logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter Two

Tumalsik ang scooter na sinasakyan ko nang hindi ko namamalayan. My head. It hurts! Pati na rin ang katawan ko. Mabuti na lang at naka-jacket ako at nakapantalon.
Dahan-dahan akong tumayo at paika-ikang lumapit sa scooter. Pinatayo ko ito at tumingin sa side mirror. Nakita ko ang pulang likido na nasa noo ko. Ramdam ko ang hapdi at kirot no'n. Pero wala nang mas masakit pa sa pagkamatay ng best friend ko.
"You're lucky, you're still alive," I said to myself.
Hindi ko na ininda pa ang galos at sugat ko sa noo. Sinakyan ko na ang scooter at pinaharurot ito. Kailangan ko nang makaalis doon dahil maaabutan ako ng zombies. Nawala ako sa wisyo kanina kaya hindi ko namalayan ang kotseng nakasalpukan ko. Mabuti na lang at hindi ganoon kalala ang sugat na natamo ko.
Nang makarating ako sa bahay, dumaan ulit ako sa puno. Nang makapasok na ako sa kuwarto ko ay agad kong ginamot ang mga galos at sugat ko. Nagpalit na rin ako ng damit. 'Yong magiging komportable ako. Nagpalit din ako ng sapatos. Pinili kong suotin ang combat boots ko para hindi ako mahirapan sa pagtakbo.
Matapos kong mag-ayos ay umupo ako sa kama at tumingin sa kawalan. Hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako. I miss her already. Binuksan ko ang drawer ng side table at kinuha roon ang picture na kasama siya.
I'm in so much pain as if I was also stabbed several times in my chest. She's been a good best friend to me. Hindi pala good. She's the best! She's like a sister to me and then I murdered her.
Niyakap ko ang picture namin at humagulhol na lang. I'm sorry.
Napatigil ako sa pag-iyak nang makarinig ako ng sigawan sa labas. Doon ko lang napansin na mag-uumaga na pala at tiyak kong nandito na sila. Nilapitan ko ang malaking cabinet at binuksan ito. Sumalubong sa'kin ang bow at arrow ko pati na rin ang mini knives ko. My father gave me this bow. He knows I love Archery. Kaya niregaluhan niya ako nito noong 18th birthday ko. Ang mini knife naman, I collected it since 7th grade. Kinuha ko ang bow at arrow pati ang mini knife saka lumabas ng kuwarto.
It's bloody time.
I went to my parents room to make sure they were safe. But I did not see them. Where did they go?
"Mom! Dad!" I called but no one answered.
Bumaba ako ng hagdan at hinanap sila sa sala pero wala. Aalis na sana ako nang makarinig ako ng ingay sa kitchen. Dali-dali akong tumakbo papunta roon at nagulat sa nakita. Nadatnan kong nakaupo si mommy sa sahig at nakahiga sa tabi niya si daddy.
"What happened?" I asked because I still couldn't believe what my eyes saw.
Duguan si daddy at may nakatarak na kutsilyo sa ulo niya. Did Mom kill him? Sa pangalawang pagkakataon, dumausdos na naman sa mga pisngi ko ang mainit na likidong nagmumula sa mga mata ko.
"Anak, Kay, I...didn't...mean...to. He...he attacked...me...after he...killed...that...that stranger," said Mommy while crying.
Nilapitan ko siya at niyakap. I feel her. She only did that to protect herself as I did to Sandrena.
"Mom, look at me. It's not your fault," pagpapagaan ko ng loob sa kaniya.
"Kay, I don't know what's exactly happening right now. But, I want you to keep strong. This world will be wicked," she said.
"Mom, what do you mean?" nalilitong tanong ko.
Mapait siyang ngumiti at pinakita sa'kin ang kanang braso niya na may sugat at dumurugo. Napasinghap ako sa nakita. No, no, no. This can't be!
"Mom, that's not a bite right?" tanong ko kahit may kutob na akong kagat nga 'yon.
If she got bitten, she would turn into...
"Anak, I think it's the bite why your daddy attacked me a while ago. He got bit and after 5 minutes he changed," kuwento ni mommy.
Napailing na lang ako habang umiiyak. Akala ko hindi mangyayari sa reality ang zombie attack, zombie outbreak, zombie apocalypse, zombie whatsoever. Kasi nga diba fiction lang 'yon? Gawa-gawa lang 'yon ng mga authors na obsessed sa sci-fi.
"Kay, you must leave me now before I turn into one of them," Mommy ordered but I just shook my head.
Bakit nangyayari 'to ngayon? Bakit lahat ng mahal ko kinukuha sa'kin? First, my best friend. Second, my dad. Then, she'll next.
"Mom, I won't leave you," I said crying.
Humagulhol din siya ng iyak.
"Kayeen, listen to me. You...must...go. Save...your...life....Be...brave...swee...tie. You're...on your...own now. I...love...you...always," hirap niyang sabi bago unti-unting nag-iba ang kulay ng mga mata niya at nagkaroon ng mga ugat ang balat niya.
"Mom!" I shouted.
She's changing!
"Le..a...ve!" huli niyang sabi bago siya tuluyang nabago.
I backed out because my mom was becoming violent. I reached for the bow that I had released earlier and ran to the back door.
"Harrr!" Mommy growled so I ran faster.
She's chasing me like a lump of meat. She will kill me. Mom will never kill me! She's not my mom anymore.
Nilingon ko ang direksyon niya at nagpakawala ng arrow. Agad siyang bumagsak sa sahig nang tamaan siya sa ulo. I'm so sorry Mom.
I wiped the tears that flowed down my cheeks and left the house.
"Harrrrrr!" growl of zombies.
Tsk! Bakit kaya nagkaroon ng zombie outbreak ngayon dito? Palaisipan pa rin talaga sa'kin ang sanhi nito.
Pinuntahan ko ang trampoline sa may garden at umakyat. Tumalon ako para makita kung saan ang walang masyadong zombies. Unang talon ko tiningnan ko ang north side. Pangalawang talon, south side. Hanggang sa natapos kong tingnan ang bawat side ng subdivision.
They're everywhere. Pero, kakaunti lang ang nasa west side. Bumuwelo ako para tumalon sana palabas ng bakod nang mahagip ng mga mata ko ang bagay na lumilipad sa ere.
Tsk! Drone. Hindi ito gumagalaw bagkus ay nanatili lang ito sa pwesto nito. Parang sa'kin talaga nakatuon ang atensyon nito.
Someone's watching me.
Bumwelo ulit ako at saka tumalon palabas ng bakod. Sakto lang ang paglapag ko sa semento dahil sanay naman na ako. Tumakbo ako palayo roon at naghanap ng ligtas na lugar.
Ligtas, tsk! Wala nga pa lang ligtas na lugar ngayon. Malamang marami na ang infected.
"Harr!"
I turned my back and my eyes widened when I saw the zombies running in my direction.
Bloody sh*t!
Pinosisyon ko ang pana ko at pinatamaan ang mga ito. Pero nakakainis lang dahil parang hindi naman sila nababawasan. Kapag natamaan ko kasi ang isa sa kanila may dumadating naman. Kaya parang hindi naman nabawasan ang bilang nila.
"Harrr!"
Kailangan ko nang umalis! Tumalikod na ako at tumakbo palayo. Ayoko pang maging zombie.
Saan ako pupunta?!
Nakailang ikot pa ako bago nahagip ng mga mata ko ang nag-iisang puno sa hindi kalayuan.
"Harr,"
Bahala na! Mabilis akong tumakbo papunta sa puno at sinubukang umakyat. Mabuti na lang at marunong ako.
Nang makaakyat ako, humanap ako ng magandang pwesto kung saan hindi ako mahuhulog kung sakaling datnan ako ng antok. Sa ngayon, ito na lang ang ligtas na lugar para sa'kin.
(Next day)
(Machine sound)
"Hey! Can you hear me?" I heard a question so I was thrown back to sit.
Muntik pa akong mahulog sa ibaba.
"Hello? Nagsasalita ka?" I asked the drone in front of me.
Kakaibang drone ang nasa harapan ko ngayon. Mas hi-tech pa yata sa hi-tech. At, parang nakikita ko lang ito sa mga movies or games. Nananaginip ba ako?
"Yes, I can speak. I mean I'm speaking on a drone's speaker. I'm Trainee Dagg of Hydra Corporation," sagot nito.
"The what?" tanong ko.
"Hydra Corporation,"
"Hydra, 'yong maraming ulo?" usisa ko.
"No S1, Hydra is a corporation," paliwanag nito.
Ano tinawag niya sa'kin? S1 like season 1?
"S1? Hey, my name is Kayeen! I'm Kayeen Sandoval!" bulalas ko.
"S1 stands for Survivor 1. You are the first survivor I found,"
"I'm the only one?" tanong ko.
"Yes, you're the only survivor in your subdivision," sagot nito kaya bumagsak ang mga balikat ko.
"So, ano nang gagawin ko?" tanong ko.
"Climb down and wait for the Trainees. They're on their way,"
"Sigurado ka na darating sila? Baka pumuti na ang mga mata ko wala pa sila," ani ko.
"They're coming. They're just checking the other city," sagot nito.
"Okay?" ani ko na lang at dahan-dahang bumaba ng puno.
"Wait S1! Target Z is coming!" pahabol niyang sabi pero nakababa na ako.
"Anong target Z ang pinagsasabi mo? Hindi kita maintindihan," bulalas ko.
"Harrr!"
My eyes widened when I heard that familiar growl again. Is that a noise from my back? Dahan-dahan akong lumingon at napanganga sa nasaksihan.
They're coming!
"Papatayin mo yata ako! Sana pala hindi ako nakinig sa'yo!" I shouted at the drone.
Kumuha ako ng medyo may kalakihang bato at tumingin dito.
"What are you doing S1?"
"Papatayin ka," ngising sabi ko at binato ang drone.
"Nooo!" huli nitong sigaw bago nahulog at nasira ang drone.
Pahamak sa life!
"Harrr!"
Pinaulanan ko sila ng mga arrows pero hindi maubos-ubos.
"Harrr!"

Komentar Buku (94)

  • avatar
    Yram Yparraguirre

    Thats good story

    19d

      0
  • avatar
    morillojay

    nice

    22d

      0
  • avatar
    Rhym Valentin Agustin

    it's was amazing

    06/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru