logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 3 Ang Bagong Buhay ng Dalaga at Ang Lihim ng Magkakapatid

Nagpatuloy ang barko sa paglalayag patungong Masbate, Pinikit niya ang kanyang paningin upang damhin ang lamig ng hangin at init na nagmumula sa araw, dinilat niya ang kanyang mga mata, napatingin ang dalaga sa asul na karagatan napansin niyang maraming dikya ang nakalutang sa ibabaw nito malaki man o maliit at sumasayaw sa hampas ng alon sa dagat iba’t-ibang kulay ay pinatingkad nito ang buong dagat.
Nang tinatawig ng barko ang Ticao Pass natatanaw na nila ang ibang isla sa lugar.
Habang pinagmamasdan ni Aurora ang karagatan ay hindi mawala sa kanyang isipan ang pag-aalala nito sa kanyang mga kaibigang naiwan sa Maynila. “Sa iyong wangis malalim ang iyong iniisip may problema ka ba?” tanong ni Ginoong William “Inaala ko lang po ang aking mga kaibigan sa Maynila!” wika nito na may pag-alala “Huwag kang mag-alala walang masamang mangyayari sa iyong mga kaibigan at pagkaraan ng ilang buwan puwede natin silang dalawin” sagot ni Ginoong William. Tulala lamang ang dalaga sa kanya. “Inay at Itay!! Nakikita ko na ang isla ng Masbate!” ani ni Mimi na masaya napatingin si Aurora sa Isla dahil unang beses niya itong mapupuntahan. “Tunay ngang napakaganda dito sa lugar ninyo Ginoong William at Ginang Dona” wika ng dalaga na natutuwa rin sa kanyang nakikita “Lalo kang matutuwa ka Aurora kapag na kababa na tayo sa barko”.
Sabik na sabik si Aurora sa kanyang bagong buhay dito sa Masbate.
Maya-maya'y nakarating na ang barko sa daungan, bumaba na ang lahat ng pasaherong mahigit pitong pu't siyam.
“Dahan-dahan sa pagbaba Mimi at huwag kang magmadali!” paalala ni Ginoong William na nag-aalala kay Mimi. Nang makababa sa barko ay pinahintay ni Ginoong William si Ginang Dona at ang dalawa upang kunin ang sasakyan.
“Kakaiba ang paligid dito sa Masbate” naninibago ang dalaga sa kanyang bagong lugar maya-maya'y dumating na ang sasakyan at agad na silang sumakay ng kotse bago pa magtanghalian.
“Ginoong William at Ginang Dona matagal na po ba kayo dito sa masbate?”
“Oo Aurora, mahagit labing isang taon na kaming naninirahan dito nang bumalik kami galing Australia, ang Inay Dona mo ay dito na lumaki sa Masbate at ako naman ay galing Maynila” sagot ni Ginoong William.
Ikinuwento ni Ginang Dona kay Aurora ang kasaysayan ng Masbate, ang isla nito ay napapalibutan ng iba pang pulo at dati itong magkakasama dahilan na pagkakahalo-halo ng kultura at gayundin sa wika Tagalog, Cebuano, Hiligaynon, Bicol at Waray, ikuwento rin ni Ginang Dona na batay sa kanyang napag-aralan sa panahon ng espansyol ang buong isla ng Masbate ay ginawang pagawaan ng mga barko para sa pagpapalitan ng kalakalan sa Maynila at ibang karatig lugar.
Lumipas ang ilang siglo maraming kabahayan na ang umusbong sa probinsya bago dumating sa Pilipinas ang mga Americano, ang tanging hanap buhay sa masbate ay ang pagpapastol, pagsasaka, at pangingisda. “Ang sagana pala sa kasaysayan ang isla ng Masbate at sagana rin ito sa hanap buhay” wika ng dalaga na natutuwa, marami pang naikuwento si Ginang Dona kay Aurora.
Habang nasa biyahe ay nadaanan nila ang isang simbahan “Hindi ko aakalaing may simbahan din dito sa Masbate!”
“Iyan pala ang St. Anthony of Padua Cathedral panahon pa ng kastila nang simulang Itayo ito mga taong 1578 at ito rin ang diyosesis ng Masbate dahil nung una ay iisang diyosesis lamang sa sorsogon ilang taon ang lumipas ay napahiwala ito kaya naipatayo dito sa Masbate ang simbahan, ang patron ng simbahan ay si San Antonio De Padua na sinunod sa pangalan ng simbahan” paliwanag ng Ginang, namamangha pa rin ang dalaga sa ganda ng Masbate.
Dalawang oras ang lumipas ng makaalis sila sa sentrong bayan ng Masbate patungo sa Milagros dulong bahagi ng isla. Pinagmasdan ni Aurora ang paligid sa labas at kahit saan ito tumingin ay makikita niya ang masisiglang kulay sa probinsya ng Masbate, ang mga puno, bulaklak at halaman ay gumaganda at kumikinang dahil sa sinag ng araw, ang mga bukid ay tila nakasuot ng mga luntiang damit kung pagmamasdan sa malayuan.
“Hindi na ako makapaghintay na makitang muli ang aking mga kapatid!” ani ni Mimi na nasasabik sa kanila “Huwag kang mag-alala Mimi ilang minuto nalang ay makakauwi na tayo sa bahay natin!"
Maya-maya'y narating na nila ang bayan ng Milagros “Nandito na tayo sa bayan ng Milagros alam nyo ba galing sa salitang kastila Milagros! na ibig sabihin nito ay himila, dahil sa isang himilang nangyari noong unang panahon, at ayon sa iba bago dumating ang mga kastila sa Pilipinas ang unang pangalan ng Milagros ay asid dahil malapit ito sa ilog ng asid ng dumating ang kastila ay pinalitan ito!” kuwento ni Ginang Dona sa dalawa habang nakikinig.
Nang makalagpas sa bayan ng Milagros narating na nila ang lupain ng mga Santos at papalapit sa Mansyon “Ang laki ng bahay na iyan! Sandali Isang Mansyon?!” tanong ni Aurora na namamangha “Dahil dito kana maninirahan sa Mansyon Aurora!” sagot ni Ginoong William.
Hindi makapaniwala ang dalaga sa sinasabi ni Ginoong William.
Nang huminto ang sasakyan agad bumaba si Mimi, Ginang Dona at Ginoong William. Nang oras na iyon ay hinihintay sila ng apat na kasambahay at ng Limang bata, bumaba na si Aurora sa sasakyan na dala ang kanyang bagong mga damit at mga paboritong libro, Lumapit ang mga bata at niyakap ang mag-asawa sa kanilang pag-uwi.
“Mga kapatid ko masaya ako na makita kayong muli!" sambit ni Mimi habang nakatingin si Aurora sa kanila.
“Kung Buhay pa siguro sila Papa ganyan din Ang aking sabik!" bulong ng dalaga.
“Ikaw siguro ang bagong kinupkop ng mag-asawang santos napakapalad mo iha, ako pala si Gina ang isa sa mga kasambahay at katiwala sa Mansyon”.
“Opo! Ako po si Aurora Villiaflores maligaya akong makilala kayo Ginang Gina”
“Kahit Inang Gina nalang ang itawag mo sa akin, ibigay mo na sa akin ang iyong mga gamit, Erika at Tina dalhin niyo na ang mga gamit ni Aurora sa kanyang silid!"
“Aurora sila nga pala ang aming mga anak si Lucas ang matanda sa lahat labing anim na taong gulang, si Florañia labing tatlong taong gulang, si Chelsy labing apat tatlong taong gulang, si Matthew labing limang taong gulang, at John labing tatlong taong gulang” pakilala ng Ginang.
Bumati ang apat bukod kay Lucas “Maligaya kaming lahat sa papagdating mo!” wika ni Florañia sa dalaga.
“Ako rin Aurora maligaya akong makita ka” wika ni John
“Inay at Itay aalis muna ako” ani ni Lucas na walang paki-alam.
“Pagpasensyahan mo na si Lucas mukhang naninibago lang siya sa iyo hindi kasi siya sanay sa mga bisita!” wika ni Ginoong William, maya-maya'y pumasok na sila sa Mansyon ng pamilyang santos, nang makapasok si Aurora ay nabighani ito sa ganda ng loob at labas ng bahay ang mga gamit nila ay galing pa sa Townsville, Australya kung saan ay pinamahagi na ito ng may-ari sa kanila.
“Maligayang pagdating sa iyong bagong tahanan Aurora!” sambit ni Ginoong William, “Talagang dito na ako maninirahan sa bahay niyo?” tanong ng dalaga na hindi makapaniwala sa nakikita at natawa lamang ang mag-asawa at mga bata “Oo naman Aurora dahil kabilang kana sa aming pamilya!”
"Ate Aurora sana maging masaya ka dito sa ating bahay ayaw kana namin bumalik ng Maynila ni Molly” wika ni Mimi na hawak ang manika.
“Oo naman Mimi dahil kayo na ang aking bagong pamilya”
Maya-maya'y pinasyal ng mag-asawa at ni Mimi, John at Florañia si Aurora sa kanyang bagong silid habang si Matthew at Chelsy ay bumalik nalang sa kanilang mga silid. Binuksan ni Ginang Dona ang pintuan ng kanyang bagong silid.
“Hindi ako makapaniwala ang ganda-ganda ng aking silid!” nabighani ang dalaga “pinaayos namin iyan habang nasa biyahe tayo kahapon!"
Ang kanyang silid ay hango sa paborito niyang kulay ang rosas at pinatinkad ito ng mga nakaguhit na bulaklaking ginto sa ding-ding, ang kanyang lalagyan ng mga damit ay napakalaking kulay kayumanggi, ang kama at mga ulan niya ay malambot kung hahawakan ay ulap kung masasalat, ang kumot niyang makapal ay galing pa sa balahibo ng tupa, sa kaliwang bahagi ng kanyang higaan ay mayroong tila tubig na salamin at sa ibaba nito may lamesang puwede niyang pagagamitan sa pag-aaral at pagbabasa, sa kanang bahagi naman ang isang malaking binta na matatanaw ang buong bayan ng Milagros.
“Maraming maraming salamat sa inyo! Ginang Dona at Ginoong William sa tulong na ibinigay niyo akin maraming salamat po!!.” sambit ni Aurora habang umiiyak, niyakap niya ang dalawang mag-asawa.
Habang nagkakasiyahan ay kumatok sa pinto si Inang Gina upang kausapin si Ginoong William “Paumanhin Ginoong William maaari ko ba kayong makausap?” lumabas ng sandali ang dalawa “Nais ko pong sabihin na dumating dito kaninang umaga sa Mansyon si Don Guzman hinahanap kayo ngunit ang sabi ko'y wala kayo! pero ano mang oras ay babalik siya mamaya pagsapit ng dapit hapon” wika ni Inang Gina na nag-aala, “Ano na naman kaya ang balak ni Don Guzman?” tanong niya sa kanyang sarili, tinawag ni Ginoong William si Ginang Dona upang kausapin pinaubaya ni Ginang Dona sa tatlong bata si Aurora.
“Ate Aurora halika sa baba! ipapasyal ka namin sa hardin at bukid!”
“Oo Aurora sigurado akong masisiyahan ka!” wika ni Florañia. Bumaba sila upang pumasyal sa hardin at duon ay nakita ni Aurora ang magagandang bulaklak at sari-saring halaman sa paligid.
“Ang ganda dito sa hardin ang bango-bango ng mga bulaklak” wika ni Aurora habang pinagmamasdan ang paligid. Ang mga bulaklak at halaman sa paligid ay tila sumasayaw sa kumpas at daloy ng hangin ang mga paru-paro ay tila nakabuntot sa mga bulaklak na iniihip ng hangin na nasisinagan ng sikat mula sa araw, sa hardin ng mga Santos ay matatanaw sa ibaba ang napakaganda at malawak na bukirin ng mga Santos.
“Halika Ate Aurora pumunta tayo sa bukid!”
“Sige! ba!” sagot ni Aurora, maya-maya'y pumunta sila sa bukid, Nang makarating sa bukid ay napamangha muli ang dalaga sa kanyang nakita, sari-saring mga gulay at halamang gamot ang kanyang nakikita sa kanang bahagi ng bukid ay ang nagtataasang at higanting taniman ng mais, sa kaliwang bahagi naman ay ang malawak na palayan tila isa itong ginto kung pagmamasdan at pinakikinang ito ng araw na siyang nagpapaganda sa paligid.
"Ang daming tanim dito sa bukid!!” wika ni Aurora
“Oo Aurora dahil isa sa bukid natin ang pinagkukuhan ng bigas at mais sa bayan” “Masagana pala ang bukid dito!”
“Mga bata bakit pala kayo nandito sa bukid” wika ng isang magsasaka.
“Pumasyal lang po Manong Juan, at may bago pala kaming kasama si Aurora” sabi ni John.
“Maligayang pagdating dito sa amin Aurora sana maging masaya ka sa iyong bagong buhay dito sa probinsya!" wika ni Manong Juan na natutuwa “Ako din po Manong Juan” sagot nito, Habang nagkakasiyahan napansin ni Aurora na may isa pang malaking bahay sa bundok na matatanaw mula sa bukid.
“Bahay niyo din ba ang nasa bundok na iyon?” tanong ng dalaga “Hindi Aurora, iyan ang asyenda De Guzman, pagmamay-ari ni Don Guzman at ng kanyang pamilya!”
“Sandali iyon ba ang ilog ng asid na tinutokoy ni Ginang Dona sa baba ng asyenda?”
“Oo iha Iyan ang ilog ng asid na madalas pagkunan ng tubig sa mga pananim, pero sa ilog na iyan isa sa mga anak ni Don Guzman na si Jerico ay natagpuang patay isang taon na ang nakalipas” wika ni Manong Juan
“Bakit siya namatay?”
“Mayroong pumatay sa kanya Aurora pero hindi malaman ng pulisya kung sino ang pumatay, natagpuan lamang siya sa ilog na may tatlong tama ng baril sa dibdib at ulo” sambit ni John.
“Alam mo ba Ate Aurora sikat si kuya Jerico sa paaralan nila” ani ni Mimi “At isa si Jerico sa kinagigiliwan ng mga kababaihan sa tuwing pumapasok siya at dumadating sa sentrong bayan” wika ni Florañia na kinikilig.
“Kawawa naman ang anak ni Don Guzman” wikang pag hihinayang ng dalaga.
“Pero masbuti nayan para kay Don Guzman!!” galit na sambit ni John, “Bakit naman?” “Dahil masama ang ugali ni Don Guzman!! Sakim sa pera at uhaw sa kapangyarihan” sagot nito, “At higit sa lahat ay makasarili si Don Guzman!” sambit ni Florañia
“Binabalak kuhain ni Don Guzman ang lupain ng mga Santos at ari-arian nito, at kagustuhang magtayo ng isang plantasyon!... O! Paano mga bata masyado na napahaba ang ating usapan at dapit hapon na malapit na dumilim kaya't pumasok na kayo sa inyong bahay! Mauna na ako sa inyo!” wika ni Manong Juan sa mga bata.
Hindi na muling nagtanong o kumibo ang dalaga sa kuwento nina John, Florañia, Mimi at Manong Juan muli niyang pinagmasdan ang asyenda De Guzman na may mga katanungan sa kanyang isipan.
“Paalam Manong Juan!!” sigaw ng mga bata.
“Ate Aurora halika pumunta tayo sa bahay ipapakilala kita sa mga kasambahay” sumang-ayon ang dalaga, habang naglalakad pabalik ng bahay ay napansin ni Aurora na may binatang nakahiga sa puno, tinawag ito ni John “Kuya Lucas bumaba ka diyan at dumidilim na!!” sigaw ni John, maya-maya'y bumaba ang binata.
“Bakit ba niyo ako tinawag, natutulog ako sa itaas nakakaabala kayo!” sigaw ng binata, “Kuya Lucas halika samahan natin si Ate Aurora sa pagmamasyal dito sa ating bahay” ani ni Mimi.
“Kayo nalang na lamang wala akong gana at isa pa mag-gagabi na!” sagot ng binata at umalis ng bigla, “Nako ang kuya Lucas talaga” wika ni Florañia
“Bakit tila iba ang mukha ni Lucas parang isang dayuhan?”
“Dahil galing sa ibang bansa si kuya Lucas ang kanyang Ina ay isang Pilipino kaibigan ni Inay Dona at ang tatay niya ay isang Aleman ngunit sa ilang taong pagsasamahan hindi rin nagtagal ay naghiwalay ang kanyang mga magulang kaya napagdesisyonan ng Ina niya na ibigay siya kay Inay Dona!” paliwanag ni John,
“Ang lungkot ng buhay niya wala siyang nakagisnang mga magulang” ani ng dalaga “Hindi lang ikaw Aurora ang nagtatago ng lihim sa nakaraan dahil kami rin ay mayroon”.
Kinuwento ni John kay Aurora ang kanilang mga lihim at maging buhay noong wala pa ang mag-asawang santos.
“Si Mimi ay galing lansangan pagala-gala napulot lamang siya ni Ginoong William habang binabayo ng malakas na bagyo ang bikol, Si Chelsy ay kinupkop ni Ginang Dona galing Bukidnon at niligtas sa mga kamay ng kanyang Ama dahil siya ay biktima ng pang-aabuso, pagmamalupit at panggagahasa ng kanyang sariling Ama, si Matthew ay galing sa isang bahay ampunan sa Mindoro masipag si Matthew sa kanyang pag-aaral kaya kinuha siya ng mag-asawang santos, habang kami ni Florañia ay kinupkop galing sa Laguna na namamalimos sa daan at lasangan, linigtas namin si Ginang Dona sa mga mandurokot at pagkatapos ay kinupkop niya kami” kwento ni John sa dalaga.
Namangha ang dalaga sa kani-kanilang mga kwentong pinagdaanan “Talagang napakabait ni Ginang Dona at Ginoong William! Biyaya sa ating mga kabataan ang mag-asawa!” ani ng dalaga.
Marami pa silang masasayang kuwentuhan ngunit hindi nila napansin ay sumapit na ang dilim, napagpasiyahan na lamang na ipagpatuloy ang kuwento sa loob ng bahay.
Sa kanilang paglalakad ay masayang-masaya ang dalaga sa bago niyang mga kapatid magaan ang loob ni Aurora sa tatlo tila matagal na niyang nakasama ang mga ito ngunit ang totoo'y kakakilala pa lamang niya rito, habang naglalakad ay napahinto sila sa tapat ng bahay, laking gulat ng makita ni Florañia, John at Mimi na mayroong dalawang mamahaling sasakyan ang nakaparada sa tapat ng bahay, kulay puti at kumikinang sa ganda.
Napatakbo ang mga bata papasok sa loob ng bahay sumunod naman ang dalaga sa kanila na nagtataka kung bakit sila tumakbo ng biglaan.
“Sinasabi ko nga ba si Don Guzman” wika ni John, “Ayaw na ayaw ko talagang nandito si Don Guzman” bulong ni Mimi.
Sa kabilang banda, Malalim ang usapan ng mag-asawa at ni Don Guzman “Ano ang sadya mo na naman dito Don Guzman?” tanong ni Ginoong William, “May nagsabi sa amin na pumunta ka na naman dito sa aming tahanan!” sambit ni Ginang Dona, nakaupo lamang ang Don sa sopa at nakatitig sa mag-asawa hanggang sa magsalita ang Don.
Suot ng Don ang pulo na kulay asul at puting sumbrero.
“Bakit hindi nalang kayo pumayag! sa inaalok ko na bilhin ang inyong lupa!?”
“Hindi namin puwedeng ipagbenta o ipamigay ang lupaing ito! dahil sa amin na ito at pamana ng aking Tatay!” sagot ni Ginang Dona
“Kung sa inyo buong lupaing ito bakit wala kayong maipakitang titulo sa akin??” tanong ni Don Guzman.
Tumahimik ang dalawa.
“Kahit bayaran ko kayo ng milyon para umalis lang sa lupaing ito!!” sambit ni Don Guzman “Kahit gaanong kalaki ang iyong inaalok ay hindi kami aalis sa lupaing ito dahil sa amin ito!” sagot ni Ginoong William “Sige hindi ko kayo mapipilit ngayong araw pero sa mga susunod na araw! linggo! buwan at taon muli akong magbabalik!! Para mapaalis kayo sa lupaing ito!" wika ni Don Guzman na may pagbabanta sa dalawa.
Umalis ng kusa si Don Guzman sa bahay ng mga Santos kasama ang iba pa niyang mga tauhan habang papalabas ay saktong napadaan sa harapan nila Aurora ang Don napansin ng dalaga ang mukha ni Don Guzman na parang nakita na niya ito rati, ngunit hindi niya maalala sa mga nagdaang pangyayari sa kanyang buhay.
“Pakiramdam ko'y nakita ko na siya dati! Ngunit hindi ko man lang maalala!” sambit ng dalaga, habang pinagmamasdan ang Don paalis sa lupain ng mga Santos.

Komentar Buku (161)

  • avatar
    SorianoCrissanta

    RECOMMENDED!

    27/03/2022

      0
  • avatar
    Mari Celine

    I want robux

    26d

      0
  • avatar
    Lawrence Acuin

    i love reading this novels

    17/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru