logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

A Writer's Voyage

A Writer's Voyage

Innovativeink


CHAPTER 1

“ella, anak! tanghalian na, lumabas ka na riyan sa kwarto mo.” nabalik ako sa reyalidad dahil sa walang tigil na katok ni mama sa pintuan.
kanina pa kasi ako nakatunganga sa harap ng MS word para sana magsulat  pero hanggang ngayon ni isang word wala man lang akong may na i-type.
lumabas muna ako ng kwarto at agad na tumungo sa kusina para magkape kahit na sobrang init ng panahon. Kailangang ma refresh ang utak ko.  Halos isang taon ko nang tina-try na makapag-update pero hanggang ngayon wala paring progress, kung meron man akong may naisusulat agad ko rin itong ina-unpublish, feeling ko kasi napaka boring ng gawa ko, hindi ako ma satisfy.
“ma? kapag naging publish author ako, samahan mo ako sa book signing ah?” sambit ko habang nakatitig kay mama na kumakain. Natawa naman ito sa sinabi ko saka tumango-tango.
“kaya nga, 'wag kang tamarin sa pagsusulat tsaka maglaan ka rin ng tamang oras sa pag u-update mo, kaya mo 'yan anak! support ako sayo!” ika niya habang naka thumbs-up pa. Napangiti naman ako dahil doon.
simula pagkabata gusto ko na talagang maging isang manunulat kaya alam na alam iyon ni mama, siya lang ang laging naka suporta sa'kin, maliban kina papa at ate na walang ginawa kundi ang i-discourage ako. Sinabi ko narin noon kay papa ang tungkol sa pagsusulat ko, pero sinabi niyang tigilan ko nalang dahil wala naman daw akong may mapapala dito, instead he wants me to be a lawyer kahit na hindi iyon ang gusto kong kurso, at isa pa hindi naman ako katulad ni ate na mayroong stable mental health, sobrang hirap para sa akin ang kursong law, but on the other side wala parin akong karapatan na suwayin si papa, so I end up taking political science as my pre-law course, first year college na ako ngayong taon, hindi ko narin muna iniisip kung gaano pa kaya kahirap kapag nasa law school na talaga ako, dahil baka mas lalo lang akong ma stress.
pagkatapos kong magkape ay kumain  nalang din ako ng kaunting kanin tsaka agad na bumalik ng kwarto at humarap ulit sa computer. Iniisip ko parin kung ano ang una kong isusulat at saan ko sisimulan ang lahat ng ideas na pumapasok sa isip ko.
“Kainis, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko!” napapadyak ako dahil sa yamot, ganito ba talaga ang writers block? pero isang taon na ah, isang taon akong naghintay para makapag-sulat ulit pero hindi ko alam kong paano. I almost spent 5 hours narin para lang tumulala sa harap ng desktop.
pinatay ko muna ang computer ko at agad na sumampa sa kama, at kahit antok na antok na ay nagawa ko paring mag cell phone. Hindi ko nakita kaagad kanina na may message pala sa'kin si Nephtalie, kaya tinawagan ko nalang ito.
“pasensya na, hindi ko na check yung messenger ko eh, nag message ka pala pero dot lang naman.” ani ko.
“sus, expected ko na 'yun noh? wala ka kasing ka chat kaya hindi mo ugaling mag check ng messenger, uninstall mo nalang bess.” pang-aasar pa nito, porket maraming kaharutan sa internet, e.
“wow! thanks for reminding me huh! ma ghost ka sana.” at dahil hindi ako nagpapatalo ay inasar ko rin ito.
“uy charot lang, babaeng 'to parang 'di naman mabiro,” despensa naman nito. “nag text lang talaga ako para yayain kang umatend ng book signing bukas, ano game ka ba?” dugtong pa niya. Palagi kaming nagbabardagulan through call or chat pero ganyan talaga ang tinatawag naming bonding.
“magpapa-alam lang ako kay mama, anyway anong oras alis natin?” tanong ko.
“Maybe 7:30 bukas ng umaga, pero susunduin nalang kita diyan sa bahay niyo, okie?” aniya. hindi narin ako tumanggi pa upang maka tipid ng gastusin, kailangan ko pa kasing mag plete kung ako ang magsusundo sa kanya sa bahay nila. bonggahan naman kasi ang kaibigan kong 'yun kaya may sariling sasakyan kaagad.
hindi ko namalayang nakatulog pala ako pagkatapos naming mag usap ni Nephtalie. Alas-singko na ng umaga ako nagising at hindi man lang nakapag-dinner kagabi. Inayos ko muna ang higaan ko tsaka lumabas nang kwarto. naabutan ko pa si papa sa sala na nagkakape, akala ko ay maaga pa itong umalis kanina.
“ang aga mo yatang nagising? may lakad ka ba ella?” tanong nito.
“w-wala po, ano kasi nagising nalang ako bigla kanina tapos hindi na ako makatulog ulit.” sambit ko saka ngumiti ng matipid para hindi siya magduda, usually kasi ala-syete na ako ng umaga nagigising kaya siguro nanibago siya, tsaka paniguradong hindi ako nito papayagang umalis kapag alam niyang book signing ang pupuntahan ko.
maya-maya pa ay umalis narin ito. kaya tumungo agad ako sa kusina para mag paalam kay mama, nakalimutan ko palang sabihin sa kaniya kagabi ang tungkol sa lakad namin ni Neph.
“good morning ma.” bati ko sakanya habang nagluluto siya ng ulam.
“himala at maaga kang nagising, anong meron?” ika niya.
“ma, niyaya kasi ako ni Nephtalie kahapon na pumunta sa book signing, ayos lang po ba kung sasama ako?” pagpapa-alam ko sa kanya.
“sige anak, basta bago mag alas-sais  mamaya nandito ka na ah? baka magalit sayo ang papa mo kapag nalaman niyang umalis ka ng hindi nagpapa-alam.” wika nito.
“opo ma.” sagot ko naman habang naka ngiti.
hindi ako nag dinner kagabi kaya bumawi ako ngayon ng kain. pagkatapos ay nag toothbrush agad ako saka naligo. nag suot lang din ako ng high waist square pants na kulay black at pink crop top saka white shoes.
makalipas ang ilang minuto ay dumating narin si Nephtalie. nagulat pa ito kung bakit ang laki ng bag na dala ko, hindi niya yata alam na maraming books ang dinala ko.
“ma, alis na po kami.” paalam ko ulit kay mama bago kami umalis.
pagdating namin sa venue ay marami-rami naring tao pero dahil may isang book na kulang si Nephtalie ay sinamahan ko nalang itong bumili.
“owshiee, sorry po kuya, hindi kasi kita nakita.” napatingin naman ako sa kaibigan ko ng mabangga nito ang isang lalake—na kilala ko.
“it's okay.” tanging sagot niya.
“pwede ko bang malaman ang name mo, kuya?” sambit naman ni Nephtalie. kahit saan talaga walang tigil ang kaharutan niya. nilapitan ko nalang ito kaagad upang patigilin ang panggugulo kay kuyang pogi at mukhang wala rin naman itong balak na sabihin ang pangalan niya.
“hi, pasensya ka na dito sa kaibigan ko, masyadong mataas ang confidence eh, by the way, nice meeting you, Zenrick.” bati ko habang nakangiti.
“oh, nice meeting you too, miss.” saad niya. isa rin itong author ngunit nagkataon lang na hindi siya kilala ng kaibigan ko dahil iba naman ang bet nito, samantalang  ako ay fan na fan niya. mukha lang itong intimidating pero mabait talaga siya, hindi nga lang talaga ako sure.
casual lang siyang kumilos, he's not even minding his fans na puwedeng mandumog sa kaniya sakaling makita nila ito.
“ah hehehe, uhm, actually I am your fan, matagal na. Pwede bang pa autograph nitong diary ko?” nag aalangan pa akong makiusap dahil baka snob pala talaga siya, pero thankful naman ako ng ngumiti ito.
“akin na.” wika niya at saka kinuha ang ballpen na naka sabit sa kanyang t-shirt. Ang gwapo! napatulala lang ako dito nang biglang tapikin ni Nephtalie ang braso ko kaya nabalik ako sa wisyo. Binuklat ko rin agad sa bag ko ang diary saka inabot sa kanya.
napangiti pa ito ng bahagya nang makita ang pangalan niya sa first page. Nakakahiya!
“here.” ibinalik din nito agad ang diary ko pagkatapos mapirmahan. Nag offer din siya na mag papicture para naman may remembrance, nakakahiya man pero sabi nga nila 'always grab the opportunity' kaya sabay namin na inabot kay Nephtalie ang mga cellphone namin para mag pa-picture.
pagkatapos ng mala wattpad na eksenang 'yun ay naghanap narin kaagad kami ni Nephtalie ng mauupuan. Syempre sa harap kami umupo para makauna sa pila mamaya
see? mga matatalinong nilalang.
“ang galing niyo talagang dalawa ni Zenrick eh 'no? ginawa niyo ba naman akong third wheel kanina.” saad ng kaibigan ko habang pakamot-kamot pa sa batok niya. kung siya maharot, ako naman semi lang, charot!
“tss, problema ko ba 'yun? hindi mo kaya sinabi sa'kin na gusto mo palang mag take ng pic' kasama siya.” sagot ko naman at ang loka inirapan lang ako, sabay sabing, “edi sanaol nalang sa'yo, alam ko namang crushiee-crushiee mo siya.” napahagikhik pa ito habang inaasar ako.
“at least isa lang mahal ko, siya lang.” sambit ko naman. Bakit ko pa ide-deny kung totoo naman?
“yuck, corny mo mainlove, zayella!” napangiwi pa ito. kung umasta akala mo talaga hindi niya naranasang ma inlove, pero ang totoo naging maharot lang naman 'yang kaibigan ko pagkatapos ma broken noon. siguro dahil hindi na niya kayang  magtiwala at ayaw niya ng maniwala pa kaya ngayon hindi niya na sineseryoso ang pagmamahal. Go with the flow nalang ganun. Samantalang ako, it's my first time na magkaroon ng tinatawag nilang 'someone'.
alas-dyes na ng magsimula ang program. Natuwa ako ng si Zenrick na ang tinawag ng host, ang cool niya. This time nakasuot na ito ng black shirt with his name on it. This is actually my first time meeting him, noong nakaraang book signing kasi ay hindi talaga ako nakakapunta.
pagkatapos na matawag ang lahat ng authors ay nagsimula narin ang pila para sa mga magpapapirma. Hindi naman ako nahirapang makisiksik pa dahil pang seven ako sa line ni Zenrick, si Nephtalie naman ay nasa kabilang pila.
nang ako na ang kaharap niya ay tumaas pa ito ng tingin sakin at nagulat ako ng ngumiti ito ng malapad.
“Woah, you really brought five of my books? ang astig, thank you.” lahat ng books niya binili ko talaga, 'yung iba matagal na at ang dalawa diyan ay noong nakaraan ko lang nabili. Makikita mo talaga sa mga mata nito kung gaano niya na appreciate ang effort ng mga readers na pumunta. Pero dahil kaunting time lang ang ibinigay na makipag-usap sa kaniya, ay nag pa-picture nalang ulit ako kasama siya. Kumaway-kaway pa ito ng tumalikod ako papunta sa kabilang linya para mag pa pirma sa ibang authors.
gusto ko sanang sabihin na i-accept niya naman ako sa facebook, pero hindi naman ganun ka kapal ang face ko para sabihin 'yun.
hapon na ng matapos kaming mag pa-pirma ni Nephtalie. tiningnan ko ang oras at quarter to 4pm na pala. Kung wala sanang limit ang time ko, edi sana pinatapos muna namin ni Nephtalie ang buong program bago umalis.
bago pa man kami tuluyang lumabas ng mall ay tiningnan ko muna ang lahat ng mga authors at readers.
sana sa susunod na taon, isa narin ako sa mga author na pumipirma ng sariling libro habang binabati ang mga readers.
sana isa ako sa mga author na tinatawag at pinapalakpakan ng mga tao.
at sana, makatabi ko si Zenrick, sa tuwing may book signing.
“bess, tara na?” tumango ako saka lumabas na agad ng mall. buti nalang at dala ni Nephtalie ang sasakyan niya at walang traffic kaya nakarating agad kami sa bahay.
“ang init!” saad nito habang pinapaypayan pa ang sarili.
“at dahil nandito ang kaibigan mong si Zayella Mendoza” dugtong ko saka tumawa, kinurot pa nito ang tagiliran ko sa umiling-iling.
kinamusta kaagad kami ni mama, pagkapasok namin ng bahay, sinabi kong masaya naman ang lakad namin. Si Nephtalie naman ay nakipag-kuwentuhan pa talaga kay mama, nabanggit din niya na may crush daw ako. akala ko magagalit si mama pero sinabi niya lang na 'wag masyadong obsessed.
hindi nagtagal ay umuwi na rin siya. Si mama naman ay magluluto pa sana ng makakain ko pero sinabi kong huwag na dahil baka pagod siya. Palaging nandito lang si mama sa bahay, dati kasi siyang guro, ngunit dahil simula pagkabata niya ay mayroon na siyang heart disease at mas lalo siyang inaatake kapag stress sa trabaho, 'yon din ang dahilan kung bakit maaga siyang nag retired as a teacher. Well, that's sad pero mas mabuti nang maingatan ang health niya kasi may trabaho naman sina papa at ate.
pumasok muna ako sa kwarto ko at binuklat ang mga libro na dinala kanina, kasama narin doon ang diary ko. Ang gandaaa talaga ng signature niya, mas maayos pa sa buhay ko.
nawili ako sa pagtingin-tingin sa mga libro kaya hindi ko namalayan na hapon na pala. Siguradong nakauwi na si papa. Naligo muna ako bago lumabas ng kwarto. Sabay pala sila ni ate na umuwi.
“how's your study?” salubong na tanong ni papa ng makita ako,  akala siguro niya nagbabasa ako ng lessons buong araw sa kwarto.
“ano ka ba, fred. nag-aaral rin naman ng mabuti 'yang anak mo, mas mabuting makapag-pangiha din siya.” bago pa man ako makasagot ay nagsalita na si mama.
“I'm just checking.” saad ni papa. Ngumiti nalang ako kay mama as a sign na 'wag ng sumagot at baka sila pa 'yung magbangayan.
Do you know how hard it is to live, with this kind of family? hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, alam ko naman na this is for my future, pero masyado na akong na pe-pressure ni papa sa pag-aaral. At the end of the day, I just want to be happy, I just want to have a peace of mind.
Yung tipong kapag gumising ka sa umaga, hindi mo na kailangang mag-alala o matakot kapag nandiyan 'yung papa mo kasi alam mo na palagi lang itong naka suporta sa'yo. Yung tipong alam mo rin na hindi mo kailangang ipagpilitan ng sobra sobra ang sarili mo sa mga mahihirap na bagay, dahil alam mong sapat na 'yun sa pamilya mo, at hindi mo na kailangan pang makipag-kompitensiya sa kapatid mo dahil alam mong pareho lang kayong the best, on the eyes of your parents.
“pa, umatend 'yan ng book signing kanina, akala niya yata hindi ko malalaman.” napatingin ako kay ate dahil sa sinabi niya.
nasigawan ako at napagalitan.
ano ba'ng masama do'n?
I just want to witness how amazing it is when you finally met your favorite authors.
I just want to be a writer, just like them. But the world won't allow me.

Komentar Buku (4)

  • avatar
    Joshua Quierre

    Good story

    06/08/2023

      0
  • avatar
    Ariaaaaan

    Support! Keep on writing. More stories to come 🥺❤️

    04/05/2022

      0
  • avatar
    JungcoJohn

    good story

    03/05/2022

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru