logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 3: Horror

"Well, Tiana. My favorite girl, napansin namin ang sign at pinansin namin ang sign but you're still here! Meaning p'wede mo pa kaming bentahan."
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "Ang kapal naman ng mukh—" Naputol ang aking sasabihin ng tumunog ulit ang bell ng pinto, napatingin kaming tatlo sa gawi ng pinto at ako'y nagulantang nang makita ko kung sino ang pumasok sa cafe.
Bakit kailangan ngayon pa?
"We are cafe, char Ana, hinatid ko na ang mga ana—" Bago pa matapos ni Ara ang kaniyang sasabihin ay tumakbo na si Magnus papasok sa cafe at sinundan naman ito ni Vanus na kalmadong naglalakad, "well, there you go, ngayong naihatid ko na sila uuwi na ako. Bye Magnus! Bye Vanus! Bye Tiana! Muah!" wika niya saka umalis.
Si Magnus naman ay pumasok sa counter saka kumuha ng cupcake at bago ko pa ito pagsabihan ay naunahan na ako ng kuya niya.
"Magnus, you shouldn't go there. If you want a cupcake we should pay for it," wika ni Vanus, "Mom, I still have my pocket money. P'wede po ba kaming bumili ng cupcake?"
"Oh my baby, 'di ba sabi ni Mommy you can only have five sweets a day unless there's a celebration or occasion and I gave you five cookies each this morning for your snacks. I'm afraid I can't let you have another one, baka sumakit ang ipin niyo."
Tumingin siya sa gawi ni Magnus na kumakain na pala ng cupcake.
I was about to stop Magnus from finishing the cupcake when Vanus stopped me.
"Hindi po namin inubos mag-isa yung cookies, we shared it with our friends, I ate two cookies and Magnus ate three cookies," saad niya.
"Really? Wow! My babies are so thoughtful, and for that, I will give you the cupcake for free! You can have three and Magnus can have another cupcake because he's already eating the other one," wika ko saka kami lumakad ni Vanus sa counter at bago siya pumasok ay nag salita ulit ako,"pero bago 'yon mukhang may nakakalimutan kayo."
They looked at each other, Magnus put his cupcake down and they hugged me. "We're back, mommy!" wika nila saka bumalik sa pagpili ng cupcake.
"Okay, after n'yo kumuha ng cupcake umupo lang kayo at mag-behave. Tatapusin ko lang ang paglilinis at uuwi na tayo."
"Okay, but who are they?" tanong ni Magnus.
Napako ako sa aking kinatatayuan nang marining ko ang tanong ni Magnus at dahan-dahan akong lumingon. Nakita ko ang gulat na ekspresyon ni Felix at ang ngisi ni Jonas.
Damn! I forgot about them, what am I going to do now? Nakita niya na sila Magnus at Vanus, what am I going to do now? This day sucks.
"Mommy? They are...your sons?" mahina at nanginginig ang boses na tanong ni Felix sa akin.
Ako naman ay napalunok at pilit na ngumiti. "Yes."
Hindi ko hinintay na sumagot siya at lumakad ako palapit sa aking mga anak na kanina pa tahimik na nakaupo sa isang upuan, sa bawat hakbang pakiramdam ko ay ano mang sandali matutumba ako dahil sa sobra kong panginginig.
"Uhm...una na kami, Tiana. May tinatapos pa kasi kaming trabaho, dumaan lang kami para sana bumili kaso sarado na kayo. Ingat na lang kayo sa pag-uwi ng mga anak mo, see you!" rinig kong wika ni Jonas at inakbayan si Felix.
Umiwas na ako ng tingin at kumuha ng tissue para sa aking mga anak. Hindi ako lumingon at makalipas ang ilang minuto ay narinig ko na ang bell sinyales na lumabas sila.
"Mom, who are they?" pag-ulit ni Vanus sa tanong ni Magnus.
Napakagat naman ako sa aking labi at pilit kong sinagot ang kaniyang tanong. "They are my friends, old friends."
"Bakit po gano'n ang reaksyon niya noong sinabi mo pong anak mo po kami? Mommy, bakit po sila gano'n? Ayaw po ba nila sa amin? Iiyak ka na naman po ba?" naiiyak na wika ni Magnus.
"No, baby. Hindi naman sa ayaw nila sa inyo, gulat lang sila kasi sabi ni mommy dati ayaw ni mommy magpakasal so siguro hindi lang sila makapaniwala na may dalawa akong pogi at mababait na anak." Tumabi ako sa kanilang dalawa at sabay ko silang niyakap.
This type of situation is not new to me because I'm used to it, but every time I saw them cry and think that a lot of people hate me because of them is enough to break my already broken heart.
"Mom, kung kasama ba natin si daddy hindi ka na mahihirapan?" tanong ni Vanus na nagpabilis sa tibok ng puso ko.
Siguro kung ako ay tatanungin kung ano ang kinakatakutan ko ang isasagot ko ay ang hanapin nila ang tatay nila. Alam kong hindi tama at ipinagkakait ko ang karapatan nilang makasama o makilala ang tatay nila, hindi ko man ito gusto pero mas makakabuti ito para sa amin. Minsan naiisip ko na baka dahil sa pagiging makasarili ko masaktan ang mga anak ko.
IBINABA ni Jonas ang tawag saka humarap sa akin, "Bro, sabi nila bukas pa raw darating ang mga in-order mo. Hintayin mo na lang." wika niya.
Hindi ako nag salita at tumango na lang, umupo siya sa harap ko at kinuha ang ka niyang gitara.
"Ano naman ang iniisip mo? Lalim naman."
"P'wede ba, 'wag mo muna akong pestehin. Sinisira mo ang concentration ko," wika ko saka sumandal sa sofa at tumingala sa kisame.
'...see you!'
'...see you!'
'...see you!'
See you...kaya niya ba sinabi 'yon kasi gusto niya ulit akong makita? Kailan kaya kami magkikita ulit? Siguro busy lang talaga siya kaya hindi siya pumayag lumabas kasama ako.
"Felix, tara." Tumayo si Jonas at kinuha ang kaniyang susi.
"Ikaw na lang, wala akong energy lumakad nang lumakad," wika ko saka ipinikit ang aking mga mata.
"Okay, V&M Cafe! Here I come!"
"Let's go!" Umakbay ako sakaniya at naunang lumabas ng pinto.
Ngumisi lamang si Jonas at umiling saka sumunod sa akin. "Wala raw siyang energy, tsk."
Nang marating namin ang aming destinasyon ay agad akong bumaba ng sasakyan, aktong lalakad na ako papasok sa pinto ng mapansin ko ang isang sign.
Binasa ko ang nakasulat. "I'm sorry, the cafe is now closed. Just come back next time, see you tomorrow!"
Closed? Hapon pa lang naman 'di ba? May nangyari ba?
Sumilip ako sa salamin at nakitang walang tao sa loob naisip ko na baka sarado na nga at wala nang tao kaya naman umatras ako at humarap sa sasakyan kung saan huli kong nakita si Jonas, nang hindi ko siya nakita sa gawing 'yon ay inilibot ko ang aking mata. Nakita ko si Jonas na akmang bubuksan ang pinto kaya naman pinigilan ko siya.
"What the—what are you doing?! That's illegal! That's trespassing!"
"What do you mean? I'm a customer and this is a cafe. I'm here to buy a coffee, is buying coffee illegal?" sagot niya.
Napangiwi naman ako sa kaniyang sagot.
"Ang pagbili ng coffee ay hindi illegal kapag bukas ang cafe, pero kung SARADO ang cafe ay aba't oo naman, sigurado akong illegal 'yon," wika ko at sadya ko namang idiin at inilakas ang pagkakasabi ko sa salitang 'Sarado'.
"Oh, they are already closed?" wika niya na para bang ngayon lang niya ito nalaman. Inikot niya ang sign sabay sabi, "well, I guess not anymore? 'Welcome to V&M Cafe! We are so glad to see you again!' Me, too." dagdag niya saka walang pakundangan at pasabing pumasok.
This guy is really nuts, I just hope Tiana will let this slide because I know what she can do to him.
I was about to drag him out of here but when I saw Tiana go out from the locker room with a mop in her hand. I stopped and was gathering all of my confidence and courage to talk to her, but I guess Jonas is really nuts and he has a death wish .
"Hey, Tiana!" wika niya na para bang bata na nakuha ang regalong matagal niyang hinintay.
Sinipa ko si Jonas at saka ako nag salita. "Hello, sinamahan ko lang siya bumili. Sorry, bukas paba kayo?"
"Uhm... I'm sure may sign kami sa pinto? Hindi niyo ba napansin or hindi niyo pinansin?" nagsususpetsa niyang tanong na tinawanan lamang ni Jonas at ako ay umiwas ng tingin baka sakaling babalik sa normal ang mabilis na tibok ng aking puso.
Damn, after all these years she can still affect me the way she affected me before, making my heart skips a beat. Tiana, you sure are amazing.
"Well, Tiana. My favorite girl, napansin namin ang sign at pinansin namin ang sign but you're still here! Meaning p'wede mo pa kaming bentahan." Kumunot naman ang noo ko sa kaniyang sinabi. My favorite girl, my favorite girl. Favorite mo mukha mo.
Tumaas ang kilay ni Tiana sa sinabi ni Jonas. "Ang kapal naman ng mukh—" Naputol ang kaniyang sasabihin nang tumunog ulit ang bell ng pinto.
Napalingon naman kaming dalawa ni Jonas sa pinto at pumasok ang isang babae at binati si Tiana.
"We are cafe, char Ana hinatid ko na ang mga ana—"
Naputol din ang sinasabi niya dahil tumakbo papasok ang isang batang lalaki na ngayon ko lamang nakita, kasunod naman niya ang isa pang batang kamukha niya na banayad lang ang galaw at kalmadong lumalakad.
"Well, there you go, ngayong naihatid ko na sila uuwi na ako. Bye Magnus! Bye Vanus! Bye Tiana! Muah!" dagdag niya saka ito umalis.
Twins? They are twins? Wait. Hold on, twins...
Napatingin ako kay Jonas at ngumiti lang ito sa akin.
No, maybe they're the other girl's children? Don't jump to any conclusions, Felix! Don't!
"Magnus, you shouldn't go there. If you want a cupcake we should pay for it," sabi ng bata na kanina ay naglalakad sa kaniyang kapatid, "Mom, I still have my pocket money. P'wede po ba kaming bumili ng cupcake?"
"Oh my baby, 'di ba sabi ni Mommy you can only have five sweets a day unless there's a celebration or occasion and I gave you five cookies each this morning for your snacks. I'm afraid I can't let you have another one, baka sumakit ang ipin niyo," saad ni Tiana.
Hindi naman ako makapaniwala sa naririnig ko, pakiramdam ko ay sasabog na ang aking ulo sa mga bagong impormasyon na nalalaman ko.
Mommy? Baby? Pero wala naman siyang suot na singsing! Is she married? Engaged? Or in a relationship? Damn. What is happening.
"Hindi po namin inubos mag-isa yung cookies, we shared it with our friends, I ate two cookies and Magnus ate three cookies," depensa naman nung bata.
"Really? Wow! My babies are so thoughtful, and for that, I will give you the cupcake for free! You can have three and Magnus can have another cupcake because he's already eating the other one," sabi ni Tiana saka sila lumapit sa batang nasa counter na kumakain na ng cupcake, "pero bago 'yon mukhang may nakakalimutan kayo."
Inilapag ng isang kambal ang kaniyang hawak niya na cupcake at niyakap nila si Tiana. "We're back, mommy." sabay nilang wika.
"Okay, after niyo kumuha ng cupcake umupo lang kayo at mag-behave. Tatapusin ko lang ang paglilinis at uuwi na tayo."
"Okay, but who are they?" Kumagat ito sa kaniyang cupcake at tumingin sa gawi namin ni Jonas.
Natigilan si Tiana sa kaniyang kinatatayuan ako naman ay hindi mapakali at hindi makapaniwala sa aking nalaman.
Ang mga tanong na hindi ko pa nahahanap ang sagot ay nadagdagan pa ng mas maraming tanong.
"Mommy? They are...your sons?" mahina at nanginginig kong tanong kay Tiana.
Hindi ko gustong ipakita sa kaniya ang mga pagkakataong mahina ako ngunit hindi ko mapigilan ang aking damdamin. Halo-halo ang aking emosyon at hindi ko na alam kung ano ba ang aking uunahin o dapat maramdaman, masyadong marami ang pangyayari sa isang araw lamang.
Una, nakita ko ulit ang babae na pinakamamahal ko. Pangalawa, nalaman ko na may anak na siya.
"Yes."
Naramdaman ko ang panlalamig ng aking buong katawan, hindi ko mapigilan ang panginginig ng aking mga kamay at bago pa man ito lumala ay umakbay sa akin si Jonas at nagpaalam na aalis.
"Uhm...una na kami, Tiana. May tinatapos pa kasi kaming trabaho, dumaan lang kami para sana bumili kaso sarado na kayo. Ingat na lang kayo sa pag-uwi ng mga anak mo, see you!" Hindi ko siya narinig na sumagot at hindi ako lumingon dahil natatakot ako na kapag lumingon ako ay makikita niya ang mga luhang pumapatak galing sa aking mga mata.
Sumakay kami sa sasakyan ni Jonas, hindi siya nagsalita at hinayaan akong ilabas ang aking nararamdaman.
Sino nga ba kasi ang niloloko ko? Tama naman si Jonas. Sobra akong naging kampante. Hindi ko muna siniguro at naniwala ako sa aking kutob.
Matagal kaming hindi nagkita o nag-usap, hindi ko na alam kung paano at ano na ang ginagawa niya sa buhay niya, pero kahit na wala akong alam o kahit masaktan ako ay gusto ko pa rin umasa. Masama ba na gusto ko pa rin umasa at maniwala na babalik kami sa dati kahit malabo na?
"You know, bro. I think you're moving to fast. Just give it a rest, just wait kasi malaki na ang pinagbago niyo. Hindi na kayo tulad ng dati na walang ibang aalalahanin kundi pag-aaral. Patience, bro, patience."
Bumaba na ako ng sasakyan, hindi ako nag paalam at pumasok na lang sa aking bagong bahay. Hindi ko pa naaayos ang aking mga gamit at maalikabok pa pero hindi ko na ito ininda, ako'y nahiga sa sahig sakaipinikit ang aking mga mata at hindi ko namalayan na ako'y unti-unti nakakatulog na.
Pagmulat ko ay agad akong napatingin sa orasan, alas-otso na ng gabi at hindi pa ako kumakain ng hapunan kaya naman ramdam ko ang pagkalam ng aking tiyan. Tumayo ako para sana kumuha ng makakain ngunit napansin ko ang aking cellphone sa sahig, pinulot ko ito at nakita ko na mayroon akong mensahe galing kay Jonas.
[It's almost eight years simula nang maghiwalay kayo ni Tiana, and guess what? ]
From: Jonas
Today, 4:56pm
Pinili ko na hindi ito pansinin at aktong ibababa ko na ang aking cellphone ng makatanggap ako ng bagong mensahe galing na naman kay Jonas.
[They are turning eight this year.]
From: Jonas
Today, 8:02pm
Tinawagan ko ang numero niya at hinintay na ito'y kaniyang sagutin, makalipas lang ang dalawang ring ay sinagot niya ito.
"Oh, Hey! Felix. Kumalma ka na ba?" bungad niyang tanong sa akin.
"What do you mean?" tanong ko.
"What do I mean? What I mean, of course."
"What. Do. You. Mean." ulit ko sa aking tanong.
"That's for me to know and for you to fin—"
Hindi ko na siya pinatapos at ibinaba ko na lang ang tawag para tawagan ang isa ko pang kaibigan na agad namang sinagot ang aking tawag.
"Hey, Kyle. Can you run a background check on someone?"
"Hmm, sure. Who?" walang gana niyang tanong.
"Tiana, Tiana Moore."

Komentar Buku (37)

  • avatar
    Vinsent Belan Quinay

    a really good story

    3d

      0
  • avatar
    Anthony II Cortez

    The content is very good

    22d

      0
  • avatar
    PabelloJembie

    thank you

    30/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru