logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 45

Alisis.
Hindi kami puwedeng gumamit ng portal na puwede ko namang gawin. Hindi din kami dapat padalos-dalos dahil baka mapahamak kami at hindi matuloy ang misyon na'to. Nasa Satharia kami, gitna ng Satharia. Ang Town of Darkness ay nasa pinakagitna ng isla at malayong-malayo ang Westheria. We need to take a risk, kailangan naming maghintay at kailangan din naming magtiis.
"Naalala ko, Levinas went to our house at sinabi na dapat na daw namin kunin kaagad ang kaharian. Mas mapapadali daw ang pagbagsak ng Westheria dahil nando'n daw ang magiging sandata para matalo ang Westheria." Sabi ni Specter.
Isang sandata, it could be a thing or a specialist or a power.
"Wala kaming kaide-ideya kung anong klaseng sandata. 'Yon daw ang magiging alas namin, matagal na daw 'yong nakatago sa ilalim ng kaharian namin." Dagdag pa niyang turan kaya napatango ako. Sana nga makatulong ang sandatang sinasabi ng ina ni Venedict. Sasabihin ko ba sa kanila na malaki na rin ang anak ni Auntie Levinas?
Siguro kailangan ko na ring sanayin na hindi sila tawaging auntie o uncle dahil hindi naman malayo ang edad namin sa isa't-isa kung tignan. Sigurado akong bata din tignan si Levinas, gano'n nga rin si Auntie Azania eh.
"Kung maaari, hindi muna tayo gagamit ng kapangyarihan para hindi nila maramdaman ang presensiya natin." Spencer butt in at tumingin siya sa akin na para bang huwag na huwag akong gagamit ng kapangyarihan.
"Huwag kang mag-alala Spencer, kahit gumamit si Alisis ng kapangyarihan ay hindi nila malalaman. Her presence was sealed, kaya hindi malalaman ng mga kalaban na gumagamit siya ng kapangyarihan." Sabat din ni Sera habang nakatingin kay Spencer na ngayo'y nakakunot ang noong nakatingin sa akin na para bang may iniisip.
"Sakto! Mapapadali ang paglalakbay natin kung gagamit siya ng portal diba? Para hindi narin tayo maglakad ng maglakad." Turan din ni Chester pero sinamaan lang siya ng tingin ng mga lalaki.
"Hindi nga mararamdaman ang presensiya niya, pero mararamdaman nila ang atin. Hindi niyo ba alam? Sumisipsip ng lakas ang portal, kaya mararamdaman at mararamdaman nila 'yon sa portal." Agad na turan ni Specter kay Chester kaya napaatras nalang siya ng kaunti.
"Dadaan tayo sa pinakadulong lungsod, nando'n ang mga kailangan nating mga sandata. Ayos lang kay Alisis kung hindi siya bibili, may kapangyarihan siya na sinasabi niyong hindi mararamdaman ang presensiya niya kapag ginamit." Napatango nalang kami sa tinuran ni Spencer at naglakad ulit.
Hindi mo talaga maiaalis ang pagkaseryoso ni Spencer, mas bubbly sa kaniya si Specter kung tignan. Sa kuwento ni Auntie Azania, mas seryoso daw si Auntie Menesis kaysa ni nanay. Si nanay kasi, palangiti at maalalahanin pero gano'n din naman si Auntie Menesis. Mas kamukha ni Auntie Menesis si Specter, at kamukha naman ni nanay itong si Specter.
"Olcor, ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kaniya dahil napansin ko kasing nanginginig siya.
"A-Ayos lang." Biglang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya pero mahahalata mo ang pagputla ng mga labi niya.
Agad ko siyang nilapitan at hinawakan sa leeg at agad akong napasigaw dahil sa napakainit ng kaniyang leeg. Nakakapaso ang init na meron siya. Literal na napakainit kaya kaagad kong ginamot ang palad kong napaso.
"Ang init mo!" Sigaw ko kaya agad napatingin sa akin ang lahat at kay Olcor.
"Napakakulit mo talaga A-Alisis." Wala na akong pakialam kung makulit ako pero nag-aalala ako sa kaniya ng matindi. Pinayagan ko siyang sumama kaya dapat responsibilidad ko ang ingatan siya.
"You can heal him Alisis right?" Turan ni Chester pero napailing lang ako.
"Kailangan kong itapat ang palad ko sa leeg niya para gumaling siya, but I can't. Napapaso ako sa init na meron siya." Turan ko na natataranta.
"We need to continue, baka mayroong gamot do'n sa Town of Swords." Seryoso na ngayong turan ni Specter kaya agad kaming tumango.
Napakalamig na kasi, kahit ako nilalamig narin pero hindi naman siya nakakaapekto sa sistema ko. Hindi naman ako nang-iinit tulad ni Olcor, wala rin akong nararamdaman na kakaiba sa katawan ko kundi lamig lang talaga.
"I guess hindi niya kaya ang lamig, kakayahan ni Olcor ang maglabas ng asido at may kinalaman 'yon sa apoy. Ang apoy, namamatay kapag may lamig sa buong kapaligiran." Napatingin ako kay Satro dahil sa sinabi niya at agad tumingin kay Olcor.
Tama, he is an Acid Specialist. May kinalaman nga ang kapangyarihan niya sa apoy.
Hindi ko siya magagamot pero puwede kong painitin ang buo niyang sistema gamit ng apoy ko.
Agad akong nagpalabas ng apoy sa aking kamay at agad pinalibutan ang buong katawan ni Olcor ng apoy. Naglalagablab ang apoy na pumapalibot sa kaniya kaya napaatras pa sina Chester at Sera dahil sa init na meron 'yon. Napansin kong hindi na nanginginig si Olcor pero nando'n pa din ang pamumutla ng mga labi niya.
"Nandito na tayo." Agad akong napatingin sa harapan at bumungad sa akin ang mga specialist na parang napaka-busy. They are all working, ang bibilis ng mga kilos nila na para bang hindi dapat sinasayang ang oras. Na dapat palagi silang gumalaw ng gumalaw.
"Kilala ang lungsod na'to sa pagawaan ng mga sandata. Maraming dumadayo dito para bumili ng mga sandata, ito lang ang lungsod na hindi sinasalakay dahil kilala sila sa paggamit ng mga metal. Metal na siyang nagpapahina sa mga ordinaryong specialist." Turan ni Specter at kaagad naglakad. Sumunod kami sa kaniya kaagad baka kasi kung ano ang mangyari at least magkakasama kaming lahat.
May naramdaman akong kakaibang presensiya, katulad ng mga presensiya nina Spencer at Specter. Gano'n na din sa ibang mga Diyos, magkakatulad sila ng mga presensiya.
"Mukhang may Diyos na nakatira dito Specter, nararamdaman ko ang presensiya niya." Turan ko na ikinatango naman niya.
"I feel it too, kilala ko ang presensiya na'to." Seryoso niyang sabi kaya napatango nalang din ako.
"Baka may manggagamot dito, kailangan nating dalhin do'n ang lalaking 'yan." Turan ni Spencer kaya agad kaming naglakad at lumapit sa isang babaeng dalagita na naglalako ng pagkain.
"Puwede po bang magtanong?" Agad napatingin sa amin ang babae, nakangiti siyang lumapit sa amin at isa-isa kaming tinignan sa mga mata.
"Ano ang maitutulong ko sa inyo?" Sabi niya kaya agad akong tumikhim.
"Mayroon ba kayong manggagamot dito? Ang isang kasamahan kasi namin ay hindi sanay sa lamig, nanghihina siya dahil sa kapangyarihan niyang may kinalaman sa apoy." Turan ko naman sa kaniya kaya ngumiti na naman siya at tinuro ang isang bahay na hindi naman gaano kalayo sa kinakatayuan namin.
"Nandiyan siya, siya ang puwedeng makagamot sa inyong kasama. Mula nang dumating siya sa lungsod namin, masagana ang ani at marami ng bumibili sa aming mga sandata. Suwerte siya sa amin." Turan niya kaya hindi ko maiwasang hindi ma-curious dahil sa sinabi niya.
Nadako ang tingin ng babae kay Satro at nanlaki ang mga mata niya at agad-agad napayuko ang kaniyang ulo.
"Kamahalan, nandidito pala kayo. Patawarin niyo ako sa hindi ko po kayo napansin." Paghihingi ng paumanhin ng babae.
"You can stand now, huwag mo ng alalahanin. Nagpapasalamat ako dahil itinuro mo sa amin ang bahay ng manggagamot. Paparoon na kami binibini." Turan naman ni Satro sa kaniya at agad naman namula ang mga pisngi ng dalagita. Siguro kailangan niya ding magpagamot, baka nang-iinit na din siya.
Agad kaming pumunta sa bahay, at hindi nga ako nagkakamali. Nando'n ang presensiya ng isang Diyos. Hindi din bihira ang presensiya niya, katulad lang din ng ibang Diyos pero malalaman mo kung may lamang dahil may iba ka pang mararamdaman sa aura niya.
"Bakit si Chester hindi naman nilalagnat katulad ni Olcor? Apoy din naman ang kapangyarihan niya ah?" Agad naman akong napaisip dahil sa sinabi ni Sera.
"Hindi lahat ng specialist na kayang magpalabas ng apoy ay nanghihina. May iba lang talaga na hindi sanay, baka sanay na 'yang kaibigan niyo sa lamig." Sagot naman ni Specter na ikinatango nalang namin.
Kumatok na si Specter sa pinto na kaagad namang bumukas. Bumungad sa amin ang napakalungkot na mukha ng babae pero nang mapatingin siya sa amin ay kaagad nanlaki ang mga mata niya. Napangiti siya ng tipid, mararamdaman mo parin ang lungkot niya.
"The prince of Satharia Light Kingdom, the prince of Westheria Sword Kingdom and the prince of Westheria Beast Kingdom ay nandidito." Turan niya, sa kaniya nanggaling ang kakaibang presensiya.
Isa siyang Diyosa, babae ang hinahanap namin dito. She is so beautiful, napakainosente ng mukha niya pero alam kong may kakayahan din siya na makakatalo sa mga kalaban. Hindi siya Diyosa kung hindi siya malakas, alam kong makakatulong din siya sa amin.
Napatingin sa akin ang babae kaya agad akong nanliit sa sarili ko. Napakaganda niya kasi, natural na maputi ang balat niya at ang suot niyang puting bestida ay mas lalong nagpaangat ng kagandahan niya.
"G-Genesis? B-Buhay ka?" Utal niyang tanong na may nanlalaking mga mata pero agad 'yon napalitan ng pagkalito na hindi ko naman maintindihan kung bakit. Kilala niya si nanay.
"Bakit hindi ko maramdaman ang presensiya mo? May kakaiba sa'yo." Turan niya at gustong-gusto kong sabihin sa kaniya kung sino ako pero naunahan na ako ni Spencer.
"She is not Genesis, she is Alisis. Genesis' daughter." Sa sinabing 'yon ni Spencer ay kaagad siyang napaubo at mas lalong nanlaki ang mga matang nakatingin sa akin.
"Wala na tayong oras Sonata, kailangan mo ng sumama sa amin at kunin ang kaharian ng Westheria." Turan ni Specter sa kaniya.
Magsasalita pa sana ako ng bigla nalang akong natigilan dahil sa biglaang pagluha niya.
"S-Sonata anong nangyari?" Turan ni Spencer.
"Girl, huwag ka munang umiyak okay? Puwede mo bang gamutin muna ang kasama naming nanghihina na kanina pa? Dito itinuro ng babaeng nakasalubong namin kanina ang manggagamot na sinasabi niya." Sabat ni Sera na ngayo'y nakataas na ang nga kilay.
Agad namang pinunasan ni Sonata ang luhang nagbabadya sa mga mata niya. Tumango nalang siya sa sinabi ni Sera at kaagad kaming inaya pumasok sa loob. Kahit gusto kong alalayan si Olcor, hindi ko magawa dahil napakainit ng buo niyang katawan. Kahit iilang distansiya ang meron siya sa amin, ramdam na ramdam parin namin ang init na nagmumula sa buo niyang katawan.
Agad kaming umupo lahat pero hindi namin pinaupo si Olcor dahil baka lumiyab ang bahay na'to at maging abo nalang. Gano'n ka-grabe ang init na meron siya.
Napatingin ako kay Sonata na may kinuha siya sa loob ng kaniyang bestida—isang plawta.
Agad niyang itinugtog ang plawta na siyang ikinanuot ng mga noo namin.
"Girl, huwag ka munang magpatugtog niyan. Kailangan ng kaibi—"
"Tumahimik ka babae, ganiyan siya manggamot. Nasa plawta niya ang kapangyarihan para sa panggagamot kaya huwag kang sabat ng sabat." Agad natutop si Sera dahil sa tinuran ni Specter. Napatingin ako kay Sera na ngayo'y nahihiyang napayuko.
Napansin kong may iilang waves akong nakikita sa butas ng plawta. Bawat pag-ihip niya ng hangin sa plawta ay may lamalabas do'n na waves. Nakakamangha, nakakaaliw siyang tignan. Lumiliwanag ng puti ang plawta niya sa bawat pagtugtog nito.
The melody it gives, also the sound waves ay humahaplos sa puso ko. Nakakagaan ng loob ang tugtog na kaniyang pinapatugtog.
Napatingin ako kay Olcor na ngayo'y hindi na namumutla, ayos na ayos na siya kaya kaagad akong napangiti. Napaka-cold niya tignan, pero hindi mo maiaalis na madaldal siya kapag ako lang ang kasama niya.
"Ayos na ang kaibigan niyo, hindi ko kasi napansin na may nanghihina na sa inyo. Kung hindi niyo pa ako nakikilala, ako si Sonata. The Goddess of Music, Instruments and Swords" Pagpapakilala niya kaya agad kaming nagpasalamat sa kaniya.
"Alisis, kaibigan ako ni Genesis at Menesis. Pero mas matalik na kaibigan ko si Menesis dahil siya ang nagligtas sa akin sa Satharia no'n." Agad nalang akong napatango dahil sa sinabi niya sa akin.
What a nice Goddess, ang dami niya palang responsibilidad.
"Nagkahiwa-hiwalay tayong lahat Specter dahil sa ginawa ni Levinas. At napunta ako sa lugar na'to, kaya hindi na ako nakalabas pa dahil masaya na ako dito at tanggap ko na ang lahat na mahina tayo kumpara sa mga Eastherians." Malungkot na turan niya na siyang ikinatayo ni Specter at masama siyang tinignan sa mga mata.
"Huwag mong sabihin 'yan Sonata! Makakaya natin 'to lahat! Kailangan lang natin bawiin ang kaharian, nando'n ang magiging sandata natin para manalo tayo laban sa mga Eastherians!" Ramdam na ramdam ko ang galit na namumuo kay Specter sa bawat pagbanggit niya sa mga salita.
"Nandito na si Alisis, she can help us. Huwag kang mawawalan ng pag-asa, we can do this." Sabat naman ni Spencer kaya napatango nalang siya ng hinay-hinay.
"Pero hindi ko pa kayang umalis sa lugar na'to, kailangan nila ako. Suwerte ako sa lugar na'to at nakukuha ko ang mga gusto ko." Agad namang napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Mas gugustuhin mo na mapahamak ang mga kaibigan mong naging bato do'n sa Westheria? Mas gugustuhin mong mamatay ang mga naging kaibigan mo no'n, Sonata? Gano'n ba ang gusto mo?" Seryoso ko ng turan sa kaniya, hindi ko matanggap ang sinabi niya dahil nakakainis.
"A-Anong bato?"
"Naging rebulto ang mga magulang ko! At kailangan nila ng tulong kaya kung ako sa'yo, tutulong ako dahil wala naman kayong nagawa no'ng naging bato sila diba? Wala kang nagawa." Seryoso ko paring turan na siyang ikinaatras niya.
"Tama na Alisis, hind—"
"Kung wala siyang kasalanan, tutulong at tutulong siya sa atin. Teka, may problema ka ba kaya ayaw mong sumama sa amin? Kasi lahat ng Diyos na nae-engkuwentro namin, may mga problema." Sabat ni Chester kaya agad akong napatingin sa mga mata ni Sonata.
May problema nga siya. Hindi ko naman ginusto na sagutin siya ng ganito pero naiinis lang ako dahil parang gusto niyang mapahamak ang mga kaibigan niya na kasali ang mga magulang ko.
"Kung kaibigan mo nga talaga sila, magsasakripisyo ka tulad ng ginawa nila sa inyo." Seryoso ko paring turan.
Napansin ko ang pagluha ng mga mata niya, naaawa ako at the same time pero wala akong magawa kundi mainis lang dahil sa mga sinabi niya kanina.
"Oo may problema ako, kailangan ko pang hanapin ang lalaking mahal ko. Kailangan ko siya, bigla-bigla nalang siyang nawala sa tabi ko dahil may misyon daw siyang gagawin. May kukunin daw siyang rebulto, wala naman akong alam kung anong klaseng rebulto." Turan niya kaya agad akong napabuntong-hininga.
Mabuti pa si Specter at Spencer dahil alam nilang naging rebulto ang mga magulang ko. Eh bakit siya walang alam? At anong misyon na sinasabi niya? Rebulto? Siguro isa sa mga rebulto na 'yon ang kailangan ng lalaking mahal niya.
"Si Devos ba?" Paninigurado ni Spencer kaya agad namang tumango si Sonata.
Napansin ko ang mabigat na paghinga ni Specter na para bang may napagtanto.
"Ang rebulto na sinasabi niya ay rebulto ng ina niya. Naging bato si Devonna at 'yon ang misyon ni Devos, ang kunin ang rebulto ng ina niya." Turan ni Specter at magsasalita na sana ako pero inunahan ako ni Spencer.
"Probably, nasa Westheria ang mahal mo. At suwerte ka, doon kami papunta kaya wala kang pagpipilian kundi sumama sa amin."

Komentar Buku (147)

  • avatar
    Meizaa

    Grabe pinahanga mo talaga ako ng sobra author yung sa akala ko lang sa hidden goddess ako mapapahanga hindi pala ito din pala ang mag papahanga sakin galing mo talaga sobra author 😊🫶

    2d

      0
  • avatar
    santiasFernando

    nakakapulot ng aral at my matutunn

    10d

      0
  • avatar
    ReyesAngelica Sacyan

    Wow 😍😍😍😍

    19d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru