logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 6

Daniel's POV
Mga halos ilang minuto na rin ang lumipas at nagkakatuwaan lang talaga kaming maglalaro pero pakiramdam ko ay naging seryoso na ang larong ito. Balewala lang naman sa akin ang larong ito ngunit parang sineryoso naman ng magkapatid ang larong ito.
Medyo naiilang at na-disappoint ako kasi nakikita ko na ang bait-bait at maayos ang pakikitungo niya sa mga kaibgan kong si Rick, Earl, at John, ngunit sa akin ay hindi. Iba ang kilos nila at ang pakikitungo nila sa akin.
Hinayaan ko na lamang 'yun kasi wala naman akong pakialam. Kung hindi nila ako tanggap, labas na ako don. Basta't maipaglaban ko lang ang mga mahal ko sa buhay at hindi ko susukuan.
Nakakagulat nga sa larong ito at lamang sila nang dalawang puntos. Now I know that magaling nga talaga maglaro ang kambal pagdating sa basketball or is it because sineryoso nga nila ang laro?
"Ang galing niyo naman," puri ko sa kambal ngunit ngumisi lang si Nicole at walang kibo si Jeremy. Masasanay din ako diyan, sige lang.
"Tapusin na natin to!" nang iha-hagis ko na ang bola ay agad akong sinunggaban ng dalawa kaya bumagsak ako sa sahig. Naramdaman kong sumakit ang ankle ko pero hindi ko alam kung saan ko kinukuha ang napakataas na pasensya sa dalawang ito.
"That's a foul, guys!" sigaw ni Kath mula sa inuupuan niya. She's right, foul yon pero hahayaan ko na lang sila. They are just kids, for Pete's sake!
"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Rick at tinulungan ako sa pag-tayo. Pinagpag ko naman ang sa may pwetan ko at pinakiramdaman ang sarili. Hindi maayos ang pagkabagsak ko talaga, ang lakas-lakas ng dalawang 'yun! "Ano? Ayos ka lang?"
"A-ayos lang ako," pagsi-sinungaling ko kasi pakiramdam ko ay medyo napilay at masakit ang bukung-bukong ko.
Patuloy pa din kami sa paglalaro hanggang sa natapos din kami sa paglalaro. Syempre, kami ang nanalo kaya nagsi-alisan na kami sa lugar na 'yon.
Mukha rin namang walang nakapansin na medyo paika-ika akong naglalakad. Walang duda na malakas at halatang sinadya nila iyon. Nakakainis na rin talaga pero hinahayaan ko na lang kasi anong laban ko? Bata pa sila at marami pa silang matutunan.
Hindi ko namalayan nang bigla akong hinawakan ni Kath sa mga braso ko. Hindi ko alam pero nararamdaman ko na naman ang pakiramdam na parang nakukuryente ako sa mga hawak niya. Please, no!
"Ayos ka lang ba talaga? Mukha kasing paika-ika ka kung maglakad," napalingon ako sa kanya at ngumiti. Nahahalata niya pala 'yun pero ayaw ko na malaman niya pa.
Ayokong mag-alala siya sa akin at maguilty dahil sa ginawa ng mga kapatid niya.
"Wala ito, huwag ka mag-alala. May nakapasok kasing mga maliliit na bato kanina nung naglaro ako kaya ganun. Masakit nga pero mamaya ko na aalisin," sabi ko naman at laking pasalamat ko na napaniwala naman siya.
"Sige, tara. Punta tayong V-ross Mart at bili tayong ice cream doon," agad na nauna si Rick sa loob ng Mart kaya sumunod nalang kami papuntang ice cream section.
"Ano sayo, Kath? Ako nalang magbabayad nito."
"Sigurado ka? Kahit ano nalang ang sa'kin," sagot naman niya.
"Talagang ikaw ang magbabayad ng ice cream namin? Kung ganun ay bayaran mo rin itong sa amin," biglang sabi ni Nicole sabay kuha nang ice cream nilang dalawa.
Expected ko naman 'to kaya sumang-ayon nalang ako sa gusto nila. Tumungo na rin kami sa cashier kaya ay kinuha ko na yung pitaka ko ngunit laking gulat ko na hindi ko makapa ang pitaka sa bulsa ko. Agad kong kinuha ang bag ko ngunit wala doon ang pitaka ko.
"Hindi mo ba babayaran ito? Nag-hihintay yung cashier," inip na inip na sambit ni Jeremy.
"Andito lang yung pitaka ko pero nawala e. Teka lang," sabi ko sa kanila at hinahanap pa din ang pitaka ko. Andito lang talaga yon kanina at lalong-lalo na sa bulsa ko. Impossible!
"Ano?! Paano na yan? Sino na magbabayad nito? Ayan kasi eh! Sabihin mo na lang na hindi mo kayang bayaran," sabi ni Nicole at inirapan pa ako. Konti na lang talaga ang pasensya ko pero tiis lang ng tiis!
"Ano ba kayo! Huwag nga kayong bastos sa kanya. Tumahimik na kayo at ako na magbabayad nito," saway ni Kath sa mga kapatid niya at kumuha na ng pera sa bag niya para mabayaran ang mga pinamili, at pati sa akin ay binayad niya.
Nakakahiya talaga sa kanya. Sinabi ko pa naman na ako na yung magbabayad pero nasaan na ba ang letseng pitaka ko? Lumapit naman ako sa kanya at bumulong, "Kath, pasensya ka na talaga ah? Hindi ko mahanap ang pitaka ko. Hahanapin ko nalang muna at para mabayaran ka rin."
Tumingin naman siya sa akin at ngumiti ng malaki sabay hawak sa kamay ko, "Huwag na. Ayos lang yun, 'no. Parang ito lang eh."
"Hindi ko kasi alam saan napunta yun. Laking pera pa naman yung nadala ko."
"Andiyan lang 'yan. Mahahanap mo lang yan. Gusto mong tulungan kita sa paghahanap?"
"Huwag na. Kaya na namin ito. Ayokong mapagod ka pa."
"Ikaw talaga! Sige na, pwede naman akong --"
"Ate!" biglang pagsigaw at pagsingit ni Nicole sa usapan habang dinidilaan ang ice cream na kinain niya, "Hindi pa ba tayo uuwi? Dahil uwing-uwi na kami at pagod na pagod na kami."
"Oo na po! Atat lang?" napairap naman si Kath bago ito tumingin naman sa akin, "As much as I want to spend time with you, mukhang atat na ang mga kasama ko. Paano ba 'yan? Mauuna na kami sainyo."
"No worries, ingat kayo." sabi ko na lang at doon ay naglakad na sila paalis sa harap namin.
Kath's POV
Pagkauwing-uwi namin ay pinagalitan ko kaagad ang kambal dahil hindi ko nagugustuhan ang mga pinaggagawa nila kanina, "Ano ba kayong dalawa?! Napaka-bastos niyo kay Daniel kanina! Sinadya niyo talaga siyang banggain kanina, 'no?"
"Hindi, ah," pagdedepensa naman ni Jeremy na halata namang nagsisinungaling, "Kasalanan niya na humarang siya sa court."
Napansin kong tumingin siya kay Nicole na mukhang nag-uusap sila gamit ng mga mata nilang dalawa. Parang may iba sa kanila ngayon kaya I needed to be alert.
"Pupunta na kami sa kwarto. Pagod na kami eh," bahagya pang tumawa si Nicole paakyat at ngumisi naman si Jeremy habang paakyat din.
I rolled my eyes dahil sa ugali nila ay alam ko na may pinaplano na naman sila kaya kailangang alamin ko kung anong pinanngagawa nila.
Nicole's POV
"Hi! May surprise kami sayo! Nandito ka na rin pala, ate Cams!" masiglang pagsigaw ko at dali-daling umupo sa kama namin.
"Yeah. Ano ba yun?" tanong ni Ate Camille habang nabubusy sa pagpipindot sa cellphone niya.
Agad kong kinuha ang isang pitaka na nasa bulsa ko, "Ayan!"
Parang binagsakan naman ng langit at lupa si Sandra na nakatingin sa hawak ko, "Ano naman gagawin namin sa pitakang yan? Kainin?"
"Hindi lang 'to basta-basta! Pitaka 'to ni Kuya Daniel."
"What?! Talaga? Paano mo nakuha 'yan?" napatanong kaagad si Ate Camille at binalibag ang phone niya kung saan-saan. Agad niyang kinuha ang pitakang hawak ko at tila hindi makapaniwala sa nakikita niya.
"Syempre, palihim kong kinuha. Alangan naman ay nagpapa-bisto ko."
"Anong gagawin natin?" tanong naman ni Raffy.
"Sunugin nalang natin or kunin muna natin ang pera!" sabi naman ni Ate Camille at sumang-ayon kaming lahat.
Kinuha namin ang pera at agad lalabas na sana kami para sunugin ang pitakang iyon nang biglang hinarang ni Ate Kath ang pinto para mapigilan kami.
"Okay then. Ngayon, alam ko na ang plano niyo. Wala kayong susunugin at kukunin sa araw na ito," inagaw niya yung pitaka na galing sa kamay ni Sandra at ang pera na nasa kamay ko, "Pumasok na nga kayo sa kwarto niyo kundi malilintikan kayo sakin."
Takot lang naming mapagalitan ng husto kaya sumunod nalang kami kay ate. Pero sisiguraduhin naming magtagumpay kami sa susunod!
Kath's POV
Napa-buntong hininga ako sabay lakad sa entrance ng gate sa eskwelahan. Hindi ko pa nakikita si Daniel at hindi ko alam kung paano siya haharapin. Natatakot ako kasi baka magalit siya sa akin dahil kinuha ng kambal ang pitaka niya.
Nakita ko si Rick sa may hagdanan malapit sa registration area, "Rick!" tawag ko sa kanya at kaagad naman siyang napatingin sa akin at ngumiti.
"Uy! Hi Kath! Good morning! Maya-maya pa klase natin ah?"
Napakamot naman ako sa ulo ko kahit wala naman akong kuto at napangiti, "Oo e, may ibibigay lang sana ako kay Daniel. Nakikita mo ba siya?"
"Ah oo. Andun siya sa kabilang building sa may gym basketball court," sagot niya naman kaya napatango naman ako at nagpasalamat.
Kaagad na akong umalis at dali-daling tumungo sa may overpass ng school para tumawid sa kabilang building kung saan nandoon ang room ng mga senior high students. Pagpasok ko ng gym ay hindi ko mahanap si Daniel kung saan.
Aalis na sana ako nang nakita ko naman ang kasamahan niyang si John, "Hi! Ikaw si Kath, di ba? Hinahanap mo ba si Daniel?"
Tumango naman ako, "Oo sana e kaso hindi ko siya makita. May ibibigay kasi sana ako."
"Nasa loob siya ng locker room d'yan sa may kanto. Puntahan mo nalang siya," sabi naman niya at umalis na rin bigla.
Dali-dali na akong tumungo doon at sa pagpasok ko ay nakita ko siya na abalang-abala sa paghahanap ng loob ng locker.
Napatikhim naman ako na ikinagulat niya naman. "Kath! Ikaw pala 'yan, halika!"
"Ayos lang. Ah, may hinahanap ka ba?" tanong ko kahit alam ko naman kung ano ang hinahanap niya.
"Oo e," malumanay na sagot niya, "Yung pitaka ko kasi nung Sabado pa 'yun. Nagtataka talaga ako na hindi ko makita talaga. Alam ko na hindi ko rin naiwan o nanakaw 'yun."
Agad kong binuksan ang bag ko at kinuha ko ang hinahanap niya at iniabot, "Eto nga pala."
Napatingin naman siya sa hawak ko at bahagyang nanlaki pa ang mga mata niya sa gulat. Napatingin siya sakin at itinuro, "Nasayo lang pala 'tong pitaka ko? Paano?"
"Kinuha pala kasi ni Jeremy at Nicole nung naglalaro kayo. Pasensya ka na talaga, ah? Nahihiya na nga ako sa'yo e. Talagang may saltik lang sa utak yung dalawa kong kapatid. Sana hindi na maulit 'to."
"Ano ka ba? Ayos lang sa'kin 'yon. Akala ko nga e naiwala ko 'to," sagot niya naman. Binuksan niya naman ang pitaka niya para i-check ang laman, "See? Kumpleto pa naman. Walang nawala."
Napangiti naman ako ng konti nang bigla niya akong inakbayan na siyang ikinagulat ko at tumibok ng malakas ang puso ko, "Halika na at baka ma-late pa tayo sa una nating subject," sabi niya at sabay na kaming naglalakad pabalik sa main building.
Habang naglalakad kami ay panay tingin pa siya sa akin at napapansin ko pa 'yun. "May gusto ka bang sabihin sa'kin?" biglang pagtanong ko sa kanya.
Nakita kong napatingin pa siya at bahagyang namula ang mukha niya na tila nahihiya pa, "Pasensya na," sabi niya at kinamot pa ang batok niya, "May gaganapin kasing party mamaya sa block natin at naiisip ko na isama kita. Ayaw ko sana pumunta pero mas masayang sumama kung kasama kita."
Napangiti naman ako dahil sobra akong na-ku-kyutan sa kanya. Nahahalata kong namumula pa ang mga tenga niya habang isinabi niya sa'kin yon, "Wala namang problema sa'kin. Anong oras ba 'yon?"
"Six p.m."
Nang sinabi niyang six pm ay napasimangot ako. 7 PM pa uuwi si mommy galing work so dapat kong alagaan ang mga kapatid ko, "Sayang naman. Hindi pa kasi makakauwi si mommy. 7 p.m. pa matatapos ang trabaho niya kaya walang mag-aalaga sa mga kapatid ko."
"Ganun ba?" tanong niya at nag-iisip naman siya nang biglang ngumisi ito, "Alam ko na. Sasamahan nalang muna kita sa bahay niyo habang aalagaan mo sila. Makakahintay naman ang mga tao sa party at para narin opisyal na makakapag-paalam ako sa mommy mo."
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya, "Talaga? Ayos lang sa'yo yun? Pero baka naman makakaabala pa ako sa'yo, mga kapatid ko lang naman 'yun/"
"Ayos lang sa'kin yun. Promise! Kapag 'di ka sumama, hindi na rin ako pupunta don."
"Mapilit ka ah?" biro ko at kinurot ko pa ang pisngi niya, "Sige, sasama na ako. Puntahan mo nalang ako mamaya."

Komentar Buku (33)

  • avatar
    Aising

    it's so beautiful Author, each chapter have an excitement part, even it's a short story but it's good highly recommend this story ❤️

    29/08/2022

      0
  • avatar
    Leslyn Cortez

    thanks 👍🏼

    30/06

      0
  • avatar
    AbagaJarimah

    🥰🖤

    17/05

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru