logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 2

Kath's POV
I am here waiting for them by the living room when I heard suddenly shouted. I was scared to hear that it was James' voice!
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at kaagad na tumakbo patungo sa kusina. "Ano ba 'yun?! Ano na naman bang ginagawa niyo?!" I can't help to shout and yell at them nang nakita kong nag-aabang sila sa may banyo. Panigurado ako na may kinalaman na naman sila dito!
"Wala 'yun. Si Kuya James lang nasa loob ng banyo," sagot ng bunso naming si Rafael na parang walang nangyari at walang pakialam.
Ano na naman ba ang ginagawa nila ngayon?! "Ano na naman ba ang pinanggagawa niyo?!" sigaw ko at agad silang pinalabas sa kusina at tumungo ako sa may banyo para palabasin si James.
"James? Ano nangyari? Wala na ang mga kapatid ko, pwede ka ng lumabas d'yan," I called but he didn't answer.
Kinakabahan ako dahil hindi ko na alam kung ano ang ginagawa nila at nakakahiya na talaga. Maya-maya ay naisipan na niyang lumabas. I was about to say something nang napako ang mga titig ko sa buhok niya.
"OH GOD —!"
Nanlalaki ang mga mata ko nang nakita ko ang kabuuan ng buhok niya. I felt so sorry and ashamed of myself because of what my siblings did.
Naawa ako sa kanya nang nakita ko ang nalulumbay niyang mga mata, "I guess I have to go," he softly said at bahagyang niyuko pa ang ulo niya.
"James, I am so sorry! Sabi ko na nga ba eh na may masama talagang mangyayari ngayon. really sorry sa ginawa ng mga kapatid ko."
"Don't be sorry, Kath. Wala kang kasalanan," sabi niya ngunit masama ang titig niya sa mga kapatid ko. Hindi ko nga kasalanan pero kasalanan ko pa rin iyon dahil mga kapatid ko sila.
"Please, can we talk tomorrow?" he nodded, "I'm really sorry. Tara, ihatid na muna kita sa labas."
We walked together outside at hinatid ko siya palabas ng gate namin. I made sure that nakaalis na talaga siya before I turn around to go inside the house. Hinintay ko talaga ang tamang tyempo nang pumasok ako.
"KAYONG LAHAT! HALIKAYO AT MAUPO KAYONG LAHAT DITO! NGAYON DIN, MGA GUNGGONG!"
Galit na galit ako dahil sa panibagong ginagawa na naman nila sa isang inosenteng tao! Mabuti at naupo rin silang lahat
"Wala kaming kasalanan," pabulong na pagsambit ni Rafael.
Napatingin naman ako sa kanya at nilapitan ko siya, "Talaga?! Wala kang kasalanan?! Wala kayong kasalanan?! Sana inahit niyo nalang lahat buhok niya, di ba?! Pakiusap lang, huwag niyo na ring ikwento kung paano niyo nagawa yun. Alam ko naman si Sandra gumawa 'non e," nang sinabi ko iyon ay napayuko naman silang lahat.
Nakakainis kasi sumusobra na sila! Mahal ko sila pero kailangan din sana nilang matuto about dito. Hindi ko nga lang alam kung papano.
"Medyo bumagay naman sa kanya yung new look niya," napatingin ako sa nagsabi nun sabay laki ng mga mata ko.
"Bagay sa kanya 'yun?! Talaga, Jer?! May patawa-tawa ka pa d'yan. Sige nga, Sandra! Kunin mo yung shave na ginamit mo at tingnan ko kung babagay rin sa'yo!" agad ring nataranta si Jeremy kaya nag-sorry din sa akin.
"We're sorry, ate Kath."
"Oh, bakit kayo sa akin nagso-sorry? Bakit? May kasalanan ba kayo sa akin?! Hindi ba kay James kayo may atraso?" tanong ko at naalala ko na naman yung walong lalaking nabiktima rin nila na nanliligaw rin sa akin, "Kahit nga doon sa dati kong mga naging manliligaw na biniktima niyo."
"Ate naman kasi, ilang beses na namin sinabi ito. Hindi mo na kailangan ng boyfriend kasi andito naman kaming mga kapatid mo. Sweet pa kami at mahal ka talaga namin. Hindi ka namin sasaktan katulad nila, lalong-lalo na sa first love mo. Ayaw lang namin na maulit ang nangyare dahil pakiramdam namin 'non ay nawalan kami ng ate."
Napatingin naman ako kay Camille. She is right, they are sweet talaga at maalahanin.
Minsan na din kasi akong nasaktan noong first boyfriend ko. Hindi maganda yung naging dulot ng relasyon namin dati kaya minsan naiintindihan ko sila kung bakit nila ako pinoprotektahan. I neglected them for months because I was hurt before.
I looked at them all and smiled, "I know that nag-aalala pa din kayo sakin dahil sa nangyari noon pero past is past. Minsan ay may sariling desisyon na ako kaya sana ay respetuhin niyo man lang ang nararamdaman ko. Pagbibigyan ko muna kayo ngayon pero sana sa oras na totoong mahulog na nga ako at mahal na mahal ko ang lalaking iyon, sana ay magbabago kayo."
Napayuko naman sila nung narinig na 'yun kasi alam kong mahirap gawin yung gusto ko lalong-lalo na kung nakasanayan nila. Alam ko na sarado pa ang isipan nila sa ganito pero sana maging maayos ang lahat at lalong-lalo na kung alam ko sa sarili ko na siya na talaga ang para sa akin.
Ang tanong, paano ko malalaman iyon? What if pala, biglang ayaw niya sa pamilya ko at lalong-lalo na sa mga kapatid ko?
Biglang bumukas ang pinto at iniluwal doon si mommy na kakauwi pa lang galing trabaho, "Hi everyone! So. hindi ba ngayon mo ba ipapakilala 'yung manliligaw mo?" mom asked me but soon she looked over my sisters sitting on the couch, alam na niya, "May nangyari na naman ba dito?" napailing na lamang siya at nag-kibit balikat na lamang ako.
"Yeah, at nakakahiya na talaga," I said and went over her to hug her, "Mom, kailan kaya titigil itong mga bubwit na 'to? Nakakapagod na!"
She smiled and caressed my hair, "Darating din ang panahon na matatanggap din nila na balang araw ay magkaka-boyfriend ka na. Alam mo, parang gawin mo nalang itong isang hamon sa buhay mo. Kung pasado sa mga kapatid mo ang maging manliligaw or boyfriend mo in the future, siya na ang itinatakda para sayo."
"Yeah. Thank you, mom!"
"Oo nga pala, bago ko makalimutan ay may sasabihin ako sa inyong lahat," she and as if as she is so nervous to break the news. Nagkatinginan kaming magkakapatid at kahit sila ay wala ring alam.
"Ano pala 'yun, mom? Is that important?" I ask her.
"I know that I promised that this will be our permanent house," as she said that, alam na namin ang kasunod n'yan, "I'm sorry, but lilipat na naman tayo."
"Akala ko pa naman dito na talaga tayo titira,"
Eto kasi yung ayaw ko kaya minsan wala akong permanenteng kaibigan dahil sa palipat-lipat kami ng lugar. Minsan nga naisip ko pwedeng-pwede na akong maging si Dora the Explorer dahil buong Pilipinas ay nasakop na namin.
Ipinanganak ako sa Taguig City, not until that lumipat kami Pampanga, Ilocos, Bulacan, Bohol, Ilo-ilo, at kasalukuyang nakatira sa Cebu. Nakakapagod na 'yung palipat-lipat kami at nakakahilong lumipat-lipat. Wala kaming permanenteng mga kaibigan o mga gamit sa bahay. Ngayon kaya, saan na naman kami nito?
"I'm sorry, Kath. Ang kompanya kasi na pinapasukan ko eh pinalipat ako ng lugar and I am assigned permantently in Mindanao in Agusan del Norte, Butuan."
"Mom, I understand. Trabaho naman yan eh and I am sure that makaka-adjust naman siguro kami at masasanay din naman."
"Thank you, Anak," she spread her arms wide open so the six of us hugged her.
Byuda na si mommy dahil noong two years old palang si Raffy ay nagkasakit ang daddy namin and sadly, God took him away from us. That was quite devastating at sumambay na 'non na hiniwalayan ako ng first boyfriend ko.
I was just in grade 9 back then but it hurts a lot. I neglected my siblings which I know that they needed me the most dahil they just lost the man in their life — our man which is our dad.
"Nagugutom ako, may pagkain pa ba sa kusina?" I just nodded.
Pumasok si mommy sa kusina at naupo ako sa sala para manood sana ng telebisyon nang biglang tinawag kami ni mommy mula sa kusina, "Kanino itong mga buhok na nasa basurahan?!"
Napatakbo naman ang mga kapatid ko papasok sa kanya-kanyang kwarto. Lumabas si mommy mula sa kusina at naka-bikit balikat lamang ako.
x x x x x x x x x x
Lumabas ako sa bahay at kaagad tumungo sa miini-garden namin na may dala-dalang isang balde ng tubig. Nakasanayan ko na ito dahil paborito ko ang mag-tatanim at mag-aalaga ng mga halaman, lalong-lalo na ang mga bulaklak.
Pakiramdam ko kasi dito ay napasariwa sa hangin at mas lalong gumaganda ang bahay namin dahil dito. Marami na nga akong napapalaki, and even vegetable plants, marami na kaming na-harvest.
Kinuha ko ang isang tabo at dahan-dahan na binuhusan ang mga halaman ko. Sa kalagitnaan ng pagkuha ko ng tubig mula sa tabo ay may biglang may biglang naghahanap sa akin mula sa labas kaya naisipan kong iwan ang trabaho ko at dumeretso sa gate.
Nang binuksan ko iyon ay si James na pala iyon, "Kath! Can we talk?" he asked. I noticed that he is wearing a cap and talagang tinuluyan na niyang kalbuhin ang ulo niya.
Habang naiisip ko 'yun ay mas lalo akong nakokonsensya! I just smile but I know why he is here and handa naman akong sabihin nila na ayaw na nilang ipagpatuloy, "Sure. Do you want to come in?"
"It's not that necessary and I won't take long," sabi niya pero kitang-kita sa ekpresyon niya na natatakot na siyang pumasok o dumalaw sa bahay ulit.
Napabuntong hininga ako kasi alam ko kasalanan ko ang lahat ng 'to.
"Okay. You can talk."
"I know that it has been months na nililigawan kita pero I think I have to stop. Don't worry, it's not about you. You are a great person but for now, it is too hard for me and sobrang hectic na rin schedules natin lalo na mag-thi-third year college na tayo."
I nodded and sighed in disappointment. Wala talagang nagtatagal sa akin because of my siblings, "I understand, James. Sanay na sanay na ako d'yan na palagi nalang ako na-re-reject but don't worry. You'll always be my friend," I said as I remembered something, "I also remembered, next week ay aalis na kami dito sa Cebu. You know how hard mom's work is and maybe hindi lang talaga tayo para sa isa't-isa."
"Ganun? Sayang naman. Saan naman kayo lilipat this time?"
"We're moving in Mindanao. Oh, di ba? Ang layo-layo kaya alam ko na may mas deserving pa ng pagmamahal mo. Hindi rin kasi pwedeng magpa-iwan dahil permanent na kami don sa Butuan."
Napawi ang mga ngiti sa labi niya at napalitan iyon ng lungkot, "Ganun ba, Kath? Ang layo naman pala. Paano ba yan? Mukhang hindi na tayo magkikita pero ang mabibilin ko lang sa'yo ay mag-ingat ka doon. Kung saan ka man mapadpad, huwag na huwag mo akong makakalimutan."
I grabbed and hugged him so tight. Yeah, I do like him but I know that he isn't the one for me. He deserves someone better na kung saan ay tanggap siya ng pamilya ng babae and that isn't me. I also know that I deserve someone too. Hindi man ngayon, but soon.
"You know what? Sa ilang buwan ng panliligaw ko ay naging masaya ako. Hindi man naging tayo but I can see the purest in your eyes and heart. Huwag na huwag kang magbabago because I love the way you are," he said and pinched my nose.
Hinampas ko naman ang mga balikat niya, "Aray ha, ang sakit mo naman pumisil ng ilong ko," biro ko at napatawa nalang kami habang nagyayakapan.
"Minsan lang naman e atsaka hindi mo na rin ako makikita kaya I am sure mamimiss mo rin ako," pabirong sabi niya kaya napa-iling na lamang ako habang humahalagpak sa tawa
"Ewan ko sa'yo James! Mas mamimiss mo ako dahil wala ka ng makikitang maganda dito sa lugar natin."
"Sabagay. Tama ka d'yan," sabi na lamang niya at nagtatawanan nalang kami ng parang walang nangyari.

Komentar Buku (33)

  • avatar
    Aising

    it's so beautiful Author, each chapter have an excitement part, even it's a short story but it's good highly recommend this story ❤️

    29/08/2022

      0
  • avatar
    Leslyn Cortez

    thanks 👍🏼

    30/06

      0
  • avatar
    AbagaJarimah

    🥰🖤

    17/05

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru