logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 03

I woke up late. Nahihiyang bumaba ako pagkatapos kong maligo dahil halos magtatanghali na. Hindi man lang ako nakatulong sa kanila maglinis.
Si Nanay Loida na lang ang nadatnan kong tao sa bahay. Naglilinis siya sa sala.
"Good morning, 'Nay Loida," bati ko sa kanya at itinigil naman niya ang pagwawalis at sumama sa akin sa kusina.
"Maagang umalis si Dianne kaninang umaga. Maaga kasi lagi ang pasok niya eh. Nagkakape ka ba sa umaga, hija?" tanong niya sa akin habang inilalabas ang kape at ang termos ng mainit na tubig.
"Ay, 'Nay ako na pong bahala. Nag-almusal na po ba kayo?" tanong ko habang nagtitimpla ng kape ko. Maggo-grocery na lang ako mamaya para sa ibang mga kakailanganin namin dito.
"Nag-almusal na kami kanina. Kumusta naman ang tulog mo? Hindi naman ba sumakit ang likod mo?" tanong nito habang nagsasalin ng tubig sa kanyang baso at ininom iyon. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung may masakit ba sa akin.
"Ayos naman ho. Hindi naman po sumakit ang likod ko," ani ko at naglakad kami papuntang hapag. Pagkaupo ay sumimsim ako sa mainit kong kape.
"Ay siya maiwan na muna kita at hindi pa ako tapos maglinis." Tinapik niya pa akong bahagya sa balikat nang dumaan siya sa likod ko.
May tinapay pa rin sa lamesa. Pero hindi na siya 'yong kagabi. Ibang klase ng tinapay naman.
Hindi ba sila nauumay sa tinapay d'yan sa tapat?
Kumuha ako ng isang piraso at tinikman iyon. Infairness, masarap rin. Spanish bread ata ito kung 'di ako nagkakamali.
I texted mom and greeted her a Good Morning. Tinext ko na rin si Dad at baka magtampo. For sure nasa company na sila ngayon pareho. We have a shoe company. A well-known shoe company here in PH and even outside the country. It is Elena. I am the marketing head, pero dahil I am on leave, someone's gonna handle my position for the meantime.
Nang matapos kumain ay hinugasan ko na rin ang basong ginamit ko. Wala na akong nakitang linisin pa kaya umakyat ako para kuhanin ang wallet ko.
"Nanay. maggo-grocery lang po ako. Saan po rito may malapit na grocery store?" Nakaupo na lang si Nanay Loida at wala na ring ginagawa. Actually, bata pa si Nanay Loida at matatanggap pa siya kung sakaling mag-apply siya ng trabaho. Pero wala naman na ako sa pwesto para magtanong pa tungkol doon.
"Meron diyan sa malapit isang sakay lang ng tricycle. Gusto sana kitang samahan pero aalis din ako mayamaya at may pupuntahan ako," saad nito. Tinanong ko na lang sa kanya kung saan ang sakayan ng tricycle at ang mismong lugar ng grocery store.
Naglakad pa muna ako papuntang sakayan ng tricycle. Katulad kahapon ay madami pa ring customer ang bakery sa harap namin. Doon ko tiningnan ang pangalan ng bakery. Bakes and Goods / Romualdez Bakery. Siguro nag-babake rin sila ng cakes, kasi bakes and goods eh.
Pagdating ko sa terminal ng mga tricycle ay kakaunti ang nakapila. Agad kong inilagay ang dala kong maliit na slingbag sa harapan ko. Naka-shorts lang ako na maong at isang simpleng white shirt. Hindi na rin ako nag-abalang maglagay ng kung anong make up kung 'di pulbo at light liptint lang. Inilugay ko lang din ang shoulder length kong buhok. May scrunchie naman akong nakalagay sa pulsuhan ko incase na uminit ang panahon.
Pumasok na ako sa loob ng tricycle. Laking gulat ko nang biglang may pumasok na lalaki at umupo sa tabi ko. Nasa mid 30s and 40s na siguro siya. Isiniksik pa ako nito sa gilid. Amoy na amoy ko ang sigarilyo sa kanya.
Isinisiksik ako nito sa gilid kahit maluwag pa naman sa tabi niya. Isinawalang bahala ko iyon at mahigpit na napakapit sa sling bag ko.
Ramdam kong bahagya niyang kinikiskis ang braso niya sa may gilid ng dibdib ko. Tinabig ko iyon gamit ang braso ko rin ngunit balewala lang iyon sa kanya.
Kinakabahan na ako actually. Masikip sa loob ng tricycle at sinisiksik niya pa ako. Ramdam ko nang pinagpapawisan ako.
Dahil nga naka-shorts lang ako, kita ko kung paanong pasimpleng nilalapat ng lalaking katabi ko ang daliri niyang nakapatong sa tuhod niya na halos itabi niya rin sa tuhod ko. Pilit ko mang ilayo ang hita ko ay wala na akong maisuran dahil siksik na siksik na talaga ako.
"Manong, para ho!" sigaw ko sapat na para marinig ni Manong Driver. Agad din naman niya iyong itinigil sa may tabi at mabilis akong bumaba at nagbayad.
"Manyak ho yang pasahero niyo!" sigaw ko nang makaalis ang tricycle na sinasakyan ko. Pinagpag ko ang tuhod ko kahit wala namang dumi. Naaasar ako, ang aga-aga may manyak.
Nilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi ko alam kung nasaan ako. Naghintay akong may dumaan na tricycle or anuman na pwedeng sakyan pero lahat ng iyon ay puno ng pasahero.
Sumilong pa muna ako sa isang tindahan dahil masyadong mainit at wala akong dalang payong.
Ilang minuto pa ang lumipas ay talagang puno halos lahat ng dumadaang pwedeng sakyan.
Kung mayroon mang hindi puno ay hindi naman ako pinapansin. Grabe!
Padabog akong bumalik sa tapat ng tindahan dahil wala talaga akong masakyan.
Umuwi na lang kaya ako? Tama tama. Uuwi na lang ako. Pwede naman sigurong bukas na lang ako mag-grocery.
Akmang tatawid na ako nang biglang may tumigil na motorsiklo sa harap ko dahilan para mapaatras akong bahagya. Bigla ang pagpreno nito kaya talagang nakakagulat. Kung napahakbang pa ako ng isa ay malamang ay nahagip na ako no'n at na-hit and run.
Ang sabi mo magmomove-on ako sa Cebu hindi magpapakamatay!
Nakat-shirt itong asul at naka-ripped pants. Naka-helmet ito kaya 'di ko malaman kung sino. Umatras din naman ako agad at umiwas sa kanya.
Wala naman akong kilala rito para kausapin siya. Malay ko ba kung sino 'yan.
Pag-atras ko ay saka niya inalis ang helmet niya. Bumungad sa akin ang lalaking nasa Bakes and Goods. Oo, 'yong lalaking macho na may-ari no'ng bakery.
Macho? Oo basta macho siya.
"Where are you going?" malumanay nitong tanong at tiningnan ang kabuuan ko. I felt a bit awkward sa paraan ng pagtingin niya. Nailagay ko na lang ang sling bag sa harap ko at mahigpit na napakapit doon.
"Anong tinitingin-tingin mo d'yan?" hagya kong reklamo. He just chuckled and hop out on his motorcycle. Binuksan niya ang upuan ng motor niya at kinuha roon ang isang 'di kalakihang gray helmet.
"Catch!" sambit nito sabay bato sa'kin ng hawak niyang helmet. Muntik pa ngang dumulas sa kamay ko iyon dahil sa gulat.
Sumakay siya sa motor niya at ini-start iyon. Muli niyang isinuot ng helmet niya, pero ngayon ay nakataas na ang sheild nito sapat na para makita ko ang mukha niya. Nanatiling nakatitig lang ako sa kanya habang hawak-hawak pa rin ang helmet na ibinato niya.
"Tsk," rinig kong singhal niya saka muling bumaba ng motor at naglakad palapit sa akin. Hinablot niya mula sa kamay ko ang helmet na hawak ko.
Ipinatong niya iyon sa ulo ko at ni-lock sa may bandang baba ko. Ramdam ko pa ang paglapat ng daliri niya sa mukha ko.
Mabilis siyang bumalik sa pagkakasakay sa motor niya at tumingin muli sa akin. Tiningnan ko lang din siya ng may pagtataka.
Sasakay ba ako?
"Hindi ka ba sasakay?" tanong niya.
"Bakit ako sasakay d'yan?" singhal ko. Never pa akong nakasakay sa motor buong buhay ko. May motor si Adrian pero hindi niya ako sinusundo at hinahatid gamit iyon. Delikado and at the same mainit.
Tsk. Adrian na naman!
"Ihahatid na kita sa kung saan ka man papunta. Walang dumadaan dito na pwede mong sakyan kung 'di ako lang."
So sa kanya ako sasakay? I mean sa motor niya?
"Miss? You're wasting my time. May pupuntahan pa ako." Nagmamadali pala siya pero bakit nagpresinta pa siyang ihatid ako? Labag sa loob akong sumakay. I have no choice. Ayokong magpakipot pa dahil mainit na rin talaga at tulad nga ng sabi niya ay wala ngang dumadaan na pwedeng sakyan dahil puro puno dahil uwian na rin ng mga estudyante for lunch break.
Humawak ako sa hawakan sa likod. Hangga't maaari ay sinubukan kong h'wag mapadikit sa kanya. Sa tagal namin ni Adrian ay siya lang ang nakadikit ko ng ganito kalapit. May mga kaibigan naman akong lalaki pero I always distance myself from them as much as possible kasi ayaw kong magselos si Adrian.
I sighed. Hanggang sa mga ganitong kasimpleng bagay ay naiisip ko pa rin siya. Hindi ko rin naman masisisi ang utak ko dahil halos araw-araw rin talaga kaming  magkasama for almost five years.
Sa dami ng mga memories namin hindi ko pala dapat makalimutan ang mga iyon. Hindi dapat ako makalimot, dapat akong mawalan ng pake.
Kapag nawalan ako ng pake sa mga memories namin, hindi na ako masasaktan. Hindi ko na kailangang umiyak.
Pinaandar na niya ang motor. Mabagal lang kung tutuusin ang takbo niya kaya hindi ko na kailangang humawak sa balikat o bewang niya.
Kahit ganoon ay amoy na amoy ko pa rin ang pabango niya. Ang bango infairness at hindi masakit sa ilong. It smells familiar. Parang naamoy ko na 'to somewhere. Baka one of my male friends sa Manila.
Isa sa palagi kong pinupuna kay Adrian ang pabango niya. Palagi kasing 'di ko bet ang amoy. Minsan ay matapang, minsan ang sakit sa ilong.
"So saan ka nga pupunta?" rinig kong sabi niya ng bahagya kaming huminto dahil sa traffic.
"S-Sa grocery store," Wala na akong sagot na nahita mula sa kanya. Makaraan ang ilan pang minuto ay tumigil siya sa isang grocery store. Mabilis akong bumaba at tinanggal ang helmet ko.
"Salamat sa libreng sakay," nahihiyang sambit ko sabay abot ng helmet sa kanya. Kinuha niya ito at isinabit sa manibela ng motor niya. Tumango lang siya at saka nag-motor na paalis.
"Wala man lang welcome? 'Di man lang nagpakilala?" napailing ako sa nasabi ko. Pake ko naman 'di ba kung hindi siya magpakilala.
Pumasok na ako sa grocery store. Pagkakuha ko ng shopping cart ay una akong pumunta sa mga meat products. Ako na lang ang magluluto mamayang dinner. Anong oras na rin kasi kaya baka umorder na lang ako sa fastfood sa harap ng grocery store para sa lunch namin ni Nanay Loida.
Kumuha rin ako ng gatas, mas mabilis ako makatulog kapag umiinom ako ng gatas bago matulog. Pero last week hindi gatas ang pampatulog ko, kung 'di alak. Mahina pa akong natawa sa naisip.
Naalala ko mga pinaggagawa ko sa bar last week. I was too drunk. Wala sa sarili at kung sino-sino pa ang pinagsasasayaw. One night nga I was too drunk and hindi ko alam kung sino ang naghatid sa akin pauwi, my friends doens't even know that guy. Mabuti nga daw at hindi nag-take advantage sa akin.
Sunod ko namang pinuntahan ang mga pang personal hygiene namin at mga detergent products. May washing machine naman sila roon, kaso walang dryer kaya mano-mano ang pagbabanlaw. Bili kaya ako dryer? Maybe next time kapag may tricycle na.
Actually, never pa akong nakapaglaba ng damit. Pero dahil ginusto ko namang pumunta rito, wala rin akong choice.
Kumuha ako ng mga gummy bears and worms para if ever mag-crave ako. Favorite ko ang mga iyon kaya 'yon lang din ang palaging binibigay ni Adrian sa akin.
Ayoko namang baguhin ang favorite ko para makalimutan ko siya.
Matapos kong mamili ay pumila na ako sa counter. Medyo natagalan pa ako dahil maraming namimili at ang dami rin nilang pinamimili.
Hindi naman ito ang first time kong mamili pero nakaka-stress pala talaga at nakakangalay dahil kanina pa ako nakatayo.
"It's Php4,212, Ma'am!" Iniabot ko ang credit card ko at tiningnan ang mga pinamili kong isa-isang nilalagay sa isang kahon.
Medyo naparami ata ang nabili ko dahil may kalakihang kahon ang pinaglagyan niya. Nang maitali ng bagger ang kahon at maibalik ang card ko ay hinatid niya ako sa labas.
Nagpasalamat ako sa kanya at tumayo muna sandali habang nakatingin sa fast food chain na nasa harap.
"Ang daming estudyante," mahinang sambit ko. Lunchbreak nila panigurado. Ayaw ko namang umuwi ng walang dalang lunch at baka hindi na rin nakapagluto si Nanay Loida.
Pero sabi niya aalis siya 'di ba? Pero baka nakabalik na rin naman siya.
Bumuntong hininga ako at binuhat ang kahon ng mga pinamili ko. Mabigat siya sa totoo lang. Hindi pa ako nakakalayo sa pwesto ko nang biglang may tumigil na namang motor sa harap ko. Muntik na naman akong mahagip. Grabe, mamamatay ba akong hindi nakakapagmove-on?
But in my shock, it was the same guy earlier. Akala ko ba may pupuntahan siya?
Hindi ako nagsalita. Tiningnan ko lang siya at walang ka anu-ano'y marahang kinuha niya ang kahon na bitbit ko at inilagay sa harap niya. Iniabot naman niya muli sa akin ang helmet na ipinasuot niya sa'kin kanina.
"Bibili pa ako diyan sa fast food," sabi ko sabay turo sa harap. Tiningnan naman niya ang itinuro ko.
"I'll wait you here." Pinaandar niya ang motor niya at itinabi sa may gilid. Bakit niya naman ako hihintayin?
Hindi ko na lang siya pinansin at tumawid na lang papunta sa fastfood. May kahabaan ang pila pero dahil mga estudyante naman ang mga nasa unahang pila ay mabilis lang din ang naging usad.
Umorder ako ng para sa amin ni Nanay Loida. Umorder na rin ako ng para sa kanya. Hindi ko naman kasi alam ang pangalan niya. Hindi naman siya nagpapakilala at ayaw ko rin namang tanungin ang pangalan niya at saka hindi niya rin naman tinatanong ang pangalan ko.
Pinahiwalay ko sa crew ang order na para sa akin at para sa kanya. Pagkalabas ko ng fastfood ay agad akong tumawid at pinuntahan siya sa pwesto niya.
Nadatnan ko siyang busy sa phone niya habang nakasandal sa motor niya. Pagdating ko sa harap niya ay in-off niya ang phone niya at humarap sa akin.
"May bibilhin ka pa ba?" tanong niya kaya umiling naman ako. Iniabot ko sa kanya ang binili ko para sa kanya. Hindi ko alam kung 'yon ba ang gusto niya pero hayaan na lang atleast nagbigay ako bilang pasasalamat.
Kinuha niya ito at binuksan.
"Thanks for this. Nag-abala ka pa." Binuksan niya ang upuan ng motor niya at akmang ilalagay niya roon ang paper bag niya.
"Wait!" bigla akong napahawak sa braso niya para pigilan siya. Napatingin naman siya sa akin ng may pagtataka at bumaba ang tingin niya sa kamay kong nasa braso niya. Agad ko namang inalis ang kamay ko doon.
"A-Ako na lang ang mag-bibitbit." Kinuha ko sa kamay niya ang paperbag. Rinig ko pa ang mahina niyang pagtawa.
"Baka kasi mapirat, don't imagine things," dagdag ko pa. Hindi na lang siya nagsalita at isinuot ang helmet niya. Tulad kanina ay isinuot niyang muli sa akin ang helmet na suot ko kanina. Natigilan akong saglit dahil sa gulat. Marunong naman akong magsuot but then I realized na hawak ko pala ang paperbags na may lamang pagkain namin.
Matapos niyang maisuot ang helmet sa akin ay sumakay na siya sa motor niya. Hindi na lang ako nagsalita at sumakay na lang rin.
Sa buong byahe namin pauwi ay walang nagsasalita sa amin. Mahigpit ang naging kapit ko sa dalawang paper bag na dala ko.
Wala pang limang minuto ay ipinara niya ang motor niya sa tapat ng bahay nina Nanay Loida. Sarado ang malaking pinto kaya malamang ay wala pa siya.
Pagkababa ko ay ibinaba niya ang kahon ng mga pinamili ko at inilagay niya iyon sa tapat ng gate.
"Oh," Sabay abot ng paperbag sa kanya. Inalis niya ang helmet niya at isinabit iyon sa motor niya.
"Thank you," sambit niya at saka inakay ang motor niya papasok sa gate ng bahay na katabi ng bakery niya.
Binuksan ko na ang gate but as usual ang ingay pa rin niyang buksan. Binuhat ko ang kahong pinamili ko. Medyo natagalan ako bago maipasok iyon sa loob ng bahay dahil mabigat. Hinila ko na lang iyon papuntang kusina.
Nilapag ko sa lamesa ang binili ko sa fastfood kanina. Kumuha pa muna ako ng plato at nahagip ko ang reflection ko sa salamin sa lagayan ng plato nina Nanay Loida.
Shit.
Mabilis kong tinanggal ang helmet na 'di ko namalayang suot-suot ko pa.
"Hindi man lang niya kinuha sa akin kanina?" Inis kong ipinatong iyon sa ibabaw ng lamesa at kumuha na lang muna ng plato.
Mamaya ko na lang ibabalik at nagugutom na rin ako.
Habang kumakain ay nag-ring ang phone ko. Tumatawag si Dad kaya sinagot ko naman 'yon agad.
"Yes dad?"
"I called to check you up. Kumusta ka diyan?" he asked.
"Okay naman ako Dad. Kayo ni Mom?" I missed them. Isang araw palang ako dito pero namimiss ko na agad sila. Naninibago lang siguro ako dahil ngayon lang din naman ako nalayo sa kanila.
Nakakamiss din magtrabaho. Nakakamiss yung stress dala ng overload na work sa office nina Mom. Masyado akong na-stress sa lovelife ko.
"We're fine. Inaalala ka lang namin. Namimiss ka na namin. Bilisan mo ang pagbalik mo dito ha."
"Yes Dad. I miss you both. Meds mo huwag mong kakalimutan ha. Magagalit ako sayo," I heard a small laugh. Dad is taking medicines for almost a year na nang atakihin siya sa puso last year.
Kasama ko pa si Adrian noon ng halos buong gabi akong umiyak nang isugod si Dad sa hospital dahil sa sudden heart attack.
"Palaging pinapaalala ng Mom mo kaya hindi ko nakakalimutan at ngayong ikaw naman ang nagpapaalala ay lalong hindi ko na makakalimutan 'yan." I laughed a little habang abala pa rin sa pagkain.
"Mr. Gonzales the meeting will start in five minutes." rinig ko sa kabilang linya. It's Lea, his secretary and my friend.
"I have a meeting Chels. Tawagan mo mamaya si Mom mo ha. Take care."
"Sige Dad. Take care." And with that the call ended. Tinapos ko na lang ang kinakain ko. Iniwan ko muna ang pinagkainan ko sa lababo at binuksan ang kahon para isalansan sa estante at ref ang mga pinamili ko.
Wala pa si Nanay Loida. Halos mag-aalas dos na rin ng hapon.
Hindi ko namalayang nakaidlip ako sa sofa. Naramdaman ko na lang na may umaalog sa balikat ko at ginigising ako.
"Iha? Iha? Pasensya na at nagising kita, may bisita kasi ako eh. Akyat na lang muna ikaw ha." Napaupo ako nang makita si Nanay Loida na ginigising ako. Nakita ko pa sa may pintuan na may kasama siyang dalawang babae na kasing edad niya rin.
"Hindi na ho Nay, ipaghahanda ko na lang po kayo ng meryenda." Tumayo ako at bahagyang yumuko para batiin ang mga kasama niya.
"Sino ang magandang babaeng ito Loida? Pamangkin mo ba?" rinig kong tanong ng isa sa kanila. Umalis naman ako saglit para maghanda ng meryenda.
"Kaklase siya noon ni Dianne sa Maynila. Andito lang para magbakasyon," rinig kong sagot ni Nanay Loida. Patuloy lang ang kwentuhan nila habang nagtitimpla ako ng orange juice. Mabuti na lang at nakabili ako ng powdered juice kanina. Kaso 'di ko alam kung anong gusto nilang kainin.
"Tagal kong 'di nakabalik dito mare, namimiss ko na ang tinapay ni pogi diyan sa harap." Parang nasagot naman agad ang problema ko sa sinabi ng kasama niya.
Naglagay lang ako ng juice sa isang baso para sa akin at agad kong dinala ang pitsel sa lamesa sa salas at isinunod ang mga baso.
"Ibibili ko ho kayo ng tinapay diyan sa tapat sandali lang ho," sabi ko. Agad naman akong lumabas at tumawid.
"Ate, pabili nga twenty pesos nito saka nito den saka ito." 'di ko alam mga pangalan nung tinapay. Wala ring label. Isa lang ang alam ko, 'yong ensaymada.l, favorite ni Adrian. I silently chuckled at naisip ko na naman siya.
Pagkaabot sa akin ng paperbag ay agad akong tumawid pauwi. Pagkauwi ko ay nagkekwentuhan pa rin sila. Dumeretso ako sa kusina at inilagay sa plato ang tinapay na binili ko. Naghiwalay ako ng dalawang piraso ng tinapay para makapagmeryenda na rin ako.
"Salamat iha. Halika at saluhan mo kami sa pagkain," sabi ni Nanay Loida. Nginitian ko lamang siya.
"Mayroon na ho ako roon sa lamesa. Magluluto na rin ho ako ng hapunan natin. Dito po ba sila kakain para madagdagan ko ang lulutuin?" magalang kong sambit. Hindi naman na raw sila magpapaabot ng hapunan dito kaya pumunta na lang ako sa lamesa at nagmeryenda na muna.
Halos alas kwatro na rin pala. Mahaba haba rin pala ang naiidlip ko. Nahagip ng mata ko ang helmet na nasa gilid ng mesa.
Hindi pa pala kita naibabalik.
Galing na ako roon kanina hindi ko pa naalala. Mamaya ko na lang ibabalik. Dadalhan ko na lang din siya ng lulutuin kong adobo.
Matapos kong magmeryenda ay nagsalang na ako ng bigas sa rice cooker. Mabuti na lang at kahit papaano ay marunong ako ng ganito. Sabagay kapag nasa condo ako ni Adrian ay ako ang nagluluto sa kanila.
Siya na naman.
Ibinabad ko lang saglit ang karneng baboy sa tupperware na malaki dahil galing freezer. Habang hinihintay iyon ay naghiwa na ako ng sibuyas at bawang.
"Ay mare kami'y aalis na ha. Maraming salamat sa pameryenda mo." Lumabas ako saglit sa kusina para magpaalam sa mga bisita ni Nanay.
"Iha, aalis na kami. Loida," sabi ng isa sa kanila at tumingin pa sa akin. Tumango naman ako at ngumiti sa kanila.
"Sige ihahatid ko na kayo sa gate." Inihatid nga ni Nanay Loida ang mga kumare niya sa labas kaya nagpatuloy na lang ako sa pagluluto ng adobo.
Habang inaantay na maluto ang adobo ay siya namang dating ni Dianne galing trabaho.
"Oh? Ikaw nagluto?" bungad niya sa'kin habang inaalis ang sapatos niya.
"Oo saka nag-grocery rin ako kanina ng kaunti," sabi ko habang nanunuod ng tv. Binuksan niya kasi pagdating niya.
"Nag-tricycle ka? Delikado pa naman mag-tricycle d'yan at ang daming manyak," oo nga, nasaktuhan ko pa 'yong isa na 'yon kanina. Ikinwento ko naman sa kanya ang nangyari kanina sa tricycle.
"Oh eh paano ka nakapag-grocery?" takang tanong niya.
"Sinakay ako nung lalaki diyan sa bakery," kita ko kung paano nanlaki ang mata ni Dianne sa narinig niya.
"What? Si Vito?" Vito?
"Oo? Ata? Hindi ko naman alam pangalan niya." Sabay kamot bahagya sa ulo.
"OMG! Ang gwapo gwapo pa naman 'non. Grabe 'di ko alam na mabait pala siya. Mukhang masungit eh. So anong pinag-usapan niyo habang nakasakay ka sa kotse niya?"
"Actually, sa motor niya ako inangkas. At hindi rin kami nag-usap," seryosong saad ko.
"What the? Seryoso? Sa motor ka niya sinakay?" Ang OA niya naman. Nagmalasakit lang talaga siguro yung tao.
"Oo? Bakit? Hindi ko nga naibalik 'yong pinahiram niyang helmet kanina eh." tumayo ako saglit para patayin ang kalan na nilulutuan ko ng adobo at bumalik rin sa tabi niya. Nadatnan ko siyang kumakain ng tinapay at umiinom ng juice.
"Sa tinagal-tagal ko na rito ay hindi ko man lang nakausap 'yang si Vito. Masyadong mailap at tahimik masyado. Si nanay ay nakakausap naman siya pero sobrang dalang daw!" Tumango tango naman ako. Tahimik naman talaga siya kanina.
"Sabagay, two years palang naman ako rito, eh ang alam ko simula pagkabata ay taga-rito talaga ang mga magulang niya. Ikinekwento lang din ito sa akin ni Nanay. Madami kasi siyang amiga na tsismosa diyan sa labas." Hagya pa kaming natawa. Hindi naman ako interesado sa mga sinasabi niya pero nakinig na rin ako. Parehas sila ni Nanay Loida na pala-kwento kaya sige makikinig na lang ako.
Pagdating ng alas-syete ng gabi ay naghain na si Nanay Loida sa dining area. Ako naman ay naglagay ulit sa tupperware ng niluto kong adobo na ibibigay ko. Hindi niya pa ibinabalik yung tupperware na dala ko kagabi. Sana may balak pa siyang ibalik 'yon 'di ba.
"Aba may pa-adobo kay Vito?" tukso ni Dianne. Napatingin naman sa gawi namin si Nanay Loida at napangiti.
"Hinatid niya ho kasi ako kanina sa grocery store 'nay. Kaya bigyan ko na lang ho ng adobo." Kinuha ko sa taas ng ref ang helmet na ginamit ko kanina. Inilagay ko 'yon doon kanina.
Lumabas na ako at katulad kagabi ay wala ng tindera ang naroon. Bakit kaya walang tindera rito 'pag gabi?
May nakita akong papel na nakadikit sa may pader doon.
"Now hiring! Saleslady, nightshift. Inquire inside," mahinang basa ko. Bakit naman kasi nagbubukas pa siya ng gabi? Eh wala namang bumibili na ng ganoong oras 'di ba?
"Mag-aapply ka ba miss?" Gulat akong napatingin sa nagsalita. Si Vito. Tulad ng ayos niya kagabi ay naka-apron pa rin siya ngayon at nakasandong itim.
"H-Hindi." Narinig ko na naman ang mahina niyang pagtawa.
"Eto. Pinabibigay ni Nanay." Tulad kagabi ay inilagay ko iyon sa estante niya at itinulak sa harap niya. Ipinatong ko rin doon ang helmet niya. Ayaw ko naman sabihing pinabibigay ko 'yong adobo. Baka mag-isip ng kung ano-ano 'to.
"Atsaka salamat din dito. Nakalimutan kong ibalik kanina." Yumuko ako saglit para magpaalam at tumalikod sa kanya.
"Hey!" tawag niya sa akin nang akmang tatawid na ako. Kaya lumingon ako sa kanya at tiningnan siya.
"I'm Vito. Vito Romualdez," Gulat man ay hindi ko pinahalata sa kanya ang gulat ko dahil sa bigla niyang pagpapakilala. Napakunot ang noo ko at nakatingin lang sa kanya.
Lumabas siya ng bakery niya at inilahad ang kamay niya sa akin.
"Chelsea, Chelsea Gonzales." Inabot ko ang kamay niyang nakalahad sa akin. Malambot iyon at nanliit bigla ang mga kamay ko dahil sa laki ng kamay niya.
"Nindot magkita ka gwapa." ani niya sabay hagyang ngumiti sa akin.

Komentar Buku (23)

  • avatar
    Bryan Mallari

    home and good

    23d

      0
  • avatar
    NacarJerry

    very good story telling

    14/06

      0
  • avatar
    PaineLaika

    good

    26/05

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru