logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

TEN YEARS LATER CHAPTER TWO

disclaimer: Lahat ng nabanggit sa kwentong ito ay hindi totoong pangyayari at likha lamang ng aking isipan.
Year 2020 in Seol South Korea.
TEN YEARS LATER
Mahaba-haba na rin ang tinatakbo ni Sophie para lang mabilis na makarating sa isang lib-lib na lugar sa Gangnam, kung saan naroon ang ilang sugatang mga lalaki na kailangan niyang gamutin. Sinusundan niya ang binatang si Felipe kahit na mabigat-bigat ang bitbit niyang bag na naglalaman ng mga kagamitang panggamot sa mga pasyenteng hindi maaring magpunta ng ospital.
"Felipe! Malayo pa ba?" sigaw niya sa binatilyong mabilis ding tumatakbo. Nasa ilalim sila ng isang malaking underground tunnel kung saan ang itaas ay dinadaanan ng malaking train.
"Malapit-lapit na ate, hayun!" Sabay turo niya sa tatlong kalalakihang nakasandal sa pader. At nang sa wakas ay makalapit na sila ay nakita niyang duguan ang tatlong lalaki. Agad niyang inilapag ang gamit niya at paluhod niyang tiningnan ang mga sugat ng mga ito.
Ang isa ay may tama ng baril sa kanang bahagi ng dibdib. At ang Isa naman ay may hiwa at saksak sa kaliwang tagiliran.
"Naku, mukhang marami nang nawalang dugo dito sa isang ito. Kapag ganyan kailangn na nating madala sa ospital 'yan."
"Hindi maari...." agad na sagot ng isa sa kanila. Kinuha naman kaagad ni Sophie ang bag niyang may lamang mga kagamitan. mabuti na lang at may alcohol at gasa siya, nilinis niya muna ang sugat nito at saka mabilis na bunuhusan ng alcohol ang sugat ng lalaki na maykalaliman at hindi maampat ang pagdurugo. Malakas na napasigaw ang lalaki.
"Ah!" sigaw nito.
"Pwede ba! Huwag kang maingay!" sigaw niya sa lalaking ginagamot niya. Tapos ay kumuha siya ng sangkatutak na bulak at upang itapal sa sugat nito at nang mapatigil na niya ang pagdurugo ng sugat ay mabilis na niyang binendahan ang katawan ng lalaking ginagamot niya.
"Kailangan mo pa ring pakiramdaman kung dumudugo pa." Tapos ay binalingan na niya ang isapang lalake. May tama naman ito ng baril sa kanang bahagi ng dibdib nito at halos maghingalo.
"Ano kaya mo pa ba?"
"Oo... Kaya ko malayo pa naman ata sa bituka to,"nahihirapang sagot ng lalaki.
"Oo malayo sa bituka, pero malapit na sa puso!" malakas niyang sambit. At sinikap nga niyang hiwain ang laman sa kanang dibdib ng lalaki upang makuha niya ang balang nakabaon sa dibdib nito. Halos magtalsikan ang mga dugo nito sa mukha niya para lang makuha ang bala. Samantalang nakatunghay lang si Felipe sa kanyang ginagawa.
"Felipe, bakit sa dami ng lugar ay dito mo pa sila dinala? Sana doon na lang sa abandonadong building, ang hirap kaya rito kasi walang tubig," sabi niya kay Felipe. Pero hindi ito sumasagot at nakatunghay lamang sa kanyang ginagawa.
Walang takot si Sophie bagamat hindi siya isang tunay na doktor ay lakas loob niyang ginagawa ang bagay na iyon para lamang kumita ng pera. Laki na sa hirap si Sophie buhat ng mamatay ang kanilang mga magulang. Ang tangi niya na lang kasama sa buhay ay ang ate niyang si Sandra. Na wala ring tigil sa katatrabaho upang mabuhay silang magkapatid. Bukod doon ay marami rin silang mga batang gala na inampon. Yung mga tulad nilang ulila na at walang mapupuntahang tahanan. Maliliit na bata na iniwan ng mga magulang sa lansangan. Tulad ni Felipe, siyam na taong gulang ng mawala sa kalagitnaan ng palengke rito Gangnam street Seoul. Sa magulong lungsod na iyon kung saan sila rin ay naghahanap buhay. Hanggang sa dumami na nga ang kanilang ampon dahilan para pati siya ay makagawa ng mga ganoong bagay. Ngunit ang lahat ng iyon ay lingid sa kaalaman ng kanyang Ate.
"Felipe, kailangan ko ng tubig na malinis!" malakas niyang sabi kay Felipe na tila nawawala sa sarili sa kapapanood sa kanya.
"Ah, oo ate, kukuha na ako." Agad na itong tumakbo dala ang timba para kumuha ng malinis na tubig, mabuti na lang at alam niyang may malapit na wet market ilang kanto lamang ang layo sa kinaroroonan nila. Hindi niya na alam, ang tangin niyang magagawa habang hinihintay ang tubig ay buhusan ng alcohol ang sugat na ginagamot niya.
"Arayyy!" napakalakas na sigaw sa kanya ng lalaking gangster dahil sa ginawa niya.
"Huwag ka ngang maingay, baka may makakita sa atin dito, kayo rin ang kawawa hindi kayo makakatakbo!"Mas lalo pa niyang diniinan ang pagkatapal ng mga bulak sa sugat nito.
"Ah! Ano naman iyan ang lupit mo dud," mahina nitong sagot sa kanya. Alam niyang isa ito sa mga tauhan ni Alfred, isang kilalang pinuno ng mga gangster sa bayan. Ito at ang grupo nito ang mandalas mangikil sa mga palengke at nangunguha ng mga paninda. Ngunit kamakailan lang ay lumaganap ang maraming tauhan ni Kim Byung-ho,  isang mayamang pinuno ng malaking sindikato ang namamayani ngayon sa mundo ng mga mafia at gang. Ito ay kilala bilang pinakamasama sa lahat ng mga mafia. Napakayaman at nagmamay-ari ng maraming pasugalan na kalat na sa iba't ibang lugar ng korea.
Hindi niya maintindihan sa sarili kung bakit sa dami ng trabahong makukuha niya ay ang maging mangagamot pa ng mga sugatang gangster ang napili niya. Hindi naman siya doktor at alam niyang kung mahuhuli sila ay malaki ang pananagutan niya sa batas.
Ilang minuto pa ang lumipas at bumalik na ang kanyang kapatid dala ang tubig. At patuloy na nga niyang ginamot ang mga ito.
-----------------
One months later:
"Ma, nandito na ako sa airport. Saan mo ko susunduin?" Inipit niya ang kanyang cellphone sa pagitan ng balikat at pisngi upang hindi ito malaglag dahil abala din siya sa pagtulak ng cart na dala niya na may lamang mga bagahe at mga pasalubong buhat pa sa America. Isa na siyang doktor at sa wakas ay magagamit na niya ang kanyang talino sa panggagamot dahil sa nakapagtapos na siya ng pagdo-doktor at with masteral degree pa. Dahil sa kanyang katalinuhan ay nakuha niyang tapusin ang kanyang kurso sa loob lamang ng sampung taong pag-aaral. Kaya naman ng makapagtapos ay nagpasya na siyang bumalik ng Korea. Malayo ang inilakbay niya para lamang makapagtapos at makabalik sa sariling bansa. Sa Bukchon-hamok siya tutuloy. Doon kasi nakatira ang Mama niya na isa ring doktor dito sa Korea.
"I'm sorry anak, hindi na kita masusundo pa, bigla akong nagkaroon ng emergency surgery dito sa hospital dito sa Gangnam," sagot ni Doc. Lee na kanyang ina.
"What? Did you mean your in Gangnam Hospital again?" medyo pagulat niyang sagot sa ina. Hindi siya makapaniwalang kinakaya pa rin ng kanyang ina na manatili sa lugar na iyon, kung saan alam niyang nakabase pa rin ang kanyang masamang ama sa lugar na iyon.
"Alam mo naman anak, hindi ko maaring iwan na lang ang katungkulan ko sa ospital na ito,bilang head surgeon," paliwanag pa nitong muli buhat sa kabilang linya. Bagay na naunawaan naman niya, para sa kanyang ina at bilang isa na rin siyang mangagamot. Kaya lang ay nag-aalala  siyang guluhin muli ng kanyang masamang ama ang pinakamamahal na ina.
"Okay, I'm going to our house, but after that, I'm going to apply to that hospital the next day, so I can keep an eye on you Ma," sabi niya sa kanyang ina na nasa kabilang linya pa rin. Ibinaba na nila ang kanilang cellphone ng matapos silang mag-usap. Ngunit isang babae ang nakatawag ng kanyang pansin sa di kalayuan. Maganda ito waivy ang buhok, naka jeans jacket at white shirt ang panloob. Blue jeans din ang pangbaba nito at sneakers ang suot na sapatos. Parang natatarantang may hinahanap sa buong lugar ng airport. Gusto man niyang makialam ngunit nagpasawalang bahala na lamang siya at itinuloy ang pagtutulak ng cart na dala niya.
Malayo-layo na rin siya ngunit napatigil siya ng mapansing may nagkakagulo at naghahabulan. Isang gwardiya at mga kalalakihan. nakita rin niya yung babaeng tumatakbo. Naisip niyang yung babae ang hinahabol. Hindi na sana siya mag-aabala pa ngunit nakita niya ang suot na kwintas ng mga lalaking nakaitim. At alam na alam niya ang tatak na nakasulat sa kwintas ng mga ito. Iyon ay ang tatak ng grupo ng kanyang ama. Alam niyang tauhan ng kanyang ama ang mga lalaking iyon. Ayaw man niya ngunit nakadama siya ng isang bagay, ang tumulong.
"Hanapin niyo! Nandiyan lang ang babaeng iyon!" malakas na wika ng isa sa mga lalaki.
Alam niyang ito ang pinuno. Namataan niya na kanina ang babae. At nakita nga niya ito sa likod ng isa sa mga bench. Pasimple niyang iniharang ang cart niya para matakpan ang upuang pinagkukublihan ng babae. At umupo rin siya sa bench, pasipol-sipol pa siya habang kunwari ay nakatinging sa suot niyang wrist watch. Naka-cross legs na naupo at iniunat pa ang isang braso niya sa sandalan ng upuan.
Nang mapalapit doon ang isa sa mga kalalakihan ay nagsalita siya.
"Ang hinahanap niyo ba ay yung hindi katangkaran, waivy ang buhok na kulay brown, tapos naka jacket na blue, at jean na blue?" kunwari ay tanong niya sa mga ito.
"Oo eh, nakita mo ba?"
"Oo, tumakbo banda roon!" malakas niyang sabi sa mga lalaking hindi naman magkandaugaga at nagkakandahaba pa ang mga leeg sa katitingin sa paligid.

Komentar Buku (141)

  • avatar
    Genesis

    and I will be in the morning ma'am I'm not going to be a garden hose and thank you are you have a good morning v and thank me later when I'm on the myth chess board meeting at ngan Tika sumpter me know if that works with you guys who are you are Tagalog to dark mode for the myth me to come get you and 67 me and thank you are you have to be in a garden hose and jassimpogi you are you have a good evening v for vendetta against me and thank me later if that's ok na min to dark mode on pag me know

    17/01

      0
  • avatar
    Ehnna Euqor

    Maganda ang kwento nito kaya basahin na ninyo. 😀🙏

    18/10

      0
  • avatar
    SoPia Grace

    like

    13/10

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru