logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 7

Chapter 7.
Ezra's POV.
Ikunwento ko sa kaniya ang lahat at hindi siya makapaniwalang naranasan ko 'yon sa dati kong eskwelahan.
"Ano ba ang pangalan ng dati mong skwelahan?" Takang tanong nito.
"Oxbridge Meadow Academy," sagot ko.
"Ano na pagkatapos no'ng marating at matingnan mo ang isang classroom?"
"Nakita kong may dugo, malapit sa pinto. No'ng una hindi ko gustong buksan 'yon pero may narinig akong pamilyar na boses..."
Flashback...
"Tulong!" Mukhang naghihinang saad ng isang pamilyar na boses.
"T-tulong..." Ulit nito.
"Zeb?"
"Ezra..."
Agad kong pinilit na buksan ang pinto pero naka-lock iyon.
"Huwag kang pipikit, okay? Hihingi lang ako nang tulong," saad ko.
Agad kong kinapkap ang bulsa ko kung na saan ang cellphone ko pero... P-paanong... Nawala...
Wala na akong oras para hanapin 'yon...
Hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad na tumakbo, kung na saan nakapuwesto ang body guard.
"Guard!" Sigaw ko.
Hinihingal ako habang tinitingnan ang buong paligid, hinahanap kung na saan ang body guard, tiningnan ko ang gate at doon nakitang nakasarado ito. Halos mawalan ako nang lakas ng makita iyong nakasarado, agad akong pumunta sa gate at sumigaw.
"Buksan niyo 'to!" Sigaw ko.
"Please buksan niyo 'to..."
"T-tulong!" Na-iiyak na sigaw ko.
Bakit nga ba ako sumisugaw? Wala nang makakarinig sa akin dahil malayo ang skwelahang 'to at sa laki nito wala talagang makakarinig sa akin.
Tumakbo akong muli kung na saan si Zebi, kahit madilim ay pinipilit kong makita nang malinaw ang dinadaanan ko.
Nang makarating ay agad kong binigkas ang pangalan ni Zebi.
"Zeb," na-iiyak na saad ko.
"Ez..."
"P-lease hu-huwag kang pipikit," umiiyak na saad ko.
"Hindi ko na kaya," saad nito.
"Sino ang may gawa nito sa 'yo!" Galit kong saad.
"Ayaw kong galawin ka nila," mahinahon ngunit klaro sa hininga nitong nahihirapan siya.
"Anong ibig mong sabihin..."
"Okay lang ako, paalam..." Saad nito na nagpa-yak sa akin ng todo.
"Zeb! Zeb, p-please... Wag!" Sigaw ko habang hinahampas ang pinto.
Kahit anong gawin kong paraan para mabuksan ang pinto ay hindi ko magawang buksan iyon, wala akong sapat na lakas para mabuksan 'yon.
Kinabukasan...
Nabuksan ang pinto pasado alas sais ng umaga.
Buong gabi akong nag-abang sa gate para makahingi nang tulong at nagbabakasakaling dumating ang body guard at maagapan si Zeb. Iyak lang ang tanging nagawa ko, hindi ako mapakali at kahit ilang libot ang gawin ko para makita ang cellphone ko ay hindi ko iyon makita dahil sa dilim na oumapalibot sa buong paligid.
"Oh bata bakit nandito ka pa? Akala ko ba naka-uwi ka na."
Saad ng body guard ng makita ako sa harapan ng gate. Nagulat naman ito nang makita ako, kaya naman agad ko itong kinausap.
"Kuya... Ease tulungan mo 'ko," saad ko habang umiiyak.
"Bakit may dugo 'yang kamay mo?" Takang tanong nito sa akin.
"Kuya 'yong kaibigan ko, please..."
"Ano bang nangyari? Na saan?" Sunod-sunod nitong tanong.
"Doon po," sagot ko sabay turo sa daan.
Tinakbo namin ang daan at nang makarating ay agad iyong binuksan ni kuyang guard, at halos gumuho ang mundo ko nang makita si Zebi na parang naliligo sa sarili niyang dugo. Napaluhod ako at napaiyak.
Narinig ko naman si kuyang guard na tumawag ng pulis at ambulansiya. Habang ako ay hawak-hawak ang kamay ni Zeb. Hindi ko akalaing mangyayari 'to sa kaniya. Dapat pala pinilit ko siyang huwag lumayo sa 'kin...
"Z-zebi..." Umiiyak kong turan.
Ilang sandali pa ay may narinig na akong ambulansiya at serena nang pulis. Kinuha nila ang katawan ni Zebi kasabay no'n ang pagtatanong nila sa akin tungkol sa krimen.
Pagkatapos nila akong tanungin ay inihatid nila ako sa bahay.
I just cried a lot while my mother do comfort me but I can't still feel better...
"Mom... Puntahan natin si Zebi, please..." Saad ko habang umiiyak.
"Baka mapa'no ka ro'n anak, alam mo namang pinaghihinalaan ka nilang suspek," nag-aalalang saad ni mama.
"Hindi ako ang pumatay sa kaniya, wala akong ginawa, ma... Hindi ko magagawa 'yon sa kaibigan ko..."
"Alam ko..."
"Huwag mo ngang i-spoiled ang babaeng 'yan ma, tsk! Bakit hindi mo na lang aminin ang ginawa mo, ha!" My step sister said.
Napatayo ako dahil sa galit, alam kong isa siya sa mga nanakit kay Zeb no'ng makita sila sa isang pasilyo.
"Shu the f*ck up, you little bitch! Wala akong kasalanan at kapag napatunayan ko 'yon, alam kong isa ka sa mananagot, tandaan mo 'yan!" Galit kong saad.
Pumunta naman agad ako sa kuwarto ko, ini-lock 'yon at do'n umiyak.
Nang marinig akong biglang isang sigawan galing sa ibaba.
"Ezra!" Sigaw ng isang pamilyar na tinig.
Alam kong mama 'yon ni Zebi, kaya agad akong bumaba. Pagkababa ay nakita ko ang galit na galit nitong mukha kasama nang ate ni Zebi.
"T-tita..." Saad ko.
"Huwag mo 'kong tinatawag na tita! Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang anak ko, ang bait bait niya sa 'yo... Pa'no mo nagawa sa 'min 'to..." Umiiyak nitong saad.
"Hindi ko siya pinatay, bakit ako ang pinagbibuntangan ninyo!"
"At ikaw pa ang may ganang sigawan kami?"
"Dahil hindi totoo ang pinaparatang ninyo sa 'kin! Hindi ko magagawa ang bagay na 'yan..."
"Ginawa ko lahat ng paraan para mailabas si Zebi sa classroom na 'yon! G-ginawa k-ko lahat..."
Hindi na sila muli pang kumibo at napaluhod na lamang habang ako naman ay nakayuko habang patuoy na tumutulo ang mga luha sa mata.
Bakit ako pinagbibuntangan nila?
Bakit ako!
Wala akong ginawang masama...
Planado ang lahat ng 'to...
May salarin sa likod nito... At aalamin ko 'yon!
Hindi ako titigil hanggat hindi ko mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Zebi...
Natapos ang isang araw ng puro iyak ang ginawa ko, at hindi rin ako makakain dahil sa pangyayari. Para nang kapatid ang turing ko kay Zebi, siya lang ang pinagkatiwalaan ko, siya lang ang taong nagbibigay ng saya sa akin sa tuwing alam niyang malungkot ako pero... Wala na ang taong 'yon... Wala na ang kaibigan ko!
End of Flashback.
Habang kinukuwento sa kaniya ang mga nangyari ay hindi ko maiwasan ang mapaluha...
"Parang planado ang lahat, may alam ka bang taong may galit sa kaibigan mo at sa 'yo?" Biglang tanong ni Blake habang tinatapik ang likuran ko.
"Hindi ako puwedeng mamintang ng walang pruweba," saad ko.
"Hindi ka naman mamimuntang, sa palagay mo lang..."
"Ang step sister ko pati ang nga kaibigan niya," saad ko.
"Mmm... Walang mangyayari kung iiyak ka lang, hindi mababawi nang iyak ang pagkamatay niya..." Seryosong saad nito.
"Kailan ka magsisimulang kumilos?" Dugtong pa nito.
"Hindi ko alam," malungkot kong saad.
"Sabihan mo 'ko pag alam mo na, tutulungan kita..." Seryosong saad nito.
"Salamat," tanging usal ko.
"Eto oh, pagkain. Tanghali na, eh." Saad nito sabay abot ng isang paper bag.
"Salamat," usal ko ulit.
Tumango lang siya at nagsimula nang kumain...

Komentar Buku (32)

  • avatar
    Christian Napoles

    Wow

    10d

      0
  • avatar
    Diane Alcosaba

    good

    07/07

      0
  • avatar
    Adriane Deang

    pogi nga ako eh.

    05/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru