𝙁𝙧𝙚𝙫𝙮𝙖. "Hay, umaga na naman wala namang ibang mangyayari ngayong araw, puro kalungkutan lang" bulong ko sa sarili. Bumuntong hininga muna ako bago tuluyang bumangon. Ako nga pala si Frevya Pyschloe Wordsworth, nag iisang anak ni Frandrae Wordsworth at Dart Angel Wordsworth. Maaga silang nawala kaya naiwan ako kasama ang demonyita kong tita na si Jie at anak nitong si Liliana. Maaga akong gumising para ipaghanda sila ng umagahan nagmisutalan akong katulong sa sarili kong pamamahay. Ipinamana ng aking mga magulang ang mansyon na tinitirahan namin ngayon ngunit makukua ko ang full rights nito kapag umabot na ko sa ika-labing walong kaarawan ko. "Nakapag luto ka ba ba Frevya?" Tanong ni tita "Opo nakahain na po sa mesa, may kape na rin pong nakahanda doon" sagot ko. "Yan ang gusto ko, hindi yung tatanga-tanga ka" bulyaw ni tita Di na ko nag almusal pa, naligo na ko, nag bihis papunta na sana ako sa school ng biglang "FREVYAAAAAAAAAAA, PUNTA KA MUNA DITO!" sigaw ni tita "Bakit po tita?" Sagot ko "Wag ka munang pumasok sa school may darating akong bisita mamaya linisan mo itong buong bahay at mag luto ka ng masasarap" saad ni tita "Pero tita, exam po namin ngayon" sagot ko. "At wala akong pake kong exam nyo ngayon, may bisita ako mas mahalaga pa yun sa punyetang exam na yan" galit na saad ni tita "Pero tita, finals na ngayon baka bumagsak ako" naiiyak na sagot ko. "Sasagot sagot ka na ngayon?" Sabi ni tita Aalis na sana ako ng bigla nyang hilahin ang buhok ko dahilan para mapadaing ako. "A-aaray ko po tita" nasasaktang saad ko. "Mas masasaktan ka kung mag pupumilit ka" galit na saad nito. "Pe-pepero ti-tita" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang malamig na kamay ang dumapo sa pisngi ko. "Ahhhhhhh, tita tama na po, di na ko papasok tama na po" umiiyak na tugon ko. "YAN ANG NAPAPALA NG TAONG HINDI MARUNONG SUMUNOD!" sigaw ni tita. Wala akong nagawa kundi sundin ang utos ni tita. Wala naman talaga akong magagawa pinagkaitan na ako ng kaligayahan, Napaka unfair talaga ng mundo. Wala naman akong magagawa kundi ang sumunod wala na kase akong ibang mapupuntahan. Umiiyak akong nag linis ng bahay kahit malinis naman talaga ito dahil sa araw-araw akong naglilinis, linis ako ng linis na halos wala na ni isa mang alikabok sa buong bahay. "Tita tapos ko na po linisan ang buong bahay nakapag luto na rin po ako baka maari na po akong humabol sa exam" mahinahon kong saad. "At sinong gusto mong mag aayos nyan sa mesa mamaya? Diba sabi ko sayo wag kang papasok sa paaralan?" Tugon ni tita Isa na namang malutong na sampal ang inabot ko, nalasahan ko na ang sariwang dugo na nanggagaling sa pumutok na labi ko. Wala akong nagawa kundi maghintay sa pag dating ng mga bisita ni tita. Baka sakaling maawa naman ang titser namin at bigyan ako ng special exam. Lumipas ang maghapon pero wala pa rin ang mga bisita ni tita, parang sasabog nako sa galit kay tita. "Tita darating pa po ba yung mga bisita mo?" Tanong ko. "Bukas ba raw sila pupunta dito, ihanda mo na ang hapunan kakain na tayo" sagot ni tita Hindi ko na napigilan ang galit ko at nasagot ko sya. "ALAM NYO BA NA ISINAKRIPISYO KO ANG EXAM PARA SA MGA BISITA MO PERO HINDI NAMAN DUMATING?" Galit na galit kong tugon. Tumakbo ako papasok ng kwarta at inilock ang pinto. Duon na bumuhos ang masaganang luha ko na matagal ding naipon sa aking mga mata. Di ko alam kung gaano na ko katagal umiiyak pero hindi pa rin nauubos ang luha ko. Lagi namang ganito iiyak at iiyak nalang kase wala naman akong ibang magagawa kundi ang umiyak. "Bakit ba ang unfair ng mundo? Bakit puro pag hihirap nalang ang dinaranas ko? Bakit?" Umiiyak na tanong ko sa sarili. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako, nagising ako dahil sa kirot na nararamdaman ko sa aking likod. Nakatulog na pala ako ng nakaupo. Napatingin ako sa orasan na nakalagay sa pader ng aking kwarto Ala-sinko na pala ng umaga. Maaga akong nag handa ng amusal namin, maagang naghanda at pumasok na sa school. Hindi ko na hahayaan pang hindi ako makapag exam. "Hoy Frevya bakit di ka pumasok kahapon?" Tanong ni Sarah friend ko. "Masakit ang ulo ko kahapon eh" Sagot ko. "Kala ko hindi ka na papasok? Hahaha, kala ko patay kana!" Sigaw ni Hannah na isang bully Mabuti nalang at pinagbigyan pa rin ako ng guro ko na mag exam parin kahit late na. Alam kase ng mga guro sa eskwelahan ang mga nararanasan ko sa bahay namin. Wala naman akong naging problema sa exam dahil napag-aralan ko na ito at ni review na din ito ng guro namin. Wala namang problema sa exam pero dahil umalis ako ng walang paalam kay tita ay malamang isang gulo na naman ito. Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong nag bihis at bumaba sa kusina para magluto. Ng biglang may humila sa buhok ko. "Diba sabi ko sayo may darating akong bisita? Bakit pumasok ka sa school?" Galit na sabi ni tita. "Pero tita, exam namin ngayon" nasasaktan kong tugon. Binitiwan ni tita ang buhok ko ngunit walang pag aalinlangan nya akong sinampal. "Wala akong paki alam sa exam na yan! bobo ka na nga tamad ka pa pwe!" Sigaw ni tita. Namamanhid na ang buong mukha ko sa sakit ng pagkakasampal ni Tita parang hindi ko na maramdaman na may mukha ako manhid na yata ang buong katawan ko dahil sa mga pang-aabuso nila saakin. Araw-araw namang ganito lagi ang eksena sa loob ng bahay parang nasanay na nga ako sa pang-aabuso nila. Parang isang fairytale ang buhay ko ang pinagkaiba nga lang ay walang tutulong saakin kundi ang sarili ko. Kailangan ko lang hintayin ang araw na ako ay tutungtong sa aking ika-labing walong kaarawan matatakasan ko rin ang imperyong buhay na ito at magiging masaya kahit mag isa lang ako. -Blackcoatedpen.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
hahaha
23/07/2024
0nice
30/01/2024
0bapagas
13/03/2022
1Lihat Semua