logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 36

Venedict.
Napakaaliwalas, masarap ang hanging humahampas sa buong paligid at ang natural na init ng araw na siyang humahaplos sa balat ko ay nagbibigay ng pakiramdam na sarap na sana wala ng gulong magaganap pa sa Verdugal. Hindi 'yon gano'n kalaking laban pero masasabi kong masiyado 'yong madugo. Maraming namatay sa mga puting bampira pero kaunti lang ang nawalan ng buhay sa itim na mga bampira but still sad for the black vampires.
Balitang-balita sa buong kastilyo dito kung paano ko napatay ang tatlong prinsipe ng mga puting bampira. Ang dalawa oo, pero ang isa ay hindi ako sigurado kung patay na ba. Tanging ang portal na gawa ko siyang lumamon sa buong katawan ng prinsipe na 'yon.
Nandito ako sa pinakatuktok ng kastilyo, 'yong parang nasa Rapunzel? Para tuloy akong si Rapunzel na palaging tinatanaw ang labas at ibaba, pero ang pinagkaiba ay hindi ako kinulong at wala akong mahabang buhok-mahaba buhok ko pero ako lang ang nakakakita!
Ang mga maliliit na bampira ay parang mga langgam kapag isa ka lamang ordinaryong tao pero kitang-kita ko ang mga pinaggagawa nilang lahat. This vampire senses are also useful, kahit gaano kalayo ang isang tao ay makikilala't-makikilala mo parin dahil sa mga kakaiba mong mga mata at matatalas na mga tenga na maririnig mo kahit mahinang kaluskos lang ng kung anong bagay. Pati ang lakas ko ay nadagdagan, ang katawan ko ay parang mas tumigas at ang balat kong para ng balat ni Wyeth, maputla.
Dinamdam ko ang hangin na humahaplos sa mukha ko, ang sarap sa pakiramdam na unti-unti ka ng natatanggap ng buong kastilyo at pati na ang mga itim na bampira dito. Minulat ako dito sa katotohanang hindi lahat ng puti ay liwanag, kailangan mo kasing pumasok sa kadiliman para malaman mo kung sino ang malinaw na nilalang ang pinapatay ka na sa kani-kanilang isipan.
Naaalala ko pa na masiyado akong kinabahan dahil sa kakaiba nilang tingin after Wyeth brought me here but look at the situations now, they already accepted me who I am.
"Parang ang ganda ng mood ng aking asawa." Agad akong pinag-initan ng pisngi dahil sa sinabi ng lalaking nasa likuran ko. Hindi ko na siya nilingon at agad nalang napangiti na para bang isang batang kinikilig. Kaloka! Eh sa kinikilig nga ako bakit ba?!
"Hindi namamansin ang aking asawa." Dinig kong sabi niya na para bang nagtatampo ang tono kaya mas lalo akong nabaliw kaya nilingon ko siya, unti-unting napapalitan ng matamis na ngiti ang kaninang nakangusong labi.
"Sabi na nga ba, hindi ako matitiis ng aking asa-teka bakit ka namumula?! May sakit ka?!" Agad akong napaatras dahil sa tarantang sigaw niya, agad ko siyang sinimangutan dahil sa nagulat ako to the highest level at ang loko ay parang walang pakiramdam. Hindi niya ba alam na namumula ako dahil sa mga simpleng salita na lumalabas diyan sa bibig niya? Kainis siya!
"Ewan ko sa'yo Wyeth, minsan naiisip ko kung dapat ka bang maging prinsipe ng kastilyo niyo." Turan ko sa kaniya na ikinanguso niya ulit kaya agad akong napahagikhik dahil sa ginawa niya. Hayst! Hindi ako ganito pagkatapos naming maghiwalay ni Hyros, minsan nalang akong ngumingiti at napapahagikhik ng ganito. That's because of Wyeth, he's making me smile every second.
Wyeth is so very special to me, kakaiba nga talaga siya na kahit simpleng bagay ay napapangiti niya ang mga labi kong bihira lang ngumiti no'n.
"Gusto mo bang maglibot?" Tanong niya sa akin na ikinataka ko naman.
"Kakalibot mo lang sa akin kahapon ah? Pinakilala mo pa ako sa mga tauhan mo, sa pamilya mo at sa mga kaibigan mo. Pati sa mga hindi mo kilala ay pinakilala mo ako, inanunsiyo mo pa na ako ang nakapatay sa mga prinsipe ng mga puting bampira. Masiyado na akong sikat niyan Wyeth." Turan ko sa kaniya na ikinatawa niya naman. His laugh, its heaven.
"Ano ka ba? Para malaman ng lahat ng mga mamamayan dito na akin ka lang, pinakilala kita kasi gusto kong sabihin sa kanila na lumayo-layo sila sa'yo lalo na ang mga lalaki. Possessive ako basta sa taong mahal ko." Turan niya ata agad akong niyakap ng mahigpit, mahigpit na mahigpit.
"Ayan! Naglalambingan na naman ang mag-asawa!" Napapigtad kami dahil sa may sumigaw, its Walace. Wyeth's younger brother, kasama niya si Brooch na nakangiting nakatingin sa aming dalawa ni Wyeth.
Nagtaka nga akong sinabihan ako ni Wyeth na isa siyang mute eh nagsalita naman siya no'n at tinawag pa siyang Tito Way-Way ni Brooch. Pero hindi ko alam na 'yon lang pala ang kaya niyang sabihin, ang 'why are you laughing Tito Way-Way?'. Agad akong nanlambot no'n pero pinagsisikapan kong makapagsalita na siya ng tuluyan, gusto ko siyang tulungan dahil mahalaga na sa akin si Brooch. Para bang sa isang iglap ay nararamdaman ko ang sarili ko na maganda at maalagang ina sa kaniya.
Hahaha God! Ina talaga? Well wala tayong magagawa dahil ama niya si Wyeth eh kaya ako ang magiging ina ng bata, ako ang tatayong magandang nanay niya.
"Istorbo ka talaga Walace, ano na naman ba ang sadya mo ditong halimaw ka?!" Sigaw sa kaniya ni Wyeth na ikinatawa lang namin ni Walace.
"Ewan ko ba kuya, siguro kami talaga nababagay ni Vened-oo! Venny na! Ikaw talaga kuya! Ayaw na ayaw mong tawagin siya naming Vene-Venny nga!" Natatawa nalang ako sa kanilang dalawa dahil kapag binabanggit ni Walace ang totoo kong pangalan ay pinandidilatan siya ng mata ni Wyeth that I find cute. Nakakamangha silang magkapatid, nakakawala ng stress. Hindi na tuloy matuloy ni Walace ang sasabihin niya dapat.
Siguro kung may kapatid ako, ganitong-ganito kami ka-close sa isa't-isa. Paano, hindi na ako sinundan at parang walang balak akong sundan. But still, I hate them both.
"Ay kuya! Dadating na si Amang Hari galing sa ibang mundo kaya kailangan nasa hapag-kainan na tayo kaya kung ayaw mong masuntok ay magmadali ka. Ikaw Venny, mag-ayos ka na dahil ipapakilala ka na sa Hari ng mga itim na bampira." Bakit kung makapagsalita si Walace ay parang tinatakot niya ako? May sinabi kasi sa akin one time si Wyeth na kakaiba daw ang ama niya, ewan ko nalang kung paanong kakaiba ba. Kinakabahan tuloy ako.
Napansin kong nagmamadali si Wyeth kaya agad naman akong tumakbo papunta ng kwarto ko at agad nagbihis. This kind of speed ay nakakapanibago, in a second ay agad akong makakarating sa lugar kung saan ko gugustuhin.
Pumunta ako sa closet at agad pumili ng maisusuot. Para siyang robe, 'yong sinusuot ng bagong ligo? Pero ang kakaiba ay napakakapal ng tela at parang balahibo pa ng aso ang gamit o anong klaseng balahibo ba'to. Kulay ginto ang roba na sumasayad sa sahig at kaagad ko ding sinuot ang sandals na panlalaki style talaga siya. Hindi sandals ng babae like flats, 'yong panglalaki. Inayos ko pa kaunti ang buhok ko na kahit hindi ko nakikita ay parang hindi ako kumportable, agad kong inayos ang sarili at naghanda na.
"Are you done Venedict? Pupunta na tayo sa dining hall." Agad akong tumango sa sinabi niya, magkatulad kami ng suot pero ibang kulay lang ang kaniya. Kulay itim at napakaraming diseniyo, may mga maliliit pa na batong nakadikit sa suot niya samantalang simple at plain lang sa akin. Ginto, wala ng ibang kulay na magkahalo maliban sa puting balahibo na masiyadong natatabunan ang leeg ko.
Agad kaming naglakad sa hallway dito sa kastilyo kaya nadadaanan namin ang maraming kwarto. Pati kwarto ni Brooch ay nadaanan namin, siguro tulog pa ang batang 'yon.
May nadadaanan pa kaming mga bampira at yumuyuko kapag nadadaanan namin. Ngumingiti ako sa kanila at agad naman akong nginingitian pabalik. Ang hindi lang naman ngumingiti sa akin ay si Mabel, ang babaeng isasakripisyo daw ang sarili basta lang kay Wyeth. Psh! Gusto niya lang ang prinsipe ko, kaya hindi na ako magtataka na lalandiin niya ang prinsipe ng buhay ko. Pero alam ko namang wala sa katawan niya ang manlandi, napaka-seryoso kasi ng eskpresiyon niya at parang walang iba siyang nakikita kundi si Wyeth lang.
Pagkabukas ng dalawang kawal sa pinto ng dining hall ay kaagad bumungad sa amin ang napakalaking chandelier na gawa sa diyamante na para bang sumasayaw pa ng kaunti dahil sa hangin galing sa labas. Ang mahabang dining table na may naka-cover na kulay pulang tela sa kabuuan nito ay sumisigaw talaga sa karangyaan, pati ang kulay na pulang carpet ay parang sinasabing huwag namin siyang tapakan dahil sa linis at ni dumi ay wala kang mapapansin.
Agad kaming napaupo sa upuan, nasa left side ako ng Inang Reyna na ngayo'y nakangiti na sa akin at nasa harapan ko ngayon si Wyeth na nakasimangot dahil sa hindi ko alam ang dahilan. Minsan napapatingin ako sa korona ng Inang Reyna na umaapaw sa yaman dahil hinubog ang korona sa diyamante. Pati ang magarang suot niya ay umaapaw ng diseniyo ng iba't-ibang klaseng bato.
"Bakit ka nakasimangot aking prinsipe?" Tanong ni Inang Reyna-'yan daw itawag ko sa kaniya kaya nao-awkward-an pa ako dahil hindi ako sanay, pati sa ngiti niya ay hindi pa ako sanay.
"Bakit hindi kami kailangan magkatabi ni Venedict?" Turan niya kaya halos mahulog ako sa kinauupuan ko dahil sa rason niya. My God! Anong ginawa mo sa'kin Wyeth at ganito ako kabaliw sa mga kinikilos mo at sa'yo!
"Alam mo namang diyan ka dapat maupo dahil 'yan ang puwesto mo. Dapat magkakatabi kayo ng mga kapatid mo at nasa harapan niyo ang mga mapapangasawa niyo." Ngiting turan sa kaniya ng Inang Reyna kaya napahagikhik na lamang ako dahil sa mas nakasimangot na mukha ni Wyeth.
"Babaguhin ko ang batas ng pamilya." Bulong ni Wyeth pero alam niya namang maririnig at maririnig namin.
"Kuya huwag ka ng makulit, hindi naman mawawala si Venny sa harapan mo oh!" Turo sa akin ni Walace na nakangisi pa kay Wyeth, lagi niya nalang inaasar ang kuya niya.
"Inaasar mo pa Walace, hindi talaga kita pagbibigyan mamaya." Ngisi na din ngayong turan ng babaeng mate niya na napaka-bad girl kung tignan. Nakilala ko na siya eh, siya Si Venist. Mate siya ni Walace at sa sinabi ko, oo bad girl talaga siyang klaseng bampira. Magkatulad kami ng suot gintong roba na sumasayad sa sahig, gano'n din ang suot ng babaeng katabi nito sa kaliwa.
Napansin kong tumikhim si Walace at hindi na nagsalita pa. Agad naman siyang nginisian ni Wyeth at tinignan si Venist.
"Tama 'yan Venist, huwag na huwag mo 'yan pagbibigyan mamaya. Kanina pa ako inaapi ng aking kapatid." Asar naman ngayon ni Wyeth na ngayo'y ikinasimangot na ni Walace.
"Kuya!"
"Hayst, ewan ko ba pero minsan naiisip ko na siguro ako ang mas matanda sa inyong dalawa. Siguro ako ang kuya niyo at nahuli lang akong nailabas dahil nag-uunahan kayo dahil sa kakulitan niyo." Meet Wilvam, the youngest among them.
"Naiisip ko din 'yan minsan mahal, siguro nga ikaw ang pinakamatanda sa kanila." Napalingon naman kami sa mate niyang si Seyenee, ang mahinhin sa aming lahat.
Hayst, nakakahiya naman ang itsura ko dito, para akong isang messanger na dapat nagbibigay lang ng impormasiyon sa kanila.
Agad kaming napalingon sa malaking pintuan ng dining hall dahil sa pagbukas nito. Pagkabukas ng malaki ay agad kaming napatingin sa seryosong mga mata nito, ang mamahaling kasuotan na sumasayad din sa sahig at ang koronang nasa tuktok ng kaniyang ulo.
Agad kaming napatayo at yumuko.
"Maupo na kayo." Even his voice, so intimidating.
Nakayuko lang ako at pinapakiramdam ang tunog ng mga yapak ng hari na papalapit sa aming harapan.
Agad napaangat ang ulo ko dahil sa biglaang pagsigaw ni Wyeth na siyang ikinakaba ko pero agad 'yong napawi dahil sa ginagawa ng Amang Hari niya na nagpalaglag halos sa panga ko.
Sa mundo pa ng mga tao, 'kotong' ang tawag sa ginagawa ng Amang Hari ngayon. Hawak ng Amang Hari ang leeg nito gamit ng kaliwa niyang kamay at nakadikit naman ang kamao ng isa pa nitong kamay sa uluhan ni Wyeth at ikinikiskis pa. I think it's hurt talaga.
"Pagpasensiyahan mo na ang Amang Hari, paborito niya kasi ang iyong asawa at dahil si Wyeth ang susunod sa yapak ng kaniyang ama." Napatango nalang ako sa sinabi ni Inang Reyna at binigyan siya ng awkward smile at agad napalingon sa mag-ama. Aware naman kasi ako na si Wyeth ang susunod sa yapak ng ama niya, napakasuwerte ko talaga. Hayst, mahal na mahal ko nga talaga siya kahit hindi siya prinsipe.
I-I didn't expect this coming, akala ko talaga seryoso ang Amang Hari na meron sila, akala ko mamamatay na ako sa kaba. 'Yon pala ay may pinagmanahan ang mga anak niya?! Makulit!
Agad napatayo ng maayos ang Amang Hari at bumalik sa dati ang ekspresiyon nito na para bang walang nangyaring kotongan. Inilibot niya ang kaniyang mata at napunta sa akin ang mga titig niya.
"You must be Venist?" Tanong nito kaya narinig ko nalang ang hagikhikan ng ibang nasa table.
Hindi ko magawang tumawa dahil sa kaba, nate-tense ako kapag nasa paligid ang Amang Hari na hindi man lang ako sanay lalo na nasa harapan ko siya. Sa kaniya lang kasi ako hindi naipakilala ni Wyeth.
"Bakit kayo natatawa? Hindi ba siya si Venist? Ano ang iyong pangalan? Ikaw ba si Seyenee?" Sa pagsabi niya no'n ay mas lalong nagtawanan ang nasa table na ikinanguso ng Amang Hari, hindi ko expect na ganitong klaseng hari pala ang meron sila dito. Makulit, isip-bata.
"Ako po si Venny, Wyeth's mate." Turan ko na ikinaawang ng bibig niya at napatingin kay Wyeth na nakangisi nalang din.
"He's not just my mate, he's my husband." Proud na sabi ni Wyeth kaya napatango nalang ako.
Napaupo nalang ang hari sa upuan niya at seryosong nag-iisip. Agad naman akong kinabahan dahil sa seryoso niya na naman ngayong nakatingin sa aming lahat.
"Ano na naman kayang kabaliwan ang iniisip ng aking haring asawa?" Napalingon kami kay Inang Reyna, sa kaniya nakuha ni Walvim ang mukha nito. Ang dalawa namang sina Walace at Wyeth ay sa kanilang ama nakuha ang magandang hubog at imahe ng mukha.
"Aking reyna, hindi dahil sa nag-iisip ako ng seryoso ay may kabaliwan na akong naiisip." Ngusong turan sa kaniya ng Amang Hari kaya hindi ko maiwasang hindi mapangiti. They are so cute and adorable!
"Hindi ko maiwasan aking hari, puro kasi kabaliwan ang ipinapakita mo." Sagot naman sa kaniya ng Inang Reyna kaya nagtawanan na ang nasa table at pati ako ay napahagikhik nalang.
"Isa lang kasi naiisip kong kabaliwan, ang ipakasal silang lahat sa magkakasunod na araw." Nagulat akong napatingin sa hari at pati ang mga babae kong kasama ay gano'n din pero ang mas nakakagulat ay ang sabay na pagtayo ng magkakapatid at seryosong nakatingin sa hari.
"Amang Hari! Hindi iyan kabaliwan! Iyan ay magandang ideya!" Sabay sigaw na sabi ng magkakapatid kaya napapailing nalang kaming mga babae-este napailing nalang kaming mga mate nila. Hahaha, ayokong napag-iiwanan eh.
Teka-hindi ba uso dito ang sukob?

Komentar Buku (147)

  • avatar
    Meizaa

    Grabe pinahanga mo talaga ako ng sobra author yung sa akala ko lang sa hidden goddess ako mapapahanga hindi pala ito din pala ang mag papahanga sakin galing mo talaga sobra author 😊🫶

    2d

      0
  • avatar
    santiasFernando

    nakakapulot ng aral at my matutunn

    11d

      0
  • avatar
    ReyesAngelica Sacyan

    Wow 😍😍😍😍

    20d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru