logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 4

𝙁𝙧𝙚𝙫𝙮𝙖.
Di ko alam kung gaano na ko katagal umiiyak, di ko rin alam kung gaano na ko katagal naglalakad.
Di ko na alam kung saan ako napadpad hindi ako pamilyar sa lugar na ito dahil hindi naman ako palagala at wala akong time para gumala.
Ngayon ko lang napansin na nagka sugat-sugat na ang talampakan ko kakatakbo.
Napadpad ako dito sa park, naupo muna ako habang umiiyak. Mas lalo akong nasasaktan sa tuwing may makakasalubong akong pamilya, may anak, nanay at tatay masaya.
Ilang ulit kong tinanong ang sarili ko bakit ganto? Bakit puro sakit nalang ang dinaranas ko. Bakit ba kasi namatay ang mga magulang ko? Bakit ba kase naunahan ako sa pag claim ng perang inaasahan ko? Bakit, bakit bakit? Maraming bakit ang gumugulo sa isip ko.
Nagsimula na ulit akong maglakad patuloy pa rin sa pag agos ang luha kong tila walang katapusan, patuloy na bumabagsak dahil matagal na itong naipon, matagal bago ko nailabas.
Halos walang katapusan sa pag-agos ang mga luha ko na animo'y walang katapusan. Parang hindi na rin mag hihilom ang sakit na nararamdaman ko.
Akala ko sanay na ko sa sakit, wala ng mas sasakit pa pero mali ako dahil hindi pa ko sanay, hindi kaylanman ako masasanay.
Nawala ang pagkukunwari ko na sanay na ako, para akong batang nawawala at hinahanap ang kanyang ina. Isang batang iyak ng iyak.
"BAKIT ANG UNFAIR NG MUNDOOOOOOOOOOOOO!" Sigaw ko.
"Hindi unfair ang mundo, Kundi ang tao, wala namang ginagawa sayo ang mundo ang tao ang nag bibigay ng sakit sayo" saad ng di ko kilalang lalaki.
"Sino ka ba? Iwanan mo nga ako" umiiyak na sagot ko.
"Ako Si Niekz Katulad mo rin na hindi masaya ang buhay" sagot nya.
"Ano bang alam mo sa buhay ko? Anong alam mo sa nararamdaman ko?" Sigaw ko.
"Naiintindi-"
Di ko na pinatapos ang nais nyang sabihin, ayokong ng kausap gusto kong mapag isa kaya naglakad akong muli, Di ko namalayang unti-unti ng dumidilim, wala akong pakialam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa, nais ko lamang umiyak ng umiyak nag babaka sakaling mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.
Iiyak ko nalang lahat ng ito, iiyak ako ng iiyak hanggang sa mawala lahat ng sakit at makabangon ulit ako sa pag kakalugmok.
Unti unti akong nakaramdam ng pagod, kaya pumunta ako sa may punong nadaanan ko, naupo sa tabi nito ay pinagmasdan ang kalangitan, ang ganda ng mga bituin, ang ganda pagmasdan, saglit kong nakalimutan ang problema ko.
Paborito kong pagmasdan ang buwan at mga bituin, mataas at makinang parang ang mga pangarap ko sa buhay, mahirap abutin.
"Hay, ano na kayang mangyayari sa buhay ko? Pano ko pa kaya haharapin ang bukas? Pano?" Tanong ko sa sarili ko.
"Ipagpatuloy mo ang buhay mo, patunayan mo sa mga taong nangaapi sayo na kaya mo, balikan mo sila pag sucessful kana" saad ng lalaki
"Ikaw na naman? Umalis ka nga hindi ko kailangan ng kausap umalis kana uno!" sigaw ko
"Aalis din ako, saka hindi uno ang pangalan ko Niekz ang pangalan ko" tugon nya.
Umalis nga ito habang ang mga kamay ay nasa bulsa ng pantalon.
Pinag isipan kong mabuti ang sinabi nya, oo kaya ko pa namang harapin ang bukas.
"Pwede kong ibenta ang mga gamit sa bahay, o kaya ibenta ko na pati yung bahay, tutal wala naman sina tita dun" masayang sambit ko.
Nagtatalon ako sa tuwa ng maisip ko yun, kaya nag lakad na ako pauwi, habang pinupunasan ang mga mata.
"Hindi na ko iiyak, magiging matapang ako para sa sarili ko" nakangiting sambit ko.
Binalikan ko lahat ng dinaanan ko ngunit di ko maalala kaya pabalik balik ako sa dinaraan ko, gabi pa naman kaya nahihirapan ako. Bahagya akong kinabahan dahil dito.
"Hoy, saan ba bahay mo? Hatid na kita" nakangiting saad ng lalaki
Sino nga ba yun? Uno? Dos? Ah basta yung nakakairitang lalaking sunod ng sunod. hindi ko sya pinansin at nag lakad na ako
"Di na bale, alam ko naman pauwi" sagot ko.
Nag simula na akong mag lakad palayo ngunit hindi ko na alam kung saan ako nanggaling, hindi ko na maalala ang mga dinanaanan ko.
"Sige na hatid na kita, gabi na baka mapano ka" nakangiting saad nya
Di na ko nagmatigas pa dahil bukod sa di ko na alam pauwi eh gabi na rin, baka mapano pa ko sa daan.
Ngunit may namumuong takot sa dibdib ko dahil ngayon ko lang sya nakilala.
Natatakot ako sa kung ano ang pwedeng mangyari saakin at sa kung anong pwedeng nyang gawin saakin.
"Saglit kunin ko lang kotse ko ha, hintayin mo ko." Saad ni Niekz.
Tumango lang ako bilang tugon.
Beep, Beeep, Beep,
"Sakay na" nakangiting saad ni zero.
Sumakay na ako at sinabi ang address ko, medyo kumalma na ako ng makita ko ang kalsadang dinadaanan namin, pamilyar na ito sakin.
Kumalma ako dahil nawala na ang mga takot at pangamba na namuo saakin, hindi naman pala masamang tao si Niekz.
Ilang saglit pa ay nasa bahay na ako, nag pasalamat ako at agad pumasok sa bahay.
Hindi ko na sya pinapasok sa bahay, pagkapasok ko ay saka ko lamang naramdaman ang pagod dahil sa mga nangyari saakin sa maghapon.
Hindi na ako iiyak dahil pagod na ako hindi lamang pisikal kundi pati emosyonal, pagod na pagod na talaga ako.
Pagod at antok ang naramdaman ko, ipapahinga ko nalang ito, hindi na ako kumain dahil bukod sa wala akong gana ay wala na akong natitirang lakas para magluto.
Direretso ako sa aking kwarto, nahiga at hinayaan na ipahinga ang sistemang aandap-andap at tuluyan na akong kinain ng kadiliman.
𝑁𝑎𝑛𝑑𝑖𝑡𝑜 𝑛𝑎 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑎𝑘𝑜 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑚𝑖𝑙𝑦𝑎𝑟 𝑛𝑎 𝑙𝑢𝑔𝑎𝑟, 𝑢𝑚𝑖𝑖𝑦𝑎𝑘 ℎ𝑎𝑏𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑠𝑎 𝑡𝑎𝑎𝑠 𝑛𝑔 𝑡𝑢𝑙𝑎𝑦 𝑎𝑡 𝑛𝑎𝑘𝑎ℎ𝑎𝑑𝑎 𝑛𝑔 𝑡𝑢𝑚𝑎𝑙𝑜𝑛 𝑠𝑢𝑏𝑎𝑙𝑖𝑡 𝑚𝑎𝑦 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑜𝑠𝑒𝑠 𝑎𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑟𝑖𝑛𝑖𝑔.
"Hindi sagot yan sa problema, deserve mong sumaya, halika sumama ka sa ibang mundo sasaya ka ngunit may kapalit" saad ng lalaki
"Anong kapalit?" Tanong ko.
May ibinulong sya sakin ngunit di ko naintindihan, di ko rin makita ang mukha nya dahil parang blurred ito.
Laging ganito ang mukha nya, hindi ko maaninag dahil halos puti na ito subalit malinaw na malinaa saakin ang boses nya.
-Blackcoatedpen.

Komentar Buku (10)

  • avatar
    السلاني ابراهيم

    hahaha

    23/07/2024

      0
  • avatar
    Omas asJellianne

    nice

    30/01/2024

      0
  • avatar
    Daniel Luis Sagum

    bapagas

    13/03/2022

      1
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru