logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 1

"Why did you do that, Euna Jane!"
Hindi ko pinansin ang galit na sigaw ni Mommy pagkapasok namin sa hotel room. Agad nila akong sinundan sa pagtakbo ko kanina.
I can't believe her! Ni hindi niya hiningi ang permiso ko kung gusto ko bang maikasal sa taong hindi ko naman kilala!
"Euna Jane!" lalong tumaas ang boses ni Mommy na ikinalingon ko na sa kaniya. She's raging with anger and disappoinment. Sa unang beses, sinabayan ko ang kaniyang galit. Hindi ko susundin ang gusto nila!
"Mommy, why?! Ayoko!" Sigaw ko na rin. Kumunot ang kaniyang noo at mabibigat na ang mga hakbang palapit sa akin.
"Listen to me first, Euna! I'm doing this for your own good!" aniya.
I look at her with so much mockery. I can't believe her! For my own good?!
"For my own good, Mommy?! Ni hindi niyo nga po tinanong sa akin kung okay lang sa akin, 'di ba?!" Uminit muli ang mata ko at pakiramdam ko ay sobrang gulo na ng mukha ko dahil sa nabasang make up.
For years, lagi kong sinusunod ang gusto niya. Lahat ay sinusunod ko dahil ayokong madisappoint sila. Pero ngayon, hindi ko na kaya! Marami pa akong iniisip at kailangang gawin tapos dadagdag pa ang pagpapakasal niya sa akin! I'm still young and studying! I don't need a man in my life, or worse, a husband!
"I know you already have an idea about this! You are not dumb to not know—"
Lalong nangibabaw ang pagkainsulto sa akin. It's like they're just playing with their daughter!
"Yes, Mommy! Alam ko pong may mga ganitong pangyayari lalo na sa mga business tycoons pero hindi ko po inasahang magagawa niyo 'to! Daddy is against this, right!? Kaya bakit niyo ako nilalagay sa ganitong sitwasyon?" Nanghihina ko nang sabi at nilingon si Daddy para humingi ng tulong.
Dad only sighed sadly at me. Nag-iwas siya ng tingin. My lips parted in shock. I could feel how my heart stopped beating and ached for that reason.
My dad didn't say a word.
"Pero pumayag na ang Daddy mo dahil alam niyang mapupunta ka sa mabuting kamay! Crane is—" 
Umiling-iling ako. 
Crane is his name. Even the name itself terrified me.
"Daddy..." tawag ko kay Daddy at nanghihinang  yumakap. Nagmamakaawa akong tumingin sa kaniyang mata para pigilan ang binabalak ni Mommy.
He only sighed and held my face gently.
"It's for your own good... Anak" paos niyang sabi.
Unti-unti naman akong kumalas sa kaniya at nabibitawan ang kumpyansang makakatakas ako sa sitwasyong ito. I felt... hopeless but I kept my composure to still try my best. 
Magmamakaawa ako! I may look like a mess right now but if making myself look more pitiful, I will just make them stop with what they want!
Hindi kailanman ginusto ni Daddy ang ganito! Lalo na kapag envolved kaming mga anak niya, kaya kampante akong hindi mangyayari sa akin ito dahil alam kong hindi papayag si Daddy! I know he loves Mommy so much but I hope he knows how to stop tolerating her! 
She does the worst! My mom can do the worst!
"Mom... Dad... please..." halos lumuhod na ako sa sobrang gustong patigilin sila. 
Dad only look at me with sadness. Na para bang wala na siyang magagawa sa desisyon ni Mommy.
"Mommy..." nanginginig ang boses kong bumaling kay Mommy na sa likod ng disappointment ay sumisilip ang kaniyang pagkaawa sa akin. "I'm still studying, Mom. I don't want to get married yet" I continued to convince her.
She sighed and smiled. "If that's what you're worried about then you will get married after you both graduate, hon."
Her reason is still unacceptable! Marami pa akong gustong gawin pagkatapos grumaduate! At wala pa sa aking plano ang magpakasal. Nobyo nga ay wala, asawa pa?!
"Kahit na, Mommy. Please," I begged more, kahit alam kong wala nang silbi ang pagpupumilit ko.
"Sa isang bahay lang muna kayo titira para magkakilala, and I know him hija. He's my bestfriend's son"
Sa gitna ng panghihina, lalo akong hindi natuwa sa gusto pa niyang mangyari. Bumalik ang pagkawindang ko. 
Ako at isang lalaking estranghero?! Sa iisang bahay?! Ni hindi ko pa nga ito nakikita at nakikilala tapos pagsasamahin nila kami sa iisang bahay?! Ano bang nakain ni Mommy at naisip niya ang ganitong kalokohan?! Pati si Daddy ay sang-ayon pa!
Ano? Magbabahay-bahayan kami?!
Hindi ko kaya. Ayoko nang ganito. Inaayos ko pa ang relasyon ko sa mga kapatid ko tapos may biglang problemang sisingit sa buhay ko?
Wala nang nagawa ang pagmamakaawa ko sa kanila kaya natulog na lamang ako. Itutulog ko na lang ang pag-asang pagbigyan nila ako sa gusto ko. Hindi ko na rin nagawang magpalit at maligo nang magpahatid agad ako sa bahay. Hindi rin nila ako pinigilan lalo na't hindi ko rin sila hinayaan. 
Masyado nila akong inubos.
Tinulugan ko na lang ang pag-asang hinahangad ko sa kanila. Mugtong-mugto ang mata ko dahil sa pag-iyak kagabi. Pero isinantabi ko na lamang iyon at inalala na lamang ang mga magandang nangyari sa gabing iyon. 
Ang masayang pangyayari na lamang ang aking babaunin kinabukasan.
Masaya ako sa naging selebrasyon ng birthday ko. I'm contented already when my siblings dressed up and greeted me last night. And I will forever treasure that moment. I wanted to hug them tightly but I can't, dahil baka lalo lang silang mainis sa akin.
Pagkagising sa umagang iyon ay naligo agad ako. Nagsuot ng isang white lace mini dress para madali akong makakilos at ayaw ko munang magmasikip na damit. I want to refresh my mind. Kailangan kong matahimik muna ang utak ko at huwag muna isipin ang aking maaring maging buhay sa susunod na mga araw, linggo, o buwan. Hindi ko alam kung kailan pero gusto ko munang mapag-isa.
I just don't understand why Dad lets Mommy do that arrangement. I know that they were also arranged but they love each other and that's very understandable. What I really don't understand is why they want me so bad to be with someone whom I don't even know nor love. Ni hindi ko pa rin siya nakikita. At tsaka pinaalam agad nila sa lahat ng tao na may magiging asawa na ako! Ni hindi pa nga ako sang-ayon doon!
Napansin ko na lamang ang aking phone nang tumunog ito. Kaya nang buksan ko ay tumambad ang iba pang mga mensahe ng mga kaibigan ko. They all asked why I didn't attend the after party. Sabi rin nila ay umuwi din agad sila lalo na't wala naman daw ako, ang birthday girl.
I suddenly felt bad about them so I apologized to them through text. I then called my best friend after because her messages were so messy.
"Hello?" She answered on the third ring. Her voice is hoarse and she sounds like I woke her up.
"Oli, sorry kagabi" sabi ko at nilaro ang labi. Sumilip ako sa bintana at nakitang maganda ang araw sa labas. Narinig ko pa ang kung anong paggusot ng higaan at pagbangon niya.
"Hello? Eu?" wala sa sarili nitong sagot. Natawa naman ako.
"Yes, it's Euna. Nagising ba kita?" nangingiti kong sabi at naimagine agad ang inis niyang mukha.
"Hindi, napatulog niyo po ako" she sarcastically said. 
Tumawa lamang ako at nagsorry ulit. Pinag-usapan naman namin ang nangyari kagabi. Ang ginawa ng magulang ko at ang ginawa kong pag-alis sa stage.
"Sinabi nga sa akin ni Mommy pero... pumayag ka ba?" Maingat niyang sabi.
Bumuntong hininga ako at naisip na naman ang bagay na iyon. It took me while to answer my best friend. "No, I confronted them about it, and for the very first time, they didn't listen to me" humalo ang pait at lungkot sa aking tinig.
"You don't even like or have crush on boys. Si Tita talaga, hindi ko siya maintindihan..." anito at mukhang lumalim din ang iniisip. Kahit ako ay hindi rin maintindihan si Mommy.
Nagpaalam din naman ako sa kaniya at siya naman ay itutuloy daw niya ang naudlot niyang panaginip.
Nagpasya akong pumunta sa lagi naming tinatambayan ni Olivia, my best friend since pre-school. Hindi sikreto ang lugar ngunit kami lang ang nakakaalam lalo na't aksidente lang din naming natagpuan iyon. 
Napansin ko pa ang pag-aalangan ng mga kasama kong bodyguard at si Ate Pia. Ang mga lagi kong kasama dahil mukhang wala pa ring tiwala si Mommy sa akin kapag mag-isa. Si Ate Pia ang lagi kong kasama sa kahit saan kong pinupuntahan pwera sa school. At ang mga bodyguard, mga anim yata sila. Daddy said it's for my safety but I don't really like them following me everywhere. Hindi naman ako opisyal o taong kinaiingat-ingatan para magkaroon ng taong nagbabantay lagi. Nevertheless, I just let them.
"Gusto ko po munang mapag-isa" sabi ko kay Ate Pia. Mabilis ang hindi niya pagsang-ayon.
"Ma'am—"
"Euna" putol ko. Tumango naman siya.
"Euna, mapapagalitan ako ng Daddy at Mommy mo, alam mo 'yan" aniya. 
Napangisi naman ako sa madalas niyang dahilan.
Simula bata ay siya na ang lagi kong kasama. Para ko na rin siyang best friend pero ate ang turing ko sa kaniya. She's her parent's breadwinner. Hindi siya nakapagtapos kaya nanuluyan na lamang siyang kasambahay sa amin at kalauna'y naging kasama ko na lagi. Ang mga kapatid ko ay mayroon din ngunit madalas nila itong tinatakasan.
Mabait siya at hindi mahirap pakisamahan kaya na rin sa kaniya na ako laging nakadikit simula bata. She's 17 when she started working for us. And I was 7 that time.
"Madalas na kami ni Olivia dito, Ate. Wala naman pong nangyayaring masama sa amin. Tsaka ako na ang bahala kila Mommy. Gusto ko lang mapag-isa muna"
Bumagsak ang kaniyang balikat at tumango na lamang sa akin. Niyakap ko siya at nagpasalamat.
"Basta huwag kang lalayo, ha?" anito na para bang bata pa rin talaga ako.
Binuksan ko ang gate na napapalibutan ng mga baging. Abandunadong garden. Dati, noong una una naming nakita ito ni Olivia, ay may bahay pa na luma sa gilid nito. Puno na rin ng mga halaman at baging pero nitong taon, tinanggal na at iniwan na lamang itong garden sa likuran. Hindi namin alam kung bakit.
Halos parte ng liblib na barangay ito ng Nouvaunde. Walang masyadong kabahayan lalo na't napapagitnaan ng mga gubat at kabukiran.
Pinagmasdan ko ang paligid at napangiti. Lagi naming nililinis ito ni Olivia. Noong una ay talagang madumi ito at puro tuyon dahon at mga talahib. Ang kubo malapit sa gilid ng patubig ay pinaayos din namin. Nagpatulong kami noon sa mga kasambahay at bodyguard namin sa paglilinis. Bukid na ang kabila nito kaya talagang presko ang hangin pero napapaligiran pa rin ng mga berdeng halaman at puno.
Noong una ay nabahala pa sila na baka raw may ahas o mababangis na hayop ang maencounter namin. Pero patagal nang patagal, wala naman at hindi na kami nangamba pa.
Sa gitna ay may isang malaking puno ng Acacia, kaya malilim at malamig sa ilalim nito. May nakataling duyan sa malaking sanga nito na gawa sa lubid at isang sapad na makapal na kahoy. 
I sat there and pushed myself gently. I inhaled the clean, fresh air.
Dito, napapahinga ko ang isip ko. Para bang may kakaibang hangin dito sa lugar na ito na bigla ko na lang makakalimutan ang mga problema ko. Sa sobrang komportable ko na ay hindi na ako nakaramdam ng kahit anong pangamba. Para bang matagal na akong nakatira dito at ako na ang namuhay rito.
Ang kanina medyo madilim na asul pa ang kalangitan ay nagliliwanag na dahil sa pag-angat ng araw sa silangan.
Minsan nagpapagabi kami ni Olivia dito para mapanood ang paglubog ng araw. Iisa lang din ang nararamdaman namin. Saya at kapayapaan.
Whenever the sun sets, it never fails me to feel mesmerized. The nostalgic feeling whenever the orange and yellow color fights with the dark blue one. Ang pagkain ng kadiliman sa kanilang kaliwanagan at kagandahan ay hindi maipagkakailang dumadagdag pa ito sa kanilang pagiging karilagan.
Parang ang nararamdaman ko lang ngayon; unti-unti akong nasasakop ng kadiliman dahil sa maaaring mangyari sa akin.
Then the realization hits me. I shouldn't focus on its bad side. Bakit ba halos kamuhian ko na ang bagay na iyon?
Euna Jane, you never see the bad side of things, why now?
Some part of me believes in my mother's decision. Maybe, it's not that bad. Right? Ever since, my Mom's decision for me has always been right and it really benefits me. Maybe, I was just too overwhelmed last night because of the sudden announcement. 
Why don't I give it a try? Baka hindi naman kasing sama ng iniisip ko ang maaaring mangyari, hindi ba? Baka naman totoo naman pala ang kanilang sinasabi na para sa akin din naman ito?
Ngumiti ako sa sarili. Medyo gumaan ang loob ko.
Napapikit ako at dinama pa ang sariwang hangin. I will never forget this place. Dahil dito, nakakapag-isip ako nang mabuti. Like every problem that I have, will always give me a solution. 
As if this place was cast with a spell. A magical spell where the place will give you the peace of mind that you need.
Napadilat ako at napabuntong hininga. Guilt suddenly crept into me. I should at least apologize to Mom and Dad. Alam kong napahiya sila kagabi dahil sa biglaan kong pag-alis. Tsaka nasigaw-sigawan ko rin sila. It was very disrespectful.
Kaya pag-uwi para mag-umagahan ay laking tuwa ko nang makita sila sa hapag. Uupo pa lamang at magsisimula nang kumain. Napatingin sa akin si Daddy. I smiled at them. Nagmano ako sa kanilang dalawa nang makalapit.
"Saan ka galing?" Ani Daddy sa seryosong boses. Tumikhim ako at umupo sa tabi ni Mommy.
"Sa garden lang po" sabi ko at sumulyap kay Mommy. Busy ito sa kaniyang phone at mukhang ayaw akong pansinin. Lalo akong naguilty.
"Uh, Mom, Dad? I'm sorry nga pala po last night. I didn't intend to shout at you both. I was just... overwhelmed by the sudden news." sabi ko at hinintay ang sasabihin niila.
Si Daddy na nakatingin lang sa akin ay tumango bilang pagtanggap. I smiled and faced Mom. 
Nanatili siyang walang imik at hindi ako tinatapunan nang kahit katiting na atensyon. Binaba niya ang hawak na phone na. She looks dead serious. 
I bit my lips and let the guilt fill my system.
Maybe, If I tell her my decision, we'll be good?
"Um, Mom? May sasabihin po pala ako—" "Kumain muna, Euna Jane" putol ni Mommy na nahimigan ko pa ang inis.
I pursed my lips and nodded. Itinuon ko na lamang ang tingin ko sa pagkain. I glanced at my siblings who were eating quietly but still observing us. 
Nanlulumo ako sa pakikitungo sa akin ni Mommy. I surely did disapoint her.
Kaya gusto ko na rin talaga agad makabawi.
Hindi ko nasabi kay Mommy ang gusto kong sabihin na pumapayag na ako sa gusto nilang mangyari dahil ayaw niya talaga akong pansinin. Maaga silang umalis para sa trabaho. Si Daddy lamang ang pumansin sa akin. Ang mga kapatid ko ay hindi rin naman ako kinakausap kaya nagkulong na lamang ako sa kwarto.
I feel like I have sinned so much that the people I love don't even want to talk to me.
A week has been passed but Mommy is still the same. Hindi niya ako pinapansin kaya naman nang maghahatid ng kape ang isa naming kasambahay ay kinuha ko ang pagkakataon na makausap siya. Kinuha ko sa kasambahay ang dadalhin para kay Mommy at sinabing ako na lang ang magbibigay.
Kumatok ako ng tatlong beses sa kaniyang office at nang marinig ang kaniyang pagtawag ay dahan-dahan kong tinulak ang pinto. Bumungad si Mommy sa kaniyang mesa na seryoso ngunit kalmado. May binabasa siyang mga papeles. Hindi pa rin siya nag-aangat ng tingin kahit na inilagay ko gilid ng kaniyang lamesa ang kaniyang kape.
"Mommy—" agad na natutop ang aking bibig at hindi ko naituloy agad ang sasabihin dahil sa bigla niyang pag-angat ng tingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. It's just Mommy!
I pursed my lips and cleared my voice. "I'm sorry po pala to what I did" tuloy ko at ngumiti. 
Bumuntong-hininga lamang siya at nagtanggal ng salamin.
Kahit na mid forty's na si Mommy, madalas pa rin kaming mapagkamalang magkapatid kahit hindi kami gaanong magkahawig. May wringkles na siya sa gilid ng mata siguro'y sa stress pero hindi mo mapapansin kapag malayo. Hindi ko na rin masisisi si Daddy kung bakit niya mahal na mahal si Mommy. Ganda pa lang, halatang baliw na si Daddy.
Magsasalita sana ulit ako nang tumunog ang kaniyang phone hudyat na may tumatawag. Itinikom ko ang bibig kong naiwang nakabuka kanina.
"Hello, Kuya?" Kalmadong sagot ni Mommy sa tumawag. 
Oh. Si Tito Jeffrey, ang kanilang panganay.
Pinanood ko lamang siyang unti-unting kumunot ang noo hanggang sa bigla na lamang siyang napatayo at namutla. Nabahala naman ako at lumapit sa kaniya.
"M-mommy?"
Para na siyang maiiyak at babagsak kung hindi ko lang siya nilapitan agad.
"Si J-joshua. Inatake sa puso ang Tito Joshua mo!"

Komentar Buku (84)

  • avatar
    Thea Labial

    beautiful

    23d

      0
  • avatar
    NaborMark Christian

    ilove this chapter

    19/07

      0
  • avatar
    SidutanDanlyn

    hi Tanong lang po paano pOH mag weddrow Dito sa novelah

    17/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru