logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 19: DROPPED

Natapos na lamang ang buong gabi na hindi napapanatag ang buong kalooban ko. Nitong mga nakaraang araw, ang bait bait sa 'kin ni Cairo. Lagi niya akong tinutulungan samantalang ako ay hindi man lang siya magawang mapagbigyan sa kaniyang kahilingan. Pakiramdam ko tuloy napakasama kong kaibigan. Tatatlo na nga lang silang kaibigan ko sa HHU tapos kung maka-ayaw ako na tulungan sila, parang ang dami-dami kong kaibigan na kung mag-tampo man siya ay wala akong pakialam sa kadahilanang marami naman akong kaibigan. Nako-konsensiya talaga ako, hindi man niya diretsahang sinabi pero ako sa sarili ko. Ramdam kong nalungkot siya sa pag-ayaw ko, muka pa 'atang nagtampo. Nag-effort pa naman akong umuwi sa bahay pagkatapos ng alas-dose ng umaga para makatulog, pero hindi naman nangyari. Patuloy lang akong inusig ng konsesya ko kaya nagsayang lang ako ng oras at hindi naman ako nakatulog para makapagpahinga man lang. Mabuti na lang at bukas ay walang pasok, hindi naman ako pupuntang party kaya buong araw akong paniguradong tulog.
Wala man akong planong pumuntang HHU ay maaga pa rin akong nagising para maipagluto si 'Nay ng agahan dahil may trabaho ito ngayong araw sa pananahi.
"Wala kang pasok, Miel?" Nagtatakang tanong ni 'Nay.
Napansin siguro nitong walang pagmamadali ang kilos ko habang naghahain ng agahan sa mesa. Hindi katulad nitong mga nagdaang araw na parang hinahabol ako ng mga armadong pulis sa sobrang bilis ng kilos.
"May welcome party po kase sa HHU. Wala naman po kase akong planong pumunta do'n at dito lang ako sa bahay buong maghapon," sagot ko habang inilalapag ang kanin sa mesa.
"Welcome party... Ba't hindi ka pupunta?" May pagtatakang tanong nito.
"Wala naman po akong gagawin do'n-"
"Hindi!"
"Huh?" Nagulat ako sa biglaang pagsigaw nito.
"Ito na ang tamang panahon!"
"Panahon? Ano pong pinagsasasabi niyo 'Nay?" Naguguluhang tanong ko rito.
"Matagal na akong may itinahing napakagandang bestida para sa iyo."
Magrereact palang naman sana ako ng bigla na naman itong nagsalita.
"Alam kong wala kang balak na magsuot ng ganoong mga damit, pero naniniwala akong balang araw ay masusuot mo rin ang damit na tinahi kong 'yun! Teka, nandoon lamang 'yun at nakatago sa kahon, mag-intay ka diyan at kukunin ko!"
Halos takbuhin niya ang kaniyang kwarto para kunin ang sinasabi niyang napakagandang damit na kaniyang tinahi para sa 'kin. Ano naman kaya ang binabalak ni 'Nay. 'Wag sanang mangyari 'tong iniisip kong pipilitin niya 'kong pumunta sa party. Ilang segundo lamang ang lumipas ay nakabalik na ito dala-dala ang isang bestidong berde ang kulay. Wala siyang palamuti at ang ang mga nakatupi-tuping tela lamang ang nagsisilbing disenyo sa damit na iyon. Pero gayonpaman ay napakaganda na non at napakasimple. Hindi siya 'yung tipo na revieling na dress kaya naman ayos lang sa 'kin kung ipagpipilitan ni 'Nay sa 'king isuot 'yun. Ang problema lang ay hindi ko naman gustong pumunta sa welcome party na iyon kaya walang rason kung bakit susuotin ko ang dress na tinahi pa talaga niya para sa 'kin.
"Ang ganda diba?"
Sasagot pa lamang sana ako ng bigla na naman itong nagsalita.
"Ba't ko pa ba itinatanong, e alam ko namang maganda! Ang galing ko kayang mananahe!"
Aminado naman akong maganda, pero hindi ko nga masusuot kahit sobra-sobra pa ang ganda niyan, dahil hindi naman ako pupuntang party e.
"'Eto ang susuotin mo mamaya," sambit niyang nag-uumapaw sa mukha ang saya. "Anong oras nga ba magsisimula ang welcome party na iyon?"
"Alas-diyes ng umaga po 'Nay," napabuntong hininga ito matapos kong sumagot.
"Sayang naman, alas-siyete ang alis ko. Hindi kita maaabutang suot 'yan," malungkot na aniya.
"Hindi ko naman po talaga susuotin 'yan, dahil hindi naman ako pupunta don,"
"Hindi!" Matigas niyang sabi, "pumunta ka at isuot mo 'to! Magtatampo talaga ako 'pag ayaw mo, tinahi ko pa naman ito ng pagkahaba-habang panahon,"
Hindi ko na nagawang makipagtalo pa dahil mas ayaw kong magtampo sa 'kin si 'Nay kesa na pumuntang welcome party. Kaya wala na 'kong nagawa at napatango-tango na lamang. Hindi ko talaga naisipang sa huli ay do'n pa rin talaga ang punta ko sa party. Si 'Nay naman kase, nais kong matulog na lamang at magpahinga buong maghapon e papupuntahin ba naman ako sa welcome party na iyon. Ayaw ba niyang magpahinga nalang ako rito buong araw kesa magpakapagod do'n?
Lumipas ang ilang sandali at kanina pa nakaalis si 'Nay papunta sa kaniyang trabaho. Naiwan naman ako rito sa bahay na naglilinis at pagkatapos ay napagtanto sa sariling nakatulala lamang na nakatitig sa nasabing dress na matagal na palang panahon ni 'Nay na tinahi para sa 'kin. Sa totoo lang ay ito ang kauna-unahang dress na ibinigay sa 'kin ni 'Nay kaya kung suotin ko man ito mamaya ay iyon din ang kauna-unahang pagkakataon na susuotin ko iyon. Medyo nakakainis lang dahil dapat na maging masaya ako dahil first time kong makatatanggap ng dress galing kay 'Nay pero hindi ko naman magawa dahil sa hindi naman ako interesadong pumunta sa welcome party mamaya.
Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapagdisesyon, pupunta ba talaga ako do'n? Kase may paraan naman na 'kong nabuo sa utak ko kung hindi talaga ako pupunta sa party para hindi malaman ni 'Nay. Pwede naman kase akong magpanggap na kauuwi ko palang galing party mamaya kapag nakauwi na siya kahit hindi naman talaga ako pumunta-TAMA!
'Yun na lamang ang gagawin, ayoko talagang pumunta sa party. Oo nga at paniguradong maraming masasarap na pagkain do'n, pero hindi ko naman masasabing masaya do'n. Siyempre masaya para sa ibang tao, pero sa mga katulad ko paniguradong hindi. Mabo-bored lang ako do'n at para maiwasan ko 'yun ay hindi ako pupunta at dito na lamang magpapahinga buong araw.
Mas mabuti pa siguro 'yun at alam ko namang hindi naman ako nababagay sa mga ganoong pagtitipon.
Panigurado akong napakasaya ngayon ni Esther. Masaya din ako para sa kaniya. Sana rin ay maging maayos ang lahat sa kaniyang performance para sa dalawa niyang bestfriends. Sana hindi siya kabahan ng walang mangyaring masama.
Matapos kong maglinis ay nagtungo na 'kong banyo para maligo.
Kasalukuyan ako ngayong nagsusuklay ng aking mahaba ngunit kulot na buhok sa aking maliit na kama para kapag natuyo ito ay makalatulog na rin ako. Antok na antok talaga ako, hindi ako nakatulog buong gabi kaya naman sobrang antok ako ngayon. Isang higa ko lang sa kama ay paniguradong tulog talaga ako nito. Nasa kalagitnaan ako ng aking pagsusuklay ng biglang may kumatok sa pintuan. Napaisip ako kung sino naman kaya iyon, malabo namang si 'Nay dahil nasa trabaho na 'yun. Upang malaman ay tahimik akong tumayo at tinungo ang pintuan. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Esther na may dalang tatlong medyo may kalakihang paper bag. Nagulat ako ng makita ko siya pero hindi niya napansin iyon dahil busy ang mga mata niya sa pagsuyod sa kabuoan ng katawan ko.
"Bakit ganyan ang suot mo?" Dismayadong tanong niya habang nasa suot ko ang dalawang mata.
Napasulyap na rin ako sa suot kong damit at wala namang problema. Siguro'y naninibago lang siya dahil hindi pa niya 'ko nakitang naka makapal na malaking pajama at naka-long sleeves na damit. Pareho itong kulay dark green at natitiyak kong wala namang problema.
"Bakit?" Takang tanong ko naman.
"It's already 9 and 30 am and unlike what I have expected, you haven't dressed yet-No? Don't tell me you won't come?"
Sa nakikita ko sa kaniya ay mukhang isang sagot lang ang sagot na tatanggapin niya at 'yun ay ang pumunta ako panigurado sa party.
"H-Hindi talaga ako p-pupunta," nauutal kong sagot rito.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga ako makapaniwalang pumunta pa talaga siya rito at ako talaga ang kailangan niya.
"No! You you're coming-with me! I have three dresses here. I bought it for you so pick one and put it on," nagpapanggap pa talaga siyang galit habang sinasabi ang mga salitang 'yun.
Aangil pa lang sana ako ng sadyain talaga nitong magsalita ulit at hindi ako hayaang tumanggi o tanggihan ito.
"Don't you dare to refuse, Yeri," pagbabanta nito. "I won't leave here unless you will with me. I won't go at the party alone,"
"Hindi ka naman mag-iisa do'n kung hindi ako pumunta. Diba dadating do'n 'yung dalawang bestfriends mo, para sa kanila 'yung party diba?"
"Tsk! Iba naman 'yun e! I want you to come with me at the party and I promise, Yeri! Hindi talaga ako pupunta do'n hangga't hindi ka kasama!"
Nakikita ko talaga sa mga matang walang halong biro ang sinabi niya. Puno iyon ng seryosidad at ayaw ko namang totohanin niya. Liban sa performance niya ay espesyal talaga siya sa party na iyon dahil siya ang bestfriend ng dalawang emerald princess. Ayokong dahil sa 'kin ay magkaproblema do'n at natitiyak kong wala na talaga akong takas dito. Kung kanina ay nalusutan ko pa si 'Nay, ngayon ay sigurado na talagang wala na 'kong pag-asang matakasan 'to.
Gusto ko lang namang matulog e!
"Hay! Sige na nga!" Biglang nabuhayan ang mukha niya ng lumingon sa 'kin pagkatapos kong sabihin ang mga katagang 'yun.
"Really?! Pupunta ka?! Yey!! I'm so happy!" Napayakap pa talaga siya sa 'kin sa sobrang saya.
"Pero sa isang kondisyon,"
"OK, OK what is it?" Hindi mapawi ang saya sa kaniyang mukha habang nakatingin sa 'kin at hinihintay ang kondisyon kong 'yun.
"Wala kong susuotin sa mga damit na 'yan," turo ko sa tatlong dresses na laman kanina ng paper bag na dala niya. Nakita ko naman ang dahan dahang pag-iiba ng mukha niya. "May dress na tinahi si 'Nay para sa 'kin, 'yun 'yung susuotin ko."
Mas gugustuhin ko pa talagang 'yung bestidong tinahi ni 'Nay ang suotin ko kesa sa dress na dala ni Esther. Ang iikli naman kase at ang hahapit tapos mga reveiling pa. Mabuti pa 'yung dress ni 'Nay, maganda na, favorite color kong green pa!
"ooOK," parang walang kasiguradohang tugon niya naman. "So, now go! Get dressed and the party will goin' to start in any minute now,"
Nagdamit na 'ko at pagkalabas ko ng kwarto suot 'yung dressed na tinahi ni 'Nay ay napaawang ang pang-ibabang labi ni Esther ng makita ako dito sa maliit naming sala.
"Ang ganda diba?" Nakangiting sabi ko habang fini-feel 'yung damit na suot ko.
Hindi pa man nakakapagsalita ay kita ko na ang pag-aalangan sa kaniyang mukha.
"A-Ang g-ganda," nag-aalangang sambit niya at nagkibit-balikat na lamang ako.
"Sige tayo na sa party?" Dumiretso na 'ko sa may pintuan ng marinig ko siyang nag-aalangan na namang magsalita.
"A-Are you sure you we're goin' at that party... W-With that dress-if you wan't, you can try any of this dresses?" Hinawakan niya pa ang tatlong dress na dala niya.
Umiling ako at nginitian siya.
"Hindi na, mas kumportable na 'ko sa bestidong 'to. Ang ganda pa!"
"O-Ok," lumabas na kami ng bahay at habang inila-lock ko 'yung pinto ay nagpatiuna na itong maglakad sa hindi ko namamalayang kotse niya sa harap ng apartment namin.
"Let's go!" Aniya ng makalapit ako at pinagbuksan niya pa 'ko sa passenger seat habang nasa loob siya. Pumasok na 'ko at sinimulan na rin niyang buhayin ang makina ng siguradong mamahaling kotse niya at pinaandar iyon papuntang HHU.
Tahimik lamang kami sa loob ng kotse niya at habang wala namang nagsasalita sa 'ming dalawa ay lumilipad ang isip ko. Kahit naman hindi lubusang parte ng katawan ko ang may gustong pumunta sa Welcome Party na iyon, masaya pa rin ako kahit papa'no. Talagang napapangiti ako kapag naiisip ko ang tungkol sa dress na itong kasalukuyang suot ko. Hindi ko alam basta parang sobrang feeling blessed ako ngayon. Bigay at talagang tinahi pa talaga ni 'Nay para sa 'kin at favorite color ko pa. Lampas na lampas sa paa ko ang haba nito at talagang nagagandahan ako.
Sa gitna ng aking pag-iisip-isip ay don ko lamang napagtantong nasa may parking lot na pala kami ng HHU.
"We're here!" Nasasabik na wika ni Esther at magkahawak kamay na kaming pumasok sa HHU.
Alam ko ang nararamdaman niya. Nagsisigawan kase ang saya at kasabikan sa mga mata niya at masayang masaya ako para sa kaniya. Alam kong miss na miss niya talaga ang dalawang bestfriends niya kaya naman alam kong sobrang saya niya ngayong araw na magkikita-kita na ulit sila.
Galing pa lamang kami sa labas pero ng makapasok kami ng Gym kung nasa'n ang main event at medyo nanibago muna ako. Kung sa labas kase ay maliwanag, ngayon naman dito sa loob ay medyo madilim. Pero buhay na buhay iyon sa mga pailaw-ilaw mapa sa gitna, sa bawat gilid at sa taas man. Iyon ang nagsisilbing liwanag rito sa loob na talaga nga namang bumubuhay sa kabuoan nitong Gymnasium.
Sa gitna ng aming paglalakad ni Esther rito sa Gym ay hindi ako kumportable. Napapalingon kase sa akin ang mga taong madadaanan namin. Hindi 'yun 'yung mga biglang lingon at mga tinging dapat kong ipagsaya dahil hindi 'yun magagandang tingin. Kahit na medyo madilim at kita at pansin ko talaga ang may panunuya at pandidiri nilang mga tingin.
"Hanggang dito ba naman, makikita ko ang mukha ng babaeng 'yan?"
"Yea, and badly... Kaholding-hands pa talaga niya si Charity! What a sucker!"
"How can our Charity making friends with that nerdy girl? If I am her, I will actually push her than holding hands with her!"
Kung kanina ay saya nararamdaman ko, ngayon ay napapalitan na iyon ng lungkot. Sa simpleng salita nilang iyon, parang karayom nang tumusok ang epekto sa puso ko non. Ang sakit lang na pilitin ko mang hindi maging apektado ay nahuhuli ko na lamang ang sarili kong halos napapaluhang dinaramdam ang sakit. May mali ba na magkaroon ng kaibigang kagaya ni Esther o kasalanan ko dahil kinaibigan ko siya?
Pero magkagayon man ay hindi pa rin ako nagpahalata. Kahit papaano ay hindi napapansin ni Esther ang mga tao sa paligid na binibigyan ako ng talaga nga namang atensiyon at nagpapasalamat ako do'n. Alam kong mamomo-roblema na naman siya at ayokong mangyari 'yun. Espesyal din sa kaniya ang araw na ito at ayokong sirain ang kahit saang banda non.
Patuloy lamang kami sa paglalakad ng sa pagitan ng ilang segundo ay nabunggo ang isang balikat ko ng isang malakas na pwersa dahilan para mapabagsak ako sa sahig. Ramdam ko ang sakit ng tagiliran ko at kalahating bahagi ng pang-upo ko sa lakas ng pwersa ng pagkakabagsak ko. Lumapit kaagad sa 'kin si Esther at nag-aalala akong tiningnan.
"Are you-"
"I'm sorry, hindi ko sinasadya. I'm in a rush kase e! Hindi ko siya napansin, I'm sorry again nerdy-Miss," aniya ng babae na pumutol sa salita ni Esther.
"OK, j-just beware on what or who is on your way. Even when your in a rush, watch your actions and please act on an accurate way. Don't wait the person who will threat your life just because of a simple collision or whatever you called that on," halata ang pagkadismaya ni Esther sa kaniyang mukha habang sinasabi iyon sa yuyuko-yukong babaeng nakabangga sa akin.
"Ayos lang ako Esther," sambit ko rito ng hindi na nito patuloy pang pagalitan ang babae at awtomatiko namang lumipat sa 'kin ang mga mata nito.
"Are you OK, let's go first to the clinic. Baka nagkafractures ka?" May pag-aalalang tanong nito at umiling naman kaagad ako ng nakangiti.
"Ano kaba, hindi 'yan 'wag ka ng mag-alala. Wala namang masakit e. Kasalanan ko din naman e, hindi din kase ako nakatingin sa aking daraanan kaya nabunggo niya 'ko. Pasensiya na," baling ko sa babaeng kanina lang ay yuyuko-yuko habang pinapagalitan ni Esther pero ngayon ay nakatingin na sakin ng masama.
Nasakin pa rin ang tingin ni Esther kaya naman hindi niya iyon nakita. Tahimik na galit ako nitong inirapan tsaka parang nagmamaktol na tinalikuran. Napatulala ako sa kaniyang inasal at tsaka ko lamang napagtantong napilitan lang pala siyang magsorry dahil nasa harap niya si Esther. Pero no'ng ako na lamang ang ang nakatingin sa kaniya ay do'n ko na nakita ko ang masamang ugali niya.
"OK, I'll help you up," iniabot niya sa 'kin ang dalawang kamay niya at tinulungan nga akong makatayo.
Pagkatayo ko ay do'n lamang nagsialisan ang mga matang nanunuyang nakatingin sa direksiyon ko at ang kaninang palihim akong pinagtatawanan ng bumagsak ako sa sahig. Nagpatuloy na kami ni Esther na maglakad papunta sa isang table na siyang pinaka nasa gitna. Hindi pa man nakakalapit ay kinakabahang pinagmamasdan ko na ito. Ito ang siyang pinaka nasa gitna kaya naman hindi na nakapagtatakang espesyal ang lamesang iyon at talaga nga namang agaw atensiyon. Halos lahat ng tao ay nandito na yata sa sobrang dami na nilang nakikita ko rito. Siguro lagpas alas-diyes na kaya gano'n. Hindi pa man ako nakakaimik ay naupo na kami ni Esther sa isang bilog na table. Apat ang upuang nakapalibot rito at ngayong nakaupo na kami ni Esther ay dalawa nalang ang nababakante. Kinakabahan ako sa isiping baka ang emerald princesses ang uupo rito, ito kase ang pinakasentro at alangan namang sa may pinakahuling table sila maupo, gayong para sa kanila naman ang party na ito. Isa pa ay hindi na naman na nakakapagtaka kung tutuosin iyon dahil dito nakaupo ang bestfriend nilang si Esther kaya naman hindi malabong dito talaga sila maupo.
"E-Esther?"
"Hmm?" Mahinhing aniya habang may pag-iingat sa mga mata akong tinitinganan.
"Dito ba talaga tayo mauupo?" Napangiti siya sa naging tanong ko.
"Ofcourse yes... as I have already said to you, I want my two bestfriends to meet you and I don't want you to be just my friend 'cause I want you to be also my bestfriend and be part of our friendship-with the Emerald Princesses," nakangiting sambit niya at alam kong masaya 'yun pero hindi ko maiwasang hindi kabahan.
Sabi pa nga niya may pagka-picky minsan ang mga iyon at ganoon ring may pagkamaarte. Kaya hindi ko sigurado kung kaya ba nilang kaibiganin ang isang katulad ko. 'To naman kaseng si Esther e, ayaw paawat. Sabi ko na ngang sapat na sa 'kin kung sino man ang kaibigan ko ngayon e. Pero magkagano'n salamat pa rin sa kaniya. Maging kaibigan ko man sila, it's all thanks to her.

Komentar Buku (14)

  • avatar
    Kim Yarcia

    💗💗

    7d

      0
  • avatar
    Maricor M. Barbolino

    Book 2 po please nakakabitin 🙏🏼

    01/08

      0
  • avatar
    Cristina Bardollos

    anong name po ng book 2 nya

    16/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru