logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 2

Dahil sa pagkastress at pagkabigla ni Mommy kanina ay hinimatay siya pagkadating namin sa ospital kung saan sinugod si Tito Joshua.
Tito Joshua is Mommy's youngest sibling. Si Tito Jeffrey ang panganay nila. They're the Eleazars.
Halos manlambot din ako sa nalamang nangyari sa aking tyuhin. Tumawag si Tito Jeffrey nang malamang inatake sa puso si Tito Joshua. Galing pang trabaho. May sakit na talaga sa puso si Tito Joshua dahil namana niya iyon sa kanilang nanay—ang aming lola. But the news shook us because it's been years since his successful operation. 
Hindi ko rin alam ang gagawin ko kanina nang makitang nanghina at nahimatay si Mommy. Hindi ko naman siya nakitang madalas mastress lalo na't nililimitahan nila ang mga sarili mapagod maasyado. 
But knowing that whenever it comes to family matters, Mommy gets easily affected by it.
Nilingon ko si Daddy na nasa tabi ni Mommy at nakahawak sa kamay niya at may hawak na rosaryo; nagdadasal. Para kaming naubusan ng enerhiya sa sunod-sunod na mga nangyari.
Ayos naman daw si Mommy sabi ng doktor. Stressed at pagod daw talaga. Tinignan ko si Daddy na taimtim na nagdadasal. Paniguradong hindi muna niya pagtatrabahuhin si Mommy dahil sa nangyaring ito.
The door burst open. Mabilis ang paglingon ko sa pumasok. Kahit ang mga kapatid ko na tahimik lang na nakamasid sa aming mula kanina ay napalingon din. Si Tito Jeffrey kasama ang kaniyang asawa na si Tita Evelyn. Namumula ang mata nilang dalawa at dahan-dahang lumapit sa amin. Bumati kami at nagmano sa kanila.
Tito Jeffrey then went to Mommy. Nakakapanibago silang tignan dahil hindi naman sila nagiging ganito katatahimik at kalulungkot. 
Tuwing magkakasama kaming pamilya ay si Tito Jeffrey ang pinakamasiyahin at palabiro. Pero ngayong makita siyang tahimik at nanlulumo, para akong nahahawa. 
Laging masaya ang mga Eleazar pero ibang iba ang nangyayari ngayon.
"Ben, kamusta si Ana?" Ani Tito Jeffrey at bahagyang hinaplos ang ulo ni Mommy.
"Stressed daw sabi ng doktor pero maayos na," ani Daddy. Tumango lamang si Tito Jeffrey at nanatiling pinagmamasdan ang kapatid. Para itong naghahanap ng salitang milalabas.
Tumikhim si Daddy at siya na mismo ang nagtanong tungkol sa pinunta namin dito. "Si... Joshua ba, kumusta?"
Ilang sandali bago bumuga ng hangin si Tito Jeffrey at umiling-iling. Maya-maya ay malakas nang humahagulgol. 
It was like a punch in the face. My eyes heated the moment I heard Tito's sob. Nakuha ko na agad ang pinaparating.
Tito Joshua's gone. Nicole's father is gone. The Eleazars have lost one of their heirs.
Tahimik lang naming pinapanood si Tito Jeffrey na lumalakas ang paghagulgol. Losing a family member is really the most heartbreaking news for someone who's very close and dear to his family.
Naramdaman ko ang pagkalabit ng kung sino sakin. Nilingon ko si Clea na namumula na rin ang mga mata.
"Napano ba si Tito Joshua?" 
Napalabi ako at lalong nanikip ang dibdib. Hindi ko alam kung masasabi ko ba sa kanila ang nangyari dahil hindi ko pa yata iyon kayang tanggapin. 
Inilingan ko na lamang ang kapatid at nag-iwas ng tingin. Agad namang nalihis ang atensyon ni Daddy nang gumalaw si Mommy. Unti-unti siyang dumilat at mas maayos na ang lagay. Bahagyang lumuwag ang sikip sa aking dibdib nang makitang gising na ang ina.
"B-ben? S-si Joshua?" gulantang na sabi ni Mommy. Agad naman siyang hinalikan ni Daddy sa noo at inalalayang umupo. Napunta ang tingin ni Mommy kay Tito Jeffrey na humahagulgol pa rin. Mabilis na nagsitulo rin ang mga luha ni Mommy ngunit nangibabaw ang pagtataka.
"K-kuya? Nasa'n si J-joshua?" Nanginginig ang boses ni Mommy. Palipat-lipat ang tingin ni Mommy kay Daddy at Tito. Tila ba'y nagtataka kung bakit ayaw siya sagutin.
Hindi ko kayang nakikitang ganito si Mommy. She's always strong but seeing her like this, it's breaking my heart.
"Mom..." tawag ko at bahagyang lumapit. Hindi niya ako nilingon at naghihintay pa rin ng sagot sa kapatid.
"Ben! Si Joshua! Nasa'n?!"
"Hindi na kinaya ni Joshua, Ana" si Tita Evelyn ang sumagot. Mom cried immediately upon hearing those words. Kasabay ng pag-iyak niya ang pagbagsak na rin ng mga luha ko.
Para kong ramdam ang nararamdaman ni Mommy. We are very aware how close Mommy and her brothers are. Madalas kaming pumupunta sa bahay nila Tito Jeffrey kahit walang okasyon. Kahit na may pamilya na, hindi mo maikakailang sobra silang magkakasundo at magkakadikit. Na akala mo'y wala laging problema kapag magkakasama. Given that our grandparents are already dead, they only have each other.
Lumapit na si Tito Jeffrey kay Mommy at niyakap ito.
Hindi ko sila kayang nakikitang nanghihina. Para bang katapusan na ng mundo na makita ang pamilya kong maging ganito. 
Lumapit ako kay Daddy na namumula ang matang pinagmamasdan ang pag-iyak ni Mommy. Dad welcomed my hug as we both sob quietly.
It hurts like hell. Sobrang bait ni Tito Joshua. He's the most thoughtful person I know. Kahit sino ay pinagbibigyan niya. Kahit mga kaibigan o kamag-anak ay hindi ito nagpapakita ng kung ano mang kasahulan ng ugali. Kahit kaming mga pamangkin niya ay parang anak na rin kung maituring.
I suddenly remember his youngest daughter. Si Nicole. Paano pa siya na sariling tatay ang nawala? Ano kayang nararamdaman ng pinsan ko ngayon knowing na... wala na siyang ama?
"Iuwi mo muna ang mga kapatid mo" ani Daddy. 
Sumunod naman agad ako at binalikan ang mga kapatid para iuwi. I know that they're curious, too kaya ipinaliwanag ko na lamang ang nangyari. Pagkauwi ay ibinilin ko rin agad sila sa mga kasambahay at bumalik sa ospital. 
I slowly entered Mom's room. Tahimik na ngayon ang kwarto at nagpapahinga na si Mommy. Si Tito Jeffrey at Daddy ang nag-uusap.
Napalingon sila sa aking lahat, pati si Mommy, sa pagdating ko. Ngumiti naman ako sa kaniya at lumapit. Umupo ako sa tabi ng kama niya.
"Mommy, kamusta po?" Pinasadahan ko ng tingin si Mommy. Hindi ito nagsalita at bahagya pang tinabig ang kamay kong humaplos sa kaniya.
Napakagat ako ng labi. Nagtatampo pa rin siya. Nilingon ko si Daddy na tumango lamang sa akin.
Alam na ni Daddy na papayag na ako sa gusto ni Mommy. Sinabi ko na sa kaniya nitong nakaraan at gusto lamang ni Daddy na ako na ang magsabi.
"My... payag na po ako sa gusto niyo..." Buong lakas kong sabi. Mabilis ang paglingon niya sa akin kaya naman ngumiti agad ako.
"May tiwala naman po ako sa inyo at... alam ko naman pong ginagawa niyo ito para sa ikabubuti ko. Sorry nga po pala noong nasagot-sagot ko po kayo. Nadala lang ng emosyon, Mom" 
Unti-unting sumilay ang maliit na ngiti sa kaniyang labi at niyakap ako. Kahit na bahagyang nagulat, tinanggap ko na rin nang buo ang yakap ni Mommy.
"Thank you, Anak. Para sa'yo ang lahat ng ginagawa namin dahil mahal ka namin. This is for your future" mahina niyang sabi. 
I didn't budge or say anything. I let her affection linger because a week without it feels too somber.
Wala naman siguro mawawala kung susubukan, hindi ba? And just like they said, I will benefit from it.
"Magkakasundo kayo noon. Mabait naman si Crane." patuloy ni Mommy.
Tumango na lamang ako. Kahit papaano ay wala nang ibang iniisip si mommy. Maayos na rin kami. Dahil... pumayag na ako sa gusto niyang mangyari.
I let out a very... very long sigh. Three years after my approval, wala namang nangyari. Ni hindi ko man lang nakita o nakilala 'yong si Crane. Kahit na sinabi ni Mommy ang pangalan, nawala na rin sa isip ko ang tungkol doon sa nagdaang panahon.
Ang bago na lamang ngayon ay nasa college na ako.
"Oh, ano?"
Umangat ang tingin ko sa nagsalita. It was Olivia and she's having weird thoughts about my silence.
Nakakapanibago lang sa akin ngayon ay ang kapaligiran. Pero ayos lang dahil kasama ko naman ang best friend ko.
After we graduated in senior high, from an all-girls school, sa isang kilalang university na kami ngayon pumapasok. Nouvaunde University. Nakakatuwa nga at magkasama pa rin kami ni Olivia. Pinilit ba naman niya ang magulang niya na mag-aral din dito sa pag-aaralan ko!
Ayaw niya raw akong iwan at hiwalayan!
"Iniisip ko kung anong itsura ng fiancé ko" sabi ko na mabilis niyang ikinangiwi.
Ang sabi Mommy ay makakasama ko na raw ang mapapangasawa ko kaso hindi natuloy! Kahit mukha, hindi ko man lang kilala. I know that he's an Alfanta kaso hindi naman ako pamilyar sa kanila kahit na ba lagi kong naririnig ang mga pangalan nila sa paligid. 
Plus, he's a guy. I don't even have a crush or male friends, so paano ko siya makikilala?
"Parang excited ka pa? Ayaw na ayaw mo noon ah!" Ani Olivia. Ngumuso lamang ako.
Alam niya ang nangyari noon sa pamilya nila Mommy at ang naging desisyon ko. Noong una ay nag-alala siya sa akin dahil alam niyang ayaw ko ng gano'n ngunit hinayaan na lang din nang malaman din namin nagkaproblema nga ang mga Alfanta.
I was still happy na hindi natuloy 'yon. Thinking that I'll be living under a safe roof with a family friend makes me cringe and gives me chills. It's not that I'm ignorant of men but I was literally just adjusting my life at that time as I just turned 18. Pero ngayong tumanda na, I realize that it wasn't as bad as I thought that time.
"Pero naisip ko, mas maayos pala kung nakilala ko agad siya, noh?" sabi ko nang makalipas ang ilang sandali. Natigil sa paglalakbay ang isip at hinuhuli ang mga tanong o ang mga sakaling mangyari kung nagsama kami agad.
Nagtitigan kami ni Oli and her features makes me admire her more. Olivia is really pretty. Iyong tipong mapapatitig ka sa kaniya at patagal nang patagal, mahirap nang tanggalin. She looks like an angel lalo na ang kaniyang matang bilugan. Maamo ang mukha at maputi rin. We're at the same height kaya talagang hindi nalalayo ang aming pagkatao.
"Para sa akin, hindi. Baka kasi hindi na tayo magsama kapag nagkakilala kayo!" 
Natawa naman ako sa reklamo niya. "Bakit naman?"
Sumingkit ang mata niya. "I heard that Alfantas are clingy and very possessive! Ayaw kong mangyari sa'yo 'yon!"
Dahil nga sa all-girls schools kami ay wala talaga akong kilala sa mga Alfanta. Sure naririnig ko kila Mommy but I've never seen them, or hindi ko lang din alam na sila na pala 'yon. Wala rin naman akong panahon sa mga lalaki lalo na't tutok ako sa pag-aaral at sa mga kapatid ko. I'd rather spend my day with my family, Oli, or my books at home.
"No. Kapag gano'n siya ay hindi ako papayag. Kung ikulong man niya ako, tatakas pa rin ako para sa'yo" seryoso kong sabi ngunit natawa roon ang kaibigan.
"Kinilig naman ako, Eu!" Aniya na ikinagikgik na naming dalawa.
We're taking the same program na konektado sa pagbi-business. Mga magulang namin ang pumili noon dahil mapapakinabangan daw namin 'yon kapag kami na ang papalit sa kanila. 
Of course, it's a family business. Doon na ang bagsak kong trabaho. I don't really mind it at all lalo na't sa murang edad ay namulat na ako sa ganoong paniniwala. Na isa ako sa magpapatuloy sa nasimulan ng aming pamilya.
Ayaw talaga ni Olivia ng course na tungkol sa business dahil may Kuya naman daw siya na mamamahala ng kanilang business pero nang malaman na ganoon ang kukunin ko ay umoo na rin siya sa magulang.
We continued what we were talking about earlier when three men entered the café. Lahat ng tao ay napalingon sa kanila kaya kami rin ay napatingin.
This is the first time I have seen them, except for the other one. He looks friendly. I probably saw him in school since his ID lace was the same as ours, iba lang ang design. Computer studies yata siya. Pero I'm pretty sure na nakita ko siya sa isa naming course tungkol sa finance? I don't really remember.
"Shit, mga Alfanta"
"Si Gab?!" parang nagulat.
"Crane..." medyo nahiya at humina ang boses ng isa.
"Hi, Larry!" tili nila.
Pasimple kong sinulyapan ang nasa gawing gilid namin na mga babae. Nagtilian pa sila nang lingunin sila ng huli nilang tinawag. I chuckled at their reaction. Mukha silang nakakita ng artista.
"Baka isa d'yan ang mapapangasawa mo" bulong sa akin ni Olivia na ikinataas ng dalawa kong kilay. Sila ba 'yon? Mga Alfanta?
Bakit pa ba ako nagtaka eh usap-usapan sila madalas. Pasimple akong lumingon sa mga 'yon ngunit huli na dahil nakaakyat na sila sa second floor.
Dahil Sabado at wala pa namang masyadong school works ay naglibot muna kami ni Oli. May kasama naman kaming driver at bodyguards kaya kung saan-saan kami nakarating.
Pumunta naman kami kila Oli at naabutan pang naroon si Kuya Oliver kasama ang kaniyang 3 years old na anak na babae.
"Baby Rian!" Bungad ni Olivia sa kaniyang pamangkin.
Sumunod lang ako sa kaniya at umupo sa sofa katapat ng Kuya niya. Mukhang galing ito sa labas dahil nakapanglakad pa.
Hindi mo aakalaing may anak na ang Kuya ni Olivia dahilang bata pa nito. Gwapo, matangkad, maganda ang katawa, mabait—lahat na sa kaniya. Kaya hindi ko rin maiwasang magkagusto dito.
Bata pa lang kami ay alam na ni Olivia ang pagkagusto ko sa Kuya niya. Alam din 'yon ng Kuya niya pero itinatawa lang at sinasabing crush lang naman daw. Kaya noong nalaman kong nagkaanak siya ay umiyak pa ako noon!
Sino ba namang hindi! Bigla mo na lang malalaman na may anak ang crush mo!
Natigil ako sa aking pagtitig kay Kuya Olive na mapansing nakangiti na ito sa akin. Si Olivia naman ay nang-aasar na ang tingin.
"Huwag kang mainlove sa Kuya ko!" panunuya ni Olivia. 
Mabilis akong namula at nahihiyang iniwas ang tingin. 'Tong babaeng 'to, pahamak!
Nilapitan ko na lang si Rian para malibang. Grabe ang naranasan ni Baby Rian sa Mommy niya kaya kinuha na lamang nila Kuya Oliver ito sa kaniya. Her mom was Kuya Oliver's ex and she's an abusive mother! Sinasaktan at hinahayaang umiyak nang umiyak na akala mo ba hindi niya ito anak! How cruel she can be. Hindi siya bagay maging ina!
Kinabukasan ay naglibot na naman kami ni Olivia. Sulitin na daw namin ang weekend! Eh kahit saan ay magkasama kami! I don't know with her being so clingy to me lalo na ngayon. Lagi niya pang sinasabi na baka raw kasi bakuran ako ng magiging asawa ko.
Pagkaorder ay pumwesto na kami agad sa madalas inuupuan. A phone call interrupted our talk and when I saw who it was, I immediately answered it.
"Hello po" bati ko kay Mommy. Nagkatinginan kami ni Oli.
"Where are you, anak?"
"Uh, café po malapit sa school. Taste of Hans?" Sabi ko at tinignan pa kung tama ang sinabi ko.
"Oh, malapit ka lang pala. Sunduin ka namin ng Daddy mo. May kasama ka ba?"
"Si Oli po" sagot ko at saktong nagtama ang tingin namin ni Oli. She mouthed "what" that I just shook off.
"Sige, papunta na kami"
"Okay po, ingat. Love you" at pinatay ko ang tawag.
"Sunduin daw tayo nila Mommy" I informed Oli whose brows immediately rose.
"Bakit daw? Saan punta natin?"
Nagkibit-balikat ako. "I don't know. Wala siyang sinabi"
Saktong tinawag na ang aming pangalan para sa order ay natanaw namin sila Mommy sa labas.
"Sila tita" ani Olivia at tinuro ang labas. When we got our order, we immediately left the cafe and went to my parents.
"Hi, Tita! Tito!" si Oli na kumaway pa.
Tumango lang si Daddy at si Mommy naman ay nakipagbeso sa kaniya. Oli even giggled when Mom complimented how pretty she look today. Pumasok na rin naman kami sa sasakyan at nang maalala ang dahilan kung bakit narito sila at dumungaw ako sa pagitan ni Mommy at Daddy.
"Saan po tayo, Mom?" Tanong ko.
Mom smiled lovely. "Sa mga Alfanta"

Komentar Buku (84)

  • avatar
    Thea Labial

    beautiful

    23d

      0
  • avatar
    NaborMark Christian

    ilove this chapter

    19/07

      0
  • avatar
    SidutanDanlyn

    hi Tanong lang po paano pOH mag weddrow Dito sa novelah

    17/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru