logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 2 Used

Love was said to be the longest path. Path that has two sides, either you are going to reach pain or happiness. Happiness that you will be with someone who you will love and will love you as much as what you deserve. But pain? I had more than enough.
It's been 2 years ng mawala siya sa akin. I did everything for me to move on and free my self from the guilt. Katulad na lamang ngayon. Nagmahal na naman ako pero hindi nga lang kayang suklian. Because from the start I chose to take the path of love that every person doesn't want, the broken love.
"Earth, sana maging masaya ka, nandito lang ako palagi sa iyo. Sabihin mo lang pag hindi mo na kaya, tutulongan kita.", sabi ng babaeng tinutulongan akong magligpit ng bagong bili kong mga damit. Nasasaktan ako sa sarili ko pero na realize kong deserve ko naman ito. Parati nalang akong nasasaktan.
"Okay lang ako, kaya pa naman.", nginitian ko siya. Ang pinsan kong babae na mahal at minamahal ng taong alam kong mahal ko.
Dalawang taon, dalawang taon kong sinubukan na kalimutan si Ryuji at magmahal ng iba. At ito na nga sinubukan ko pero hindi pa rin. Minsan sabi ko sa sarili ko bakit ba ako naging ganito parang ayaw ng mundong maging masaya ako. Pero hindi eh. Lalo na ngayon na ikakasal na ako sa kaniya.
Isang tao lang ang alam kong makakaintindi sa akin but sadly he's already gone. The man I onced love. I still felt guilty. Like I don't have the right to fall in love again after him.
"Matulog ka na ha? I text ko nalang si Mercury na maaga kang gigisingin. Alam mo naman iyong kambal mo sobrang punctual.", habilin niya pagkatapos namin magligpit, ngumiti nalang ako sa pahayag ni Venus. Pinagmasdan ko siya habang humahakbang paalis sa condominium unit ko hanggang sa mawala na siya sa paningin.
Inilibot ko ang aking paningin sa kabuoan ng aking bagong biling condo unit. Maganda at simple naman siya. Wala naman talaga akong pakialam kung magkano o ano ang itsura ng magiging bahay ko.
Kinuha ko ang cellphone na nakalapag sa countertop ng mother kitchen sa unit ko at binuksan ito bago nagpunta sa contact list.
Napatingin ako sa pangalan ni Galaxy, ang best friend ko, gusto ko siyang tawagan pero gabi na baka maistorbo ko pa.
Wala na akong ibang magawa kaya dinala ko nalang ang sarili ko sa labas ng balkonahe ng unit kung saan kita ko ng malinaw ang buwan na nakaharap mismo sa kung nasaan ako. Hindi ko alintana ang lamig ng hangin na dumadampi sa aking balat. Mas gusto ko nga ito dahil pinapagaan nito ang pakiramdam ko.
Noon palagi kong sinusubaybayan ang galaw ng buwan. Kung bakit ito sumusunod kung saan man na direksiyon ako pupunta. Kung may gusto ba ito sa akin dahil lang sa sumusunod ito. Mga panahong iyong buwan lang ang naging karamay ko. Nakinig at naging saksi sa sakit ng paghihirap ko dalawang taon na ang nakakaraan. Ayoko ko nang balikan pa ang mga panahong iyon. Ayoko na.
Gusto ko ng matahimik pero binabagabag pa rin ako ng konsensiya ko. Na kung hindi ako nag inarte noon nandito pa rin kaya siya sa tabi ko?
Napabalik ako sa aking huwisyo ng may marinig na sunod sunod na katok galing sa labas ng pinto. Pumasok ako sa loob at nilapitan ang pinto upang pagbuksan ang taong kumakatok. Baka si Venus. May nakalimutan lang. Pero isang lalaking madilim ang mukha ang bumungad sa harapan ko.
Nanlaki ang aking mga mata na nakatingin sa kaniya. Anong ginagawa niya dito? Kunot noo niyang akong tinititigan at ano mang segundo ay sisigawan ako. Oo nga pala nasa tabi lang ang unit niya.
"What are you doing? Nakakasawa ng makita ang mukha mo! Baka nakalimutan mo iniwan niya ako dahil sa iyo! You're selfish! You're just blinded of guilt na ginagamit mo rin ako upang makalimot!", hindi ako nakapagsalita habang tinititigan siyang mariin ang tingin sa akin.
Muhi at awa. Mga emosyon na lagi kong nakikita sa kanyang mga mata pag ako ang kanyang kaharap. Hindi ko alam ang mararamdaman ko.
"Please, just let me go. I don't love you and I never will. I love Venus! Matagal ko ng sinasabi sa iyo iyan! But you insist just to forget that first love of yours! May kambal naman 'yon bakit sa akin ka pa rin lumalapit ha? I won't tell you that I don't deserve you because everyone deserve someone who loves them but I don't. Hindi kita kayang mahalin.", ang sakit pala.
Hindi dahil sa mga sinabi niya kundi sa kung paano siya lumuhod sa harap ko nagmamakaawang pakawalan ko siya. Ginamit ko siya? Bakit ba ang selfish ko? Bakit naging ganito ako? Pero pinili ko ito upang ano, makalimot? Na naman.
"I'm sorry.", umangat ang kanyang paningin sa akin. Nakikita ko pa kung paano isa-isang tumulo ang kanyang mga luha habang nakatingin sa akin. Lumuhod ako upang magpantay kami.
"I-I'm sorry, na umabot pa sa ganito, Will. Sinubukan ko. Alam kong mahal na kita. Pero hindi ko pala namalayan na marami na akong nasasaktan.", Umalpas ang hikbi sa aking bibig. Ang sakit, sobrang sakit. Akala ko tanggap ko na. Akala ko okay na pero hindi pa rin pala.
"I'm sorry too. Hindi talaga Earth, eh. Alam kong ginagamit mo lang ako dahil sa nangyari kahit sabihin mo pang mahal mo ako. Siya pa rin at siya pa rin. Forgive yourself, Earth. And start a new. Mahal na mahal ko si Venus. Hindi ko kayang mawala siya.", sakit, pagod at paghihinagpis ang nakikita ko sa kanyang mga mata.
Ang mga matang una kong nasilayan sa mga panahong walang wala ako. Na akala ko habang buhay ko ng makikita ng malapitan pero hindi pala, hiniram ko lang. Naghihintay na ibalik ko siya sa taong nagmamay-ari talaga sa kaniya simula pa lang.
Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa magkabilang balikat niya habang nakaluhod pa rin kami sa magkabilang bahagi ng pinto.
"I hope you will forgive me. I'm sorry, William. Be happy now. I am already letting you go. Don't forget that in this lifetime you are always a part of me. And for the last time, I love you. I hope you can find the happiness that you deserve from all the years you suffered in my hands."
May mga pag-ibig talagang hindi magiging para sa iyo. Kasi sa una pa lang hindi mo naman ito pagmamay-ari. There are things that deploys happiness, contentment, and freedom but not for long. If ever there is, then there is.
No further explanation kasi kung para sayo, para sayo talaga iyon. Nasaktan ako ngayon pero naniniwala naman akong makakaya ko ring humakbang at tumahak sa daan kung saan ako nabibilang.
Nasa akin na 'yon lahat noon pero dahil lang sa isang bagay, naglaho. I knew that I didn't trust him enough. If I knew sana he's still alive.

Komentar Buku (8)

  • avatar
    Junior Callos

    solid

    24/06

      0
  • avatar
    Diasy Lyn Naraval Pardilla

    wow

    02/06

      0
  • avatar
    Chris Ethan

    maganda

    04/05

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru