logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 40

Alisis.
"Athena, kung nandito pa si Dracunox ay sigurado akong papatayin ka no'n dahil isa kang anak ng dalawang Titans. Kung maibabalik ang nakaraan, isa kang cursed specialist." Turan ni Wenessa at napansin ko ang pagngiti ng tipid ni Athena.
"I know that, buti nalang hindi ko kaagad nalaman ang katotohanan. Na ako ang ikatlong sinumpang specialist, pangatlo kay Menesis at Genesis." Sagot naman nito kay Wenessa.
Gano'n kalupit ang mundong ginagalawan nila no'n sa kamay ng lalaking 'yon na hindi ko maatim na tawaging 'lolo' dahil sa kasakiman niya sa kapangyarihan. Sabi nila, my lolo is the Titan God of Life. Sa posisyon pa lang, napakalakas na nito pero hindi pa daw siya kuntento at agad kinuha ang mga kapangyarihan ng mga inosenteng specialist sa Natharia.
"But Donessa killed him, mabuti nalang talaga ay agad siyang pinaslang para wala ng kasakiman sa Natharia." Cylechter said na agad ikinatango ni Senny.
"Saksi ako sa mga kaguluhan ng school na 'yon pero maraming memories naibigay ng eskwelahan na 'yon sa atin. Hindi lang talaga naging mabait ang tadhana, katulad ngayon, may mga malalakas pa palang kalaban tayong dapat kaharapin." Sabat naman ni Senny.
Ilang araw na ang lumipas at na-gain na namin ulit ang mga lakas namin. Napaghandaan na ang lahat, napagplanuhan at dapat siguradong mananalo kung sakaling aatake na ang mga specialist na galing sa Eastheria. Hindi biro ang mga kapangyarihan na meron sila, kahit malakas ang kapangyarihan ko ay kayang-kaya nila akong talunin. Naalala ko pa ang Eastherian na na-engkuwentro namin sa mundo ng mga tao, nakaya niyang biyakin ang yelo kong napakatatag at napakatigas.
Gano'n sila kalakas. Napapantayan nila ang kapangyarihan ko at pati ang kapangyarihan ng mga Diyos at Diyosa.
"Nasaan na nga pala si Seyvana?" Tanong ko.
"Nasa clinic siya ilang araw na din, ayaw niyang umalis do'n dahil pagod na pagod daw siya. Hindi biro ang paggamit niya ng kapangyarihan para tawagin ang ama kong dragon." Sagot naman ni Athena kaya agad akong napatingin sa mga mata niya.
Kaibigan na kaya ang turing niya kay Seyvana? Eh sa amin? Minsan hindi ko kayang mabasa ang mga kinikilos niya, ang mga ipinapakitang emosyon ng mga mata niya ay para sa akin ay blangko. Hindi ko mawari kung bakit gano'n nalang siya kagaling magtago ng ekspresiyon.
"God! I didn't expect na dragon ang ama mo Athena." Turan ni Wenessa na siyang ikinahagikhik namin. Kahit kami, akala namin ay may kailangan lang siya sa dragon pero 'yon pala ay gano'n nalang kalaki ang papel ng dragon sa kaniya.
"I need to look for my mother and my younger sibling. Hindi ko pa alam kung lalaki o babae ang kapatid ko." Seryosong puna ni Athena kaya agad akong napatango.
"I guess we need to part ways, may misyon kayo at may misyon pa kaming dapat tapusin." Sabi ko sa kanila na ikinanuot ng mga noo nila.
"No! Alisis, kailangan magkasama tayo." Kunot-noong sabi ni Wenessa sa akin.
Hinayaan nalang nila akong tawagin sa mga pangalan nila na walang 'kuya' o 'ate' dahil nasanay narin ako. Nakaka-awkward kasi eh magkasing-edad lang kami kung tignan.
"Wenessa, matatagalan tayo. Kailangan na namin ang mga Diyos na nasa libro para mailigtas ang nanay at si tatay." Seryoso ko naring turan sa kaniya at tinignan silang lahat para ipakitang determinado akong gawin ang lahat para lang sa pamilya ko.
"Naiintindihan ka namin pero hindi mo kakayanin mag-isa." Cylechter butt in.
"Nandito kami pare, nasa amin ang mga kapangyarihan ng Legendary Knights o Ancient Knights na 'yan. Malakas parin ang kakayahan namin kaya huwag kayong mag-alala." Agad namang sabat ni Chester na para bang nainsulto sa sinabi ni Cylechter.
"Tama si Chester, nandito pa naman kami. Huwag kayong mag-alala, kakayanin namin 'to. Tiwala lang." Sabat na din ni Sera.
"Per—"
"Senny, mas madali lahat kung maghihiwa-hiwalay tayo. Oo kailangan ka namin Senny dahil sa kakayahan mo, but Athena needs you more." Pagpuputol ko sa sasabihin niya sana at wala na siyang nagawa kundi tumango.
Tinignan ko sila sa mga mata at napabuntong-hininga.
"Kung iniisip niyo na magiging kasalanan niyo kapag nasaktan ako, huwag kayong mag-alala dahil kakayanin ko—kakayanin namin. Tiwala lang." Ngiting sabi ko sa kanila at sila ay napabuntong-hininga narin.
"Tiwala lang." Agad akong natuwa dahil sa sabay silang ibinanggit ang paborito kong kataga.
————
Watching those weird flowers, weird trees and the only one butterfly na isa ding weird. Bakit gano'n? Kahit weird sila ay masarap parin sa pakiramdam? Masarap parin sa mga mata kung tititigan silang lahat? Ano bang meron ang Satharia at kahit mga weird things dito ay nakakapagbigay ng sarap sa pakiramdam?
Ang lamig na ng hangin ngayon, palubog na kasi ang araw at nakikita ko na sa isa pang direksiyon ang pag-angat ng bahagya ng buwan.
Maghintay lang kayo nanay at tatay, I will save you no matter what happen dahil mahal ko kayo, mahal na mahal. Kaya hintayin niyo lang ako, ililigtas ko kayo sa kamay ng mga Eastherian na 'yan at magiging masaya na tayo.
"Alisis right?" Napalingon ako sa likuran dahil sa boses babaeng tumawag sa pangalan ko.
She is familiar, saan ko nga ba siya nakita?
"Hi, ako nga pala si Azumarill." Pagpapakilala niya kaya agad akong napatango. She is innocent, pretty at siguro mabait dahil sa aura na meron siya.
"Upo ka." Aya ko sa kaniya at agad siyang tumabi sa akin na nakangiti na ring nakatanaw sa mga bulaklak.
"Okay lang ba kung magku-kuwento ako? Para naman hindi awkward para sa ating dalawa." Panimula niya kaya agad ko naman siyang nginitian dahil narin ata na sang-ayon ako sa sinabi niya.
"May kapatid ako, magkatulad kami ng kakayahan pero mas mahal siya ng lahat. Magkatulad kami ng personalidad, mabait, magalang, inosente sa lahat pero mas mahal siya ng lahat. Ewan ko ba, maganda din naman ako katulad niya, mabait din katulad niya, inosente katulad niya pero ni isa walang nagmahal sa akin. Bakit nga ba?" I didn't expect na ganito palang klaseng kuwento ang ikukuwento niya. Agad naman akong naawa dahil sa sinabi niya, napansin kong parang kumikislap ang mga mata niya siguro ay tutulo na ang mga luha niya.
"Nakilala niya ang dalawang lalaki na nagpatibok ng puso niya. Oo tama ka, dalawang lalaki ang nagpatibok ng puso niya na siyang ikinainggit ko lalo. Pero iilang araw, nawala ang pagkainggit ko sa kaniya dahil sa nasaksihan ko, she was tortured and killed by those men, and I am the witness. Ni hindi ako nagsalita, hindi ako nagsumbong dahil sa kung ano ang posibleng gawin nila sa akin. I love my sister, I love her na kaya kong patayin ang sarili ko para lang mailigtas siya pero bakit gano'n? Bakit hindi ko nagawa? Insecure parin ba ako?" Dagdag niyang kuwento at ni isang salita ay wala akong binitawan at nakinig lang sa kaniya.
"Mahal ko kapatid ko kaya gumawa ako ng paraan para mailigtas siya pero huli na, she died. Ilang araw ang lumipas, may kumatok sa pintuan ng dorm ko at bumungad sa akin ang dalawang lalaking pumatay sa kapatid ko kaya akmang isasarado ko na ang pinto nang may isang babaeng seryoso ang mga matang nakatingin sa akin."
Isang malaking tanong para sa akin kung sino ang babaeng tinutukoy niya. Parang kilala ko kung sino ang babaeng tinutukoy ng mga kuwento niya.
"At doon ako nagkaroon ng pag-asa, tinulungan niya akong ipakulong ang dalawang lalaking 'yon at nagulat ako dahil nakakausap niya pala ang kapatid ko na namatay na. At hindi rin ako makapaniwala na pati ang mga mata ko ay nasaksihan ang huling ngiti ng kapatid ko bago siya mawala bilang kaluluwa sa mundong 'to." Ngiti niyang turan at akmang tutulo na ang mga luha niya nang bigla 'yon naging yelo kaya parang mga diyamante itong nagsihulugan.
"Your tears are precious kaya hindi dapat sinasayang. Hindi mo din naman kailangan mainggit, dadating ang panahon na may magmamahal din sa'yo. May magmamahal sa personalidad mo, may magmamahal sa'yo bilang ikaw na inosente, mabait at magalang, hindi lang dahil sa maganda ka." Sabi ko sa kaniya habang nakangiti akong nakatingin sa mga mata niya.
Ngumiti siya ng matamis at tumingin sa akin.
"Salamat, alam kong gusto mong malaman kung sino ang pangalan ng babaeng tumulong sa akin diba?" Paano niya nalaman? May kakaiba ba siyang kakayahan? Ang sabi nila ay ang mga Satharian ay biniyayaan ng mga kakaibang kakayahan, ibang-iba sa mga Natharian. Kumbaga, endangered na ang mga kapangyarihan nila.
Tumango nalang ako sa tanong niya at agad naman siyang ngumiti.
"Alam mo Alisis, kakayahan kong malaman ang sikreto ng mga specialist." Sa sinabi niyang 'yon ay kaagad nanigas ang katawan ko dahil sa kabang nararamdaman. A-Alam niya kung ano ang sikreto ko.
Magsasalita na sana ako pero agad niya akong inunahan.
"Pero buhay ko din ang kapalit, kung titignan sa ekspresiyon mo ay malaking rebelesasiyon kung mabubunyag ang sikreto mo."
Malaki nga, pero nabunyag na. Pero bakit gano'n? Parang iba ang ibig niyang sabihin? Na may mas malalim pang ibig-sabihin ang sikreto na sinasabi niya?
"Tulungan mo sarili mo Alisis, tulungan mo ang nasa paligid mo. 'Yon nalang ang masusukli ko sa magandang tulong ni Menesis sa akin at kay Azma." Agad akong napasinghap sa sinabi niya pero agad akong napalingon sa mga bulaklak dahil sa kaluskos.
Agad kong dinamdam ang paligid pero agad akong napabuntong-hininga dahil isa lang palang hayop na maliit. Nilingon ko ulit si Azumarill pero agad akong napatayo dahil sa wala na siya sa tabi ko, ni hindi ko man lang naramdaman ang paglisan niya.
Kakaiba nga ang kakayahan niya, pati ang pangalan ko ay nalaman niya.
"Siguro naman hindi ako nambubulabog sa pagpapahinga mo dito." Napalingon ako at ang seryoso na naman niyang mga tingin ang bumungad sa akin.
"O-Olcor." Hindi ko alam kung bakit ako nautal pero ewan ko ba, ganito nalang ata ako nagulat dahil kanina. Nasaan na kaya si Azaumarill? Alam niya nga ba talaga ang sikreto ko? At anong ibig-sabihin ng sinabi niyang tulungan ko daw ang sarili ko at tulungan ang nasa paligid?
"Ayos ka lang ba? Para kang wala sa sarili mo, may problema ba? Nakakasagabal ba ako?" Agad ko siyang tinignan sa mga mata, napakaseryoso ng kaniyang mga mata. Hindi ko na namalayan na gabi na pala kaya napabuntong-hininga nalang ako at napaupo ulit. Umiling nalang ako.
"Napakalaking problema ata ang kinakaharap mo ngayon Alisis." Hindi parin talaga ako sanay na tinatawag niya ako sa pangalan ko at hindi rin ako sanay na pinapansin niya ako. Simula no'ng matalo ko siya ay ganiyan na ang naging ugali niya, sa dating manyak ay naging seryoso na. Pero dapat pa ba akong mag-ingat? Siguro oo, hindi pa siya gano'n dapat pagkatiwalaan dahil iba siya. Hindi ko pa siya kilala ng lubusan, hindi ko pa siya kilalang-kilala.
"Siguro kung nakakamatay ang mapanuring mga tingin, siguro wala na ako kanina pa."
"S-Sorry Olcor, hindi naman kasi ako sanay na kinakausap mo ako na tayong dalawa lang." Sagot ko sa kaniya kaya napatango nalang siya.
Wala akong nagawa nang umupo siya sa tabi ko at tinanaw din ang mga bulaklak. Wala na ang paru-paro dahil sa gabi na at ang buwan na mismo ang nagbibigay liwanag sa mga bulaklak dito.
"Narinig ko ang pinag-usapan niyo kanina, may kaniya-kaniya pala kayong mga misyon." Panimula niya kaya agad naman akong napatango.
"Kailangan eh, may importante kasing mga Diyos at Diyosa akong dapat iligtas sa mga kamay ng Eastherian." Sagot ko naman sa kaniya na ikinatango niya naman.
"Siguro naman puwede akong sumama sa'yo? Wala naman akong ibang gagawin dito eh, wala rin namang importanteng inaaral." Turan niya na ikinatigil ko. Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya kaya napangiti nalang ako ng tipid at tumango ng bahagya.
Basta sa kaniya, hindi ko alam kung bakit nagdadalawang-isip ako palagi pero nauuwi sa pagsang-ayon sa mga sinasabi niya. Hayst, kakaiba na ata 'tong nararamdaman ko. Ibang-iba, at siguro mali din 'tong nararamdaman ko. Para akong nagtataksil eh wala din naman akong pinagtataksilan.
"Kilala mo ba si Azumarill?" Tanong ko nalang sa kaniya kaya agad naman siyang lumingon sa mga mata ko na para bang may tanong sa mga mata niya.
"Bakit mo naman natanong?" Tanong niya pabalik. Sabi na eh, pero may kakaiba sa mga tingin niya na hindi ko naman maipaliwanag. Ano bang mali sa tanong ko at parang hindi naman siya makapaniwala?
"Wala lang, kanina kasi nandito siya at kausap ko. Nag-kuwento pa about sa sinapit ng kapatid niya no'n. Her sister died dahil sa dalawang lalaki." Sagot ko naman sa kaniya na ikinalukot na naman ng noo niya.
"Paanong nangyari 'yang sinasabi mo, Alisis? 'Yang Azumarill na sinasabi mo ay matagal ng patay."

Komentar Buku (147)

  • avatar
    Meizaa

    Grabe pinahanga mo talaga ako ng sobra author yung sa akala ko lang sa hidden goddess ako mapapahanga hindi pala ito din pala ang mag papahanga sakin galing mo talaga sobra author 😊🫶

    2d

      0
  • avatar
    santiasFernando

    nakakapulot ng aral at my matutunn

    10d

      0
  • avatar
    ReyesAngelica Sacyan

    Wow 😍😍😍😍

    19d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru