logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 5

𝙁𝙧𝙚𝙫𝙮𝙖.
Nagising ako dahil sa boses na tumatawag sakin sa labas ng bahay.
"Frevya, lumabas ka dyan!"
"Wait lang po lalabas na!"
Dali dali akong lumabas ng bahay upang tingnan kung sino yung tumatawag saakin.
"Frevya, kailangan mo nang umalis sa bahay na yan, dahil ibenenta na sakin yan ng tita mo"
Saad ng babae
"Saakin po ang bahay na to, pamana ng magulang ko pano maibebenta ni tita to?" Iritadong sagot ko.
"Nasa akin na ang titulo ng bahay, may utang pa sakin ang tita mo nagkakahalagang 10,000 pesos kaya kukunin namin ang mga gamit dyan sa bahay nyo." Mahabang litanya nung babae.
"Baka naman po pwede wag nyo po akong palayasin, wala na po akong mapupuntahan" pagmamakaawa ko.
"Hindi maaari, may titira na dyan sa bahay na yan, kailangan bukas wala ka na, kase lilipat na sila dyan" sagot nung babae.
Umalis na yung babae, at naiwan akong nakatulala bumalik yung sakit na nararamdaman ko, nawala yung katiting na pag-asang nararamdaman ko, para akong ilaw na malapit ng mapundi.
Lahat ng sayang naipon ko kahapon ay biglang nag laho nawala na rin ang katiting na pag-asa na naramdaman ko. Sinalo ko na talaga ang lahat ng kamalasan sa mundo.
Galit at poot ang nararamdaman ko para kay tita at Liliana, hindi naman mangyayari ang lahat ng ito kung hindi dahil sa kanila. Lahat ng nararanasan ko ay dahil sa kanila. Sila ang puno't dulo ng lahat ng ito.
Wala akong nagawa kundi iligpit ang mga damit ko, at mga mahahalagang bagay na maaari ko pang madala, kinuha ko ang larawan ng aking mga magulang. Yun nalang ang naiwan nilang remembrance, wala na yung perang pamana nila, wala na yung bahay na pamana na nila.
"Kaya ko pa ba? Lalaban pa ba ko? Wala nang natitirang lakas ng loob saakin para magpatuloy" umiiyak na saad ko.
"Ma, pa bakit? Bakit puro sakit nalang ang binibigay ng mundo sakin? Wala na ba akong karapatang sumaya?" Umiiyak akong nakayakap sa litrato ng mga magulang ko.
Nangako ako sa sarili ko na hindi na ako iiyak pero nabigo na naman ako dahil hindi ko na napigilan ang pag agos ng masaganang hula na kanina ko pa pinipigilan.
Iniisip ko ba bakit sa lahat ng tao ay ako pa? Parang hindi na ako binibigyan ng pagkakataon para maging masaya puro sakit nalang ang ibinibigay saakin ng mundo. Ito na yata talaga ang tadhana ko, ang saluhin lahat ng malas sa mundo.
Umiiyak akong umalis sa bahay namin, di ko man alam kung saan ako pupunta basta ang alam ko kailangan ko pa ring harapin ang aking tadhana.
Bit-bit ang maleta ay naglakad ako palayo, di ko alam kung saan ako patungo. Di ko alam kung ilang beses akong nagpahinga at umiyak.
Ramdam ko ang pagod, sakit at gutom dahil hindi ko na rin nagawang kumain ng agahan kanina, nawalan na ako ng gana na kumain.
"Miss, san ang punta mo?" Tanong ng di ko kilalang lalaki.
"Ah, wala" sagot ko.
"Akin na yang bag mo tulungan na kita" saad nya.
"Wag na po kaya ko na to" kinakabahang saad ko.
"Akin na yang bag mo!" Sigaw nya sakin
"Wag po kuya, maawa na kayo sakin please" umiiyak na sagot ko.
Sapilitan nyang hinablot ang bag ko, nanlaban sana ako kaso bigla nya akong sinapak dahilan para bumagsak ako sa malamig na kalsada.
Naiwan akong umiiyak, lahat nalang talaga. Ayoko nang mabuhay mas mabuti pang tapusin ko na ang buhay ko.
Wala na saakin ang lahat, pinahihirapan na ako ng labis na hindi ko na magawang lumaban pa, para akong lumalaban sa isang giyera na wala namang pag-asang manalo.
"BAKIT BA DI PA KO MAMATAY!" Sigaw ko.
Parang unti-unti na rin akong pinapatay, mas mahirap dahil unti unti pa akong pinahihirapan, Bakit pa ko pinanganak sa mundong ito kung di ko man lang maramdaman na masaya ako kahit saglit lang.
Tumayo ako at wala sa sariling nag lakad palayo, walang kahit na ano, walang pera, gamit ang natitira na lamang saakin ay ang damit na suot ko.
Wala na ang lahat, wala akong malapitan at mahingan ng tulong.
Gutom na gutom na ako, nagawan kong kumain ng tirang pagkain galing sa basurahan.
Awang awa ako sa sarili ko ng mga oras na yun. Galit na galit ako kila tita, kung hindi lang sana nila kinuha ang perang pamana saakin ng mga magulang ko ay hindi mangyayari saakin ito.
Habang nagpapakasarap sila sa pag lustay nila sa pera ko, ako nandito sa kalsada, umiiyak kumakain ng tira galing sa basura.
Galit ako sa kanila, galit ako sa mundo kinamumuhian ko silang lahat. Lahat ng dinaranas ko ay dahil sa kanila,
Nung gabing iyon ay binalak kong tapusin ang buhay ko, napag disesyunan ko ito sapagkat wala namang halaga na ang buhay ko.
Naglakad ako ng naglakad hanggang sa makarating sa pamilyar na lugar, pamilyar na scenario.
Patuloy akong naglakad hanggang sa nakarating ako sa tulay, ang tulay na tatapos sa pag hihirap ko ang tulay na gamot sa magulo kong mundo.
Humawak na ko sa railings ng tulay. Tumayo at handa ng tumalon.
Isa, Dalawa, Tatlo
"Wag mong gawin yan, di yan sagot sa problema mo deserve mo pa rin sumaya." Sambit ng lalaki
"Deserve? Hahah, nakakatawa" mapait ang ngumiti.
"Halika Punta tayo sa kabilang mundo, sasaya dun makakamit mo ang ligayang ninanais mo halika" sambit nya.
"Ngunit may kapalit, handa ka bang mag sakripisyo?" Dagdag nya
"Anong kapalit?" Sagot ko
May ibinulong sya saakin, ngayon naging malinaw na ang lahat.
Naging malinaw na saakin ang lahat, hindi na ito panaginip, nangyayari na ito sa totoong mundo.
Hindi na ito panaginip, nasa realidad na ko. Ito ang scenario na nasa panaginip ko ang pagkakaiba lang ay nakita ko na ang mukha ng lalaki.
Lalaking matangkad, medyo may katandaan na mahahalata dahil sa ilang hibla ng puting buhok nya.
naging malinaw din ang ibinulong nya, handa ba akong ibigay ito? Handa ba akong mag sakripisyo?. Handa na ba akong ibigay ang ganito kalaking kapalit? Handa na nga ba ako?
Wala na rin namang halaga ang buhay ko sa mundong ito. Handa nga ba akong ibigay ang ganto kalaking kapalit?
Handa man o hindi kailangan ko pa ring subukan baka sakali na matupad ang pantasya kong buhay baka sakali.
-Blackcoatedpen.

Komentar Buku (10)

  • avatar
    السلاني ابراهيم

    hahaha

    23/07/2024

      0
  • avatar
    Omas asJellianne

    nice

    30/01/2024

      0
  • avatar
    Daniel Luis Sagum

    bapagas

    13/03/2022

      1
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru