logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 4

Kath's POV
While we're walking, I can really sense the people staring. Alam kong kaming dalawa talaga ang pinag-uusapan ng iba at pansin ko rin ang sama-sama ng mga titig ng mga babaeng magaganda at seksi.
Hindi na ako naging komportable kaya napalingon na talaga ako kay Daniel, "Daniel? Matanong ko lang. Bakit nila tayo pinagtitignan? Lalo na ng mga babaeng yun?" tanong ko kay Daniel subalit ang tanging naisagot niya lang sa akin ay masanay na raw ako lalong-lalo na kung kasama ko.
Naguluhan pa nga ako pero agad ko ring naiintiindihan nang may nakita akong isang tarpaulin na sila'y mga kasapi nang basketball team at parang modelo pa ata siya sa school.
"Basketball player ka pala."
Napakamot siya sa batok niya, "Oh, yeah. Kahit college na ako ay kasali pa rin ako and I am the Team Captain."
Tumango naman ako sa sinabi. Sikat pala siya sa school nito kasi bukod sa gwapo na nga eh basketball player pa.
Hindi lang yun! Team Captain pa!
"Kaya pala ang sama ng tingin nung mga babae kanina. Baka naman e bigla akong sugurin ng mga fans mo, lalong-lalo na sa girlfriend mo."
"Wala akong girlfriend and never pa ako nagka girlfriend."
Napalingon naman ako sa kanya at napahanga. May ganun pa ba ngayon? "Bakit naman wala? Hindi mo ba type ang mga babae dito? Ano pala type mo sa isang babae?"
"Type ko? Siguro, simpleng babae lang at 'yung hindi maarte. Humble pa, maalaga, at nakakaunawa ng sitwasyon. Ayoko rin yung mas matangkad pa yung babae kaysa sa akin," Wika niya.
"Ayaw mo ng mas matangkad? Bakit, may bad experience ka ba dun?" napatawa naman siya sa tanong ko pero nag-kwento rin naman kaagad.
"Yes. May isang babaeng nagkagusto sa akin noon. Syempre, kahit babae ngayong henerasyon ay nanliligaw na kaya niyaya niya akong mag-date kaming dalawa," pagke-kwento niya, "Kinilabutan talaga ako non kasi hindi naman gawain ng babae amg mga ganung panliligaw or move. Mas natakot nga lang ako kasi hindi ko man lang siya maabot sa sobrang tangkad. Siguro nga magtitiyakad pa ako para lang maabot siya."
"Grabe! Wala pa akong nakitang ganung klaseng babae na sobrang tangkad!"
"Ako nga rin eh and now, hindi ko na alam kung nasaan na siya. Siguro nga ang height niya is nasa mga 6'2 eh ako mga 5'11 lang," napatingin naman siya sa akin, "Ikaw ba?"
"5'4 lang ako. Ang tangkad-tangkad mo kaya," sagot ko pero umiling lamang siya.
"Hindi yan. Ang ibig kong sabihin kung ano ang type mo sa lalaki?"
"Oh, pasensya na," I apologized and thought, "Hmm, para sa akin ay type ko yung mabait na lalaki, gentleman, at mas importante sa akin ay yung tanggap ang pamilya ko."
Naalala ko na naman ang mga naging manliligaw ko dati na hinding-hindi natatanggap ang mga kapatid ko na kung saan ay pamilya ko din sila.
"Tanggapin ang pamilya mo? Hindi naman siguro mahirap gawin yun," sabi niya.
Medyo namumula ako nun kasi pakiramdam ko ay may gusto siya sa akin pero huwag tayong assuming.
Kakakilala lang namin ngunit may napanood na din akong pelikula na isang linggo lang nagkakilala ay nagmamahalan na hanggang sa pinatunayan na may forever.
Tiningnan ko naman siya, "Hindi naman ibig sabihin na yung buong pamilya ko. Sabihin lang natin na may mga kapatid ako. Palagi kong pinapasok sa kokote ko 'to na they are the sweetest things God gave me but sometimes they may be my worst nightmare. "
Nung sinabi ko yun ay tumawa lamang siya, "Alam mo, sana nga makilala ko yang mga kapatid mo. Nag-iisa lang kasi ako kaya minsan naiinggit ako sa mga taong may kapatid. May kalaro sila at baka naman magkakasundo kami niyang mga kapatid mo."
"Naku, mag-iingat ka nga lang sa kanila. Allergic sa boys ang mga 'yun."
"Syempre, hindi mawawala ang ingat na yan!"
May sasabihin pa sana ako nang may tumawag nang pangalan niya, "DANIEL!"
Isang lalaki ang biglang lumapit at niyakap siya nang mahigpit.
Moreno siya at yung buhok ay medyo makapal-kapal na mukhang walang balak magpagupit at mukhang bestfriend niya ito pero hindi ko nga lang kilala, "Ang aga mo ngayon, ah? Anong nakain mo? Hindi ka naman maaga kasi malamang naman kakain kapa ng breakfast. Teka nga, kumain ka na ba?"
"Ang ingay ingay mo, Rick! Nakakahiya sa transferee oh. Magpakilala ka nga," saway ni Daniel sa kaibigan niya at hinila niya ako, "Si Kathryn Silvenia nga pala and kaklase natin siya sa buong subjects. Bago lang siya dito sa school kaya wala pa siyang masyadong friends."
"Ay, hello! Ako nga pala si Frederick San Juan! Rick nalang tawag mo sa akin," nakipag-kamayan pa siya sa akin. Nadama kong palabiro ito at walang problema sa buhay.
"Andito lang pala kayo at may kasama pala kayong bago," pagsusulpot nang isang babaeng morena din na kulot ang buhok, "Hi! Ako nga pala si Jessiah at ako ang nag-iisang girlfriend ni Rick. Jess nalang tawag mo sakin ah ayoko nung full name ko eh."
Napangiti naman ako sa kanya, "Ako naman si Kathryn Silvenia, kahit Kath nalang tawag niyo sa akin. Nice to meet you, pala."
Pagkatapos kong magsalita ay may lumapit na namang isang magandang babae. Halatang-halata sa kanya na mayaman siya dahil sa asta at pananamit niya. May hawak siyang iPhone and latest pa ito kaya malamang mayaman ito, "Nalibot ko na yung buong lugar andito lang pala kayong lahat."
"Andito na pala ang prinsesa natin!" sigaw ni Rio at yumuko pa siya na parang isang tunay na prinsesa itong babaeng ito.
"Tigilan mo nga ako, Rick! Nakakainis ka na talaga," inis na inis na sambit ng babae at nilingon ako niya pa ako bago ngumiti, "May new friend pala tayo dito. Hey, I'm Princess. It's nice meeting you,"
Ngumiti naman ako at nagpapakilala na din sa kanya. Ang dami-dami din pala nila sa grupo pero nakakatuwa naman talaga at sobrang saya at mababait pa talaga.
Maya-maya lang ay umalis na kami at pumasok na sa room namin. Maayos namang ang naging takbo ng araw na ito.
May nakikilala ako lalong-lalo na si Daniel Elizalde at ang mga kaibigan niya. Madami pa ding ibang tao na mababait at may iba ding hindi dahil rich kid nga ayaw makisalamuha sa iba, in short ay maarte and may class.
Ito na ang huling subject sa araw na ito at Intermediate Accounting 3 ang naging subject namin. May activity pa ngang binigay ang teacher namin at para sa akin ay madali lamang ito dahil naiintindihan ko naman ang leksiyon na itinuro niya.
"Hirap naman," napalingon ako sa katabi kong si Daniel na biglang nagsasalita na lamang habang titig na titig sa papel niya na wala man lang sulat.
Bahagya pa akong napatawa kasi mukha na siyang timang na nakatitig sa papel niyang puro yellow lang at wala pa siyang nasulat maski pangalan niya man lang.
Napansin niya naman ako kaya kumunot ang noo niya, "Bakit ka tumatawa diyan? Nahihirapan na nga kami dito, malamang naghihirap ka din d'yan."
"Hindi naman mahirap. Mukha kang ano d'yan kasi. Tingnan mo oh, wala ka pang sagot maski isa," sabi ko kay Daniel at namumula naman ang mga tenga niya dahil sa kahihiyan.
"Ang hirap kasi nito eh. Hindi namin makuha-kuha."
"Ang dali-dali lang kaya n'yan. Patapos na nga ako dito eh tapos wala kapang sagot."
Tila hindi siya kumbinsido at napakunot ang noo niya, "Sige nga patingin ng papel mo kung patapos ka na."
Binigay ko sa kanya ang papel ko at tiningnan niya iyon nang lumaki ang mga mata niya sa gulat, "Oh shit! Paano mo nasagot?! Ang hirap kaya nito!" biglang pagsigaw ni Daniel kaya nabulabog sa pag-iisip ang mga kaklase namin at kaagad na napansin siya ng instructor namin.
"Mr. Elizalde! Bakit ka sumisigaw?! Tapos ka na ba sumagot d'yan?"
"Wala po 'yun, Maam. Pasensya na po at nagulat lang," nag peace sign pa siya at tumunganga na naman sa papel niya.
Tinuruan ko na lamang siya at nakuha niya din ang sagot. Sa ibang numero ay pinakopya ko na lamang siya dahil malapit na ang uwian.
Pagkatapos na pagkatapos ay umalis na kami nang room at sabay pa kami ni Daniel, "Akalain mo, nasagot mo yun? Para sa akin ay ang hirap-hirap talaga."
"Ang dali-dali nga lang nun eh. Hindi ka kasi nakikinig sa lesson kanina."
"Para sayo ay madali lang and lesson pero para sa amin naman, sobrang hirap. Kahit anong pakikinig ko ay wala talaga akong maisasagot at walang pumapasok sa isipan ko. Pwede mo ba akong turuan? Kahit i-tutor mo nalang ako?"
Natigilan ako nun at napaisip, "Pwede naman pero ang problema nga lang ay hindi ako pwede."
"Bakit naman hindi? Promise ko sa'yo, hindi ako stalker at kahit ngayon lang tayo nagkakakilala ay mabuti naman akong tao. Pero sabagay naman, di ba? Sa panahon ngayon, napakahirap ng magtiwala kaya ayos lang kung ayaw mo kasi nga hindi mo pa ako nakilala ng masyado --"
Bago n'ya ituloy yung sasabihin niya ay nilapat ko ang hintuturo ko sa labi niya na dahilan na parang may kuryenteng dumaloy sa sistema ko.
"H-Hindi naman sa ganon," tinanggal ko na yung hintuturo ko doon kasi kinilabutan ako sa kuryenteng dumaloy. Nung naalis ko naman ay nawala naman din kaagad, "Kaya lang kasi, may trabaho yung mommy ko at ako lang ang mag-aalaga sa kanila lahat," paliwanag ko.
Siya naman ay mukhang nag-iisip, "May naisip ako. Paano kung doon tayo sa bahay niyo mag-aral? Kahit ganon, ma-aalagaan mo pa rin ang mga kapatid mo."
Oo nga 'no? Ba't di ko naisip yun? Hindi ko naman pinapagana ang utak ko.
"Oo nga 'no? Kung ayos lang sayo basta mag-iingat ka lang talaga lalong-lalo na sa kapilyuhan ng mga kapatid ko."
"Oo, mag-iingat naman ako. Kailan tayo magsimula ba?"
"Ikaw. Basta yung oras na libre ka."
"Wala naman akong ibang ginagawa eh. Libre naman ako always."
"Bukas? Okay lang ba sa'yo?" tanong ko at tumango naman siya, "Sige. Bukas ulit ah. Bye Daniel!" Lumabas na ako ng school at naghihintay na lang na may dumaang bus.
Maya-maya lang ay may dumaan na rin kaya sumakay na rin ako sa bus. Nung nakababa na ako ay tumungo na rin ako sa bahay namin at binuksan ang gate.
Hindi ko namlayan na hanggang sa pagpasok ko papuntang sala ay nakangiti pala ako habang naalala ko na naman si Daniel Elizalde.
Sa katunayan nga ay madali lang akong mag-ka crush sa isang tao at madali lang akong ma-fall kung pa-fall naman yung tao.
Hindi ko din naman namalayan na nasa sala pala ang mga kapatid ko at mukhang kanina pa ako pinagtitignan ng mga ito.
"Ay nakauwi na pala kayo," sabi ko na lamang at inayos ang sarili ko.
"Opo, sinundo na kami ni mommy kanina," sabi ni Jeremy at mukhang nagtataka pa ang itsura, "Anong nangyari sa'yo, ate? Bakit ka nakangiti mag-isa diyan?"
"Wala naman. Ikaw talaga."
"Paniguradong lalaki na naman 'yang iniisip ni, Ate." matabang na sambit ni Sandra na nanonood ng telebisyon.
"Hindi naman. May bago na kasi akong mga kaibigan. Sila Rick, Jess, at Princess. Pati na rin pala si Daniel at alam niyo ba na isa pala siyang Team Captain ng basketball team? At sobrang bait pa niya talaga."
Walang katapusang pagkwento ko sa nangyari sa araw na ito lalong-lalo na si Daniel. Inaamin ko na crush ko siya pero nangako naman ako sa sarili ko na kung siya na talaga ay siya na.
Daniel's POV
Mabilis na ang panahon at kinabukasan ay pumasok na naman kami at nakita ko na naman si Kath. Ang weird lang talaga ng pakiramdam ko lalong-lalo na nung hinawakan ni Kath ang labi ko ay parang may kuryenteng dumaloy sa sistema ko.
Inaamin ko naman na crush ko talaga siya 'nung unang kita ko palang sa kanya ay nagagandahan na ako sa kanya at mas lalong nagustuhan ko siya nang mas nakilala ko siya.
Ngayon ay natapos na ang klase at sumabay na ako kay Kath dahil magpapaturo nga ako sa Intermediate Accounting 3 kahit na alam ko na madali lang talaga 'yun.
Top notcher ako sa school at paraan ko lang ito para mas makilala ko pa siya ng husto. Hindi ako titigil, kahit sabi pa niya na mahirap pakisamahan ang mga kapatid niya.

Komentar Buku (33)

  • avatar
    Aising

    it's so beautiful Author, each chapter have an excitement part, even it's a short story but it's good highly recommend this story ❤️

    29/08/2022

      0
  • avatar
    Leslyn Cortez

    thanks 👍🏼

    30/06

      0
  • avatar
    AbagaJarimah

    🥰🖤

    17/05

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru