Year 2010 in Seoul South Korea. Malakas ang ulan ng araw na iyon. Mag-a alas-kwatro na ng hapon. Nahuli siya ng uwi dahil na a-sign pa siyang maglinis ng kanilang class room. Kaya naman ng pauwi na siya ay nakita niya ang mga kalalakihang nagtatakbuhan malapit sa kanilang paaralan. Alam niyang ang grupo na naman nila Chuno iyon. Kilalang lider ng mga gangster sa kanilang paaralan. Isa ang mga grupong ito sa mga iniiwasan niyang grupo. Madalas kasi siyang ayain ng mga ito na sumali sa kanilang gang. Sayang daw ang kaalaman niya sa martial arts kung hindi mapapakinabangan. Ngunit mariin niyang tinanggihan ang alok ni Lando sa kanya. Para sa kanya ay masarap mabuhay ng payapa at walang sinumang kaaway. Ayaw niyang makipag-away sa ibang estudyante ng ibang school. Pero hindi siya titigilan nina Chuno at ng mga ka-grupo nito. Kaya naman ng mga oras na iyon ay dali-dali rin siyang tumakbo papunta sa kabilang eskinita sa may bandang likuran ng kanilang eskwelahan. Doon ay walang masyadong dumadaan at sa tingin niya ay hindi pupuntahan ng mga kabataang nag rarayot. Narinig pa niya ang nagsisigawang mga kabataang lalaki sa kabilang dako naman. Sa lakas ng ingay ng mga kabataang nagkakagulo ay dinig pa iyon hanggang sa kabilang kalye. Pinagpatuloy niya ang paglalakad ng biglang nakita niya ang isang binatilyong lalaki na 'di nalalayo ang edad sa kanya. Nakaupong nakasandal sa pader ng isang lumang gusali, abandonadong gusali iyon na hindi pa pinupuntahan ng may-ari no'n. Agad niyang nilapitan ang binatilyo. "Hoy...okay ka lang ba?" May pag-aalinlangan pa siya ng kalabitin niya ang balikat ng lalaki. "Ummm..." ungol lamang ang isinagot nito. At halos napa subsob na ito sa lupa. Siya naman ay bahagyang kinabahan dahil naririrnig niya ang mga ingay ng mga estudyanteng tila may hinahanap, "Hanapin nyo! Nandyan lang 'yun, hindi pa yun nakakalayo!" sigaw ng tinig ng isang lalaki at alam niya kung sino iyon. Kilala na niya kasi ang boses ni Chuno at may mga matatandang lalaki rin ang boses na nag-uutos sa mga kabataan. "Kaya mo pa bang tumayo? Kailangan kayanin mo kung ayaw mo pang mamatay dito!" sabi nya. At sinubukan niyang itayo buhat sa pagkakalugmok ang binatilyo. Binuhat niya ang isang braso nito, mabuti na lang at hindi ito matabang lalaki. Balingkinitan lamang ang binatilyo. Ikinampay niya ang isang braso nito sa mga balikat niya. At saka binuhos ang buong lakas niya para buhatin ito. Dinala niya sa bakanteng gusaling malapit sa kinaroroonan nila. "Mabuti na lamang at nasa malapit tayo ng bakanteng gusaling ito, kahit papaano ay makapagkukubli ka rito," sabi niya sa binatilyong hindi pa niya kilala. Nakita niya ang pagdurugo ng sugat nito sa bandang bewang. May sugat ito na alam niyang likha ng patalim. "Ikaw siguro yung hinahanap nina Chuno...Ikaw iyon? Mga kabataan talaga oh, staka halatang mayaman ka, sa all boys ka nag-aaral eh," sabi niya sa lalaking akala niya ay walang malay. Madilim ang buong paligid dahil sa malakas na ulan, at ang napabilis na pagdalaw ng gabi. Dahil mag-a alas-singko na rin ng mga oras na iyon. "S-sino ka?" mahina ang tanong ng binatilyo sa kanya. "Ako, ako si Sophie," sabi niya. At pinunit ang laylayan ng suot niyang palda. Pinunit niya dahil wala siyang makita sa bag niya na anumang maari niyang ipangtali sa baywang ng lalaki upang mapaampat ang pagdurugo ng sugat nito. Kahit papaano ay may nalalaman siya sa pagbibigay ng paunang lunas. Isang nurse kasi ang Mama niya noong nabubuhay pa ito. Madalas niyang makita kung paano ito maglapat ng lunas sa ate niya kapag nasusugatan ito. At ang kaalamang iyon ay naituro nito sa kanyang Ate Sandra bago ito namatay. "S-Sophie..." bigkas nito sa kanya na pilit inaaninaw ang mukha niya sa pagitan ng madilim na lugar na iyon na ang tanging liwanag na inaasahan nila ay nanggagaling lamang sa kaunting ilaw ng maliit niyang flash light. "Mabuti na lang at may flash light akong dala, alam mo mahirap kalabanin ang grupo ni Chuno, bakit ka naman nakipaglaban sa kanila ng mag-isa? Delikado iyon hindi mo ba alam na hawak niya ang lahat ng mga gang dito sa Gangnam street." Binuhusan muna niya ng kaunting cologne ang sugat. Dahilan para ma pasigaw ito. "Huwag kang maingay!" pabulong ngunit mariin ang pagsaway niya sa binatilyo. Natakpan pa niya ng kamay niya ang bibig nito. At nang mapansin niyang kumalma na ito mula sa hapdi ng nararamdaman ay inalis na niya ang isang palad niya na nakatakip sa bibig nito. "Ano ka ba!? Ang ingay mo gusto mo bang malaman nila na narito tayo? Pag nagkataon pati ako madadamay niyan." "Wala naman sa itsura mo ang takot kang madamay," napapabuga ng hanging sabi nito sa kanya. "Wala nga dahil sanay na akong makiharap sa grupo ni Chuno. Ako nga parati ang pinagtitripan ng mga iyon," wala sa loob na sabi niya pa. Habang ipinagpatuloy ang panggagamot sa sugat nito. "Bumangon ka ng konti, para maitali ko sa iyo itong pinunit kong tela, para tumigil na sa pagdurugo yang sugat mo, medyo malalim-lalim yan." Utos niya sa binata. Sumunod naman ito sa kanya, marahan itong bumangon at siya naman ay itinali ang mahabang tela na galing sa palda niya sa buong baywang ng binata. Mabuti na lang ay may kapayatan ito. Maliit ang baywang at plat ang tyan nito kaya sumakto ang paikot na piraso ng tela sa katawan nito. Habang ginagawa niya iyon ay halos magkalapit na ang mga mukha nila, bahagyang nalanghap ni Sophie ang hininga ng binata, napakabango nito. Maging ang katawan ng binatilyong ito ay napakabango rin. May nadama siyang kakaiba ngunit winalang bahala na lang niya iyon, ang mahalaga sa kanya ay magawaran niya ng lunas ang binatang sugatan at makauwi na sa kanilang bahay. Alam niyang hinahanap na siya ng kanyang Ate Sandra. "Am... O ayan, nagamot na kita. Titigil na rin ang pagdurugo niyan, pero kapag nakalabas ka pa ng buhay rito at nakauwi ng maayos ay ipagamot mo pa yan sa mas marunong. Okay?!" sabi na niyang maysigla sa tinig. Bagamat alam naman niyang makakaligtas pa ito. "Sandali lang aalis ka na ba? Pwede bang makita ko ang mukha mo? Ilawan mo para makita ko," pakiusap nito sa kanya. "Huwag na," sabi niya. "Bakit naman paano kita mapasasalamatan kung ayaw mong makilala kita? Hindi biro ang ginawa mong ito sa akin, isa pa maaari kang ma damay kung malaman nila na ikaw ang tumulong sa akin." "Bakit ipagsasabi mo ba? Hayaan mo na yun, hindi ako tumulong para sa kapalit," nakangiti niyang sabi rito bagamat hindi naman nakikita nang binata. Pareho nilang hindi nakikita ang mukha ng isa't isa. Ngunit para sa kanya ay ayus lang iyon. Hindi mahalaga sa kanya kung sino ba ang tinulungan niya, ang mahalaga ay nakapag ligtas siya ng buhay. Minsan niyang pinangarap na maging isang manggagamot kahit na alam niyang imposibleng mangyari ang bagay na iyon. "May pera ako sa bag ko, sige na kunin mo at mag taxi ka na lang kung ayaw mong makilala kita," "Hindi okay lang ako." Giit naman niya sa binatilyo. "Alam mo kasi hindi ako sanay nang may utang na loob sa ibang tao," seryosong wika nito sa kanya. "Puwes ngayon may utang ka na, na kahit kailan ay hindi mo maaaring bayaran, Kaya kalimutan mo na ito. Kalimutan mo nang may utang ka. Kung balang araw magkita tayong muli at makilala mo ako, isa lang ang hihilingin ko, matuwa kang nag-crus ang mga landas natin. Masaya akong nakilala kita, kahit na hindi ko alam ang iyong mukha. Hindi ko na rin tatanungin pa ang pangalan mo. Alam ko naman na magkaiba ang mga mundo natin," sabi niya pa pagkatapos ay lumakad na palayo sa binata. Ngunit iniwan pa rin niya ang payong niya. Kaya naman pinilit ng binata na tumayo para habulin si Sophie upang ibigay ang payong. Kaya lang ay namataan na nito ang mga lalaking paikot-ikot parin sa buong lugar sa paghahanap. Narinig pa nito ang boses niya na sumigaw at nag salita sa mga kalalakihang nagtanong sa kanya tungkol sa binatang hinahanap nila. "Doon! nakita ko doon tumakbo, kung bibilisan niyo mahahabol niyo pa yun!" sigaw niya sa mga lalaki. At nagtakbuhan ang mga ito palayo sa lugar na kinaroroonan niya. Naiwan si James na hawak ang maliit na payong niya na may nakasulat na pangalan niya. Park Sophie, napangiti siya dahil kahit papaano ay may naiwang ala-ala sa kanya ang gabing iyon sa babaeng pinagkakautangan niya ng buhay. Dahil din sa pangyayaring iyon ay may isang desisyon ang nabuo sa isipan niya. Ang maging isang doktor. Ngayon ay uuwi siya sa bahay ng kanyang ina sa Bukchon upang sundin ang kanyang ina na mag-aral sa ibang bansa ng pagdo-doktor, upang maipagtanggol niya ang kanyang ina at ang sarili niya laban sa masama niyang ama. Ang totoo ay alam niyang mga tauhan din ng kanyang ama ang nagtangka sa kanya dahil ayaw niyang sundin ang kagustuhan nito na maging tagapagmana ng illegal na negosyo nito. Ang nais niyang sundin ay ang mahal niyang ina na si Gng. Judith. Isa itong butihing manggagamot na pinapahirapan ng kanyang ama.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
Biaya 34 berlian
Keseimbangan: 0 Berlian ∣ 0 Poin
Komentar Buku (141)
Genesis
and I will be in the morning ma'am I'm not going to be a garden hose and thank you are you have a good morning v and thank me later when I'm on the myth chess board meeting at ngan Tika sumpter me know if that works with you guys who are you are Tagalog to dark mode for the myth me to come get you and 67 me and thank you are you have to be in a garden hose and jassimpogi you are you have a good evening v for vendetta against me and thank me later if that's ok na min to dark mode on pag me know
and I will be in the morning ma'am I'm not going to be a garden hose and thank you are you have a good morning v and thank me later when I'm on the myth chess board meeting at ngan Tika sumpter me know if that works with you guys who are you are Tagalog to dark mode for the myth me to come get you and 67 me and thank you are you have to be in a garden hose and jassimpogi you are you have a good evening v for vendetta against me and thank me later if that's ok na min to dark mode on pag me know
17/01
0Maganda ang kwento nito kaya basahin na ninyo. 😀🙏
18/10
0like
13/10
0Lihat Semua