logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

(6) FIRE EXIT

Kabanata 6 || August 10, 2015
Xandro's POV
"Pre, tawag ka ata ni manedyer sa opisina," agaw ni Giro ng atensyon sa'kin saka kinuha tinapik ang aking balikat.
Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga nagulong sapatos sa stand nang tawagin ako netong katrabaho ko.
Siyam na buwan na nga pala.
Siyam na buwan na akong nakahinto sa pag-aaral at kumakayod para sa'min. Siyam na buwan nang nagtitiis pero sa t'wing nakikita kong paunti unti na ring umaayos ang lagay ni tatay ay napapawi lahat ng pagod ko.
Tapos na ang anim na buwang gamutan niya pero nagpasya akong ako pa rin muna ang magtratrabaho at magsasideline muna siyang magtinda kay Manang Linda kahit ayaw niya. Sayang naman ang pagtitiis naming dalawa kung sasabak agad siya sa mabigat na trabaho gayong kakagaling niya lang.
Medyo nakakagaan na rin sana kami pagdating sa pera dahil nakakatulong naman ang pagtitinda tinda ni tatay sa karnehan na pwesto na pagmamay-ari nina Manang Linda at Tiyo Lino sa palengke sa pang araw araw namin. Kaso kelangan ko pa ring magdoble kayod dahil patuloy pa rin ang therapy ni ate at medyo nagmahal pa ang bayad dito buwan buwan. Pero para naman kay ate 'yon kaya walang kaso sa'kin at sige pa rin ako.
Medyo nakakamustahan ko na rin pala siya ng matuwid tuwid kaysa noon kaya lalo akong ginaganahan magtrabaho sa t'wing maiisip kong may pupuntahan rin naman lahat ng paghihirap ko ngayon.
Tumalikod na ako't nagsimulang maglakad. Hindi pa rin ako umaalis sa seksyon na iyon dahil kahit papaano'y napalapit na rin ako sa mga katrabaho dahil mababait naman sila at palakaibigan.
Lumiko ako sa isang hallway kung saan ang daan pababa ng management namin. Gusto ko sanang gamitin ang hagdan o ang escalator sa sentro ng department store pero mas mapapalayo ako at baka mas maraming tao dahil clearance sale namin ngayong araw.
'Di ko pwedeng paghintayin si manager dahil kailangan kong mag advance ng kaunti sa sweldo pangbayad sa session ni ate. Hindi pwede sa coffee shop dahil kakaloan lang din nung isa naming katrabaho kaya kailangan kong mapapayag ngayon si sir.
Pagkarating sa dulo ay bubuksan ko na sana ang pinto ng fire exit kung saan may pinakamalapit na daan papuntang opisina nang may narinig akong nagsasalita sa loob.
'Di ko nga alam kung salita ba 'yon o sigaw na e.
Lumingon ako at nakitang konti lang naman ang taong nagiikot sa parteng ito dahil seksyon ito para sa mga pantulog ng mga matatanda. Kahit sabihin mong maraming tao sa isang mall o 'di kaya nama'y sa department, may mga parte pa rin kung saan konti lang ang mga nagcacanvass ng mga gamit tulad na lang nitong damit pangtulog. Sa pangbata siguro, medyo marami pero dito wala masyado. Kaya minsan ay matumal din ang seksyong ito.. swerte ko na lang na doon ako napunta.
Lumingon ulit ako sa likuran ko pero wala namang nakatingin sa'kin kaya idinikit ko muna ang kaliwang tenga ko sa pinto kahit alam kong may kakapalan din ito.
May naririnig akong boses ng babae at boses ng lalaki ngunit hindi malinaw ang ibang sinasabi at 'di ko maintindihan.
Medyo inihilig ko pa ang ulo ko para mas marinig ang kung anong meron sa loob at para makita kung may tao bang nakatingin sa'kin pero wala. Mabuti naman.
Pucha. 'Di ko naman ugaling maging tsismoso pero 'di ko alam ba't nagtatago pa ako para lang marinig yung mga nasa loob.
'Di ko talaga alam kung bakit ko ginagawa 'to eh kung tutuusin ay pwede naman na akong dumiretso nalang na bumukas ng pinto. Pero parang pamilyar kasi ang boses e. Lalo na nung babae.
Inalis ko na lang ang tenga ko at hawak na ang seradura ng pinto, handa na para buksan ito nang marinig kong sumigaw ulit ang babae. Ngayon ay mas dinig at mas naintindihan ko na ang salita nito.
"Ano ba, Revon?! Ba't ba ang kulit mo?"
Pamilyar 'tong boses na 'to eh. Narinig ko na ang boses na 'to alam ko.
Pucha.
Si Ellie ba ang nagsasalita sa likod ng pintong 'to? O namamali na ang pandinig ko dahil namimiss ko na siya?
Akala ko nawala na siya sa isip ko dahil akala ko hindi ko na siya ulit makikita. Halos anim na buwan na ang lumipas at sobrang abala na rin ako kaya 'di ko na siya masyadong naiisip. Akala ko, nakalimutan ko na siya pero ngayon ay mukhang gustong gusto ko pa rin siya ulit makita. Minsan bigla na lang siyang sisingit sa isip ko na parang ewan.
'Di ko na alam.
Parang nanlamig ang kamay ko at nanigas ito habang hawak ang seradura. Isa lang naman kung tutuosin ang sagot para makumpirma ko kung siya nga iyon. Kung bubuksan ko 'tong pintong 'to.
Pero kung siya nga ang nasa loob, pucha pre. Napakacoincidence naman.
Nagdadalawang isip pa rin ako kung magpapakita pero may narinig akong nagtulak sa'kin para tuluyang buksan ang pinto.
"Aray! Nasasaktan ako, Revon. Ano ba?" medyo mataas na boses nito kaya 'di na ako nagdalawang isip na buksan ang pinto.
Pagkabukas ay nakita kong napatingin ang dalawa sa'kin. Hindi pamilyar ang lalaki dahil hindi naman ito ang kasama niya noong kumanta sa shop. Pero siya nga si Ellie.
Mas maganda siya sa malapitan pre.
Kung kanina ay may konting gulat sa mukha ng lalaki ay napalitan ito ng inis segundo lang ang lumipas. Si Ellie naman ay kahit nakitaan ko ng gulat ay biglang umaaliwalas rin ang mukha at ngumiti sa'kin.
Ngumiti siya sa'kin? Totoo ba 'to?
"Uy! Nakita mo ba si Simon? Kanina ko pa siya tinitawagan 'di niya 'ko sinasagot," masiglang anito sabay hila sa'kin pababa ng hagdan. Hindi na nito nilingon ang kasama kahit tinawag pa siya nito.
Naramdaman ko namang sumunod sa'min ito pababa nang makabawi. Pakiramdam ko may iba talaga dahil medyo malamig ang kamay niyang nakahawak sa palapulsuhan ko.
Siyang hawak ang palapulsuhan ko
Siyang kinausap ako
Si Ellie na nginitian ako.
Ako? Nginitian ni Ellie?
Inaabsorb ko pa lang ang nangyayari ng marinig ko ang pagtawag nito sa'kin.
"Uy! Nakangiti ka na dyan? Nasa'n na sabi si Simon?" nakakunot noong tanong nito at sumilip sa likuran ko. Gusto ko sanang lumingon din pero alam kong yung kasama niya kanina yung tiningnan niya.
Nasa patag kami ngayon at pansin kong mas matangkad talaga ako sa kanya pero matangkad din naman siya dahil abot mata ko na ang bunbunan niya.
'Di ko alam kung anong meron sa kanila nang dalawang iyon pero mukhang 'di yon maganda kaya sasakyan ko na lang.
"Ah, ano," medyo napaos pa ang boses ko kaya tumikhim muna ako bago nagsalita ulit. Medyo itinaas niya muna ang kanyang mukha para matingnan ako sa mata at 'di ko alam kung bakit pero parang gustong sumabog ng dibdib ko sa kaba, saya, at ewan ko ba.
Gusto ko ngumiti sa kanya kaso baka matakot sa'kin kasi bigla bigla ko nalang nginingitian.
"Alam ko nasa baba na e, 'di ba sinabi sa'yo?" pilit kong pinanormal ang boses ko lalo na ang mukha ko kahit gustong gusto ko nang ngumiti habang nagsasalita.
Iningatan ko rin ang m
Pucha talaga e. Eto yung unang beses naming mag usap pre. Nawala ang iniisip ko nang marinig na naman ang boses ng lalaki sa likod ko.
"Le Ann! Pakinggan mo naman ako," medyo mababa na ngayon ang boses nito na para bang nakikiusap.
Gusto ko sanang mainis sa lalaking 'yon dahil mukhang tinatakot niya si Ellie at mukhang may balak siyang gawin na 'di maganda pero parang nagpapasalamat na rin ako dahil kung 'di dahil sa kanya 'di ako kakausapin ni Ellie. Masama na ba 'ko no'n?
Sinilip muna nito ang likod ko bago ulit nagsalita. "Ay weh? Tara, samahan mo na 'ko. Matutuwa 'yon 'pag nakita ka uli," sabi niya sabay hatak ulit sa'kin.
Pero nagulat ako sa tinawag ng lalaki sa kanya. Le Ann? Siya si Ellie alam ko e. Siya ang nakita ko siya shop at Ellie ang pangalang inilagay niya sa baso ng inumin niya.
Bakit siya tinawag na Le Ann? 'Di ba siya si Ellie? Pero paano?
Nagising ang diwa ko ng hatakin na naman ako nito pababa. Nagpaubaya naman ako ng hatak sa kanya kahit na tinatawag pa rin siya nung nasa taas.
Pero paanong siya si Le An at hindi si Ellie?
Pagkarating sa first floor ay huminto muna siya kaya napahinto rin ako. Nasa harap na kami ng pinto.
"Ah,"
"Ano ---"
Medyo napangiti ako nung nagkasabay pa kami ng salita. Siya naman ay napatawa ng konti.
"Ano yung sasabihin mo?" medyo nahihiyang tanong na niya.
"Ah 'yon ba? Wala, itatanong ko lang sana kung anong nangyayari," lakas loob na tanong ko rito. Ang dami kong gustong itanong lalo na kung siya ba si Ellie pero ayan na yung awtomatikong lumabas sa bibig ko.
Nakita ko namang bumuka ang bibig nito na parang magsasalita na pero sumara ulit. Naghahanap siguro ng tamang salitang bibigkasin.
"Mukhang masyadong personal pala yun, 'wag mo na lang pansinin," ani ko at ngumiti nang bahagya para 'di siya mailang.
"Ikaw, ano ba sasabihin mo?"
"Ah hindi, ano kase," at iginalaw niya ang mga daliri niya na pinagsisiklop at paghihiwalayin din.
"May 'di lang pagkakaintindihan kaya medyo nahatak nya ako sa braso," aniya sabay ngiti nang tipid.
"Thank you nga pala ha, pasensya na rin sa kanina," anito sabay hawak sa braso ko. Nagulat man ay 'di ko ito pinahalata.. kahit natutuwa rin ay pinigil ko ang pagngiti ko.
Napatingin lang ako saglit sa braso ko kung saan nakalapat ang kamay niya at pagkatapos ay tumingin ulit sa kanya.
"Walang problema, miss. Okay lang," ani ko at nung napatingin na ako sa kanya ay bahagyang namula ang pisngi niya saka inalis ang kamay mula sa braso ko. Matatawa na sana ako sa reaksyon niya kung 'di lang din ako kinikilig eh.
Pucha. 'Di pa nga ako sigurado kung siya si Ellie pero nagiging ganito na ako.
Eh kay Ellie ka lang naman ganyan diba? Malamang si Ellie 'yan.
Eh bakit Le Ann ang tawag sa kanya kung ganon?
Ano na naman ba 'tong pinag-iisip ko? Nagising na lang ulit ang diwa ko nang magsalita siya.
"Sige, salamat ulit. Una na ako. Bye!" mabilis na aniya at lumabas na ng pinto.
'Di man lang ulit ako nakapagsalita. 'Di ko man lang natanong kung siya nga ba si Ellie na nakikita ko sa coffee shop.
Tanging pabulong na ingat na lang ang nagawa kong gawin habang nakatitig sa pintong nilabasan niya.
Minsan na nga lang 'to mangyari tapos pucha. Ang tanga ko pre!

Komentar Buku (11)

  • avatar
    Rhafael Ducusin

    Sarap sa pakiramdam na pasko

    14d

      0
  • avatar
    ViloriaEllen

    nice to read

    22d

      0
  • avatar
    Maria Jessil Casas

    more money come

    22/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru