logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 7 Ang Matalinong si Matthew

Matapos ang pangyayari noong bakasyon nagsibalikan na ang lahat ng mga bata sa kanilang paaralan para sa pagbabalik iskwela, noong buwan ng hunyo ay kumuha ng pagsusulit si Aurora sa (ALS) at naipasa niya ito sa tulong ng mag-asawa at mga bata, masaya si Aurora sa bago niyang papasukan sa mataas na paaralan ng Milagros bilang ika-tatlong taon sa sekondarya, Kaklase niya sina Chelsy at Matthew, si John at Florañia ay pangalawang taon sa sekondarya at si Lucas naman ay Ika-apat na taon na sa sekondarya, habang si Mimi naman ay pumapasok pa sa elementarya.
Ika-labing lima na araw ng Hunyo sa kalagitnaan ng taong 1991, abala ang mga bata sa pagpasok sa kanilang paaralan. “Mga bata bilisan ninyo!” wika ng Ginang, “Opo Inay” sagot ng mga bata, habang naghihinatay si Ginoong William upang ihatid sila sa kanilang paaralan, Maya-maya’y bumaba na ang mga bata at sumakay na sa sasakyan, isang panibagong araw naman ito para kay Aurora.
“Matthew! Natapos mo ba ang iyong ginawang takdang aralin kahapon?” tanong ng dalaga.
"Oo! Ikaw natapos mo?”
“Oo naman! Pero ikaw Chelsy? Natapos mo?”
“Oo Aurora nahirapan lang akong sagutan kagabi!"
Nang makarating sa paaralan ay bumaba na ang mga bata, at pumasok na sa kanilang mga silid-aralan, umupo ang dalaga upang makapagpahinga, si Matthew ay nakaupo sa unahang hanay at si Chelsy naman ay sa pang-apat na hanay ng mga upuan.
“Aurora kamusta na?” tanong ng kanyang kamag-aral.
“Maayos naman ako Rea! Ikaw kamusta?” tanong ng dalaga,
“Ayos naman din, Aurora sabay tayong kumain at iba pang kamag-aral natin mamayang tanghalian” ayaya ni Rea,
“Sige isasama ko rin sila Chelsy at Matthew” wika ng dalaga. Ilang minuto ang lumipas ay dumating na ang kanilang guro nasi Ginoong Cruz. Matangkad at mistiso ang guro.
“Magandang umaga sa inyong mga bata!...”
Tumayo ang lahat “Magandang umaga rin po Ginoong Cruz!” “Sige na maaari na kayong umupo!” umupo ang lahat, “Bago tayo magtungo sa ating aralin nais kong sabihin na magkakaruon ulit ang ating paaralan ng kompetisyon sa pagsusulit sa susunod na linggo sa huwebes!” wika ng guro.
“Pagsusulit na kompetisyon?” tanong ng dalaga, nagsalita ang isa sa mga katabi niya, “Oo tama ka sa narinig mo Aurora, magkakaruon ng paligsahan sa pagsusulit dahil taon-taon ito ginagawa dito sa ating paaralan at kung sino man ang mananalo siya ang representante ng masbate sa pampook na pagsusulit na gaganapin sa Maynila!" paliwanag ni Aira na kapwa mag-aaral.
“Parang masaya iyon!”
“Ngayong taon ang aking napiling kinatawan sa inyong klase ay si Matthew, dahil siya pa rin ang nangunguna sa inyong klase! simula pa noong unang taon niya dito ay nagpamalas na siya ng talino!” nagpalakpakan ang lahat ng mag-aaral.
“Makakaasa kayo Ginoong Cruz! Pagbubutihan ko ang nalalapit na kompetisyon!”
"Mabuti, dahil isa sa mga iyong magiging katunggali mo’y galing sa ika apat na taon na si Edward!” ani ng guro.
"Parang mahihirapan si Matthew” bulong ni Aira.
“Bakit naman?”
"Dahil si Edward ang isa sa mga matatalino dito sa paaralan” sagot nito. Tumingin si Aurora kay Matthew, “Sana kayanin ni Matthew!”
“Ngayon ay kuhain niyo na ang inyong librong Noli me tangere bukasan sa ika labing isang kabanata na pinamagatang "Mga Hari-harian" bukas ay suriin ninyo ang kabanata Isa hanggang kabanatang ito dahil magkakaruon tayo ng mahabang pagsusulit!” habang nakikinig ang buong klase kay Ginoong Cruz ay hindi mawala sa isipan ng dalaga ang pag-alala kay Matthew.
Nang matapos ang klase ay sumapit ang tanghali oras na naman para sa tanghalian ng mga mag-aaral, tumunog ang kampana ng paaralan at nagsilabasan ang mga kabataan upang kumain.
“Chelsy halika sumabay ka sa amin!”
"Oo sige papunta na ako” sagot ni Chelsy.
“Matthew halika kumain muna tayo!”
"Sige na! mauna na kayo! lalabas lang ako saglit” wika ni Matthew, “O! Sige bumalik ka agad” ani ng dalaga, umalis si Matthew sa silid-aralan upang lumabas, sa kanyang paglabas sumalubong sa kanya ang mga kabataan mula sa ika apat na taon.
“Ikaw ba si Matthew Santos?” tanong ng isang estudyante.
"Oo ako nga si Matthewl! Bakit?” “Ako pala si Edward Delos Reyes! Isa ako sa mga makakalaban mo sa tagisan ng talino!” wika ni Edward.
“Masaya akong makilala ka Edward! Pero kailangan ko ng pumunta sa silid-aklatan!” ani ni Matthew, “Huwag kanang mag-aksaya na pumuntang silid-aklatan! Matatalo lang naman kita! Matthew matsing!” mayabang na sigaw ni Edward.
"Pasensya na hindi ako mahilig makipag-kompetisyon sa iba!" sagot nito.
"Talaga ba o baka natatakot kalang matalo!” tumawa ang mga kasamahan niya.
“Hindi ako matatalo! Tandaan mo yan!” galit na sambit ni Matthew.
“Huwag kang magalit sinasabi ko lang naman ang totoo! Paano magkita nalang tayo sa kompetisyon! Matthew matsing! ”
“Hindi ako magpapatalo sayo!!” bulong niya sa kanyang isip.
“Matthew halika kumain ka muna!, Matthew! May problema ka ba?” tumakbo ng mabilis si Matthew pa puntang silid-aklatan, “Ano kaya ang problema ni Matthew?” bulong ni Aurora.
Pagsapit ng hapon ay oras na ng kanilang uwian, sinundo ni Manong Juan ang mga bata, habang nagkukuwentuhan ang mga bata sa sasakyan ay malalim ang iniisip ni Matthew, agad naman itong napansin ni Aurora. “Kanina pang tahimik itong si Matthew” alala ng dalaga, hanggang sa kanilang pag-uwi.
Nang sumapit ang gabi, naghihintay ng hapunan ang pamilyang Santos maliban kay Matthew na nasa kanyang silid-aklatan lamang, habang nanunuod ng telebisyon ay isang masamang balita ang bumasag sa katahimikan sa buong bahay.
Pumutok ang Bulkang Pinatubo sa Zambales at maraming mga kabahayan at lugar ang nasalanta ng Bulkan, isa sa mga naapektuhan ng pagkalat ng abo sa hangin ay ang lalawigan ng Tarlac, kung saan isa ito sa mga lugar ni Aurora na kanyang naging tahanan, sa halos anim na daang taong pananahimik ay muli itong sumabog, at naramdaman din ito sa Lungsod ng Maynila.
“Kawawa naman ang mga taong naninirahan malapit sa bulkan” pangamba ni Florañia.
“Oo nga! Halos wasak ang kanilang mga tahanan dahil natabunan ng mga nagbabagang putik!" alala ni John.
“Diba ate Aurora sabi mo malapit ang iyong tahanan sa Zambales?”
“Oo, Tama ka Mimi, sana walang masamang nangyari doon!” pangamba ng dalaga.
“Kawawa naman din ang mga Aeta na naninirahan malapit sa bulkan” wika ng Ginang, “Maganda siguro na isama natin sa pag-dasal ang mga tao apektado ng Bulkan!” munkahi ni Florañia, “Tama ka Florañia” bago kumain ay nag-alay ng dasal ang pamilyang Santos para sa mga taong nasalanta ng pagsabog ng Bulkang Pinatubo.
“Nasaan pala si Matthew?” tanong ni Ginoong William, “Ang pagkakaalam ko po ay nasa kanyang silid-aklatan!” sagot ni Inang Gina, “Sige! Pagkatapos namin kumain ay dalhan mo lang siya ng hapunan”
“Masusunod po Ginoong William!"
Pagkatapos kumain ay dinalhan ni Inang Gina ng hapunan si Matthew sa kanyang silid. “Matthew, sabi ni Ginoong William na dalhan kita ng hapunan dito sa iyong silid” wika ni Inang Gina, “Maraming salamat sa inyo! Pero nagbabasa pa ako dito, mamaya nalang ako kakain” sambit ni Matthew “Pero baka lumamig ang iyong pagkain! Sige na at iiwanan na kita pagkatapos mo kumain ay iwan mo nalang sa mesa ang iyong pinagkainan!"
“Opo sige po!” sagot ni Matthew habang nagbabasa.
Habang papalabas si Inang Gina ay pumasok naman si Aurora.
“Aurora ano ang ginagawa mo dito?” tanong ng Inang Gina
“Kakamustahin ko lang si Matthew sa kanyang ginagawa” sagot nito.
“O! Sige maiwan kona kayo” wika ni Inang Gina, “Sige po! Inang Gina magandang gabi po!”
Kumatok sa pintuan ang dalaga, “Matthew kanina kapa! bakit hindi kapa kumakain at natutulog?” tanong niya, “Tatapusin ko lang ang aking binabasa!”
“Matindi pala ang iyong pag-aaral pero sana huwag mong abusuhin ang iyong katawan!” mungkahi ng dalaga, “Alam ko! Pero lahat ng ginagawa ko para kay Inay Dona at Itay William!” sagot nito.
“O sige matutulog na ako Matthew bukas nalang ulit”
“Sige Magandang gabi!” wika ni Matthew.
Nang makatulog ang lahat ay hating gabi na natulog si Matthew dahil sa kanyang pag-aaral. “Sana sapat na ang aking mga nabasa!" bulong ni Matthew na inaantok na.
Sumapit ang bukang-liwayway, maagang nagising ang lahat sa paghahanda sa pagpasok ng mga bata sa kanilang paaralan, pagkagising ng mga bata sa kanilang magandang pagkakahimbing ay agad bumaba ang lahat para sa kanilang almusal maliban kay Matthew na puyat sa kakaaral. Pagkatapos kumain ay agad naligo at nagbihis ang mga bata, hanggang makasakay sila sa sasakyan papunta sa kanilang paaralan.
“Kuya Matthew sigurado ka bang maayos kalang?” Tanong ni Mimi.
“Oo! Mimi ayos lang ako" sambit nito.
"Matindi ang pag-aaral ni kuya Matthew sa tuwing sasapit ang pasukan” bulong ni John, “Oo nga! Napapansin ko din” sagot ni Florañia.
Nang makarating ang lahat sa paaralan ay pumasok na sila sa kani-kanilang silid-aralan.
“Nabalitaan niyo ba kagabi?” tanong ni Aira, “Oo! Matindi ang pagsabog ng Pinatubo sa Zambales” sagot ni Rea, “Kawawa naman ang mga residente doon” alala ni Aira, “Kaya nga! Aurora ikaw nabalitaan mo ba ang pagsabog ng Pinatubo?” tanong ni Rea, “Oo! Napanuod ko kagabi” wika ng dalaga.
Halos ang buong klase ay pinag-uusapan ang balitang pagputok ng Pinatubo, Nang dumating na ang kanilang guro.
“Magandang umaga sa inyo mga bata!”
"Magandang umaga din po Ginoong Cruz” pagbati ng mga bata.
“Maari na kayong umupo, Maya-maya’y magkakaruon tayo ng mahabang pagsusulit” wika ng guro sa buong klase. Pagkatapos ng kanilang pagtalakay sa nobelang Noli me Tangere ay nagkaruon sila ng mahabang pagsusulit, habang sinasagutan ng mga mag-aaral ang kani-kanilang papel, ay napapansin ni Aurora na hindi makapakali si Matthew.
“Ano kaya ang problema ni Matthew?” bulong sa kanyang isip,
Ilang minuto ang lumipas ang loob ng silid-aralan ay tila nakakabingi sa tahimik tanging hangin lamang ang maririnig na hinahampas ang mga puno at halaman sa labas, ang lahat ng mag-aaral ay nakatuon lamang ang atensyon sa kanilang mga papel.
Lumipas ang Isang oras ay natapos na kanilang pagsusulit, bago lumabas ang mga mag-aaral para sa kanilang tanghalian.
“Mamaya babalik ako para sabihin ang resulta ng inyong pagsusulit! Maliwanag ba?” wika ni Ginoong Cruz, sumagot ang mga mag-aaral “Opo! Ginoong Cruz”.
Nang makalabas ang guro sa klase.
“Ano kaya ang resulta ng ating pagsusulit? Sana mataas ang aking puntos na nakuha” ani ni Aira.
“Satingin ko maraming makakuha ng mababang puntos dahil sa mahirap ang ating pagsusulit!" sambit ni Rea.
"Sa tingin ko marami pa rin sa atin ang makakapasa! Magtiwala tayo!” sambit ni Aurora.
Habang abala ang lahat sa kanilang tanghalian ay napansin ni Aurora si Matthew na tahimik lamang ito sa sulok.
“Matthew kanina kapang tahimik may problema kaba?”
“Ayos lang ako gutom lang ito” sagot ni Matthew.
“Halika kumain muna tayo tatawagin ko lamang si Chelsy”
“Sige! Hihintayin ko na lang kayo dito” wika ni Matthew, Pagkatapos ng tanghalian, umalingaw-ngaw ang tunog ng kampana ng paaralan hudyat upang bumalik na sa kani-kanilang silid-aralan.
“Maghanda na kayo andito na si Ginoong Cruz!” sigaw ng isang mag-aaral, umupo ang lahat sa pagdating ni Ginoong Cruz.
“Ngayon sasabihin ko na ang inyong nakuhang resulta sa pagsusulit ngayong araw!” wika nito habang nakatuon ng atensyon ang lahat kay Ginoong Cruz.
“Marami mga nakapasa sa inyo! At may iilan din ang hindi!, Ang mga nakakuha ng mataas na puntos ay si Timothy, Kiya, Realou, Kenneth, at Paul!”
Masaya ang mga mag-aaral sa kanilang narinig na mga puntos maliban kay Matthew.
“At isa sa mga nakakuha ng mababang puntos ay si Matthew!” ani ng guro, nagtataka ang lahat sa resulta na nakuha ni Matthew.
“Ang akala ko ba si Matthew ang pinakamataas!” bulong ni Aira.
“Ngayon lang nangyari ito kay Matthew” sabi ni Rea, hindi makapaniwala ang guro dahil inaasahan ito na siya ang makakakuha ng mataas na puntos at siya ang mag-rerepresenta para sa gaganaping kompetisyon ng pagsusulit sa susunod na linggo.
“Matthew ikaw pa naman ang aking inaasahan sa kompetisyon” ang lahat ay nakatingin kay Matthew.
“Paumanhin po Ginoong Cruz hindi ko lang natandaan ang ating aralin dahil abala ako sa pagbabasa ng maraming libro! Kagabi!” wika nito na nahihiya. "Sa susunod hindi na ito mauulit muli maliwanag ba Matthew?” tanong ng guro, “Opo! Ginoong Cruz” sagot ni Matthew na agad umupo.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon sumapit ang hapon. Nang oras ng kanilang labasan, masaya ang iba sa kanilang pag-uwi maliban kay Matthew na nakatulala sa kanyang dinadaanan.
“Matthew! Ayos lang yan makakabawi ka pa naman sa susunod na pagsusulit” sambit ni Aurora.
"Tama si Aurora! Matthew” sang-ayon si Chelsy, hindi na lamang kumibo si Matthew sa dalawa nagpatuloy na lamang itong naglakad palabas ng paaralan hanggang sa dumating ang sasakyan na kanilang sundo.
Sumakay ang mga bata pauwi ng kanilang bahay, pagkauwi ay dali-daling pumasok si Matthew sa kanyang silid at pinagtaka ito ni Ginang Dona, sinabi ni Aurora at Chelsy ang dahilan na nangyari kay Matthew agad naman pinuntahan ng Ginang si Matthew sa kanyang silid, pumasok ito ng kusa.
“Matthew! Anak sinabi ni Aurora at Chelsy ang dahilan kung bakit ka malungkot!” alala ng Ginang.
“Binigo ko ang lahat! Binigo ko kayo Inay Dona! Patawad! Po!!” sagot nito habang umiiyak.
“Matthew makinig ka sa akin! Matthew anak! Ang mahalaga lang naman sa amin ng Itay mo ay makapag-aral ka!” wika ng Ginang.
“Ano pong ibig ninyong sabihin?” tanong nito.
“Kahit mayroon o wala kang natatanggap na parangal hindi naman mahalaga iyon dahil ang pinakamahalaga ay makapag-aral ka at makapagtapos sa iyong pag-aaral at ang higit sa lahat ay ang pagiging masipag, matiyaga at may pananampalataya dahil ito ang susi ng iyong kinabukasan! Ang pagiging matalino ng Isang tao ay hindi basehan upang umangat sa buhay. At ang pag-aaral lamang ang maipapamana namin sa inyong lahat! dahil ang edukasyon ay mahalaga!" paliwanag ni Ginang Dona, niyakap ni Matthew ang Ginang ng mahigpit habang umiiyak ito.
Sa sandaling iyon unti-unting naunawaan ni Matthew ang mga sinabi ng Ginang galing sa kanyang bibig.
Habang kinakausap ng Ginang si Matthew ay nakikinig si Aurora sa likod ng pintuan.
“Tama si Ginang Dona! Hindi mahalaga kung may mauwi kang karangalan o wala at hindi basehan ang talino sa pag-angat sa buhay! Ang mahalaga'y nakakapag-aral ka lamang at pagiging masikap sa iyong buhay!” bulong ng dalagal.
Kinagabihan habang natutulog ang lahat, si Aurora ay hindi makatulog dahil sa nangyari kay Matthew, binuksan niya ang bintana at tumingin sa itaas “Panginoon ko! Tulungan niyo po si Matthew na malagpasan ang kanyang pinagdadaan pakiusap! Huwag niyo po sana siyang pababayaan at lalo na ang pamilyang ito! Panginoon!” dasal ng dalaga na nakatanaw sa itaas at pinagmamasdan ang mga talang kumikislap sa langit.
Samantala si Lucas naman ay nasa itaas ng punong mangga at nakahiga, tanaw niya ang dalaga at pinagmamasdan niya ito.
Lumipas ang isang linggo, araw ng huwebes araw na rin ng kompetisyon sa pagsusulit, nakahanda na ang mga guro at punong guro ng paaralan para sa gaganaping kompetisyon, bago makarating ng paaralan ay kinumbinsi ni Aurora ang iba at si Matthew na mag-simbahan muna bago makarating ng paaralan, pagkatapos ay agad na silang pumunta sa kanilang paaralan bago sila naghiwalay-hiwalay ay kinausap nila si Matthew.
“Kuya Matthew galingan mo!” sigaw ni Mimi.
“Sayang naman at hindi namin mapapanuod ang kompetisyon!” hinayang ni Florañia.
“Sana manalo ka Matthew! Para ikaw ang mapiling maging representante ng masbate!” sambit ni Aurora.
“Oo nga Matthew sana manalo ka” wika ni John.
"Huwag kayong mag-alala gagalingan ko at kayo ang inspirasyon ko!" sagot ni Matthew, hinawakan ni Lucas sa balikat si Matthew.
“Manalo o matalo ikaw parin ang panalo sa amin Matthew!” wika ng binata.

“Tama si Lucas! Manalo ka man o matalo basta ikaw parin para sa amin ang panalo” ani ni Aurora.
“Maraming salamat sa inyong lahat! Paano mauna na ako!” wika ni Matthew.
Nang makapasok si Matthew ay agad na itong nagpaalam sa kanila na may tapang at lakas ng luob, nakahanda na ang lahat ng mag-aaral sa kompetisyon ngayong araw ang iba’y nasasabik at ang iba’y kabado, umupo sa bahaging gitna si Matthew kung nasaan naruruon din nakaupo si Edward.
“Sana hindi ka kabado Matthew matsing!” sambit ni Edward
“Hindi ako kabado at hindi ako natatakot!” lakas ng loob ni Matthew.
"Talaga ba?! Baka nagkamali ka lang ng pinuntahan Matthew!” wika ni Edward na tumatawa, ngumiti lamang si Matthew kay Edward at hindi makikita sa mukha niya ang kabado at takot na maaaring matalo sa kompetisyon hindi nagtagal ay nagsimula na nga ang kompetisyon ng tagisan ng talino.
Sa silid aralan naman ni Aurora ay hindi mawala sa kanyang isipan ang pag-alala para kay Matthew “Kamusta na kaya si Matthew?! Ano na kaya ang nangyayari doon? sana napapanuod naming lahat para masuportahan namin siya!” bulong ng dalaga habang nakatingin sa labas ng bintana.
Samantala, dumating si Don Guzman sa Mansyon ng mga Santos upang kumbinsihin ang mag-asawa na umalis sa kanilang lupa ngunit hindi ito pumapayag.

Komentar Buku (161)

  • avatar
    SorianoCrissanta

    RECOMMENDED!

    27/03/2022

      0
  • avatar
    Mari Celine

    I want robux

    26d

      0
  • avatar
    Lawrence Acuin

    i love reading this novels

    17/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru