logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 06

"So how's your stay at Cebu?" I am currently talking to mom via call. Nakahiga lang ako sa kwarto dahil past 9PM na rin. Days passed very quickly. Halos one month na rin ata ako rito and parang gusto ko nang umuwi pero hindi pa rin ata ako gano'n ka-okay.
"It's fine, Mom. What's your plan nga pala for your birthday for next next week? Gusto niyo bang pumunta rito?" Since nga hindi pa naman ako ready umuwi ng Manila, maybe sila na lang papuntahin ko rito sa Cebu. Ayaw ko namang absent ako sa birthday celebration ni Mom at para makapagpahinga naman sila from stress.
"That's a great idea, sweetie. I'll gonna talk your Dad about that." Mom really loves fancy parties. But since, wala naman siyang amigas dito, kami kami na lang siguro magce-celebrate. Huwag naman na sana siya mag-invite ng mga kaibigan at ka-business partners and bring them here all from Manila.
"Maybe magco-conduct na lang kami ng separate party dito sa bahay for our business partners." See? Mom will not let any important events uncelebrated.
"Much better, Mom. But I think I need to go to sleep na," I said while yawning. Ramdam ko na ang antok ko dahil tinulungan ko si Nanay Lydia kanina kasi nag-general cleaning siya sa buong bahay.
"Okay. Goodnight, sweetie. I love you." After saying goodbye ay in-end ko na 'yong call at pumikit.
Ready na akong magpalamon sa antok nang biglang tumunog ang phone ko. Hindi ko na lang pinansin at baka 'yong network provider lang.
It rang again kaya kahit antok na ay kinuha ko ito. Baka emergency.
I opened the message from an unknown but familiar number.
I miss you. The first text message said.
Nevermind. Hope your fine. It's the second message.
Tiningnan kong maigi ang number ng nag-text sa akin at doon ko na-realize kung kaninong number iyon.
I deleted his number a month ago. Pero 'di ba nga saulado ko ang number ni Adrian.
I never changed my number tho, kasi ayaw ko lang. Maybe next time, pag-uwi ko from here.
Hindi ko na lang pinansin 'yong text message niya at dinelete na lang iyon. Maybe he's just drunk texting. Mahilig naman talagang uminom ang lalaking iyon. Hindi naman issue sa amin 'yon no'ng kami pa.
Ayaw ko na rin makisawsaw pa sa lalaking magkakapamilya na. Ayaw ko ng gulo at wala ako balak makigulo. I know my place and my worth.
I sighed. Okay naman na siguro ako. Hindi ko na kailangan pang makigulo sa kanila, so sana hindi na nila ako guluhin pa.
Binalik ko na lang ang phone ko sa side table at nagtalukbong ng kumot. Nawala tuloy bigla ang antok ko. It's just a simple drunk message pero ang laki ng epekto sa sistema ko.
I don't miss him right? Maybe I am just longing. Pero that's same right? I sighed. I don't know. Maybe I am just missing the feels, not the person. Yes, yes. That's it. That's just it.
Nasa kalagitnaan ako ng pakikipagtalo sa sarili ko tungkol sa nararamdaman ko nang bigla akong makarinig ng pagsabog mula sa labas kaya mabilis akong napatayo.
Binuksan ko ang bintana at doon bumungad sa akin ang umaapoy sa may Romualdez Bakery.
Shocks. 'Yong bakery ni Vito.
Mabilis akong nagtsinelas at bumaba. Nakasalubong ko pa sina Dianne at Nanay Loida na kalalabas lang din ng kwarto nila.
"Ano 'yon?" inaantok pang tanong ni Dianne sa akin.
"Nasusunog 'yong bakery sa harap. May number ba kayo ng fire station na malapit?" Biglang nanlaki ang mata ni Dianne sa narinig at nag-panic na rin.
"May number ng fire station do'n sa kalendaryo sa kusina. Ako na ang tatawag." Dali daling bumaba si Dianne at maging kaming dalawa ni Nanay Loida.
"Jusko, sana ay okay lang ang batang iyon." Alam ko kung sino ang tinutukoy niya, si Vito.
Sabay kaming lumabas ni Nanay Loida at unti-unti na ring lumalaki ang apoy. Dumarami na rin ang nakikiusyoso sa labas at vinivideohan ang sunog imbes na tumawag ng bumbero.
Sa bakery mismo nagmumula 'yong usok at hindi sa bahay na katabi nito which is 'yong bahay ni Vito.
Naka-lock na ang bakery kaya walang may alam kung paano mapapasok para maapula 'yong apoy. Dagdag mo pa na wala pang paparating na bumbero. Ang tagal naman nila. May tumawag na ba?
"Saan ka pupunta?" tanong ni Nanay Loida sa akin nang humakbang ako paalis.
"Pupuntahan ko ho si Vito sa loob," lakas loob kong sabi. Hagya pa siyang nagulat sa sinabi ko.
"Hindi ko alam kung nandiyan siya ngayon at baka nasa isang bahay nila," saad niya. Maaaring wala diyan, maaari ring nandiyan. Still, hindi ko malalaman kung hindi ko titingnan.
"I'll check him po kung nasa loob nga siya. Dito lang po kayo ah," saad ko.
"Mag-ingat ka." Tumango ako at tumakbo na papunta sa katabing bahay ng bakery. Tanaw ko mula sa labas ang motor niya. Mas lumakas ang kutob kong nasa loob siya at baka natutulog pa.
Wala namang lock ang gate kaya binuksan ko ito. Pagkapasok ay medyo mausok na rin sa paligid dahil nasa loob din pala ng bahay niya ang bakery niya. Pag open mo kasi ng gate is parang garage then sa gilid may pinto for the bakery at may mga usok na lumalabas doon.
One-storey house lang siya kaya mabilis akong tumakbo papasok ng bahay at salamat sa Diyos at hindi naka-lock ang main door. Delikado man dahil madali siyang mananakawan if ever.
Medyo mausok na rin sa loob kaya medyo nahirapan akong hagilapin ang kwarto niya. Plus maraming mga pinto. Naririnig ko na rin mula sa labas ang wangwang ng mga bumbero. Salamat sa Diyos!
Tinakbo ko kaagad ang pintong una kong nakita ko. Kinatok ko muna ito pilit na binuksan. Madilim. Mabuti na lang at nakapa ko sa gilid ang switch. Guest room ata ito kasi walang gamit masyado at malinis. Pinatay ko na lang muli ang ilaw at sinarado ang pinto.
Nagsisimula ng kumapal ang usok kaya nauubo na ako sa nalalanghap kong usok.
"Vito," malakas kong tawag sa kanya sabay bukas ng isa pang kwartong nakita ko. Tulad no'ng isa ay wala ring tao pero medyo makalat. Ito na ata ang kwarto niya.
"Vito!!" sigaw kong muli habang umuubo-ubo pa dahil may kakapalan na rin ang usok sa paligid.
Dahil walang sumasagot ay patakbo akong pumunta sa may pinto para lumabas.
"Shit," mahinang mura ko nang hindi ko na mabuksan ang pintong kanina lang ay pinasukan ko.
Pilit ko itong binuksan pero ayaw talaga.
"Tulong!" malakas kong sigaw habang hinahampas ng palad ang pinto habang ang isang kamay ko naman ay pilit na pinipihit ang door knob na ayaw naman mapihit.
Napakapit ako sa dibdib ko dahil kumakapal na talaga ang usok sa paligid. Halos wala na rin akong makita. Pumunta ako dito para tumulong pero ako pa pala ang madidisgrasya.
"Tulong!!" pilit kong sigaw kahit ubo na ako nang ubo. May mga bumbero na sa paligid at inaapula na ang sunog. Pumunta ako sa may bintana at doon sumigaw pero natatabunan ng malakas na wangwang ng bumbero ang boses ko.
Bumalik ako sa may pinto at sa pilit na pagpihit ng door knob. Nawawalan na ata ako ng lakas dahil sa sobrang usok kaya naisandal ko na lang ang ulo ko sa may pintuan. Lumalabo na ang paningin ko at nakakaramdam na ako ng hilo.
Nanghihina man ay ramdam ko ang presensya ng kung sino sa labas. Ramdam ko rin ang pagkataranta nito base sa biglang paggalaw ng doorknob. Mabuti na lang at may tao na.
Hindi ko na nagawang umalis sa pagkakasandal sa pinto kaya ramdam ko ang pagkahulog ng katawan ko kasabay ng malakas na pagbukas ng pinto. Ramdam ko rin ang pagbagsak ko sa bisig ng kung sinong nasa harap ko.
Malabo at mausok man ay nagawa ko pa ring tingnan ang lalaking nasa harapan ko.
"Vito," mahina kong usal bago ko naramdaman ang pag-angat ng katawan ko. Wala na akong ibang nagawa kung 'di ang pumikit na lang. Tanging ingay ng bumbero at ng mga tao ang naririnig ko at ang mabilis na paghinga ng lalaking bumubuhat sa akin.
Mabigat siguro ako kaya hinihingal siya.
"Diyos ko, Chelsea! Ano bang pumasok diyan sa utak mo at pumunta ka roon?" rinig kong usal ni Dianne. Nanatili akong nakapikit dahil ramdam ko pa rin ang panghihina ng katawan ko. Ramdam ko ang paglapat ng katawan ko sa kung saan. Sa stretcher siguro.
"Medics, dito po," rinig kong sigaw ni Vito at maya-maya pa ay naramdaman ko ang paglapat ng kung ano sa bibig ko at ang pagpasok ng hangin mula sa bibig at ilong ko.
Mas naging mas magaan ang paghinga ko dahil doon. Ramdam ko rin na may kumukuha ng blood pressure ko. 'Di naman ako highblood ah?
"She's just suffocated by the smoke. Pagpahingahin niyo na muna siya," usal ng 'di pamilyar na boses.
"Ipasok niyo na muna siya sa loob." This time it is Nanay Loida. Ramdam ko muli ang pag-angat ng katawan ko. Rinig ko kung paano lumangitngit ang gate nina Nanay Loida.
Nang maihiga ako sa sofa ay hindi ko na alam ang nangyaring sunod. Marahil ay nakatulog na ako.
Nagising na lang akong nakahiga sa kwarto ko. Napabalikwas ako ng bangon nang maalala ang nangyari kagabi. I checked my phone and it's already nine in the morning. Kaya naman dali-dali akong nag-intindi at bumaba.
"Oh, Chelsea? Kumusta ang pakiramdam mo?" bumungad sa akin si Nanay Loida na kasalukuyang nag-aalmusal. Wala na sa paligid si Dianne, malamang ay pumasok na.
"Mabuti naman na po," sabi ko at hagyang tinanaw ang bakery sa tapat. Wala naman ng mga tao sa labas pero may iilang nag-aayos sa may bakery ni Vito.
"Kumusta ho si Vito?" mahinang sambit ko, nakita kong iginiya ni Nanay Loida ang paningin niya sa may sala kaya tumingin ako roon.
Bumungad sa 'kin ang lalaking hinahanap ko. Nakahiga at natutulog sa sofa. Hindi kalakihan ang sofa at may katangkaran si Vito kaya nakabaluktot itong natutulog. Ni wala man lang kumot!
"Mabuti na lamang at naapula agad ang sunog, halos kalahati rin ng bakery niya ang nasunog," kwento niya habang sumisimsim ng kape. Saglit akong tumayo para pumunta ng kusina para magtimpla ng kape.
"Ano daw hong naging dahilan ng sunog?" tanong ko nang makabalik sa lamesa. Naalala ko naman ang ginawa ko kagabing pagpasok sa bahay ni Vito para gisingin at iligtas siya but I end up being saved by him.
"Naiwang mini oven daw na nag-over heat." Tumango ako at nagsimulang mag-almusal. Maya-maya pa ay naalimpungatan na ang lalaking nakahiga sa sala.
He growned a little, maybe dahil sa sakit ng likod or what. May katigasan din kasi ang sofa na 'yon dahil manipis lang ang foam. Kawawa naman, nasunugan na nga may back pain pa.
Nakatingin lang ako sa kanya habang dahan-dahan siyang bumabangon hawak ang likod niya. Pagmulat ng mata niya ay saktong ako agad ang nakita niya kaya mabilis akong napaiwas ng tingin at tumikhim.
Nakita ni Nanay Loida ang naging reaksyon ko kaya mapanukso itong tumawa. Issue.
"Halika rito, Vito, mag-almusal ka muna," tawag ni Nanay sa kanya. Dahan-dahan naman siyang tumayo at tinanaw ang bakery sa harap. Bakas ang lungkot at panghihinayang sa mga mata niya. Pero wala naman na siyang magagawa dahil nangyari na.
"Mag-almusal ka na at tutulungan ka naming mag-ayos doon sa bakery mo," presenta ni Nanay. Umupo naman agad siya sa tabi ko at kumuha ng tasa at nagtimpla ng kape. It's dark coffee na halos kakatiting lang ang asukal. So he prefer his coffee like that? Uh nevermind. Umiwas na lang ako ng tingin at nagpatuloy sa pag-aalmusal. Fried rice at hotdogs ang niluto ni Nanay. This time walang tinapay.
"Grabe pala ang nangyari, halos sunog na sunog pala ang likuran, iho," sambit ni Nanay Loida. Andito na kami ngayon sa may mini terrace ng bahay ni Vito. Kitang-kita rito ang pinsala sa bakery niya. Mukhang kailangan ng malalang renovation.
May mga nag-aayos pang mga lalaki kaya umupo muna kami. The back part of the bakery was in chaos. Sunog na sunog gaya ng na-over baked na tinapay. Ang may harapan ng bakery is totally fine naman though yung karatula ng bakery with the bakery's name was totally burnt. Well, madali na lang magpagawa ulit ng bagong tarpaulin but the back part will take more time.
Since 'don 'yong lutuan or baking area, for sure maging ang mga equipments and utensils ay nasunog. Too bad.
"Paano na 'yan? Anong balak mo?" tanong ni Nanay. Mabuti na lang at nandito siya to help him. Para maibsan man lang yung problema. Hindi man kami makatulong physically atleast emotionally 'di ba?
"Baka i-renovate ko na lang ho nang tuluyan. This was the first bakery of my parents and I know it kinda need renovation already. Hindi pa rin ho napapalitan ang mga equipments ever since kaya siguro nag over heat na." Nanay Loida nodded. It will really takes time but I think almost two or three months are enough if they will hire a professional for this. I know naman na he can afford to get one.
"Sir, ayos na ho nalinis na namin." Napalingon kaming lahat sa isa sa mga nag-aayos sa loob. Nailabas na rin nila 'yong mga nasunog na bagay bagay mula roon at natanggal na rin nila ang bubong.
Iniwan muna kami ni Vito para kausapin sila. I somehow felt bored. I checked my phone at mag-aalas-diyes palang. Nanay Loida has so many choices, pwede siya dumayo sa mga amigas niya to ease her boredom.
"Hello, Engineer?" rinig kong sabi ni Vito. Mukhang masisimulan na agad ayusin ang bakery niya ah.
"Yes yes... I heard you're here in Cebu... Do you have time?... My bakery needs some renovation, nasunog kasi... Yes yes, I'm okay naman... Ngayon?... Sure sure, I'll text you my location... Thank you, dude..." Rinig kong usapan nila. Mukhang may makakadiscount sa pagpapaayos ah, dude daw eh, eh 'di ka-close niya 'di ba.
Tulad nga ng sinabi ni Nanay Loida kanina, tinulungan nga namin si Vito maglinis. Nagkaroon ako ng pagkakataon na makapasok sa loob. May kaliitan lang 'yong place kung saan siya nagba-bake. Maybe this need an expansion too.
"Balak mo ba 'tong iexpand? Mukhang masikip kasi," saad ko. Inilinga niya ang tingin at saka humarap sa akin.
"Hindi naman ako nasisikipan dito pero sige, I will discuss that later with my friend," he said. Ang bilis naman niya, nagtanong lang naman ako.
Winalis ko lang yung mga kalat na sunog na kung ano habang si Nanay Loida ay kausap si Vito.
Nagsu-suggest siya ng mga pwedeng gawin sa bakery.
"Anong gusto niyong ulam? I can cook for our lunch. Dito na kayo kumain." Nanay Loida looked at me. Kumunot ang noo ko kaya napatingin din ako kay Vito na nakatingin din pala sakin. Akala ko ba 'di siya marunong magluto like Nanay Loida said last time.
"Pwede naman kahit ano," sabi ko kasi mukhang ako naman ang pinagsusuggest nila. 'Di naman ako maarte sa pagkain. Wala rin akong allergies so safe.
"I can't cook kahit ano. Masyadong mahirap and besides wala namang nakalagay na kahit ano sa cooking book,"  sabi ni Vito na hagyang nakangisi. Napatawa naman si Nanay Loida sa tabi ko. Ahh gets. So he will cook base on the cooking book he bought sa NBS last time. Hope that will taste good.
"Chicken Afritada will do," I seriously said making him shrugged at saka iniwan kami ni Nanay Loida at dumeretso sa kusina. So he already have the ingredients?
"Ngayon ko lang nalaman na marunong na pala siya magluto. Sabagay, mag-isa lang siyang nakatira rito kaya siguro natuto na rin siya." Tumango-tango lang ako. Napaka-interested naman ni Nanay Loida sa buhay ni Vito.
"Nga pala, iha, bakit ka nga pala pumasok dito sa bahay ni Vito kagabi para iligtas siya?" I faced Nanay Loida with a shocked face. Bigla akong nahiya sa ginawa ko kagabi. Feeling savior pa naman ako masyado kagabi tapos in the end ako pa 'yong iniligtas ni Vito.
"Hindi ko rin po alam. Biglaan din po eh," narinig ko pa ang mahinang tawa ni Nanay Loida. Hindi ako nakatingin sa kanya dahil medyo nahihiya ako. Good thing, wala rito si Vito para dumagdag sa hiya ko. Baka kung ano pa isipin niya sa naging impulsive action ko kagabi. Wala naman 'yong ibig sabihin. Mukha akong defensive kainis.
"Grabe ang kaba ko kagabi lalo na nang makita ko si Vito sa paparating at wala sa kanila. Mabuti na lang at nasabihan siya agad ni Dianne na pumasok ka nga sa loob. Kumaripas nga rin ng takbo si Vito kagabi para puntahan ka," masayang kwento niya na parang kinikilig pa.
Hindi na lang ako nagsalita pa at baka asarin niya pa ako lalo. Umuwi muna si Nanay Loida sa 'min para kumuha ng panghimagas. Naiwan tuloy ako mag-isa rito.
May mini garden siya sa harap at may upuan din kaya do'n muna ako naupo dahil mas maaliwalas ang hangin. May mga small ornamental plants and even bonsais that give more vibes to the garden.
I decided to text Mom and Dad. Kinamusta ko lang baka magtampo. I even chat some of my close friends. They were all asking me where am I pero hindi ko sinabi. Knowing them, baka magulat na lang ako nasa Cebu na sila para puntahan ako.
From: Tasha
Your ex sent us an invitation for their wedding. Grabe ang bilis. Are you okay naman ba diyan? Gusto mo puntahan kita? Namin? Inom us, ghorl!!
I sighed. Wala akong maramdaman. I am not sad but I am not happy either. May invitations na agad sila for their wedding? Hindi ba nila alam 'yong three month rule? Dapat niyaya ko pala si Adrian noon manuod ng One More Chance lol.
To: Tasha
Hey! I am okay here. Uuwi na rin naman ako maybe next next month. Bawi tayo ng inom HAHAHA send him my congratulations... :)
While browsing stories in Instagram, nadaanan ko ang story ni Sean, Adrians's  brother,  in a familiar place, sa Sahaya Resort! Mukhang may project siya rito sa Cebu since he's an engineer. Huwag lang sana kami magkita rito. Hindi naman sila ganoon ka-close ni Adrian pero ayaw ko pa rin. For sure, makakarating at makakarating ang balitang nandito ako.
Since ang tagal ni Nanay Loida, tumayo ako at maglalakad sana labas nang may biglang tumigil na itim na sasakyan sa tapat ng bahay nina Vito. Saglit pa ay bumaba ang isang matipunong lalaki. Nakatungo ito at may tina-type sa phone bago niya ito itapat sa tenga niya. Halos matumba ako sa kinatatayuan ko nang alisin niya ang shades niya at tumingala sa may bakery ni Vito.
Fvck! It's Sean!! Bigla siyang napalingon sa gawi ko pero agad akong tumakbo at kumaripas ng takbo papunta sa loob ng bahay ni Vito. Nakasalubong at halos mabangga ko pa si Vito na may kausap din sa phone at nagmamadaling lumabas habang naka apron.
So si Sean yung tinawagan niya kaninang engineer? How come they knew each other? I mean, I know Sean is a famous engineer but Vito? What a fucking small world geez!
"Why? May problema ba?" nagtatakang tanong ni Vito sa akin pero 'di ko na siya pinansin nang marinig ko ang boses ni Nanay Loida mula sa labas.
"Hey! Are you okay?" tanong niya pa ulit.
"Iho, may bisita ka ata. Halika pasok ka rito, Sir." Nanlalaki ang matang tumakbo at pumasok ako sa kwartong nakita ko which I'll assume na guest room since nakapasok naman na ako rito kahapon.
"Engineer Sean, I did not expect you'll come right away. Have a seat." rinig kong usapan nila. Kinakabahan akong umupo sa kama dahil baka tawagin nila ako at isabay sa pagkain nila. Hindi ako nagugutom. Kahit siguro bukas na ako kumain okay lang.
"Ako na bahala sa niluluto mo, iho ha. Nasaan si ㅡ" Bigla akong napatayo dahil baka banggitin ni Nanay 'yong pangalan ko. I know maraming Chelsea sa mundo pero gosh, please no!
"Nasa kwarto po, 'Nay. Do'n lang daw po siya." Mabuti na lang at pinutol ni Vito ang sasabihin ni Nanay. Alam niya kayang tinataguan ko ang bisita niya? Pero mukhang 'di naman niya alam na related si Adrian at Sean since diba nagkita sila noon sa NBS?
Hindi ko na pinakinggan pa ang usapan ng dalawa tungkol sa magiging process ng renovation ng bakeshop. I was too occupied, nervous and kinda hungry at the same time. Binabawi ko na 'yong sinabi ko kanina.
"Naghain na ako 'ron, mga iho, kumain na muna kayo," pagyaya ni Nanay sa dalawa. Agad naman akong tumayo at tumago sa may likuran ng pinto dahil malamang tatawagin ako ni Nanay para kumain.
"Teka, tawagin ko lang si ㅡ" Parang bigla na namang lumukso ang puso ko sa kaba dahil muntik na namang mabanggit ang pangalan ko. Mabuti na lamang at naputol ulit siya ni Vito. Vito, you're the best!
"Ako na ho ang tatawag. Engineer, maupo ka na 'ron," rinig kong sabi ni Vito.
"Sure sure. I am missing home made ulam na rin. By the way, who is the girl I saw earlier? I don't know na may girlfriend ka na pala. Ipakilala mo naman." Nakitsismis pa nga. Ang tsismosong engineer mo naman.
"Ah that girl? Ah yes yes. Next time dude, medyo not in the mood ata siya today." Napakunot ang noo ko sa narinig. Did he just told Sean na I am his girlfriend? Masyado niya namang kinareer pagcover-up.
I heard footsteps na papalapit so isiniksik ko ang sarili ko sa likuran ng pinto. Bumukas ang pinto nang bahagya at iginala pa muna ni Vito ang mata niya bago niya ako natunton sa kinatatayuan ko. Hagya pa siyang napangiti nang makita ako.
"Huy, bakit mo sinabing girlfriend mo 'ko?" halos pabulong kong sabi sa kanya. Pumasok siya ng kwarto at sinarado ang pinto at saka tumingin sa akin na parang nang-aasar.
"Sorry, sige I'll tell him na you're my wife." Pinanlakihan ko siya ng mata at akmang sisipain kaya napaatras naman siya. Gosh, bakit ba 'to ganito?
"Kilala mo si Sean?" tanong nito habang may binuksan na maliit na cabinet na may lamang mga wine. Iba't-ibang klase ng wine and nando'n kaya napatitig pa siya muna sa mga 'yon na parang nagde-decide kung anong magandang ilabas.
I want wine too. I miss wine!
"How did you know him?" balik kong tanong sa kanya. He smirked a little bago kumuha ng isang wine at isinara ang cabinet at humarap sa akin.
"We're actually friends. Ikaw? How did you know him? Is he one of your ex?" tanong nito kaya I crossed my arms and looked at him intently. 'Di naman siya nagpatinag at tinitigan din ako. Ako na lang ang naunang umiwas ng tingin. Damn that stares!
Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Kapatid siya ng ex ko," pag-amin ko. Tumango-tango naman siya at naglakad na sa may pinto.
"Hindi mo ba kilala ang kapatid niya?" I asked. Kasi 'di ba if they were friends, he probably knows his brother too.
"Nope, alam kong may kapatid siya pero hindi naman niya nababanggit kung sino. Ngayon kilala ko na," he said and smirked. I sighed deeply and sit again on the side of the bed.
"Dadalhan na lang kita ng pagkain. Wait me here. You want some?" Itinaas niya bahagya ang wine na hawak. I just simply nod and he left the room. Buti naman at naisipan niyang dalhan ako ng pagkain.
"Sorry, Engineer, masama raw pakiramdam niya eh. Dalhan ko lang muna ng food." I heard. Malamang nagtataka na si Nanay sa mga sinasabi ni Vito. Sana maki-go with the flow na lang siya.
"Sure sure, by the way ikakasal na 'yong kapatid ko by this year. Asahan kita roon ha." I felt something in my heart hearing those words. They are really getting married na talaga. Sana all na lang.
"Just send me the infos, me and my girlfriend will come," I heard Vito said. Feel na feel niya naman pagpapanggap masyado. I can already sense Nanay's face out there. Wala rin akong balak pumunta! Ano ba Vito?
"That's nice. Sana makahanap na rin ako ng girlfriend. I am already getting older. Mauuna pa magka-anak si Adrian, my brother, sa akin. But hindi ako inggit ha, something happened din kasi between him and his ex girlfriend. You know she's my type pa naman. Pwede ko ba siya ligawan kahit ex siya ng kapatid ko?" My eyes widened with the thought na ako ang tinutukoy niya. Ako lang naman ex ni Adrian!  Pero bakit ba ang daldal ni Sean? This dude is stressing me out, gosh!
I heard footsteps palapit ng kwarto kaya agad akong tumayo at pumwesto ulit sa may likuran ng pinto. Bumukas ito at iniluwal si Vito dala-dala ang isang food tray.
"Napakinggan mo sabi ni Engineer? Type ka raw niya," panunukso niya, I just chuckled. Wala ako balak pumatol sa kanya lalo na at kapatid siya ni Adrian. Not with Martinez. Never again.
"Hindi ko siya type. Wala akong natitipuhan," pag-amin ko saka nagsimulang kumain. Nagugutom na talaga ako. Mabuti na lang at masarap 'yong chicken afritada na luto niya. All thanks on the cook book he bought.
"Wala ka pang natitipuhan kasi 'di ka pa nakakamove-on. Don't rush things, I can wait naman," he said and left me in the room dumbfounded.
What does that mean?

Komentar Buku (23)

  • avatar
    Bryan Mallari

    home and good

    23d

      0
  • avatar
    NacarJerry

    very good story telling

    14/06

      0
  • avatar
    PaineLaika

    good

    26/05

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru