubo-ubo ako.
“Ah hehehe, ako nga pala si Zayella at ito naman ang kaibigan ko, Nephtalie.” pagpapakilala ko sa kasama niyang babae at naglahad ng kamay, tumango lang ito ngunit hindi inabot ang kamay ko para makipag kamayan. That was my first time being rejected by someone. I noticed Nephtalie slightly raised her brows. Nayabangan yata siya sa babae. Napansin din naman ni Zenrick 'yon kaya nagsalita siya.
“Astrid Hera, uhm kaibigan ko rin.” ika niya, this time ako naman ang tumango ngunit hindi ngumiti.
“anong ginagawa niyo dito?” tanong ko sa seryosong tono.
“wala naman, Astrid's house isn't far from here, kaya naisipan kong bumisita.” he said. “at saka, may collaboration kasi kaming story na ginagawa.” dugtong niya. Writer din naman pala itong kasama niya, e. Pero hindi man lang marunong mag entertain ng tao. Tss!
“well, good luck.” si Nephtalie na ang nagsalita. Ramdam kong wala na siya sa mood para makipag-usap.
”ikaw ba? balita ko nagsusulat ka rin daw?” napatingin ako kay Astrid nang tanongin ako nito. Baka sinabi ni Zenrick sa kaniya.
“yes, sometimes to relieve my boredom.” ani ko.
“alam kong passion mo rin.” sambit niya ulit. The way she talks make me annoyed, feeling close pero snobber? “sa writing industry, kapag hindi ka sikat wala kang may mararating, unlike us na nakapag-publish na ng book. ” halata ang pagiging sarcastic sa tono nito.
“tama ka, but have you think about readers na nagbabasa lang dahil sikat ka? pero hindi naman talaga maganda ang gawa mo?” this time, madiin na ang mga salita ko, ano namang karapatan niya para sabihing walang mararating ang mga underated writer.
“chill lang kayo guys, dapat ang mga writers nag susuportahan.” hindi ko pinansin ang sinabi ni Zenrick at agad na niyaya si Nephtalie na aalis na.
“sige na, enjoy kayo ha, good luck sa mga sinusulat niyo.” sambit ko at napairap nalang sa kawalan. Bakit kaya may mga ganoong tao, imbes na i-encourage ang kapwa nila ay sila pa mismo ang naghihila pababa, dahil alam nilang mataas ang katayuan nila.
Umuwi narin kami sa kanya-kanya naming bahay pagkatapos ng nakakainis na pangyayaring 'yon. Nag message pa
sa' kin si Zenrick at nanghihingi ng pasensya dahil do'n kanina.
akala ko pa naman intimidating siyang tao, but how come na nagkaroon siya ng kaibigang kagaya ni Astrid?

Komentar Buku (4)

  • avatar
    Joshua Quierre

    Good story

    06/08/2023

      0
  • avatar
    Ariaaaaan

    Support! Keep on writing. More stories to come 🥺❤️

    04/05/2022

      0
  • avatar
    JungcoJohn

    good story

    03/05/2022

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru