logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 5

Chapter 5
Celestine Mae 'POV
Days passed and my day went smoothly. Habang lumilipas ang mga araw ko sa trabaho, dumadalas ang pagkaka salubong namin ni Marco, at madalas sabay pa kaming dalawa sa elevator.
Bakit pa ba ako magtataka, nasa iisang building lang kami, at siya pa ang may ari ng pinapasukan ko. Nagkataon pa nga na kaming dalawa lang sa loob ng elevator, pero inignora ko lang siya, na para bang wala lang siya sa paligid ko.
" Ate ngayon ko nga pala malalaman kung saan akong company approved, I tell you when i got the result.." si Bryle habang nakain kami ng breakfast.
After ng pag kikita nilang tatlo nila daddy, four days lang ang lumipas at may bagong sedan na ang nakaparada sa harap ng bahay namin. Bryle knew about that thing, sabi niya ipinilit daw kaya tinanggap niya nalang, mabuti nalang at tumanggi si Caleb, hes not used to driving cars, kaya mas pinili niya ang motor nilang dalawa ni Bryle.
Sabi ko na, once makipag kita sila sa tao na yun, mag uumpisa lang yun sa kakabigay ng hindi naman kailangan.
Maulan ngayong araw, buwan kase ng August kaya eto at sabay-sabay na naman ang pasok ng bagyo.
Bryle admit to drop me at my work but i refuse, dahil male late lang siya sa school kung gagawin niya iyon. Okay lang na ako ang late kesa naman siya diba.
"Celestine, your late!dalian mo na at knina kapa hinahanap ni Mrs. Cruz, at galit siya..!" si Kiara, isa sa mga kasama namin dito, na unang naka kita sa akin paglabas ng elevator. Ang lakas naman kase ng buhos ng ulan, basang basa tuloy ang pants ko!
Expected ko nang magagalit sa akin si Mrs. Cruz, hindi dahil late ako, kung hindi dahil hindi ko na naman dinala sa opisina ni Marco ang mga papepeles na kailangan niya.
I always left those paper on his secretary, kaya ang nagyari, natambakan na ng ibang mga papeles at hindi na na i priority.
Pagpasok ko sa opisina hindi pa man ako nakakaupo, nakasunod na pala si Mrs. Cruz
"Why are you late Ms. Gonzaga? And why the hell is your reason,bakit yung mga papeles na kailangan mong papirmahan kay Mr. Montenegro ay hindi mo napa pirmahan.?!" galit at pasigaw na untag sa akin ni Mrs. Cruz
"kailangan niya yung mga papeles na yon ngayong araw mismo, at sa akin hinanap, pero hindi makita. Galit na galit siya dahil dalawang meeting ang cancel dahil, all those paper are important documents..!" pasigaw parin niyang sabi, saka tumalikod
Huminga nalang ako ng malalim pag alis ng ginang. Paano ko ba naman kase ibibigay at papipirmahan sakanya ang mga papeles kung kada pupunta ako sa opisina niya ay wala akong makuhang response sa mga tanong ko, kaya iniiwan ko nalang ang mga yun sa lamesa ng secretary niya.
Wala pang limang minuto ng lumabas si Mrs. Cruz bumukas ulit ang glass door ng opisina ko, at pasok ng sekretarya ni Marco kasama siya na seryoso ang pagmumukha at kita ang iritasyon sa mata.
"ANONG KLASENG EMPLEYADO KA! SIMPLENG PAGPAPA PIRMA HINDI MO MAGAWA! ESTUPIDA..!" malakas na bulyaw niya sa akin, na siguradong dinig ng lahat dahil nakabukas ang opisina ko.
Ang mga papeles na dala-dala ng sekretarya niya ay walang habas niyang kinuha at isinaboy sa katawan ko, at sinipa pa ang ibang nahulog.
"Finish all those fucking paper! I need all of that tomorrow, hanggat hindi tapos wala kang karapatang umuwi.!" saka lumabas at naglakad ng dire diretso.
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya, nainsulto ako ng sobra, hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon magsalita, para depensahan ang sarili ko sa trabahong ibinigay niya.
Tumulo ang luha ko, malamang dahil sa inis at embarrassment na natamo ko galing sakanya, paglabas niya saka sunod sunod na nagsilapit ang mga kasama ko sa pinto ng opisina.
"Okay lang ako, madali lang naman tong pinagagawa ni sir. Marco.." nakangiti kong baling sakanila, para hindi halata ang pagka pahiya ko.
Pumasok si Alfie at Fennie para tulungan akong damputin at ayusin ang mga papeles. Hindi sila sumubok na kumibo, dahil miski ako ay hindi kumikibo.
" Girl, nadugo yung pisngi mo"si Fennie sabay abot sa akin ng tissue at maliit na salamin na nakuha niya  sa table ko. May mahabang gasgas ako sa pisngi at dumudugo nga ito.
" Gawa siguro ng pagbato niya sa akin ng mga papel, sa staple siguro Fens, pero okay lang hindi masakit.."
Lumabas din naman ang dalawa pagkatapos pulutin ang mga papel, gusto nila akong tulungan at ipagpaliban ang mga sariling gawain, pero  sabi ko ay huwag na.
Gaya pa rin ng dati si Marco, walang kasing sama at kasing demonyo! Lalo na kung manakit ng ibang tao.
Habang ginagawa ko ang trabahong sinaboy niya sa akin, pumasok pa ang sekretarya niya at naghatid pa ulut ng sandamakmak na papel.
Sige lang Marco, sagarin mo ako, kung ano man ang dahilan niya sa mga ginagawa niya sa akin, hindi ko alam. Pero hinding hindi mo ako mapapataob sa mga walang kwentang pang iinsulto mo.
Lumipas ang oras, nag lunch time pero hindi ako kumain, breaktime, tumayo lang ako para uminom ng tubig at mag cr tapos nagtuloy ulit sa trabaho.
Nagsi uwian na ang lahat halos ng kasama ko, ako kalahati palang sa trabaho.
"Sis gusto mo mag overtime kami, para matulungan ka namin..?" si Shay
"Okay lang ako dont worry kaya pa naman, ingat kayo pauwi ha.." untag ko kay Shay. Nahahabag silang nakatingin sa akin pero sa huli ay umuwi parin sila, dahil ayaw ko naman pumayag na tulungan ako.
Tinawagan ko si Ate Tetang nag mag ala sais ng hapon, siya yung pinakikisuyuan ko na caretaker ng katabing bahay namin pag may gagawin ako na hindi ko magawa. Nakisuyo ako na ipagluto muna ng hapunan si Bryle at Caleb dahil hindi pa ako makakauwi.
Alas nuwebe ng gabi at halos ako nalang ata ang nandito sa palapag na ito, bute nalang halos napangalahati ko na ang mga pina arrange niya saakin na mga papeles.
Saka ko lang naalala na nabasa nga pala ako ng ulan nung papasok ako kanina at natuyuan nalang. Tanghalian at hapunan ay nakalimutan ko na sa dami ng ginagawa.
Giniginaw na ako, at mabigat na ang pakiramdam sa katawan ko, alam ko na ang kasunod nitong nararamdaman ko pero bahala na.
Akala ata ng lalaki na iyon mapapa suko niya ako sa gantong dahilan, pwes nagkakamali siya. Bahing ako ng bahing ng biglaang kumatok ang isang guard sa opisina. Halos patay na pala ang mga ilaw sa palapag na ito at akin nalang ang maliwanag
"Mam, umuwi na daw po kayo, sabi ni Sir. Marco at ipag patuloy po iyan bukas...saka kailangan niyo na pong lumabas ng building Mam, mag che check na po kase kami ng mga ilaw.." si manong guard
"Ah sige po Manong, ayusin ko na po ang mga gamit ko tapos uuwi na. Salamat.." naka ngiti kong sagot kay manong guard.
Inayos ko muna ang lamesa ko, sinalansan ko maige ang mga natapos ko at hindi pa natapos. Sininop ko ang mga gamit ko at nagmadali ng bumaba ng building.
Pagbaba ko sa first floor, ay kitang kita na umuulan parin, grabeng ulan naman at maghapon na ata, malas at wala akong payong. Mahirap pa namang sumakay pag ganitong gabi na.
Nag antay pa ako ng ilang sandali, at sa pag hihintay ko ang paglabas naman ng unggoy na si Marco sa elevator.
"Consistent ha! Hope you finish all by tommorow, pinagbigyan lang kita ngayong araw. Be professional Ms. Gonzaga.." nang iinsultong sabi ni Marco
"Mababaw parin pala talaga hanggang ngayon yung pagkataong meron ka ano?! wala ka paring pinagbago kung paano ka trumato ng ibang tao! Nag susumigaw ang karangyaan mo, pero umaalingasaw ang pagiging mabaho ng ugali mo..!" sabi ko dahil sa inis
"Wag kang mag alala, makaka asa ka SIR BUKAS TAPOS DIN PO AGAD PINATA TRABAHO MO.." dugtong ko
Sabay labas sa building, at tinalikuran ko siyang galit na nakatingin sa akin. Akmang lalakad na ako para makahanap ng masasakyan, siyang higit niya sa palapulsuhan ko. "Wait for my driver, he'll drive you home.." madiin niyang pagkaka sabi.
PAKK! hindi ko napigilan ang sarili ko at agad ko siyang sinampal, talagang gago pala siya eh, matapos niya akong insultuhin, ipapahatid niya ako ngayon sa driver niya. Ano ako sira.
" Hindi mabubura ng pagiging plastik mo, ang mga pagkakamali mo! Salamat nalang pero kaya ko ang sarili ko..!"
Sumulong ako sa ulan at hinayaan ang sarili ko na mabasa, makahanap lang ng masasakyan at makauwi.
Ganyanan ang gusto mo Marco, ibibigay ko saiyo. Kinalimutan kita, binaon sa limot, nag krus man muli ang landas natin, pinangako ko sa sarili ko na patuloy kitang itataboy.
Hindi ko hahayaan na gaganituhin mo ako. Kung pag iwas ang solusyon para hindi tayo mag kita at para hindi ko maalala ang lahat, iiwasan kita, pero kung gaganituhin mo ako, ibabalik ko sayo ang tratong ginagawa mo sa akin.
Bwisit ka Marco Montenegro!!

Komentar Buku (1329)

  • avatar
    Crisdoie Galvezo

    nang nabasa ko to .. naiiyak ako kasi sobra niyang tapang sa kabila nang bigat nang problema .niya .. nkakakuha ako nang aral na kailangan talaga matapang sa anumang hamon nang buhay... sana ganyan din ugali ko katulad ni celeste ..😔😔

    13/07/2022

      2
  • avatar
    Psyrhen P. Delapaz

    one of the best novelah story i read

    12/07/2022

      1
  • avatar
    Alliah Raine Ambong

    ang ganda ng story, celeste is very strong woman!!

    11/07/2022

      2
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru