logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

BAGONG LEADER NG MGA GANGTER CHAPTER SIX

KINABUKASAN:
Umaga na nang magising siya. Nakahiga na siya sa sahig na nasasapinan ng makapal na kutson. May makapal ang kumot na nakatakip sa halos kalahati ng kanyang katawan. Iginagala niya muna ang paningin upang makilala ang lugar na kinaroroonan, alam niyang hindi iyon isang ospital. Dagli siyang napabangon, at bigla niyang nakita si James na nasa harap ng lamisitang puno ng mga pagkain. May hawak na mangkok at chopsticks, kumakain ito at napatigil ng makita siyang bumangon.
"Gising ka na pala, halika at sabayan mo akong kumain." Ngumuya muna ito bago tuluyang dumampot muli ng topu gamit ang chopsticks.
"Bakit ako naririto? Anong nangyari sa akin?" nagtataka niyang tanong.
"Hinimatay ka sa gutom alam mo ba yun? Kung bakit kasi pinababayaan mo ang sarili mong hindi kumakain?"
Ngunit sa halip na sumagot ay napatitig ito sa kanya. Tingin na nagsasabing wala siyang alam. "Sanay naman akong nagugutom, pero hindi ako nagpapalipas ng gutom, sadyang nalimutan ko na kahapon ang kumain dahil sa dami ng mga pangyayari," mahinang paliwanag niya
"Miss Park, kahit gaano pa kadami at kagulo ang sitwasyon kailangang kumain ka pa rin, anong magiging lakas mong tumakbo sa tuwing may humahabol sa iyo?" Ikinumpas-kumpas pa nito ang sariling kamay. Nauunawaan naman niya ang mga sinasabi nito, iba lang kasi ang naging aitwasyon niya kahapon, sobrang gulong-gulo siya dahil kay Alfred. At Bigla nga niyang naalala si Alfred. Nagtangka siyang tumayo ngunit naramdaman niya nag pagsakit ng kanyang tiyan.  Napahawak siya sa tiyan niya.
"O huwag ka munang masyadong gumalaw, mukhang masama pa ang pakiramdam mo"
"Hindi ayos na ako, kailangan ko nang umalis," sabi niya sabay tatayo na sa kanyang hinihigaan.
" Hoy! Gumalang ka nga sa akin! Akong may-ari nitong apartment na ito, dito kita dinala kagabi dahil hinimatay ka habang magtatago sa mga gangster na humahabolnsa iyo!"
"O ngayon?" nakakunot ang noong ganting tanong niya.
"Ha anong o ngayon?" napalabi siyang tanong sa dalaga at nailapag ang hawak na chopsticks.
"Ano ba naman! Alam mo na ngang hinahabol ako ng mga gangster na iyon eh, pambihira! Kailngan ko nang umalis!" napabuga ng hangin na sabi ni  Sophie. At tinapunan ng masamang tingin si James.
"Ay nako naman Miss Park! Alam mo bang nag file pa ako ng live of absent dahil sa'yo! Tapos iyan lang pala ang maririnig ko sayo!" Napapailing ding sambit naman ni James. At tumayo pa siya at humarang sa pintuan ng kanyang apartment upang mapigilan ang dalaga na umalis kaagad. Hindi niya rin maintindihan ngunit parang ayaw niyang umalis ito at mawala sa paningin niya.
Pumamewang naman si Sophie sa harap niya at napapailing na binira siya ng sipa sa binti niya, "Aray!" malakas niyang nasambit habang nahawakan pa ang binti niya na sinipa into.
"Gangster yata ang kaharap mo! Hindi ako basta underground doctor no!" sabi pa nito na itinulak ang binata at patulak na binuksan ang pintuan ng apartment niya. Nakalabas ito at tangkang aalis na ngunit nakita niya ang mga kapitbahay ni James na nakatingin sa kanyan ng may pagtatakha.
"O ano, napansin mo pinagtatawanan ka, paano nagmamadali kang lumayas eh, hindi ka pa nga nakapag palit ng damit," sinudan pa niya nang malakas na tawa ang mga sinabi. Nilingon naman siya ni Sophie at biglang  kinuwelyuhan.
"Nasaan na ang mga damit ko?" Nanggigil na tanong ni Sophie habang mahigpit na hawak ang kwelyo niya.
"N-nandoon sa loob," sambit niya sa dalaga. Napapalunok pa niyang itinuro ang pintuan ng apartment niya. Pabagsak na binitiwan na siya ni Sophie.
"Ano! Dr. Kim, talo ka pala ng isang babaeng gangster!" sambit ng kanilang kapitbahay. Napalingon naman siya sa mga ito at mabilis na nilapitan ang dalawang matanda.
"Pa-paano niyo pong nalaman na gangster siya?" nagtataka niyang tanong sa mga ito.
"Ay, Dr. Kim, hindi mo ba alam na kilala dito si Miss Park, bilang isang matalino at magaling na manggagamot,"
Napamaang siya at nagtataka," Ano!? Eh hindi naman doktor ang babaeng iyan! Maaari siyang makulong sa giangawa niya!" Napapakamot na sambit ni James sa dalawang matanda. At hindi na niya namalayan na lumabas na pala si Sophie sa Bahay niya.
"Alam mo Dr. Kim, first aid lang naman ang ginagawa niya sa mga simpleng tao na tulad namin, parati pa rin niyang sinasabi sa amin na hindi siya doctor, at kailangan pa rin naming magtungo sa hospital. Dahil sa galing at talino niya, naagapan ang mga sakit na kung hindi niya nagagawan ng unang lunas ay maaaring ikinamatay na namin." sabi ng lalaki.
" Oo tama, gaya na lamang nang minsang manganganak na ang isa sa mga kapitbahay natin dito, si hyojin, nako mabuti na lamang at napadaan siya, kahit na suhi ang bata ay alam niya ang gagawin, sayang nga ang tulad niya, maaga kasing na ulila, kaya hindi na nakapag-aral ng medisina. Kung sakali, alam kong magiging isa siyang henyong doctor, pero ngayon masasabi namin na henyong gangster na lamang siya." may lungkot na sabi naman ng babae. Tumalikod na ang mag-asawa at siya naman ay naiiling na bumalik sa apartment niya. Nakita niyang wala na ang dalaga. Napatingin na lamang siya sa mga bakas na iniwan ni Sophie sa loob ng bahay niya.
____________________
Bagamat nakapagpahinga na ay nakakadama pa rin siya ng pagod at pagkahapo. Ngunit hindi na niya iyon ini-inda pa dahil sa ang iniisip niya ay ang kanyang mga kasama at si Alfred. Nanghihinayang siyang kulang ang kagamitan niya sa pag-oopera kaya naman kinailangan niyang dalhin sa Gangnam Hospital si Alfred.
Mabilis siyang dinaluhan ng ilang mga kalalakihan, mga tauhan ni Alfred. Lumapit ito at inalalayan siyang makababa sa bagong lugar na kanilang bagong kuta. Sa isang abandonadong gusali sila pansamantalamg nag kukuta. Agad niyang nilapitan ang mga pasyenteng nakahiga sa mga lumang lamesa.
"Kamusta ang sugat niyo?" tanong niya na mababakas ang pag-aalala.
"Huwag mo kaming alalahanin, malayo sa bituka ito! Eh Ikaw nalaman namin na hinimatay ka raw kagabi, at kinuha ka pa ng isang doctor?" tanong ni Ji-hon.
" Ayos lang ako, kayo ang inaalala ko," sagot niya kaagad sa kasamahan. Nilapitan niya kaagad ito at tiningnan ang sugat nito kung dumudugo pa ba o hindi na.
" Si Alfred? Anong balita sa kanya?" si Sun-Ho naman ang nagtanong sa kanya. Ngunit umiling lamang siya sa kasama dahil sa maging siya ay wala pang balita sa kaibigang naoperaha sa Gangnam Hospital.
" Sinasabi ko na nga ba, hindi na dapat natin tinira yung isang hawak ni Kim Byong-Ho. Ngayong pumalpak tayo siguradong pinaghahanap na nila tayo!" Naiinis itong ibinalibag ang hawak na sumbrero. Lahat sila sa grupo ay nanlulumo dahil sa sinapit ni Alfred. At tila nawawalan na nang pag-asa. Isang bagay na ayaw niyang mangyari.
" Huwag kayong mag-alala maaayos din ang lahat," bagamat may kaunti siyang agam-agam para sa kaibigang si Alfred.
"Kailangan natin ng Isang leader! Habang nagpapagaling pa si Alfred, sino sa tingin niyo ang pwede?" tanong Chun-wa, isa rin sa mga kasapi. Naglingon ang bawat Isa, at nagtinginan sa kanya. May nais silang ipabatid sa kanya na hindi naman niya nahulaan kaagad. Napaupo siya sa isang tabi dahil balak din niyang mag-isip.
Nang bigla na lamang magsalita si Han Chun-wa,"ikaw na lang Miss Park Sophie! Ikaw muna ang mamuno sa amin!" malakas nitong sabi sa lahat at umalingawngaw pa sa buong silid ang tinig nito. Lahat ay napatingin sa kanya na nagsasabi ng pagsang-ayon.
"Sang-ayon ba kayong lahat? Na ang kinikilala nating mangagamot ang siyang maging pinuno natin? Habang wala pa si Alfred?" tanong nitong muli sa lahat.
" Bakit ako? Hindi ko alam kung kaya kong gampanan ang sinasabi niyong tungkulin." Tumayo siya at tiningnan ang sugat ni Ji-hon. Habang tinatanggal ang benda ng sugat ng babaeng gangster din ay hinawakan nito ng kamay niya.
"Tutal ay tinutulungan mo kami, pumayag ka na, may pambihira kang talino. Maasahan mo kami na magagawa naming sundin ka, at pagkatiwalaan gaya ng pagtitiwala namin kay Alfred." Tumingin lamang siya sa dalaga at ipinagpatuloy ang ginagawa sa sugat ng dalaga.
__________________
Guryung village:
Sa Guryung Village nakatira ang ate ni Sophie na si Sandra, doon din niya dinadala ang mga batang lansangan na nakikita Niya kung minsan sa mga kalsada sa buong Gangnam City, at Lugar ding iyon nila ito pinapangalagaan. Si Sandra ang tumatayong Ina, Nurse, at tagapangalaga ng mga bata at matatandang pumaparoon upang magpagamot sa kanila. Bagamat sinasabi nila na hindi manggagamot si Sophie ay patuloy pa rin ang mga ito na nagpapagamot sa kanila.
"Sophie, bakit ngayon ka to lang?" tanong ni Sandra ng makita siyang dumating at pumasok sa loob ng bakuran nila.
"Maraming nangyaring gulo," sagot lang  niya. Dumeretso siya sa kusina at uminom ng tubig. Nakita siya ng mga Bata at lumapit sa kanya. Sina Cha-On, Um-Gum at Chin-Ah. Mga batang babae na nakuha nila sa daanan ng train kamakailan lang. Ang mga magulang ng mga ito ay namatay na dahil sa kakulangan sa gamot. Kayat naulila ang tatlo nilang mga anak.
"Nasaan naman pala si Felipe? Kagabi pa siya hindi umuuwi?" nag-aalalang tanong ni Sandra.
Napatayo naman siya sa gulat. Dahil ang sabi ng mga tauhan ni Alfred ay umalis din daw kagabi matapos silang bigyan ng paunang lunas.

Komentar Buku (141)

  • avatar
    Genesis

    and I will be in the morning ma'am I'm not going to be a garden hose and thank you are you have a good morning v and thank me later when I'm on the myth chess board meeting at ngan Tika sumpter me know if that works with you guys who are you are Tagalog to dark mode for the myth me to come get you and 67 me and thank you are you have to be in a garden hose and jassimpogi you are you have a good evening v for vendetta against me and thank me later if that's ok na min to dark mode on pag me know

    17/01

      0
  • avatar
    Ehnna Euqor

    Maganda ang kwento nito kaya basahin na ninyo. 😀🙏

    18/10

      0
  • avatar
    SoPia Grace

    like

    13/10

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru