logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 39

Venedict.
Ang saya nilang kasama, 'yong akala mong huhusgahan ka dahil sa kasarian mo, 'yong akala mong huhusgahan ka dahil sa ibang dugo at lahi na meron ka pero akala lang pala ang lahat. Tanggap nila akong lahat, kung ano ako, sino at kung ano ang kakayahan ko bilang isang specialist.
Nag-kuwentuhan lang kami sa hapag-kainan habang kumakain, napaka-awkward naman daw kasi kung kakain kami na ang mga kubyertos lang ang nagkukuwentuhan. Nag-kuwento ang hari kung paano siya nahirapan papunta sa ibang mundo. Oo, nakaya niyang tumawid sa ibang mundo dahil sa vampire ability niyang kayang gumawa ng dimension. Para ding portal pero mas madali lang daw ang portal kaysa sa dimension. Matagal pa daw makakarating kapag dimension ang gamit, may possibility kasi na hindi ka makakarating o ire-reject ang lugar na pupuntahan mo.
"Saan sa mundo aking asawa? Hindi mo binanggit sa akin ang mundong ninais mong puntahan." Tanong sa kaniya ng Inang Reyna na para bang nagtatampo ang kaniyang tono. Napapansin ko ngang napapaawang nalang ang mga labi ng mga prinsipe dahil sa kinikilos ng Inang Reyna, bakit? Hindi ba puwedeng maging sweet ang ina sa kaniyang asawa? Hayst mga lalaki talaga, mahilig i-big deal lahat.
"Mahal kong reyna, masiyado lang naman maliit ang mundong aking pinasukan at hindi na kailangan pang banggitin—Pero kasi mahal kita ay sa Corona ako pumunta." Napahagikhik nalang ako dahil sa napalihis si Amang Hari dahil binigyan siya ng Inang Reyna ng masamang tingin. Hayst, may pinagmanahan nga ang kaniyang mga anak.
Kung titignan, batang-bata pa ang Inang Reyna at Amang Reyna na parang kasing-edad lang nila ang kani-kanilang mga anak. Hayst, matagal na ba ako mamamatay? Paano nalang ang mga kaibigan ko? Paano nalang kung mauuna sila? Maiiwan ako? Ayan, resulta sa pagiging bitten dahil nagiging paranoid na sa lahat ng bagay.
"Ano namang ginawa mo sa Corona mahal na hari?" Tanong na naman ng Inang Reyna.
"May nakapagsabi sa akin na masagana ang lugar doon, maraming mga batong mamahalin at hindi nga nagkamali ang napakapagsabi sa akin no'n. Nasa ating kwarto ang mga mamahaling mga bato, ang iba naman ay aking itinago sa isang kwarto. Ipapalililok ko iyon para maging isang kuwintas at mga sing-sing o kung anu-ano pang mga klaseng alahas." Sagot naman ng Amang Hari kaya napangiti nalang ang kaniyang asawa na napapailing.
Grabe pala dito, ang mga mamahaling bato ay para lang ordinaryo sa kanila. Kung may mga tao pa dito, siguro magsi-sigaw na sila dahil sa mayaman na sila. Ganiyan ang mga ugali ng mga tao, kung makakakita ng mamahalin ay agad maghi-histerical.
Eh dito? Para lang ordinaryo sa kanila ang mga mamahaling bato. Na para bang koleksiyon lang para sa kanila.
Napalingon kami sa malaking pintuan dahil sa marahas na pagbukas nito. Bumungad sa amin ang isang kawal na parang hinihingal dahil nakahawak pa siya sa dibdib niya. Agad siyang napayuko nang makita niya kaming nagtitipon at agad iniangat.
Whoo, para na talaga akong prinsesa ng isang kaharian at kailangang yukuan dahil sa isa akong maharlika! Hahaha ano ba 'yan! Para na talaga akong loka-loka nito, kung sana nandito lang ang mga kaibigan ko sana ay naranasan na nila ang pagiging importante at maharlikang buhay kahit minsan.
Alam ko kasing hindi ito permanente, isa lang itong panaginip na agad akong magmumulat ng mga mata. Pero okay lang, at least may mga memories na ako dito at hindi na nila ako makakalimutan.
"P-Pasensiya sa pang-iistorbo mga kamahalan ngunit may isang nilalang na hindi natin kalahi ang nangangailangan ng tulong dahil ang kaniyang asawa ay nasa mga kamay ng mga puting bampira. Isa siyang specialist." Sa sinabi ng kawal ay agad napatayo ang Amang Hari at ang Inang Reyna at kaagad lumabas.
Ni hindi man nila kinausap ang kawal kung anong nangyari sa taong sinasabi—tao?! M-May specialist dito maliban sa akin?! Napansin kong mataman akong tinitigan ni Wyeth at seryoso rin ang mga kapatid nitong kumakain.
"Bakit hindi kayo lumabas? Hindi niyo ba tutulungan ang inyong mga magulang?" Tanong ni Venist pero inilingan lang siya ni Walace at tinignan ito sa mga mata.
"Hindi dapat nangingialam ang mga mas mababa ang posisyon kapag ang Inang Reyna at ang Amang Hari na ang tumayo." Sagot naman nito kaya napatango nalang si Venist at kumain nalang.
Bigla kong naalala si Serafina, magka-ugali kasi sila nitong si Venist. Mabait naman si Serafina at mas masasabi kong mabait 'yon tignan kaysa dito. Pero nang dahil sa naging katulad siya namin, nag-iba ang ugali at parang naging bad girl pero hindi naman nawala ang pagiging Serafina niya no'n.
Agad nanlaki ang mga mata ko dahil sa napagtanto!—h-huwag mong sabihing—
Tumayo ako sa upuan at gulat namang napalingon sa akin ang nasa hapag-kainan. Taka nila akong tinignan gamit ang kanilang mga mapanuring mata.
Mali itong nararamdaman ko, parang kakaiba ang kutob ko dito at alam kong posible din itong mangyari.
"Venedict? May problema ba?" Tanong ni Wilvam sa'kin kaya napatango nalang ako. Tinignan ko silang lahat  sa mga mata.
"Kakaiba ang kutob ko." Turan ko at kaagad lumayo sa lamesa at lumabas ng pintuan. Narinig ko pa ang sigaw nilang lahat na para bang pinipigilan ako sa pagtakbo. Sinundan ko ang mga pabango ng mga kamahalan at dahil sa isa din 'yon sa mga vampire ability ko kaya hindi din sila mahirap hanapin.
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa nakarating ako sa main door ng kastilyo, it's so big and wide kaya nakakalula. Nakabukas iyon ng bahagya kaya lumapit ako do'n at nakita ko na ang roba ng hari at reyna at dinig na dinig ko ang pinag-uusapan nila. Lumapit pa ako ng lumapit at pumunta sa likuran ng mga kamahalan, nagulat pa ako at kinabahan dahil sa seryosong napalingon sa kinakatayuan ko ang dalawang maharlika.
Magsasalita na sana sila ng lumapit pa ako sa harapan at bumungad sa akin ang isang babaeng hindi naman masiyadong katandaan. May mga pasa siya sa kaniyang mga braso at binti, pati ang paghinga niya ay hirap na hirap siya kaya naawa ako kaagad. Napatingin ako sa mukha niya at tama nga ako ng kutob at hinala, may kamukha siya.
"I know her, kilala ko siya Amang Hari at Inang Reyna." Turan ko at tama nga ang kawal, isa siyang specialist dahil lumiliwanag pa ng bahagya ang mata ng babae. It's sky blue.
"Paano mo siya nakilala Venny?" Tanong sa akin ng Amang Hari.
"Hayaan niyo akong itanong ang aking katanungan at kompirmahin kung siya nga ba. At kung hindi siya ang aking tinutukoy ay puwede niyo pong gawin ang nais niyong gawin. Pasensiya po pala sa aking pang-istorbo sa inyong gawain." Turan ko sa kanila pero napatango nalang sila at sabay na napangiti ng matamis.
"Iyan lang naman ang hinihintay namin sa aming mga anak, ang mangialam sa aming misyon para sila ay matuto. Sadyang napakabait nilang tatlo at hindi marunong sumuway sa aming mga utos. Ikaw pa tuloy ang unang gumawa no'n sa amin." Ngiting sambit sa akin ng Amang Hari kaya napahagikhik nalang ako. Hayst ang mga lalaking iyon, napapaniwala sa mga pinaniniwalaan nila. Naging pakialamera tuloy akong tignan—from the first place, pakialamera naman talaga ako.
Agad kong hinarap ang babaeng nakaluhod na ngayon at matamang nakatingin sa akin. Ang mga mata niyang nanghihingi ng pasensiya at tulong, ewan ko ba pero agad akong naghanap ng masasandalan na ina.
"Tulungan mo ako iho, 'yong asawa ko ay nasa mga puting bampira at hindi ko alam ang gagawin ko dahil napakalakas nila kumpara sa amin. Mahina na ang mga katawan namin at wala na kaming enerhiya. Ni hindi nila kami binibigyan ng matinong pagkain at kaunting tubig lang ang pinapainom nila sa amin." Agad napakuyom ang mga palad ko dahil sa kaawa-awang sinabi ng babaeng nasa harapan ko. Paanong nakuha ng mundo ang saktan ang babaeng 'to? She is so precious, her tears are crystals na hindi mo hahayaang mahulog pero bakit gano'n? Kung sino pa ang mabait at maganda ang intensiyon ay sila pa ang pinapahirapan.
Agad lumiwanag ang palad ko at bumungad sa kaniya ang hologram ko. Ginto ang kulay ng hologram na siyang nagpaatras sa babae at gulat akong tinignan sa mga mata.
"I-Isa ka ding specialist?" Tanong nito sa akin na may mga gulat sa mga mata kaya napatango nalang ako at napangiti ng tipid. May ipinakita ako sa kaniyang imahe sa hologram kaya do'n naman siya napatingin.
"Kilala mo ba siya?" Tanong ko at agad kong nakumpirma nga na siya nga. Sa paghagulhol pa lang niya ay alam kong siya na nga ang hinahanap ng babaeng 'yon.
"My daughter! M-My Serafina!" Iyak na tawag niya sa pangalan ng anak niya. Nagsisimula na rin akong mapaluha dahil sa paghikbi ng ina ni Serafina, the way her shoulders move ay nanghihina na ako sa kinakatayuan ko. Ang suwerte ni Serafina dahil nagkaroon siya ng ganitong klaseng ina na tanging pagmamahal lang ang ibinigay sa kaniya.
"Ang anak mo ay nasa Avalon, hinahanap ka. Bago kayo magkita, kailangan muna nating iligtas ang asawa mo at dadalhin kita sa anak mo." Turan sa kaniya at huli na ng makakilos ako—she's already hugging me tightly. Tumulo nalang ng kusa ang mga luhang nagbabadya kanina pa.
Sigurado akong matutuwa si Serafina nito! Sa wakas ay magkikita na sila.
"Maraming-maraming salamat sayo iho." Hindi talaga kita tutulungan tita kung patuloy mo 'kong tatawaging 'iho'. Nakakadalawa ka na ah! Pero joke lang! Baka sabunutan pa ako ni Serafina at malagas ang mga buhok ko! Inggit pa naman 'yon sa ganda na meron ako hahaha.
Humiwalay na sa akin ang ina ni Serafina, pinapasok naman siya sa loob ng Amang Hati at Inang Reyna dahil kilala ko naman ang anak niya. Siguro, kailangan na nilang mag-plano kung paano nila ililigtas ang asawa ni tita.
"You're awesome, hindi namin alam na dapat pa pala naming mangialam para matuto." Napalingon ako kay Walace na kasama na ang mga kapatid at ang mga babae.
"Grabe, ang cool pala talaga mg kapangyarihan mo kapag nasa malapitan!" Sigaw naman ni Venist kaya napatawa nalang ako. Nando'n pala sila sa likuran, akala ko nasa dining hall pa sila eh.
"God! Kinabahan ako kanina dahil sa pagsunod mo Venny! 'Yon pala ay magandang bagay na din 'yon at least nalaman na namin ang totoo." Dagdag na turan ni Walace na nagpatawa sa magkakapatid.
"Ayan Wilvam, kung anu-ano kasing iniisip mo. Maging rebelde ka kasi, baka magustuhan pa ng Amang Hari at Inang Reyna." Sambit ni Venist na nagpanguso kay Seyenee.
"Hindi ko siya papayagan." Tutol agad ni Seyenee.
"At bakit naman?" Taas-kilay na tanong pabalik ni Venist.
"Dahil magiging rebelde din ako kapag nagawa niya ang gusto mo! Tinuturuan ako ng kung anu-ano niyan kaya kapag ginawa niya ang sinabi mo, baka ituro niya rin sa akin ang pagre-rebelde." Napatawa nalang ako dahil sa sinabi ni Seyenee, she is so cute hahaha.
"No way, hindi naman ako magiging rebelde my Sey." Turan naman sa kaniya ni Wilvam.
"Minsan nandidiri ako kapag nagiging sweet si Wilvam, hindi ako sanay eh. Alam niyo namang seryoso 'yan palagi." Sabat naman ni Wyeth kaya mas lalo kaming napatawa na ikinanuot naman ng noo ni Wilvam at masama siyang tinignan.
"Sa ngayon, ang isipin mo na natin ay ang pag-plano nila sa pagsugod sa kastilyo ng mga puting bampira. Kakatapos lang ng labanan pero parang may susunod na naman, kailangan muna nating maghanda." Seryoso na ngayong turan ni Wilvam kaya napatango nalang ang mga kapatid niya. Siguro nga si Wilvam ang nakakatanda nilang kapatid, may sayad kasi si Walace at Wyeth sa utak eh.
"Venny, subukan mo kayang hawakan ang hiyas? Isa din iyon sa magpapalakas ng kampo natin kapag magkataong ikaw talaga ang itinadhanang mahawakan 'yon." Napatingin ako kay Venist dahil sa sinabi niya, tama nga naman siya. Pero paano kung hindi ako at papalya? Edi mawawala ako sa mundo? Kaya ko bang mag-risk para lang sa isang kagustuhan na hindi naman kasiguraduhan?
"Pero hindi na siya full specialist, Venist. May dugong bampira na siya na mas magpapadelikado sa buhay niya. Kayang-kaya naman natin ang mga puting bampira, tiwala lang at makakaya natin lahat." Turan ni Wyeth na siyang nagpatango sa akin.
"Sabagay, pero alam niyo na, ang hiyas ay napakamalakas na bato. Makapangyarihan na kapag dumikit sa balat mo ay mas magiging malakas ka kaysa sa lahat." Dagdag na turan ni Venist.
"We can't risk Venny's life, malaking tulong na din ang kapangyarihan niya at hindi na dapat tayo mabahala sa mga kalaban dahil may kakayahan na din si Wyeth galing sa sistema ni Venny." Turan ni Walace.
Hindi ko pa nakita ang kapangyarihan ni Wyeth galing sa akin. Siguro makikita ko din 'yan kapag nasa labanan na. At last, maililigtas niya na sarili niya, makakayanan na niyang labanan ang mga kalaban na kahit siya nalang mag-isa.
Napatingin kami sa isang kawal na tarantang lumapit sa amin. At sa ekspresiyon niya, alam kong may hindi magandang balita siyang sasabihin.
"H-Hawak ni Laura ang batang hybrid mga kamahalan."
Batang hybrid?
Nakita kong biglang naging seryoso ang ekspresiyon ni Wyeth at may ibinulong na pangalan na siyang nagpaawang sa mga labi ko.
"Brooch."

Komentar Buku (147)

  • avatar
    Meizaa

    Grabe pinahanga mo talaga ako ng sobra author yung sa akala ko lang sa hidden goddess ako mapapahanga hindi pala ito din pala ang mag papahanga sakin galing mo talaga sobra author 😊🫶

    2d

      0
  • avatar
    santiasFernando

    nakakapulot ng aral at my matutunn

    10d

      0
  • avatar
    ReyesAngelica Sacyan

    Wow 😍😍😍😍

    19d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru