logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 5

Daniel's POV
Kath and I rode on a tricycle together. Once we stopped in Bridge Town, she pointed on a huge house right on the main highway and we went inside their house, "Ito nga pala bahay namin. Pasensya ka na at medyo magulo talaga," napatingin ako sa paligid at ang laki ng bahay nila. Ibang-iba sa disensyo ng mga pangkaraniwang bahay dito sa subdivision na nasa loob ng mismong subdivision.
Pumasok naman kami sa bahay nila. Medyo tahimik pa sa loob at mukhang hindi pa nakauwi ang mga kapatid niya, "Wala pa ba yung mga kapatid mo?"
"Wala pa ata. Maya-maya siguro dadating na yun kasi sinusundo naman sila ni mommy," sabi niya sabay upo siya sa sofa, "Huwag mo ring kalimutan ang mga binilin ko sayo na mag-ingat ka sa kanila."
Napangiti naman ako, "Oo na po. Naalala ko 'yun, don't worry."
Saktong pa-upo na ako sa sofa nila ay 'yun rin ang pagbukas ng front door nila at bumungad din ang limang kapatid niya kasama ang mommy nila.
"Hi, ate! Nakauwi ka na pala," sabi nung isang babae. Napatingin naman siya sa gawi ko at napatingin ulit kay Kath, "Sino na naman siya?"
"Daniel, ito na pala ang mga kapatid ko. Here is Jeremy, Nicole, Sandra at si Rafael," Maya-maya ay may isa rin namang babaeng pumasok sa loob na mukhang kakauwi lang rin, "Also, Camille."
Ngumiti naman sila sa akin at tahimik na tahimik lang, "Ito naman si Daniel, siya ang kinuwento ko sainyo kahapon na tuturuan ko."
Nagsi-tanguan naman sila. Naisipan kong batiin sila, "Hi. Kumusta pala kayo?" Tanong ko at nakipagkamayan pa ako sa kanila.
Namilipit ako sa sakit ng mga kamay ko dahil grabe sila sa pagpisil ng kamay ko. May balak ata silang pilayin itong mga kamay ko. Ang sakit-sakit maka-pisil pero binabalewala ko nalang.
"Nice to meet you, Daniel. Call me Tita Luz," bati naman ng mommy niya at binalingan na naman si Kath, "Maiwan ko muna kayo kasi may pupuntahan pa ako. Mag-iingat kayo rito! Ikaw rin, Daniel. Just feel at home."
"Sige po. Ingat po kayo, Tita."
Napatingin naman siya sa limang kapatid ni Kath, "Kayo rin, mag-iingat kayo habang wala ako. Aalis na ako. Bye!"
Lumabas siya ng bahay at sumakay na siya ng kotse niya bago pinaharurot ang kotse niya paalis.
Tinawag naman ako ni Kath, "Magbibihis lang ako saglit. Huwag ka mag-aalala at sandali lang naman ako. Make yourself at home, okay?" tumango nalang ako at pumanhik na siya papuntang kwarto niya.
Ngayon naman ay medyo ninerbiyos akong kasama ang mga kapatid niya. Naalala ko ba naman ang ginawa sa mga daliri ko at mukhang may balak silang baliin yun.
"Hey, I heard that naglalaro ka daw ng basketball?" pagbabasag ng kapatid ni Kath na si Nicole sa katahimikan. Napa-ayos ako ng upo at kailangan na magpa good-shot ako sa kanila.
"Oo, ako nga ang Team Captain," sagot ko at proud na proud ako pero nagulantang nalang ako nang biglang may naghampas ng bola at natamaan ako sa pisngi ko. Ang lakas pa naman ng pagsalpok nun sa mukha ko
"Oops, sorry!" sabi naman ni Jeremy at naghagikhikan silang lahat. Sinadya nila 'yun, alam ko pero kailangan nating magpakumbaba. Bata lang sila, malaki na ako.
"Ayos lang 'yun. Hindi naman masakit at mag-iingat ka naman sa susunod at baka matamaan mo yung kapatid mong si Rafael," napatigil naman din sila sa pagtawa at nagkatinginan silang lima.
"Oh!" Nagulat ako nuang sumigaw bigla si Camille na parang may naalala at saktong bumaba na si Kath 'nun galing sa itaas, "May naalala ako! Mukhang nakita kita kahapon nung pasakay ako ng bus papunta sa school. Kitang-kita ko kung paano mo sulyapan si ate Kath."
Medyo napanganga ako nun at napatingin kay Camille, "A-ako? Baka hindi naman ako 'yun," nauutal kong sambit.
Hindi ko aakalain na nakita pala ako ng kapatid ni Kath at ngayon mabubuking pa ako nito. Iisipin pa ni Kath na stalker niya ako.
"Hay naku! Pinagloloko niyo na naman si Kuya Daniel n'yo. Tara na nga kayo at magbihis na kayo at mag-aral sa kwarto niyo," tawag ni Kath sa kanila at mabuti naman na sumunod sila sa ate nila at kaagad at pumasok sa kanya-kanyang kwarto.
Kath's POV
"Pasensya ka na talaga. Sabi ko naman kasi sayo eh, masakit talaga sila sa ulo at nakaka-istress," sabi ko sa kanya habang inaayos ang mga gamit namin.
"Ayos lang," Sabi niya naman pero namumula pa din siya. Nagtataka na nga ako eh pero hinayaan ko nalang 'yun. Baka naman at naiilang lang siya.
"Pinagloloko ka lang ni Camille, hayaan mo na," napatingin ako sa kanya at nakita kong mas namumula siya at natatahimik na mukhang kinakabahan.
Naisip ko tuloy kung totoo ang sinabi ni Camille kasi it makes sense that nanahimik siya. I mean, imposible din namang gawa-gawa lang niya 'yun kasi pakiramdan ko ay detalyadong-detalyado ang sinabi niya.
"Kain nalang muna tayo bago tayo magsimula sa pagtuturo."
Tumayo ako at tumungo sa hapag-kainan. Sumunod naman siya kaya nakain na kami ng maayos lalong-lalo na wala ang mga kapatid ko.
Nasa kalagitnaan kami nang pagtuturo ay napatanong ako sa kanya, "Kumusta naman 'yung pakikipagkilala sa mga kapatid ko?" Tanong ko.
Hindi rin naman ako umaasang maganda ang masasabi niya tutal nasanay na din akong puro masasama ang nasasabi nila sa mga kapatid ko.
"Maayos naman sila at mababait din. Siguro nga lang ay kailangan na mas kikilalanin ko sila."
"Talaga? Seryoso ka d'yan?" tanong ko, "Alam mo kasi, sobrang bago yan! Kahit nga bagong kapit-bahay namin ay napatakbo pauwi nang nakita niya ang mga kapatid ko."
"Huwag ka mag-alala, Kath. Hindi ako kagaya niya o kahit sino pa mang lalaki d'yan," Ngumiti siya sa akin at ngumiti naman ako pabalik.
Camille's POV
Hindi nila namalayan na nasa tabi lamang ako at binabantayan si ate Kath at ang lalaking kasama niya.
Sinamaan ko pa siya ng tingin kahit na alam kong hindi niya ako makikita dito sa pwesto ko.
Alam ko naman na crush ni ate si Kuya Daniel pero syempre malakas radar namin kaya nararamdaman naming lahat na mahuhulog at mahuhulog siya sakanya.
Mukhang hinahanap na talaga ni ate ang lalaking itinakda para sa kanya at sisiguraduhin naming magkakapatid na masisira ang pagkakaibigan nilang dalawa.
Bumalik ako sa kwarto kung nasaan ang ibang kapatid ko at nagsagawa ng bagong plano.
Kath's POV
It's finally Saturday at kakagising ko lang. Nag-stretching muna ako bago bumaba ng kama ko. Inayos ko 'yun and I realize that I needed time to unwind.
Lumabas ako ng kwarto at naabutan kong nag-aalmusal na si Jeremy sa hapag-kainan. Agad niya naman akong napansin kaya bumati ito sa akin, "Good mornin, ate! Kain ka na muna ng breakfast."
"Sige. Oh, tutal Sabado naman ngayon, baka gusto mong pumasyal ngayon kasama ang mga kapatid mo?"
Nagliwanag naman ang mga mata niya at napatalon sa tuwa, "Sige, ate! Pwede ba tayong pumasyal mamaya sa clubhouse at maglalaro kami dun ng basketball? May mini-court kasi doon."
Napaisip naman ako at tumango. Naalala ko nga na may clubhouse mismo doon sa loob ng subdivision, "Okay, sige. Aalis tayo pagkatapos nating kumain. Exercise na rin natin iyon na maglalakad lang para naman ay matunaw din yung foods," sabi ko sa kanya. Napalinga naman ako sa buong bahay at napansin ko na napakatahimik ng paligid, "Teka, nasaan ba yung iba? Bakit hindi ko sila napapansin?"
"Si mommy kasi ay pumasok na sa trabaho niya kanina. Siya na rin ang nagluto nito at about ate Camille, nagpaalam siya kay mommy na gumala kasama ang mga new friends niya. Si Raffy at si Sandra naman ay tulog pa," sabi niya. Napatango naman lang ako dahil mahirap nga ang gisingin si Raffy at Sandra lalo na kapag Sabado. Kahit may lakad pa 'yan, mas gugustuhin nilang sa bahay lang at matulong magdamag. "Si Nicole, walang problema naman sa kanya 'yun. Tutal, siya lang naman ang kakambal kong hilig ang mga gusto ko."
"Sige, tanungin nalang natin si Nicole kung sasama siya atin."
"Sasama saan po?" biglang pagsalita ni Nicole na galing sa itaas at agad na bumaba upang saluhan kami sa pagkain, "Saan pala kayo pupunta?"
"Pupunta tayong clubhouse pagkatapos kumain at mag-basketball doon," pag-aaya ni Jeremy sa kakambal niyang si Nicole.
"Sige ba! Gusto ko 'yan!" masayang sambit si Nicole at agad na umupo sa hapagkainan. I lead a prayer first bago kami kumaing tatlo.
Nang matapos na kaming mag-almusal ay inayos muna namin ang mesa at ang pinagkakainan namin bago kami magbihis at lumabas ng bahay.
Pumasok kami sa loob mismo ng subdivision kung saan ay tanaw na tanaw na kaagad ang clubhouse at mini-court. The court is covered kaya hindi masyadong mainit.
"Mukhang sineswerte kayo at walang masyadong naglalaro ngayon dito," sabi ko sa kanilang dalawa habang naglalakad patungo doon.
Nang mapalapit na kami ay nakikita kong may naglalaro pala ng basketball. Akala ko ay walang naglalaro kaya naisipan ko na tumalikod na lang para umuwi.
"Uy, naglalaro pala si Kuya Daniel oh!" biglang pagsambit ni Nicole kay Jeremy at kitang-kita na tinignan nga nila iyon kaya napahinto ako at napaharap sa court kung saan nakikita ko ang mga manlalaro.
"Oo, siya nga 'yun. Anong ginagawa niya dito?"
Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng tuwa at masayang-masaya akong nakikita siya dito sa clubhouse ng mismong subdivision namin.
Napatingin ako sa relo ko at napagtantong quarter to eight palang ng umaga. Paanong nandito siya ngayon? Nagtataka ako pero naisip ko na rin na baka ay may kakilala siyang dito nakatira.
"Tara na! Maglalaro kayo, di ba?" hindi nako nagpa-tumpikpik pa at kaagad na hinila ang mga kamay nila patungo sa direksyon nila Daniel at ng mga kaibigan niya.
"Daniel!!" masayang pagtawag ko sa kanya. Kita kong agad siyang napalingon naman siya at napangiti nang makita ako. Kakaway sana siya nang biglang tinamaan ng bola ang kanyang noo.
"Aray!" sigaw niya at kaagad akong tumakbo papalapit sa kanya at hinakawan siya sa mga kamay niya. Hindi ko alam pero may ibang nararamdaman ako nang hinawakan ko ang mga iyon.
"Ayos ka lang ba? Pasensya na at tinawag pa kita. Naglalaro pala kayo," paghihingi ko ng depensa. Nahiya na tuloy ako dahil sa akin ay natamaan tuloy siya ng bola sa ulo niya.
"Ayos lang ako 'no," sabi niya at ngumiti sa akin habang hawak-hawak ang ulo niyang tinamaan.
"Bakit ka pala andito?" tanong ko sa kanya, "Hindi ka naman siguro taga rito, hindi ba?"
"Hindi. Gumagala lang ako dito at tuwing Sabado ay dito ako pumupunta. Dito rin kasi nakatira ang kaibigan kong si Earl, isa din siya sa basketball team ng school," sabi niya kaya napatango na rin ako.
Tumakbo naman palapit sa amin ang mga barkada niya na sina Rick at may dalawa pa silang kasama na kasali sa basketball team. That's why they seemed so familiar dahil na rin ay nakita ko na sila sa mga tarpaulin and kasama siya ni Daniel minsan kapag nasa gym or court sila ng school.
"Hi Kath! Ikaw pala 'yan!" bati ni Rick sa akin at kaagad na hinila ang dalawang lalaking kasapi ng Basketball Team. "Ito nga pala si Earl, at ito namang isa ay si John," pagpapa-kilala ni Rick sa kanilang dalawa, "I see na may kasama ka rin pala."
Hinila ko naman palapit ang kambal at ipinakilala ito, "Yeah, they are my twin-siblings. This is Nicole and Jeremy. Biglaan nga ang pagdating namin tutal ay Sabado naman and they want to play basketball."
"Talaga? Sige, laro tayo! Team kami ni Daniel tapos kalaban ko kayong magkapatid at si Earl ang ka-team niyo?" pagmu-mungkahi ni Rick sa kanilang dalawa. Hindi ko na maiintindihan ang mga sinasabi nila basta about basketball, pero medyo marunong naman ako konti.
"Game!" sagot nilang lahat at napangiwi naman yung John.
"Daya niyo naman. Ano 'yun? Kayo lang ba maglalaro? Paano naman ako dito? " nagtatampong tanong ni John sa kanila.
"Ang hina-hina mo kasi at lampa! Samahan mo nalang kaya si Kath d'yan at maupo ka nalang doon," pang-aasar ni Rick at pumunta na rin kami sa may gilid ng court kung saan ay mga bench at upuan.
"Grabe kayo sa'kin! Sige na nga at uupo nalang ako. Nagtatampo na talaga ako sa inyo e! Hmp!" gaya nga ng sinabi niya ay umupo nga talaga siya sa tabi ko na nakasimangot pa rin.
"Matatalo ka namin, Daniel!" sigaw ni Jeremy na mukhang walang ka-respeto-respeto.
"Jeremy! Ano ka ba? Mag kuya ka sa kanya, nakakatanda siya kaysa sayo," sinaway ko siya pero hindi naman ako pinansin ng magaling kong kapatid.
"Ayos lang yun, Kath. Sanay naman ako e," pagdedepensa naman ni Daniel kaya hinayaan ko na lamang sila at nanonood nalang ako nang magsimula na silang maglaro.

Komentar Buku (33)

  • avatar
    Aising

    it's so beautiful Author, each chapter have an excitement part, even it's a short story but it's good highly recommend this story ❤️

    29/08/2022

      0
  • avatar
    Leslyn Cortez

    thanks 👍🏼

    30/06

      0
  • avatar
    AbagaJarimah

    🥰🖤

    17/05

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru