logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CPL: 6

“I hate you! Bakit mas maganda ka pa sa akin?” sintir ni Kae matapos maayusan ni Katie si Jeremie.
Suot niya ang black and red dress nito para sa welcome party. Ang buhok niya na palaging nakatali ay iniladlad ng mga ito at kinulot. And with the right make up, lumutang ang ganda niya. Kahit siya ay di niya nakilala ang sarili sa salamin. She looked different. Ayaw niyang makakuha ng atensiyon pero napaka-killjoy naman niya kung di niya pagbibigyan ang mga kaibigan na ayusan siya.
“Hindi naman pageant ang pupuntahan natin. Saka maganda ka,” sabi ni Katie. “Kung sasabihin mong di ka kagandahan, ganoon din ako? No way!”
“Gusto ko ako lang ang maganda sa paningin ni Lucian!” patuloy na maktol ni Katie at pinuntahan ang closet. “Magpapalit ako ng damit. Itong buhok ko na tuwid, dapat yata kulutin ko rin.”
“Hindi na kailangan. After kong sagut-sagutin ni Lucian, I am sure hindi niya ako gugustuhing makita. Come on! Huwag ka nang magmaktol,” pang-aayo niya. Medyo sensitive si Kae sa dalawa. Madalas ay parang bata ito.
Hinila ito ni Katie palabas ng kuwarto. “Kundi tayo mauuna sa party, baka may iba nang babaeng makaagaw kay Lucian. Gusto mo ba iyon?”
Pagdating sa Lemur Ballroom ng barko ay binati sila ng kapitan at ng asawa nito. Di nagtagal ay napuna na ng mga tao ang ballroom. Ipinakilala sa kanya ng kambal ang naging kaibigan nang mga ito kaninang wala siya. Iba’t ibang bansa ang pinanggalingan ng mga ito at lahat ay gustong ma-experience ang ganda na ino-offer ng Southeast Asia.
A hush silence fell when a group entered the ballroom. “The Pirate Lords,” narinig niyang usal sa paligid niya.
Pumasok si Lucian kasama ang tatlo pang kalalakihan. Matatahimik talaga ang lahat dahil nagguguwapuhan ang apat. Pawang nakangiti ang tatlo. Siguro dahil masaya ang mga ito sa mga babaeng kasama ng mga ito.
“Kasama pa ang mga bruha,” narinig niyang usal ni Katie. “Inagaw nila sa amin ang mga Pirate lords. Buti lang itinira pa nila si Lucian.”
“Sis, di pwedeng palagpasin natin si Lucian.”
Tinatanguan ng mga ito ang bawat makasalubong na bisita. Pigil niya ang hininga nang tumingin sa direksiyon nila si Lucian. “Gosh! Tumingin si Lucian sa akin!” kinikilig na sabi ni Kae at kumaway. “Hi!”
“Bruha! Ako ang tiningnan niya!” sabi ni Katie at nagpapa-cute na ngumiti.
She felt the air sizzle when Lucian’s eyes focused on hers. Pasimple siyang pumunta sa likuran ng mga kaibigan at bahagyang yumuko. He had a commanding aura. Ito ang lalaking di dapat kinokontra at ayaw nang kinokontra. Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob na sagut-sagutin ito kanina.
Habol niya ang hininga nang makalagpas ito sa kanila. Napainom siya ng champagne nang wala sa oras. Habang natititili naman sa kilig ang dalawang kaibigan niya.
“Nakita mo ba nang titigan niya ako?” tanong ni Kae.
“Nino?” inosente niyang tanong.
“Si Lucian! Ano ka ba?” nanlalaki ang mata nitong sabi.
“Dumating na ba siya?” kunwari ay tanong niya. “Di ko napansin.”
“Good! Good!” sabi ni Katie. “Mabuti iyan di mo siya mapansin.”
Kung alam lang ng mga ito ay muntik na siyang mag-hyperventilate dahil kay Lucian. Mas mabuti pa kung iiwas na lang siya dito. Malaki naman ang ballroom na iyon. Hindi kailangang magtagpo ang landas nila.
“Halika! Lapitan natin si Lucian nang masilayan niyang mabuti ang kagandahan natin,” yaya ni Kae.
“Huwag na ninyo akong isama. Baka mamaya makita pa ako ng Lucian ninyo, mapasama pa kayo at hindi kayo pansinin. Goodluck!”
“Okay!” sang-ayon naman ng dalawa at pumunta sa lugar malapit kay Lucian.
Inaliw niya ang sarili sa pakikipag-usap sa newly-wed galing Brazil na sa Hidden Pearl Pirate ship nagkakilala nang mag-tour ang mga ito sa Pilipinas. They looked happy and genuinely in love. Nagku-kwento ang mga ito tungkol sa pagpunta ng mga ito sa Palawan nang parang may humila sa mga mata niya.
Her eyes settled on Lucian. Kausap nito ang kapitan ng barko. Everything about him spoke of masculinity. Gusto niya ng mga lalaking soft spoken, malambing at sensitive na lalaki. Lucian was none of those. He was the type that conquered. He would take everything he wanted without giving a damn about feelings.
A modern pirate. A conqueror.
At hindi niya alam kung bakit parang may magneto ito na humihila sa kanya. Ni hindi niya maialis ang tingin dito.
Naramdaman marahil nito na may nakatingin dito at dahan-dahan itong tumingin sa direksiyon niya. Napako siya sa kinatatayuan nang magsalubong ang tingin nila. Nahigit niya ang hininga at mabilis na ibinalik sa mag-asawa ang tingin.
Malakas na malakas ang kaba sa dibdib niya lalo na’t nararamdaman niyang nakatingin pa rin ito sa kanya. That was stupid! Isang malaking pagkakamali ang tingnan si Lucian.
Sa kabila ng magnetismong humihila sa kanya, pinigil niya ang sarili na lingunin itong muli. Tama na ang mga babaeng nagkakandarapa dito. Di na niya kailangang dumadagdag. Gusto ba niyang maitapon sa dagat?
Maya maya pa ay nagsimula na ang program para sa gabing iyon. Nasa stage si Lucian at ang iba pang Pirate Lords. Sa iba na lang siya tumingin. May iba namang lalaking malakas ang aura na nakilala niya noong nasa abroad siya pero ano ba ang mayroon ay Lucian at parang metal siyang hinihila dito?
May nakahandang game para sa gabing iyon. Una ay para sa mga couples. Sumali ang mag-asawang Brazilian pero natalo naman agad. Sumunod ay para sa single na mga lalaki. “How about a bring me game for our girls?” tanong ng host.
“Sali tayo! Sali tayo!” sabi ng kambal sa kanya. “Malay mo si Lucian pala ang mapanalunan. Exciting ‘to!”
Kung isa pang libreng cruise ang mapapanalunan o kaya ay accommodation sa isang sosyal na resort ay walang problema sa kanya. Gusto niyang maisama ang kapatid na si Abbie. Tiyak na matutuwa iyon. Nangako siya na pagbalik niya ng Pilipinas ay magbabakasyon silang dalawa.
“Bring me a red shoes,” utos ng host.
“Asar, ha! Black ang pumps ko,” reklamo ni Katie.
“I need a girl with a black and red gown,” anunsiyo ng host.
“Ikaw!” tuwang-tuwang sabi ni Kae at kinaladkad siya papunta sa stage.
“Kae, ano ba?” tili niya dahil muntik na siyang madapa.
“Konti na lang mananalo na ako!” sabi nito at nagtatatalon sa tuwa nang sa wakas ay mauna siyang maidala sa stage. “Yes!” Lumingon agad ito kay Lucian na wala pang isang dipa ang layo sa kanila. “Hi!” bati nito.

Komentar Buku (26)

  • avatar
    Mona Liza Labos

    Good story

    10d

      0
  • avatar
    Bhemine Marcelo Amaba

    wow nice story gusto ko matapos ang pagbasa nito

    19/04

      0
  • avatar
    Mateth Madelo

    Maganda ang Kwento highly recommended

    20/01

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru