logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 04 - Coogle

Hindi ako pumasok nang mag-Lunes na. Buong araw akong nagkulong sa kuwarto simula n'ong Sabado, kung kailan nasaktan ako sa sinabi ni Tristan. Nawalan ako ng ganang pumasok ngayon. Bukas na lang ako papasok.
Napatingin ako sa pintuan nang marinig kong may kumatok. Tumayo ako at lumapit sa pinto para pagbuksan ito. Nang buksan ko ito, tumambad sa harap ko ang maid namin.
"Ma'am, tumawag po ang kaibigan niyong si Jannise. Gusto niya raw po kayong makausap."
Tumango lang ako at pumunta sa living room. Kinuha ko 'yong phone sa maliit na mesa at inilapat ito sa tainga ko.
"Hello?"
"Nasha! Bakit ka absent?" tanong ni Jannise mula sa kabilang linya.
Bahagya kong nailayo ang phone sa tainga ko dahil napalakas niya ang pagtawag sa pangalan ko. Muli ko itong inilapat sa tainga ko.
"Kung makasigaw ka naman parang nasunugan ka, Jannise. Nawalan ako ng gana pumasok ngayon e. At isa pa, natapos ko na ang lahat ng requirements ko. Bukas na lang siguro ako papasok."
"At kailan ka pa nawalan ng ganang pumasok? E ayaw mo ngang mag-absent n'on kahit na p'wede nang hindi pumasok."
Nagkibit-balikat ako kahit alam kong 'di niya ako nakikita.
"I don't know."
"Ewan ko sa 'yo, Nasha. May... sasabihin nga pala ako sa 'yo."
"Ano 'yon?"
Medyo matagal bago siya magsalita ulit. Bumuntong-hininga muna siya.
"Nevermind. I need to confirm it muna. Pasok ka na bukas ha? Bye." At naputol na ang linya.
Ano kaya 'yong sasabihin niya? At ano 'yong kailangan niyang i-confirm?
***
Kinabukasan, pumasok na ako sa school. Ayaw ko pa sanang pumasok pero naisip ko na hindi dapat ako magkaganito.
Nagtaka naman ako sa tingin ng mga tao sa akin pagpasok ko pa lang sa school campus. Kung makatingin sila, parang nandidiri. Halos lahat 'ata ng estudyante rito ay napapatingin sa akin at bibigyan ng nandidiring tingin. 'Yong iba naman nagbubulungan.
Ano bang meron? Pumangit na ba ako lalo? Hindi lang ako pumasok kahapon, ganito na? Kung katulad ko lang siguro si Jannise na war freak ay baka nakalbo ko na sila.
Naglalakad na ako sa corridor nang maaninag ko si Jannise mula sa dulo ng hallway at patakbong lumapit sa 'kin.
"OMG! Nash, is that true?!" tanong niya nang makalapit siya sa 'kin.
Napataas ang kaliwa kong kilay.
"What do you mean?"
"Usap-usapan na nahalikan ka raw ni Tristan! Is that true?!" Nanlalaki ang mga mata niyang habang nagtatanong.
Napayuko ako at dahan-dahang tumango. What a sad truth.
Napasinghap siya.
"So, it's true. I thought, rumor lang 'yon. OMG. Alam mo ba? Kalat na sa buong campus na naghalikan kayo and I heard hindi ka raw marunong humalik. Ikaw lang ang topic ng lahat kahapon!"
Gulat na gulat ako. Paano nila nalaman 'yon?
"P-paano nila nalaman?"
"I don't know. Narinig ko lang sa mga classmates ko."
"Paano nila nalaman? Kami lang naman ni Tristan ang nasa—"
Huminto ako para mag-isip. Hindi kaya, si Tristan ang nagkalat n'on?
Nanlaki ang mga mata ni Jannise na parang may napagtanto. "I think si Tristan ang nagkalat n'on! Let's go, Nash!" bulalas niya at hinila ako.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko habang hila-hila niya ako.
"We're going to confront him!"
"What?!" Huminto ako, dahilan ng pagkakahinto rin ni Jannise.
"Jannise, 'wag na. That's a bad idea. Hayaan na lang natin."
"Anong bad idea? Kawawa ka na nga, hahayaan pa natin?" Hinila niya ulit ako.
Kinakabahan ako. Baka mapahiya lang ako.
Lahat ng nadadanan naming estudyante, pinagtitinginan ako. Naririnig ko pa ang mga pinag-uusapan nila na nagpakirot sa dibdib ko.
"How dare she kissed my Tristan!"
"Hahalik-halikan niya si Tristan, lousy kisser naman! Yuck!"
"She's gross, 'di siya kagandahan! Ginayuma niya lang si Tristan para maging boyfriend niya!"
Namuo ang mga luha ko sa mga mata ko. Tumingala ako para hindi kumawala ang mga ito.
Kasalanan ko 'to. Kung hindi lang sana ako pumayag na maging girlfriend niya, hindi sana ako nasasaktan ng ganito. Dapat noong una pa lang ay nagduda na ako.
Nang palapit na kami sa classroom nila Tristan huminto ako sa paglalakad kaya nahila pabalik si Jannise. Tila tinubuan ng ugat ang mga paa ko at hindi ko magawang kumilos.
"Nash, tara na!" aniya at hinila ulit ako pero hindi ako nagpahila.
Umiling ako. "Ayo'ko. Hindi ko siya kayang harapin. B-baka mapahiya lang ako."
"Huwag ka ngang duwag! Ano ngayon kung mapapahiya ka? Ikamamatay mo ba 'yon? Hindi naman 'di ba? Pagsasabihan lang natin 'yang walang hiya mong EX!" P'wersahan niya akong hinila hanggang sa nakapasok na kami sa loob ng classroom nila.
Natahimik ang buong klase na kanina ay nagtatawanan, kasama si Tristan, nang mapansin ang pagpasok namin.
Napayuko na lang ako sa kahihiyan.
Napaka eskandalosa talaga ni Jannise! Paano ko ba naging bestfriend 'to?
"Hoy! Tristan Ignacio! How dare you?!"
Napaangat ako ng tingin kay Jannise para panlakihan sana siya ng mga mata dahil sa asal niya ngunit diretso lang ang masamang tingin nito kay Tristan.
Napatingin ako kay Tristan na tumayo at nag-smirk.
"How dare me? May nagawa ba akong masama sa 'yo? Hindi pa nga tayo nagkaka-usap."
"Sa 'kin, wala. Pero dito sa bestfriend ko, mayro'n! Manloloko ka!"
"Oh. I didn't know na may bestfriend palang maganda ang nerd na 'yan. Akala ko loner talaga siya," aniya at lumapit sa amin.
Parang piniga ang puso ko sa sinabi niya. Feeling ko kasi na parang sinasabi niyang pangit na talaga ako kahit mag-ayos pa ako at ang mga dapat kong kaibigan ay mga kagaya ko rin.
"Bakit ka nagagalit? Eh hindi naman ikaw ang niloko ko? Nagseselos ka ba? Gusto mo bang maging girlfriend ko rin?" dagdag niya nang naka-smirk.
Mabilis at mabibigat na ang paghinga ni Jannise na tila sasabog na. Tiningnan ko siya. Sobrang pula na ng kaniyang mukha dahil sa sobrang galit.
Ngayon ko lang nakita si Jannise na ganito. Galit na galit na siya!
Bumulong ako kay Jannise, "Jannise, let's go. 'Wag kang gumawa ng eskandalo rito." Pagkatapos ay hinila ko siya pero hindi siya nagpahila.
"O, ano? Hindi ka makapagsalita? Silence means yes. Girlfriend na kita. Siguro naman marunong kang humalik unlike sa bestfriend mong terrible kisser."
Napayuko ako sa sinabi niya at nagbabadya na naman ang aking mga luha. Sinusubukan ko itong pigilan.
Alam kong lousy kisser ako, pero 'wag naman niya sanang ipamukha sa 'kin. Masakit eh. Nagsisisi na talaga akong naging boyfriend ko siya. Kung puwede lang sanang ibalik ang panahon.
Narinig kong nagsinghapan ang mga taong nakapaligid sa 'min kaya napatingala ako at nanlaki ang mga mata.
Tuluyan nang tumulo ang mga luhang kanina pa nagbabadya.
Tristan kissed Jannise, torridly!
She almost about to respond his kiss! Pero tinulak niya ito at sinampal na ikinabigla rin ng mga taong nakakakita ng ganitong eksena.
"How dare you! That's my first kiss! You jerk!" galit na sigaw ni Jannise at nag-walk out kaya naiwan ako rito.
Tulala si Tristan habang nakatagilid ang kaniyang ulo. A smirk formed on his face.
"Wow. First kiss stealer pala ako. Karamihan sa mga nahalikan ko, first kiss nila 'yon."
Napatingin siya sa 'kin.
"And she almost responded to my kiss. I think, she's a good kisser. Unlike you."
Hindi ko na nakayanan kaya lumapit ako sa kaniya at sinampal din siya sa kung saan nasampal ni Jannise. Lalo itong pumula at medyo namaga.
"Alam kong hindi ako marunong humalik. Pero 'wag mo naman sanang ipamukha sa 'kin," pabulong ngunit may diin kong sabi.
"So? Wala akong pakialam. Hindi ko na kasalanan kung nasasaktan ka ngayon. Tanga ka lang kasi at uto-uto kaya ka nagkakagan'yan ngayon. Umalis ka na nga rito!"
Muli ko siyang sinampal bago ako tuluyang lumabas ng classroom nila.
Ang sakit niyang magsalita! Tagos na tagos sa puso hanggang likod! Hindi ko akalain na gan'on pala ang ugali niya, ang tunay niyang kulay. Nagbait-baitan lang siya para lang mahalikan ako! Hindi maalis sa isipan ko ang katanungang bakit gusto niya akong mahalikan? Eh nerd nga ako't ayaw sa 'kin ng lahat, except ang mga guro, dito sa paaralang ito. Ano ba ang dahilan?
Naiinis ako sa sarili ko! Kahit nasasaktan na ako sa mga pinagsasabi niya, gusto ko pa rin siya. Ano bang problema nitong abnormal kong puso?
Pinagtitinginan ako ng mga taong nakapaligid sa 'kin. Ang iba ay tinatawanan pa ako. Lalo tuloy akong naiyak kaya binilisan ko ang paglalakad papuntang garden sa likod ng school building, kung saan madalang ang mga nagpupunta roon.
Tinggal ko ang aking salamin para sana punasan ang mga luha ko ngunit nadapa ako. Nabitawan ko ang salamin. Sigurado akong may pumatid sa akin dahil naramdaman ko iyon.
Hindi ako agad nakatayo dahil sa sakit ng pagkakadapa ko. Pinigilan kong humagulgol. Sobrang sakit na ng lalamunan ko dahil sa pagpipigil ko ng iyak. Naaawa ako sa sarili ko. Dahil sa maling desisyon ko, b-in-ubully na nila ako at pinagtatawanan. Wala naman kasi silang pakialam sa akin dati at hindi nila ako pinapansin. Kung papansinin man, sasabihin lang nilang hindi ako maganda.
Kinapa-kapa ko ang sahig para hanapin ang aking salamin. Hindi naman masiyadong malabo ang paningin ko, naging blurry lang dahil sa mga luha ko kaya lalong lumabo ang paningin ko ngayon.
Napatahimik naman bigla ang lahat. Pero hindi ko ito pinansin at ipinagpatuloy ang pagkapa sa sahig. Napahinto lang ako sa pagkapa nang mapansin ko ang pares ng paa sa harapan ko at umupo ito. May pinulot siya 'tsaka ulit tumayo. Lumapit siya sa 'kin at dahan-dahan akong itinayo.
"Okay ka lang, Miss? Heto ang salamin mo," sabi no'ng taong tumulong sabay bigay ng salamin ko.
Pinunasan ko muna ang mga luha ko bago kunin 'yong salamin.
"S-salamat," sabi ko nang hindi tumitingin sa kaniya at agad na umalis.
Teka, parang pamilyar ang boses no'ng tumulong sa 'kin kanina. Hindi ko lang matandaan kung kailan ko iyon narinig.
Umiling-iling ako. Huwag ko na dapat isipin 'yon dahil hindi naman iyon importante at may mabigat pa akong problema. Problema ko kung paano huhupa itong nararamdaman ko. Sobrang nasasaktan ako ngayon. Naiinis talaga ako sa sarili ko! Gusto ko pa rin siya kahit galit na galit na ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit.
Ayo'ko na! Gusto ko nang lumipat ng school!
Napahinto ako sa paglalakad nang humarang sa dinaraanan ko ang nakahalukipkip na si Cindy.
"Tsk, tsk, tsk. Poor girl. Hindi kasi inalam ang tunay na kulay at basta-bastang pumayag, ayan tuloy, kawawa. Bakit ba ang daming uto-uto ngayon?" aniya at umiling-iling bago tuluyang umalis sa harap ko.
Hindi ko na talaga kaya. Masiyado nang nasasaktan ang puso ko. Parang unti-unti na itong naglalaho. Parang ilang segundo na lang ay mamamanhid na ako, hindi na ako makakagalaw, at mawawalan na ng buhay. Sobrang sakit na ng nararamdaman ko.
***
Tulala akong nakatingin sa labas ng bintanang katabi ko lang. Hindi na ako nag-lunch kanina, nag-iiyak lang ako sa garden na nasa likod ng school. Pinag-uusapan na nga ako ng mga classmates ko rito at pinagbabato ng mga crumpled paper. Parang namanhid na ako, wala na akong nararamdaman ngayon. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ngayon, hindi na sana ako pumasok. Wala akong karamay ngayon dahil alam kong hindi ako madadamayan ni Jannise dahil sa nangyari kanina.
Nang tumunog na ang bell, agad akong lumabas. Gusto ko nang umuwi ng bahay at magkulong sa kuwarto. Hindi muna ako siguro papasok bukas.
Palabas na ako ng gate nang masalubong ko si Tristan na may kaakbay na ibang babae. Lumunok ako dahil feeling ko maluluha na naman ako. Playboy siya.
Napahinto kami sa paglalakad at nagkatinginan. May pasa pa rin sa pisngi niya dahil sa sampal namin kanina. Nag-smirk siya at nilagpasan ako. Lumunok ulit ako para mapigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo.
Ano ba ang dapat kong gawin para mawala na ang nararamdaman ko sa kaniya? Sobrang sakit dahil sinasaktan ako ng taong gusto ko.
Nang medyo naka-recover na ako, nagpatuloy na ako sa paglalakad palabas ng school.
Habang naglalakad ako sa daan, puro siya na lang naiisip ko. Tristan! Ano bang gayuma ang ginamit mo sa 'kin at hindi mawala ang nararamdaman ko sa 'yo?!
Nagulat ako nang may motor na mabilis ang patakbong dumaan sa tabi ko.
Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko dahil doon!
Gusto ko sanang magreklamo, kaya lang mabilis na itong nawala sa paningin ko.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad pero bago pa ako makahakbang, napansin ko ang isang banner na may logo na 'Coogle' 'Coogle+' 'Coogle Play' 'CMAIL'.
Bigla na lang sumagi sa isip ko na mag-search sa google ng kissing tutorials.
Napangiti ako. Makakaganti na ako sa 'yo Tristan. Magsisisi kang nilait mo ako.

Komentar Buku (72)

  • avatar
    Pancitcanton

    highly recommended. The construction of the sentences are well written in tagalog keep it up!

    22/04/2022

      3
  • avatar
    Waggerman Jade

    I love the story so much...❤️❤️❤️

    09/08

      0
  • avatar
    GanzonKarl edrian

    good

    02/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru