logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

IKAANIM NA KABANATA : Mga kakampi

MARILOU'S POV
"FERNANDEZ, nagbalik ka ah. Off duty mo na diba?" Tanong ko sa kasamahan kong Pulis. Umuwi na ito kanina ah.
Tumango ito. "Nasaan ang mga Prisong dinala ko dito, Salvador? Saan mo sila iniwan? Pinabayaan molang ba sila?"
"Ba't ang dami mong tanong jan, ha. Andoon ang mga iyon sa bahay namin."
"Raphael, puntahan natin sila." Isa sa dalawang babaeng kasama nito ang nagsalita.
"Oo, Elvie." Saglit nitong nilingon ang dalawa saka ibinalik sa kanya ang tingin. "Masasamahan mo ba kami doon, Salvador?"
Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo. "Aba'y oo naman." Ani ko saka kinuha ang Wallet bag ko na nasa Mesa. Pinasakay agad niya ako sa sasakyan niya.
"Ano palang kailangan niyo sa dalawang iyon at nagmamadali ata kayo?" Tanong ko habang papalapit na kami sa bahay namin.
"Mahalaga. Diko alam kung dapat ba naming sabihin sa iyo."
Napairap ako. "Sus ka. Para naman akong others niyan."
Pinahinto ko ang Sasakyan sa harap ng bahay namun. Tahimik ang kabahayan at may Padlock pa. Lahat kami'y napalingon ng isang Sasakyan ang huminto. Bumaba doon si Nanay  at ang Lalaking umuupa sa amin, kasama si Maam Josephine.
Agad akong lumapit sa kanila.
"Nay!"
Pero wala sa akin ang pansin nila. Diretso lang si Mama na nakatingin sa likod ko. Nagtataka naman akong lumingon at nakitang papalapit ang tatlong kasama ko.
"Ruzzibel!"
"Elvianell!, Aileyell!, Raphael!"
Nagtatakang tiningnan ko sila. "Ang Drama ah. Magsisigawan pa kahit ang lapit lang." Pero di padin nila ako nilingon o pansinin man. Nagyakapan pa ang mga ito sa Harap ko. Magkakakilala sila?
"Buti nagkita na tayo." Anang Nanay ko.
"Oo nga." Anang sinabihan nitong Elvianell.
Saka lang rumihestro sa isip ko ang pangalang itinawag nito sa Mama ko. Ruzzibel? Ang akala ko'y Ruzz lang talaga ang pangalan niya?
"Halikayo't sa loob tayo mag-usap." Anang Mama ko. Agad naman sumunod ang mga ito. Naiiiling na napakamot nalang ako sa ulo. Weird huh.
LUCY'S POV / ELOISHA'S POV
GULAT na Gulat padin ako. Nalaman kona ang lahat, na isa akong Diwata at Prinsesa pa talaga. Parang nanaginip lang ako ng ganoong bagay. Sino ba ang maniniwalang ang Weird sa mundo ng mga Mortal ay isa palang Prinsesa ng mga Immortal?
Nasa silid ko lang ako. Palakad lakad sa loob. Madaming Kawal sa labas ng Kuwarto ko. Naisip kong lumabas muna para puntahan si Freddie. Nagpasama ako sa isang Kawal.
Nang makapasok ako'y agad nagyukuan ang mga ito. Naiilang ma'y agad akong lumapit sa Wala pading malay na si Freddie. Sa Kabilang kama naman ay isang lalaking wala ding malay. Narinig kong iyon ay si Zafe, tiyuhin ni Freddie. Kung sa di gaanong sitwasyon ay matutuwa at mapapangiti ako, para lang din kasing magkakaedad kaming lahat. Di kasi tumatanda ang mga nandoon.
"Prinsesa Eloisha. Bakit ka nandito?" Si Jema.
"Eloisha nalang, Jema. Di ako sanay." Ngumiti lang siya. "Nag-aalala kasi ako kay Freddie. Mamaya ay ang Kapatid ko ang pupuntahan ko." Nalaman kong kanina na kapatid ko si Prinsipe Ephraim.
"Masaya kami na nagbalik kana, Prinsesa Eloisha." Anang Papa ni Freddie. Si Jevru.
"Masaya din ako, Jevru. Pero diko itatangging natatakot ako."
"Huwag kang matakot. Andito kami para Protektahan ka." Si Gimara. Nalaman kong siya ang Mama ni Jema. May kakayahan siyang kilalanin kung sino ang Paparating base sa panlabas na anyo. Nakikita niya iyon sa isip niya.
"Gimara, may hihilingin sana akong Pabor, puwede kobang patingnan kong nasaan ngayon ang mga kasama kung napadpad dito?"
"Paumanhin, Prinsesa Eloisha. Pero wala akong ganung kapangyarihan. Si Punong Diwata lang ang may kapangyarihang ganoon."
Napatango ako. Nag-aalala na ako sa kaibigan kong si Eve. Kung saan ito napadpad ngayon.
"Teka sandali." Si Jema. "May Regalo ako sa iyo."
"Ano yun?"
Yumuko siya pero tila wala na doon ang hinahanap. "Teka, nawawala ang Pulseras!"
"Pulseras?"
"Oo, Gintong Pulseras. Nakita ko iyon kanina."
"Nawawala ba?"
"Oo eh. Pasensya kana, Eloisha ah."
"Okay lang. Puwede moba akong samahan doon sa Silid ng kapatid ko, Jema?"
Agad naman siyang tumango.
JOEL'S POV
NAPASIGAW ako ng pagmulat ng mga mata ko'y nasa dagat na kami.
"Bakit mo ako dinala dito? Balak moba akong lunurin, huh?!"
"Huwag kang maingay, binata."
"Hindi! Di pala isang ahas ang kakain sa akin kundi isang Pating!"
"Isang daldal pa't ipapakain talaga kita." Natahimik naman ako. Mahal kopa ang buhay ko ano.
"Ano ba kasing ginagawa natin dito?"
"Basta. Itampisaw mo ang mga paa mo sa Dagat."
"Huh? Ang Weird mo naman." Wika ko pero sinunod naman siya. Napasigaw ako ng isang ulo ang bigla nalang lumutang sa bandang Paa ko. "Isda!"
"Tanga. Isa akong Sirena, di isda."
"Azner!"
"Punong Diwata, narito ka pala. Siya naba ang Mortal na kailangan?"
"Oo. Bibigyan ko lang siya ng Buntot." Gulat padin pero nanatili mona akong tahimik. Wala din naman akong naiintindihan sa buntot buntot nayan.
Mas nagulat pa ako ng maging Paa ang kanina'y Buntot nito. Agad itong naglakad papunta sa Punong Diwata kuno. "Hahanapin ko lang si Yahub, nakita moba siya sa iyong balintataw?"
"Hindi eh. Narito ako kanina kaya diko man lang siya nasilip. Paniguradong andiyan lang iyon sa tabi tabi." Tumango lang ang tinawag na Azner saka biglang nawala. Gulat na napanganga ako. May powers nga talaga ang mga tao doon! Buntot naging Paa tapos iyon?
Nilingon ako ni Punong Diwata kaya tinaasan ko siya ng kaliwang kilay. "Mapupulmonya ang mga paa ko saiyo, Punong Diwata."
Tila guilty naman siya kaya lumapit sa akin. May inuusal siyang mga salita sa harap ng kamay saka inilublob ang mga kamay niya sa tubig. Napapikit naman ako dahil sa kakaibang kiliti. Nang imulat ko ang mga mata ko'y napasigaw ulit ako.
"Wahhh!!! Ano tu?!"
"Isa kanang Sireno, kaya halikana."
"Anong sinasabi mo jan?" Mangiyak ngiyak kong aniya. Feeling ko tuloy mukha akong bakla kaya pinahid ko ang mga luha ko. "Paano na ako makakalakad nito?! Ano ba talagang kailangan mo sakin?"
"Kailangan ko lang ang dugo mo-"
"Dugo? Uubusan mo ako ng Dugo? Ayuko pang mamatay!"
"Arte mo. Ilang patak lang. Buhay ang ililigtas mo pag nangyari ito."
Natigilan naman ako. Balak kong magDoctor soon kaya pangarap ko din  magligtas ng buhay.
"Okay sige." Wika ko saka lumusong sa tubig. Buti nalang talaga'y swimmer ako.
JOREX'S POV
SA MALAYUNG KUWEBA ay nakatira ang isang Malaking Halimaw. Ang pangalan ko'y JoRex. Isang taong nagiging Halimaw sa gabi.
"Jorex! Isa kang Halimaw!" Gulat na sigaw ng Kaibigan kong si Eboy. Dahil gutom na gutom na. Di ko na siya nakikilala.
Kumuha ako ng lagari saka initsa iyon sa kanya. Dahil di agad nakaiwas. Naputol ang mga paa niya.
"Huwag!!! Ah!!! Tulong! Jorex huwag!"
Kinain ko ang naputol na Paa niya. Nasasarapang nginuya ko iyon habang si Eboy naman ay puro atras. Halo na ang luha at sipon sa mukha niya. "Jorex huwag!! Kaibigan mo ako!!"
Kinuha ko ulit ang lagari saka itinaga sa kanya. Nagkalat ang dugo. Dinala kp ang walang buhay na katawan niya sa lamesang bato ko. Doon ko siya kinain ng tuluyan. Mula sa kamay, isang Paa. Lahat, wala akong itinira. Matapos ay busog akong humiga.
Diko namalayang isang Diwata pala ang nakakita sakin. Agad itong naglaho at takot na umalis para magsumbong.
SAKARA'S POV
AGAD kong sinabi sa Pinuno ko ang nakita ko. Kay Pinunong Isagani.
"Saan mo eksaktong nakita ang Halimaw, Sakara?" Tanong ni Pinuno.
"Sa Kuweba po, Pinuno. Kinakain niya ang kaibigan niyang pangkaraniwang Diwata. Ang kuwebang sinasabi ko'y nasa Banda ng Palasyo Freyaha."
"Kung ganun ay totoo ang Propesiya. Isang Halimaw ang pipigil sa mga Dragon."
"Anong ibig mong sabihin, Pinuno?"
"Isinumpa na magigising ang mga Dragon kapag nakoronahan na ang nakatakda. At ang nasa Propesiya'y may isang Halimaw na tutulong sa Prinsipe para matalo ang mga Dragon na iyon."
"Kung ganun ay hindi mapapahamak ang Kaharian?"
"Hindi natin masisigurado. Kapag nagkasama ang Tatlong Prinsipe at maitapat ang Tatlong Espada nila'y masisira lahat ng Sumpa."
"Tatlong Prinsipe? Isa na ho roon si Prinsipe Ephraim?"
"Hindi. Isa siyang huwad na Prinsipe. Di siya nakatadhana sa kung anong Truno."
"Ano hong ibig niyong sabihin?"
"Malalaman mo din pagdating ng tamang Oras, Sakara."
Napatitig ako kay Pinuno. Isang Huwad? Hindi ko iyon alam ah?
JENELYN'S POV
SAKAY ng walis tingting ko'y umuwi ako sa totoong bahay ko.
"Anak, napauwi ka bigla." Ang inay kong si Irene na abala sa mga hinahalong kemikal sa isang bote.
"Wala lang, nay. Ano ho iyang ginagawa mo?"
"Tutulong ako sa mga Diwata, anak. Nakita ko sa malaking Kawali kanina na nanganganib si Freddie."
"Ano pobang sakit niya, nay?"
"Di iyon sakit, anak. Isa iyong panghihipnotismo at sumpa na ginawa nina Wennie at Wendy. Oras na magising siya'y hindi na siya ang Freddie na kilala niyo."
"Bakit naman po iyon gagawin nina Wendy kay Freddie? Diba dapat kay Prinsipe Ephraim? Dahil doon sila galit?"
"Iyon ay dahil sa pag-aakala nilang si Freddie ay ang Prinsipe..." Ipinaliwanag niya sa akin ang pagpapanggap na ginawa ni Freddie.
"Pero paano po kung malaman ito nina Wennie? Baka mapahamak ka inay."
"Hindi ako natatakot sa kanila, anak. Natatakot ako para sa kaligtasan mo. Kilalang masasamang Diwata sina Wendy."
"Kaya koho silang tapatan, inay. Teka, ano pobang Lunas ang magpapagaling kay Freddie?"
"Isang gamot, Jenelyn. Alam kong ginagawan na ng paraan ni Punong Diwata ang pagliligtas kay Freddie. Tutulong lang ako."
"Kung gayun, inay, babalik ako sa Palasyo para sabihan silang lahat sa panganib na idudulot ni Freddie."
"Hindi kita pipigilan sa bagay na iyan, anak. Pero mag-ingat ka. May mga Tulisang Uwak na nagroronda."
"Magtiwala kayo sa akin, inay." Wika ko saka muling sumakay sa Walis ko.
Nasa himpapawid na ako ng isang Lambat ang humarang. Nang lumingon ako ay ang mga Tulisang uwak ang may gawa.
Mukha ba akong sirena? Sirena sa Himpapawid? Bubulyawan kona sana sila pero initsahan nila ako ng pampatulog. Nagtagumpay sila. Unti unting nahihilo ako kasabay ng pagkahulog ng Walis tingting ko.
Di iyon nakita ng inay kong si Irene sa Kawali, dahil abala padin ito sa Paggawa ng lunas.
MARILOU'S POV
NAPATINGIN kaming lahat kay Maam Josephine o mas tamang sabihing Diwata Jesuza.
Hinubad na niya ang Kuwintas na suot kung kaya't may kapangyarihan na ulit siya. Isang Brilyante ang inilabas niya sa Kamay. Lumutang iyon sa Palad niya.
Ganun din ang ginawa nina inang Ruzzibel, Aileyell at Elvianell. Nang hubarin ang mga Kuwintas ay lumabas ang mga pakpak ng mga ito saka naging Maliit na para bang isang Alitaptap?
Si Fernandez naman ay hinubad ang suot na Kuwintas, at ilang sandali pa'y naging isang Taong Uwak? Lahat ng iyon ay di nakalagpas sa mga mata ko, napanganga ako. Kinusot kusot ko ang mga ko. Pero di padin iyon nagbago. Napasigaw ako.
Agad naman akong nilapitan ni Ephraim at ipinaliwanag sa akin ang lahat. Nang mahimasmasan ako sa Gulat ay napaupo ako.
"Kung gayun ba, inay, ay isa din akong Lambana na sinasabi mo?"
"Ikinalulungkot ko, Marilou anak. Pero hindi, anak ka ng kumupkop sa akin noon. Nang mamatay siya'y ako na ang naging Ina mo."
"So, tao talaga ako?"
Tumango siya. Napahawak naman ako sa Ulo ko. Ramdam ko ang biglang pagsakit niyon.

Komentar Buku (20)

  • avatar
    c Li

    the THRONE is very nice

    01/06

      0
  • avatar
    Joseph Blanquisco

    nice

    16/05

      0
  • avatar
    Em-Em Trangia Bando

    try to this app

    13/02

      1
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru