logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 2: “THE GAME HAS STARTED”

April 1, 2021
Congress National High School
Xamel's POV
"CONGRATULATIONS BATCH 2020-2021!"
Masiglang pagbati sa 'ming mga graduates nang principal ng aming school.
Yes. Graduate na kami. At next school year, college na kami. Ang galing 'no?
Pagkatapos kasi namin mag-usap nila Maru sa kwarto ni Charm last year, after convincing them to find the culprit and unravel his motive, nothing happened after that.
As if, prank lang talaga ang narinig ni Charm mula sa Radio App niya. And we just assumed na coincidence lang ang pagkamatay ng dating spokesperson sa babaeng ni-murder mula sa kwento ni Charm.
Wala naman nang krimen o murder ang nangyari pagkatapos non.
Bukas mag-iisang taon na mula nang balutin kami nang pangamba at takot, but here we are, still alive and kicking.
Siguro nga tama si Maru. Baka sawa na sa buhay 'yung siraulong lalaki don sa Radio App kaya nangti-trip at nananakot.
Nabalik ang wisyo ko nang mapansin kong nag-umpisa nang mag-picture taking ang mga graduates kasama ang mga magulang nila.
I sigh hard.
Hindi dapat ako malungkot kahit walang naka-attend na relative ko. Pero hindi ko mapigilang hindi malungkot kasi wala man lang naka-witness na kadugo ko, kung paano ako nag-march at tumanggap ng diploma.
Si Tita Merly na kasi sana ang aattend ng graduation ko, pero 'di siya nakatuloy kasi bigla namang inatake nang asthma 'yung anak niya.
Ang damot mo talaga universe e 'no? Ang pangit mo ka-bonding.
Mabuti na lang at nandiyan si Ma'am Rhen, my adviser. Siya 'yung sumama sa 'kin sa stage para magsabit ng medal. Oo, with honors ako kahit hindi sobrang talino. Diskarte na rin siguro, kaya nagroon ako ng award.
Hindi diskarteng mag-cheat ha? Hindi 'yon gano'n. Madiskarte akong mag-comply. Itong Senior High School kasi, nakakabutas din ng bulsa. Eh, gaya ko na, wala namang matino at permanenteng trabaho ang magulang? I really need to strive hard just to pass.
Mula sa pwesto ko, natanaw ko ang mga busy kong kaklase. Nahagip ng mata ko si Maru na kasama ang Papa niya. Agad ko silang nilapitan.
Tatlong dipa pa ang layo ko sa kanila pero abo't tainga na agad ang ngiting ipinapakita sa 'kin ni Tito Apollo.
Nakasuot ito ng puting polo na naka-tucked in sa itim na slacks at naka black shoes.
Kitang-kita ang katangkaran ni Tito dahil sa suot niya.
Nginitian ko rin siya at nagmano ako.
"Congrats sa 'yo, Xamel. Lalo kang gumanda dahil sa suot mong toga at medalya." pagbati sa 'kin ni Tito.
Bahagya akong nahiya. Siguro dahil bihira lang ako makatanggap ng compliment? 'Di ko alam.
I chuckled.
"Si Tito talaga, s-salamat po," I said and smile shyly.
Nakita kong nakikipag-selfie si Maru sa iba naming kaklase kaya nakaisip ako ng idea.
"Tito Apollo, groufie po tayo ni Maru, okay lang po ba?" nag-aalangan kong tanong.
As gentleman and bright person as he is, he replied with smile.
"Anak! Bakit ka naman lumayo sa biyaya? Groufie daw tayo kasama si Xamel," tawag nito kay Maru na 'di malaman ang ire-react dahil sa narinig.
Bahagya akong napatawa dahil sa pagiging awkward ni Maru.
Kinapa ko ang phone ko sa bulsa ng palda ko. Nang i-check ko ito ay 63 percent pa pero biglang nag shut down?!
Bastusan yan?! Kung kailan kita kailangan saka mang-iiwan?
Nakita ni Maru ang pagbalik ko ng phone sa bulsa ko kaya agad siyang gumawa ng paraan para makapag-groufie kami nila Tito.
Tinawag ni Maru 'yung photo journalist ng school at nagpakuha kami ng 2 shots.
"Paki-send na lang ng soft copies sa gc natin, salamat, Kristine!" rinig kong pagpapasalamat ni Maru sa photo journalist ng school.
Matapos makabalik ni Maru sa pwesto namin ay may binulong sa kanya si Tito Apollo.
Tumawa si Tito Apollo at kitang-kita na parang nahihiya si Maru.
Okayeed? Boys talk I'd never understand I guess?
Napatingin sa 'kin ang mag-ama.
Mabuti naman at napansin nilang nandito pa ako.
"Xamel, mauuna na ako. May biyahe pa kasi ako e," paliwanag ni Tito na medyo kinalungkot ko.
Gusto ko pa kasi sana siyang makakwentuhan dahil magaan siya kausap. Pero hindi naman pwedeng pilitin ko siyang makipagkwentuhan sa 'kin. Siya kasi ang nagtatrabaho para sa pamilya niya.
"Sure po, Tito, ingat po kayo sa work niyo," masigla kong saad at muling nagmano.
Muli itong lumingon kay Maru bago tuluyang umalis.
"Ruru, umuwi ka nang maaga ha? At huwag kang magpapagutom. Sige na anak, kakayod muna ako."
"Opo, Pa, ingat ka po."
Nagyakapan ang mag-ama.
Nawa'y lahat.
Sana lahat ng tatay sa mundo katulad ni Tito Apollo. 'Yung supportive, masipag kumayod at higit sa lahat nag-aalala sa anak.
Bakit ba ang lungkot ko ngayong graduation ko? Sad girl yan?
Bigla akong napayuko at napangiwi sa naisip kong isa akong sad girl. Pangit! 'Di bagay sa 'kin!
"Xamel, huy?" rinig kong may tumawag sa 'kin.
Agad akong napatingala at nakita ko ang makinis at maputing mukha ni Maru. Bigla itong ngumiti at bahagyang naningkit ang mga mapupungay niyang mata.
"Tara, hanapin natin sila Dean at Charm. Baka may puntahan 'yung dalawang 'yon tapos may gawing masama," usal nito at nasundan ng mapilyong ngiti.
Ano raw? Medyo 'di ko gets 'yung huling part na sinabi niya ha. May gawing masama? Sila Dean at Charm?
Ay ewan ko ba dito sa lalaking 'to. Kung ano-anong sinasabi, siya lang naman ang nakaka-intindi. May sariling Jargons at palagi nilang ginagamit ni Dean. Everytime na ginagamit nila 'yon, para akong napupunta sa ibang bansa o planeta. Filipino or English 'yung gamit nilang salita pero minsan, hindi ko maikonekta sa konteksto ng sinasabi nila. Like, okay, may double meaning ba 'yon? Or I'm just really a slow and dumb woman to comprehend their conversation?
Sinundan ko lang si Maru sa paghahanap sa dalawa.
Matapos kong masilayan ang pwesto nila ay bigla akong napatingin sa ayos ko.
Ang ganda-ganda kasi ni Charmagne. Ang simple nang pagkaka-ayos ng buhok niya pero ang ganda niya pa rin. Hindi sobrang kapal ng make up na inilagay sa mukha niya at bumagay iyon sa kanya.
Iba talaga kapag mayaman.
'Di ko mapigilang ikumpara ang sarili sa kanya. Syempre, babae rin naman ako. At hindi maiiwasang ma-insecure.
Pero palagi ko na lang iniisip na, iba-iba naman ang kagandahan ng bawat babae. Kaya hindi kailangan ikumpara ang sarili sa iba. We have our own beauty, and it depends on us if we'll do something about it, to be appreciated by ourselves and by other people.
'Yung gusto mong mag-glow up pero tamad ka. Awit sa'yo, Xamel.
Pero paano kung gusto mong mag-glow up pero wala ka ring pera? Kaya bang mag-glow up gamit 'yung kakapiranggot na safe guard? And worse, minsan may buhok pang kulot?
'Yung wala namang kulot sa pamilya niyo, pero may nakita kang nakadikit na kulot na buhok sa sabon niyo.
What is the meaning of that?
"IT'S A PRAAAANK!" Dean exclaimed the moment we reached their place,
Nginitian ko na lang ang loko.
He's wearing his casual school attire with the toga. Ang gwapo, langhiya.
Why am I simping Dean in a broad day light?! What the heck, Xamel? Kumalma ka nga. Kumalma ka!
Todo ang ngiti nito at lumilitaw ang dimples niya sa magkabilang pisngi.
Agad kong inilipat ang tingin kay Charm na kasalukuyang nakaupo at may inaayos sa maliit niyang bag.
Ayoko nang pansinin kung gaano kagwapo si Dean ngayon kasi baka bigla akong mapa-amin nang di oras. Hindi p'wede!
Pero bigla ulit nagsalita si Dean at napalingon ako sa kanya.
"Guys, ako na nagsasabi sa inyo. Prank lang talaga 'tong graduation natin," saad niya habang inaayos ang DSLR niya sa tripod niyang dala.
"Bakit naman prank?" tanong ko sa kanya at saka ako tumabi sa pwesto ni Charm.
"Because today is April 1!" pilyo niyang sabi na may kasama pang pag lahad ng dalawang braso.
Napailing na lang si Maru sa sinabi ni Dean at tinulungan siya nitong ayusin ang pagkakatayo ng tri pod.
Narinig kong isinara ni Charm ang zipper ng pouch niyang dala.
"Prank ka riyan, Dean Hilton? Sige, kung gusto mong maging prank talaga para sa'yo, vandalize your diploma. Don't include us with your shitty thoughts!" iritableng sambit ni Charm sabay tayo. Tinawag niya ang iba naming kaklase para kumuha ng picture ng sama-samang naka-toga.
"Bakit badtrip?" tanong ni Maru kay Dean.
Dean shrugs.
"Baka red tide?" sagot nito at ipinagpag ang palad nang makitang ayos na ang camera niya.
See? Ayan ang sinasabi kong Jargons nila.
Hinayaan ko na lang silang mag-usap at inalis ang hat sa ulo ko saka inayos ang mahabang itim na wavy kong buhok.
Itinali ko na lang ito nang mataas para hindi ako mairita once mag-picture na kaming lahat maya-maya. Medyo mahangin kasi rito sa pwesto namin dahil nasa open field kami.
Open field na may bleachers na nakapaligid.
Naglagay talaga ng bleachers ang designer ng school namin, para sa tuwing may event na gaganapin dito sa open field na ito, may mauupuan ang mga taganood na estudyante at guro.
Mabilis na natapos ang class graduation pictorial namin. Nagmamadali na rin kasing umalis ang iba dahil may kanya-kanyang celebration ang bawat estudyande kasama ang kanilang pamilya.
"Nagpaluto pala si Mom sa personal chef namin ng mga pagkain, would you mind coming with me, to celebrate our achievement?" masiglang imbita sa'min ni Charm.
"Sure, Charm. Sama ako!" sagot ko at lumapit sa kanya saka kumapit sa braso niya.
Ganito talaga ako, clingy. Pero syempre sa kapwa babae ko lang ginagawa. Never kong ginawa 'yon kila Maru at lalo na kay Dean ano!
Baka hindi na ako makatulog at yakapin ko na lang ang braso kong kumapit kay Dean 'pag nagkataon.
Medyo weird, pero may posibilidad na gawin ko 'yon if ever.
------
Hindi lahat sumama sa imbitasyon ni Charm. Pero syempre, present kaming tatlo ni Maru at Dean.
Kahit alam kong medyo aabutan ako nang dilim dahil sa pagsama ko rito sa bahay nila Charm, sumama pa rin ako.
Kasi, naisip ko 'to.
Sa bahay, wala namang masarap na pagkain. Walang handaan.
Syempre kung papipiliin ka between sardinas at sarsyadong tilapia, pipiliin mo ba 'yung de lata? Syempre doon ka sa masarap!
And one more thing, maiirita lang ako sa bahay kung umuwi kaagad ako. Pagdating mo, walang nangungumusta. Uutusan ka, at hindi man lang magtatanong kung pagod ka ba? Gutom ka ba? Wala!
'Yung masipag kong tatay; masipag humilata at manigarilyo maghapon, manenermon pa.
Good luck na lang talaga sa baga niya.
Mahirap na nga, naghahanap pa nang ikakamatay. Ayos rin e 'no?
Hindi tumatagal ang lamay ng isang buwan, pero 'yung magagastos mo sa pagpapalibing at sa lahat ng papeles nu'ng namatay, pang-isang taon na budget o baka pangdalawang taon pa nga.
Kaya kahit anong mangyari, piliing mabuhay nang matagal. Saka na gustuhing mamatay 'pag may pera nang pampalibing sa sarili mo.
Kung kulang ang kinikita para mabuhay, 'wag hahanap nang ikakasakit para maagang mamatay.
Love yourself, to live longer.
-----
Third Person's POV
Habang abalang nag-uusap ang mga magkakaklase patungkol sa mga karanasan nila sa Senior High School, hindi magkanda-ugaga si Charm sa pag-asikaso sa ilang bisita.
Tumutulong kasi siya sa house maid nila sa pag-accomodate sa mga bisita. Hindi lang kasi ang mga kaklase ng dalaga ang dumalo sa handaan. Maging ang ilan nilang kamag-anak na nakatira rin sa Village nila, dumalo rin.
Iyong iba naman ay mga katrabaho ng kanyang mga magulang.
Hindi na nakasalo sa selebrasyon ang mga magulang ni Charm dahil may urgent meeting ang mga ito related sa kanilang trabaho sa lungsod ng Paris sa bansang France.
Bilin ng mga magulang nito na, mananatili sila doon ng dalawang linggo, dahil kailangan daw nang mag-asawa ng alone time.
"Mom! 'Wag kayong gagawa ng baby ha!" sigaw ni Charm kanina, mula sa kanilang pinto, habang lumalabas ang kanilang kotse mula sa garahe.
Bumaba ang bintana ng passenger seat, at dumungaw ang nanay nito, saka kumaway at tuluyunan nang nawala sa paningin ng dalaga ang sinasakyang kotse ng magulang niya.
Samantala, napadako sa comfort room si Charm dahil may tumatawag sa phone niya.
Hindi niya maiintindihan ang sasabihin ng kanyang kausap sa labas dahil medyo maingay ang mga nag-uusap na bisita.
Hindi na siya nakasuot ng uniform dahil nagpalit na siya nang above the knee na peach dress at nagsuot ng flat shoes.
She covered the toilet and sit there before answering the call.
Tita niya, na nakatira sa Ireland ang tumawag.
"Magne! Tita is proud of you! We are proud of you, iha. Regards sa Mom at Dad mo ha?" sabi nito sa kabilang linya.
Kahit ayaw na ayaw ni Charm nang tinatawag na "Magne" dahil naiirita siya sa baybayin nito na 'pag binasa ng iba ay 'Mag-ne'. Bukod tanging ang Tita niya lang ang nakakatawag sa kanya nito.
Ito kasi ang nag-alaga sa kanya noong kakasilang pa lang niya hanggang sa magsampung taon siya. Hindi ang Mom niya ang nag-alaga sa kanya, dahil caesarian ito. Wala naman ang Dad niya noong mga panahong iyon dahil, kaka-promote lang nito bilang Head Manager sa pinagtatrabahuan nitong kompanya, at maraming ginagawa.
Habang lumalaki si Charm, ay palagi namang wala ang mga magulang nito. Kaya ang Tita niya ang nagprisinta na mag-alaga sa kanya. Wala pa kasing asawa ito noon, ngunit nang naikasal ito sa isang Irish, isinama ito ng kanyang asawa para roon na manirahan.
"Yes, Tita, I'll tell it to them. Thank you po!" masigla niyang sagot.
Matapos ang kanilang usapan ay lumabas na ng banyo ang dalaga at dali-daling nagtanong sa mga kaklase.
"Need niyo pa ng food and drinks?" She asked them cheerfully.
"Yes please, Charmagne. Saka baka pwede kang magdala ng champagne?" one of her male classmate asked while grinning.
"Che! Akala mo nakakatuwang ipag-rhyme ang name ko sa Champagne?" She retorted back while raising her left eyebrow.
"Chill, 'di naman 'to mabiro," saad nito at nag peace sign.
Inirapan lang siya ni Charm at nagpaalam sa ibang kaklase na kukuha lang siya ng pandagdag na pagkain nila mula sa kusina.
Bago pa man makarating sa kusina ang dalaga, napahinto ito sa pantry dahil nagri-ring ang telepono na nakapatong malapit dito.
Agad naman itong sinagot ng dalaga, baka may gustong bumati sa kanya na katrabaho ng magulang niya. Ang teleponong iyon kasi ay ginagamit lang sa trabaho ng magulang ng dalaga.
"Hello?" bungad ni Charm sa tumawag.
A long pause.
Napatingin ang dalaga sa telepono ngunit agad rin namang ibinalik sa tainga.
"Hello po?"
She was cutted off by a deep and modulated unfamiliar voice of man.
Yes it's a MAN.
And it cause Charm's heartbeat to start from racing.
"Hey, sweetie? Missed me?" He utters from the other line.
Charm did not reply anything. She got frozed from her place and her system seemingly disowned her.
"Alam mo? Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay 'yong bastos. Kapag kinakausap ka, sumagot ka. Dapat nga matuwa ka pa, kasi tumawag ako para mangumusta at bumati dahil graduate ka na," pandalian itong huminto, "'Di ka man lang ba magpapasalamat?" tanong nito sa dalaga.
Charm gulped and tried to get some strength to talk back with this crazy man.
"K-Kung ano man ang trip mo, itigil mo na! W-wala kang mapa-prank dito!" nauutal na ani Charm kahit halata sa boses niya ang takot dahil sa panginginig.
Tumawa nang malakas ang lalaki.
Parang tawa ng isang baliw.
Parang tawa ng isang demonyo.
"Prank? Sino bang nagsabing prank call ito? Naturingan kang with honors pero hindi mo ginagamit 'yang kokote mo!"
Napayukom ang kamao ng dalaga dahil sa narinig. Ayaw na niya ng kalokohan na 'to! Kung gusto niya talagang patayin siya nito, dapat dati pa! Dapat noong nakaraang taon pa!
"Tigilan mo na ako, pwede ba? If you really want me dead, dapat matagal mo nang ginawa! Hindi 'yong ang dami mong sinasabi at mga games na nalalaman. Stop messing with a me, you psychotic murderer!?" nanggagalaiting sigaw ng dalaga.
The man just chuckled with her statement.
"Ayan, that's what I want. I want you to fight back because today, the game that I've set last year will begin again. Same rules, sweetie," He stop for a second and whispers in a creepiest and eerie way through the telephone, "Seek me, before Death cross your path..."
Tila nagtayuan ang lahat ng balahibo ni Charm dahil sa narinig.
Dahil dito ay tuluyan na siyang natumba mula sa kinatatayuan niya.
Nahinto na ang tawag at ang daming tanong ang bumabalot sa isipan ni Charm.
Paano kung totoohanin na ng killer ang mga sinasabi niya?
Paano kung patayin na siya, at pati ang mga malapit sa kanya?
Ano nang gagawin niya?
Susundin niya ba ang gusto ng baliw na lalaking 'yon?
Napasabunot sa buhok ang dalaga dahil sa frustration na lumalamon sa sistema niya.
"Charm? Anong ginagawa mo riyan sa sahig? Bakit ka- UMIIYAK KA BA?!" nag-aalalang tanong ni Dean nang makita niya ang kaibigan na nakasalampak sa lapag.
Umupo ang binata at hinawi ang mga kapirasong buhok sa pisngi ni Charm saka pinunasan ang mga luha nito.
"What happened? Nag-away ba kayo ng Dad mo? Pinagalitan ka ba?" sunod-sunod na tanong nito ngunit patuloy lang sa paghikbi ang dalaga.
Nakita ni Xamel ang dalawang kaibigan sa ibaba ng pantry nang papunta siya sa banyo malapit dito.
Agad nitong tinawag si Maru at sinabing puntahan nila ang dalawa.
Nang makalapit ang dalawa, yakap na ni Dean si Charm, at hinahagod ang likod para patahanin dahil mas lumakas na ang iyak nito ngayon.
"D-Dean? Bakit mo niyayakap si Charm?" naguguluhang tanong ni Xamel.
Marahil ay nasaktan ito sa nakita.
Biglang napalingon ang binata at agad itong tumayo.
Tumayo na rin si Charm ngunit patuloy pa rin ang pag iyak nito, sa 'di malamang dahilan.
Parehong nakaabang si Maru at Xamel sa isasagot ni Dean.
"He's back," Dean said worriedly.
Nagkatinginan si Xamel at Maru.
"Sino? Sinong bumalik?" Maru asked in confusion.
"The culprit is back, and his bullsh*t game, he started it again..."
Dean stated, that brought his friends to be terrified and feel anxious.

Komentar Buku (81)

  • avatar
    Bai Nisan Digla Unotan

    so amazing

    9d

      0
  • avatar
    Eil Maurice Perez Dudass

    godjob

    17d

      0
  • avatar
    Trixia Omandam

    Goods story

    16/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru