logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 02

"Tara, pasok tayo," aya niya pagkababa namin ng taxi. Mahigit thirty minutes din ang aming naging byahe mula airport hanggang dito sa kanila.
Binuksan niya ang isang maliit na gate na hanggang balikat ko lang ang taas. Kalawangin na ito at umalingawngaw ang tunog ng lumalangitngit na bakal pagkabukas niya.
May maliit na hardin sa harap na puno ng iba't ibang mga bulaklak. Mataas ang bahay ngunit gawa sa kahoy ang kabuuan. Malalaman agad na sinaunang bahay pa ito at nilipasan man ng panahon ay mababakas pa din ang ganda nito. Mayroon itong dalawang palapag.
Dala niya ang bag ko habang hila-hila ko naman ang maleta ko. Inangat ko ito at binitbit dahil may hagdang may limang baitang bago pa muna makapasok ng kanilang bahay.
Inilinga ko ang tingin sa paligid. May mga litrato sa mga dingding na talagang niluma at kinupas na sa tinagal ng panahon. Nakasuot pa ang mga ito ng magagandang baro at saya.
"Chelsea, ang Nanay Loida ko nga pala." Tumingin ako kay Dianne at katabi niyang nakangiti ang babaeng halos kasing edad lang ni Mommy. Mahaba ang kanyang buhok, abot hanggang bewang. Nakangiti ito sa akin kaya nginitian ko rin siya pabalik.
"Hello po, 'Nay, ako po si Chelsea. Chelsea Gonzales po." Nilapitan ko siya at inalok ang kamay ko.
"Ay nako, marumi ang kamay ko at ako'y naglilinis sa kusina 'neng," natatawa niyang sambit kaya kinuha ko ang kamay niya at hinawakan iyon.
"Dito po muna ako pansamantala 'Nay, huwag po kayong mag-alala, magbibigay po ako ng share ko sa gastusin dito sa bahay," ani ko at bahagya naman siyang natawa. Inalis niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya at kinuha ang maleta ko.
"Nako, 'neng, welcome na welcome ka rito sa amin. Akin na itong gamit mo at dadalhin ko sa taas. May isang kwarto pa roon na bakante. Huwag ka mag-alala at malinis na 'yon." Pinigilan ko siya nang akmang iaakyat na niya ang mga maleta ko. Nahagip naman ng mata ko si Dianne na abalang naghahain ng makakain sa hapag-kainan.
"Ako na ho dito, 'Nay, medyo mabigat ho ito eh, susundan ko na lang ho kayo." Kinuha ko ang maleta sa kanya at binuhat ito paakyat.
Maging ang hagdan nila ay gawa sa kahoy. Pero hindi naman siya nakakatakot lakaran dahil ramdam namang matibay.
Nang makaakyat ay dinala niya ako sa dulong kwarto. Ang mga dingding sa bawat kwarto ay gawa rin sa magandang klase ng kahoy. Furnished ang lahat kaya maganda ang pagkaka-brown ng mga ito.
Maging ang mga pinto ay may mga wood carvings pa. Nakakamangha makakita ng ganitong klase ng bahay sa panahon ngayon. Sa Maynila ay wala ng ganito, marahil ay iilan na lang.
Binuksan ni Nanay Loida ang kwarto at bumungad sa akin ang isang hindi kalakihang kwarto. Halos kalahati lang iyon ng kwarto ko kung tutuusin.
"Pasensya ka na at manipis na kutson lang ang meron kami rito. Kung gusto mo ay may malapit naman ditong bilihan ng kutson kung gusto mo ng mas malambot." Umupo ako sa kama na nasa gitna ng kwarto. Hindi nga siya ganoong kalambot ngunit hindi rin naman ganoon katigas. May dalawang unan at isang manipis na kumot din ang nandito.
"Okay na ho ito. Hindi naman ho ako sobrang arte pagdating sa ganito," saad ko at bahagya pang humiga sa kama. Masasanay rin naman siguro ako rito kapag tumagal. Nakakahiya naman kung bibili pa ako.
"Dito mo na lang muna ilagay ang mga gamit mo sa kabinet. Malinis ito kaya h'wag kang mag-alala," saad ni nanay sabay turo sa isang malaking cabinet sa gilid. Katabi nito ang isang vanity table na may salamin at upuan na gawa rin sa kahoy.
Malaki ang bintana sa harap ng kama at sa gilid kaya sobrang maliwanag. Kita rin sa bintana ang isang mataas na puno sa bakuran nina Nanay Loida. Napakasarap sa pakiramdam dahil sobrang sarap ng simoy ng hangin.
"Maiwan na muna kita rito para makapagpahinga ka. Tatawagin ka na lang ni Dianne kung kakain na."
"Sige ho, 'Nay, salamat po talaga," ngiti ko sa kanya at nginitian niya rin ako bago siya lumabas ng kwarto.
Tumayo ako at pumunta sa harap ng bintana sa may tapat ng higaan ko. Kitang-kita ang bakuran ni Nanay at ang daan sa labas.
Iba't-ibang bulaklak ang nasa bakuran nila. Sa gilid ay may gulayan pa, kung sa Maynila ay mahal mabibili ang mga gulay ay rito ay pipitasin na lang.
Mayroong malaking bakery sa harap ng bahay nila. Kapansin-pansin naman kasi dahil sa dami ng bumibili. Tiningnan ko pa ang mga tinapay sa estante nila at doon ako nakaramdam ng gutom.
May isang lalaking lumabas sa isang pinto roon at napatingin din siya sa gawi ko. Nakasando itong puti at kitang-kita kahit sa pwesto ko ang malaki niyang braso. Kahit sa malayo ay halatang matangkad ito. Siguro ay hanggang leeg niya lamang ako. Walang gustong umiwas ng tingin sa aming dalawa kaya ako na lang ang umiwas at kinuha ko na lang ang mga gamit ko.
Inisang lagay ko ang mga gamit ko sa itinurong cabinet ni Nanay. Maayos naman ang pagkakatupi ko sa mga iyon nang ilagay ko sa maleta ko kaya hindi na ako nahirapang isalansan pa ang mga iyon sa cabinet.
Habang isinasalansan ko ang mga gamit ko ay naalala ko sina Mom and Dad.
"Sh*t." I cursed when I forgot to call them. I immediately open my phone and dialed Mom's number and after a ring ay sinagot niya ito agad. Mukhang hinihintay ang tawag ko.
"Hey, Chelsea. Ano? Nandyan ka na ba?" she said in a worried voice.
"I'm already here na. Mga thirty minutes na rin. Nagpahinga lang ako saglit," I lied a little. Magtatampo ito panigurado kapag nalaman niyang nakalimutan ko siyang tawagan.
"Akala ko'y nakalimutan mo na akong tawagan eh. Magtatampo na sana ako eh," saad niya. Natawa naman akong bahagya. Parang nami-miss ko na tuloy agad sila.
"Mom, never kita kakalimutan, 'no!" I said as I stood up and went to the window.
"So, what's your plan now? Anong gagawin mo d'yan?" I sighed. Hindi ko pa alam kung anong gagawin kong una.
"Wala pa akong plano, Mom. I just want to take a rest muna rito. Maganda dito, Mom, maaliwalas at mahangin. Less polluted din at less ang mga cars sa paligid. If you have time, punta kayo rito to relax. Mag-bond din tayong tatlo." Napatingin naman akong muli sa bakery na nasa harap. Madaming pa ring bumibili roon at halata mong dinadayo. Doon ko itinuon ang paningin ko habang kausap ko si Mommy.
"That's good. Kumain ka d'yan, ha. I'll send you money sa account mo. Give them your shares para sa food and other expenses, ha," she reminded.
"Of course, Mom. I have enough money naman pero I will still accept that tho!" I laughed and Mom too. Nakita ko pang muli ang lalaki na nakita ko sa may bakery kanina. May dala itong malaking kahon and katulad lang din kanina napatingin itong muli sa akin kaya napabalik ako sa serious face ko. Baka isipin niya nakangiti ako sa kanya.
"Where's Dad, by the way?" I asked. Iniwas ko na lang muli ang tingin ko sa lalaking iyon at nahagip ng mata ko ang pagpasok niyang muli sa pinto ng bakery.
"Maybe he's the owner," mahina kong sambit.
"Are you saying something, Chels? I'm sorry medyo mahina 'di ko narinig," uttered by mom on the other line.
"I am asking where Dad is." I tried to composed myself. 'Di ko namalayang nasabi ko pala 'yon eh dapat sa utak ko lang 'yon.
"I said he's in the kitchen. Maybe you're too tired right now. I'll hung up na, take care, Chels. Pahinga ka, we love you."
"Sige, Mom. Take care too. I love you both," then the call ended. Madilim na rin masyado sa labas kaya sinarado ko na ang mga bintana. Malamig din sa pakiramdam ang hangin dahil ber months na rin. Malapit na magpasko.
Buti na lang at malamig na rito kaya 'di ko na kailangang mag-demand ng aircon. May electricfan naman sa kwarto. Hindi rin naman malamok pati. Bibili na lang ako ng insect repellant incase 'di ba, prepared.
Nag-shower lang ako saglit dahil may CR namang sarili 'yong kwarto ko. Nagbihis lang ako ng pambahay at napagpasyahan kong bumaba na dahil nagugutom na rin talaga ako. Nakasalubong ko pa sa hagdan si Dianne.
"Sakto, tatawagin na sana kita for dinner. Tara na." I nodded at her at bumaba na kaming dalawa.
Nakaupo na si Nanay Loida nang makarating kami sa dining area. Umupo na rin kaming dalawa ni Dianne. Pabilog ang lamesa nila at magkakatabi kaming tatlo. Katabi ko si Dianne at sa tabi niya si Nanay Loida.
"Kumain na ho tayo," sabi ko saka nagsimulang sumandok ng kanin. Naglagay na din ako ng sinigang sa plato ko at humigop ng mainit na sabaw.
"Luto niyo ba ito, Nanay Loida?" tanong ko habang nakatingin sa kanya. Nagsisimula na rin silang kumain dalawa.
"Ang sarap 'no? Wala pang sinigang ang nakakatapat sa luto ng Nanay Loida ko," saad ni Dianne. Masarap at sakto ang asim ng sinigang niya. Saktong-sakto para sa malamig na panahon. Masarap din magluto si Daddy ng Sinigang o kahit ng ibang lutong ulam.
"Nga pala, Chelsea." Tumingin ako kay Nanay nang tawagin niya ako.
"Po?"
"Ano nga bang dahilan at pumunta ka dito sa Cebu? Naglayas ka ba sa inyo?" Napatingin ako kay Dianne. Sinabi ko sa kanya ang dahilan ng pagpunta ko dito kaya siguro tama ring sabihin ko sa nanay niya ang totoo.
"Maga-uunwind lang ho, 'Nay. Masyado pong maraming nangyari sa akin sa Manila. Kailangan ko lang pong ipahinga yung sarili at puso ko. Bakasyon kung baga po." Ngayon ko na lang uli naalala si Adrian mula ng makarating ako rito sa Cebu. Tinuloy ko na lang ang pagkain ko bago pa ako mawalan ng gana.
"Madaming lugar dito sa Cebu na pwede mong puntahan para makapag-isip isip. Pwede kang samahan ni Dianne kaso may trabaho siya eh," pagkekwento niya habang kumakain. Ako nama'y nagsalin ng tubig sa basong babasagin at uminom.
"Kaya ko naman pong pumunta mag-isa. Basta ituro niyo lang po sa akin kung saan at paano pumunta roon." Nagpatuloy ang aming kwentuhang tatlo hanggang sa matapos kaming kumain.
"Ako na lang ang maghuhugas ng plato," saad ko kay Dianne habang nililigpit naming dalawa ang mga pinagkainan namin.
"Sigurado ka?" tumango naman ako at dinala namin sa lababo ang mga pinagkainan namin. Iniwan na niya ako sa kusina at dumeretso siya sa sala kung nasaan ang kanyang laptop, mukhang may tatapusing trabaho.
"Nga pala, pwede mo ba itong iabot doon sa bakery sa tapat?" Iniabot sa akin ni Nanay Loida ang isang tupperware na may lamang sinigang.
"Ako ho?" tanong ko dahil hindi ko naman kilala kung sino ang dadalhan ko nito. Hindi ko alam kung yung lalaking nakita ko roon ang may-ari or baka baker lang 'yon doon.
"Oo, hija. Nagsasarado na iyon ngayon dahil anong oras na rin naman. Yung may-ari na lang ng bakery ang madadatnan mo roon." Kinuha ko ang tupperware na mainit-init pa na hawak niya. Tumingin ako kay Dianne na kasalukuyang nanonood ng tv at nagtitipa sa laptop niya. Magpapasama sana ako sa kanya pero mukhang busy siya sa ginagawa niya.
Kaya no choice akong bumaba at naglakad palabas ng bahay. Umingit pang muli ang gate ng buksan ko ito. Maganda pala itong ganitong gate, hindi ka mananakawan kasi maingay, kaso madali nga lang maaakyat.
Dala ang tupperware ay tumawid ako sa kabilang kalsada at pumunta sa harap ng bakery. Walang tao dahil walang tindera. Wala na ring bumibili.
"Tao po!" mahinang sigaw ko at walang sumagot. Sinilip ko pang bahagya ang isang maliit na siwang sa naiwang bukas na pinto. Doon ko nakita ang lalaking nakita ko kanina sa taas. Naglilinis ito at pinupunasan ang kung ano roon.
Nanatili akong nakatingin sa kanya kaya mabilis akong napaiwas ng tingin nang magawi ang tingin niya sa akin at magtama ang mata namin.
"T-Tao po!" mahinang tawag ko pa ulit para matawag ang atensyon niya.
Maya-maya pa ay bumukas ang pintong sinisilip ko kanina at bumungad siya sa akin. Nakasandong puti pa rin siya pero napapatungan ito ng puting apron.
Kumuha siya ng tissue sa kung saan at pinunasan ang kamay niya.
"Bakit?" bigla akong napatingin sa mukha niya nang magsalita siya. Napakalalim ngunit malumanay ang boses niya. Hindi ko alam ngunit parang napakinggan ko na iyon kung saan.
"Pinabibigay ni Nanay Loida. Sinigang." Inilagay ko sa istante ang tupperware at bahagyang itinulak iyon palapit sa kanya.
"Sige. Pasabi salamat kamo." Tumango lang ako at tinalikuran na siya para umuwi.
"Wait." Napatigil ako sa paghakbang nang tawagin niya ako. Humarap din naman ako agad sa kanya.
Nakita ko siyang naglagay ng tinapay sa isang brown paperbag. Ipinatong niya iyon sa ibabaw ng istante.
"Pabigay sa kanya," sabi niya pa at saka mabilis na pumasok sa pintong nilabasan niya kanina dala ang sinigang na dala ko. Kinuha ko rin naman ang paper bag at saka binuksan at inamoy.
Infairness ang bango ng tinapay. Sinaraduhan ko na lang ulit at tumawid na pauwi.
Pagkapasok ko ay ipinatong ko sa lamesa ang paperbag.
"May pinabibigay pong tinapay yung lalaki sa bakery. Nasa lamesa mo, 'Nay Loida." sabi ko kay Nanay Loida nang dumaan siya sa kusina.
Nakita kong umupo siya sa doon at binuksan ang paper bag. Sinimulan ko namang intindihin ang mga pinagkainan namin.
"Ngayon na lang ulit siya nagbigay ng tinapay ah. Marahil ay nalaman niyang bagong dating ikaw kaya nais niyang ipatikim sa iyo ang tinapay na gawa niya," sabi niya. Hindi naman siguro gano'n 'yon. Ang bilis naman niya mag-conclude. Busog rin naman na ako kaya wala rin akong balak kumain ng tinapay.
"Maagang namatay ang mga magulang niya kaya siya na ang namamahala ng mga bakery nila." Hindi ko alam kung bakit niya iyon kinikwento sa akin pero hinayaan ko na lang rin siya. Nakinig na lang rin ako sa kanya habang hinuhugasan ang mga plato.
"Ilang linggo ko rin siyang hindi nakita. Marahil ay binisita niya ang iba pa nilang bakery rito sa Cebu. Kakauwi niya lang rin ata kanina," pagpapatuloy niya. Nanatili lang din akong nakikinig kahit hindi naman ako gano'n kainteresado sa buhay niya. Hindi ko naman kasi siya kilala.
"Ang bakery d'yan sa tapat ang unang bakery na itinayo ng mga magulang niya bago ang mga bakery sa ibang lugar. Kaya ito ang palagi niyang pinapamahalaan at siya mismo ang nagmamasa at gumagawa ng mga tinapay diyan sa bakery nila na 'yan," pagpapatuloy niya. Binabanlawan ko na rin ang mga plato at isa isa silang nilalagay sa platuhan matapos punasan.
Rinig ko ang pag-atras ng upuan kaya alam kong umalis na siya. Saktong tapos na rin ako sa ginagawa ko.
Pumunta ako sa tabi ni Dianne at naupo. Busy pa din siya sa laptop niya.
"May trabaho ka ba bukas?" tanong ko habang nakatingin at nanunuod ng tv.
"Oo eh. Aalis ka ba bukas?" tanong niya habang hindi inaalis ang tingin sa laptop niya.
"Hindi ko pa alam. Baka dito na lang muna ako," sabi ko. Wala pa din akong alam na pwedeng puntahan. Maghahanap muna ako online.
"Tutulungan ko na lang muna si Nanay Loida sa gawaing bahay dito," dagdag ko pa. Magche-check na lang ako mamaya ng mga places na pwede kong puntahan.
Nanood na lang muna ako ng movie at hindi na muna inabala pa si Dianne. Kailangan na daw yung report na yun bukas kaya minamadali na niya kaya 'di ko na siya inabala pa.
Nang matapos ang movie ay napagpasyahan ko ng umakyat. Hindi pa naman ako inaantok pero gusto ko nang humiga.
Pagkahiga ko ay kinuha ko ang cellphone ko sa gilid. Nag-scroll lang ako sandali sa mga social media accounts ko. Doon ko naalala na hindi ko pa pala nabubura ang mga pictures namin ni Adrian sa Facebook at for sure pati sa Instagram at Twitter.
Picture pa rin naming dalawa ang display picture ko sa lahat ng accounts ko na iyon.
In-open ko ang isang album sa Facebook account ko. Random pictures namin iyong dalawa sa loob ng five years.
Bawat pictures na nakikita ko ay naaalala ko ang mga memories namin together. Totoo ngang a single picture holds thousands of memories. Memories na lang sila at hanggang doon na lang. Nagsimula na namang mangilid ang mga luha ko.
Hindi na ako nag-abalang tignan iyon lahat dahil napakarami noon. Nagdadalawang isip pa ako kung buburahin ko ba yung mga pictures na 'to kasi wala na akong copy ng mga pictures. Nanghihinayang ako sa totoo lang. Sayang. Sobrang sayang.
Pero naalala kong ikakasal na nga pala siya at magkakaanak pa. Di ko na namalayang tuloy tuloy lang sa pag-agos ang luha ko.
Maybe deleting these photos is the start of moving on.
Walang ano-ano'y dinelete ko ang nasabing album.
Maaari naman akong gumawa at kumuha ng bagong pictures with the right person.
Tiningnan ko ang mga naging display pictures ko. Halos pictures pa rin naming dalawa. Dinelete ko rin ang mga iyon.
Wala akong itinirang isang litrato niya sa Facebook account ko. Hindi ko naman siya blinock or in-unfriend. I just unfollowed him para na rin hindi ko makita ang wedding photos nila kung sakali.
I am saving myself from further damage. Sana pinatay na lang nila ako kaysa ipakita pa sa akin ang wedding photos nila.
I removed my 'in a relationship' status and switched it back to 'single'. Tuloy pa rin ako sa pag-iyak pero sige laban lang. Kaya ko 'to. Ako 'to si Chelsea.
In-open ko rin ang Twitter ko at IG. Dinelete ko din ang mga pictures namin doon at pinalitan ang header at display icons.
Okay na ang social media ko. But then I realized na hindi pa ang album sa phone ko. I sighed before I opened the gallery of my phone. Nandoon ang ilang mga pictures namin na wala sa social media accounts ko.
Walang kaba kong binura ang nga iyon maging sa recently deleted ay binura ko din. I even deleted our conversation sa lahat ng messaging platforms.
Ayoko nang balikan ang mga matatamis niyang salita dahil paniguradong hihigitin ako ng mga iyon pabalik sa kanya.
Binura ko rin ang number niya pero saulo ko naman iyon. Bahala na. Sana magpalit na lang siya ng number. Maki-cooperate naman sana siya sa pagmomove on ko.
Nang wala na akong magawa sa phone ko ay isinubsob ko ang mukha ko sa unan at umiyak. Ang sakit sakit pa rin hanggang ngayon. Ang sarap sumabog.
Gusto ko ng magtime travel papunta sa oras na naka move on na ako. Yung wala akong iniisip na kung ano kundi ang sarili ko. I just want to be happy again. I want to experience the excitement of waking up every morning knowing na wala na yung sakit, wala na 'yong heartache.
Masyado ko ata talaga siyang minahal to the point na nakalimutan ko na ang sarili ko. Mali pala talaga iyon. Mali palang magmahal ng tao ng higit pa sa sarili mo. Maling mali. Dapat pala nagtira ako para sa sarili ko, para may pinanghahawakan ako ngayon kahit papaano.
I checked my phone. Almost 11PM na. Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya napagpasyahan kong bumaba. Pinunasan ko saglit ang mukha ko para kung sakaling gising pa sila Dianne at 'Nay Loida ay hindi halatang umiyak ako.
Wala ng tao sa baba, tulog na silang marahil dalawa.
Binuksan ko ang ref at naghanap ng gatas. I usually drink milk kapag hindi ako nakakatulog sa gabi. Pero wala. Wala naman akong choice kaya nagtimpla na lang ako ng kape.
Nahagip ng mata ko ang tinapay na binigay nung lalaki kanina. Kumuha ako ng platito at naglagay doon ng tatlong piraso ng tinapay na binigay niya. Sinaraduhan ko iyong muli at ibinalik.
Umakyat akong muli sa kwarto ko dala ang kape at tinapay. Nilagay ko iyon sa table katabi ng higaan at naupo.
I searched some places here sa Cebu na maaari kong puntahan. From beaches to mountains na pwede akong maghike.
I sipped on my coffee at kumuha ng tinapay habang naghahanap pa rin sa internet ng mga lugar dito sa Cebu na makakakuha ng atensyon ko. Much better sana kung malapit lang. Hindi ko pa naman gamay masyado ang Cebu.
To be fair, masarap yung tinapay at malambot. Hindi na nakakapagtaka kung bakit dinadagsa ang bakery niya kanina.
I listed all the places sa Notes ng phone ko then after brushing my teeth ay saka ako nagdesisyong matulog.

Komentar Buku (23)

  • avatar
    Bryan Mallari

    home and good

    24d

      0
  • avatar
    NacarJerry

    very good story telling

    14/06

      0
  • avatar
    PaineLaika

    good

    26/05

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru