logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

(2) RESPONSIBILIDAD

Kabanata 2 || December 06, 2014
Xandro's POV
"Xandro! Yung tatay mo sinusumpong, halika dali!" tarantang saad ni Manang Linda habang tumatakbo papunta sa'kin. Hinawakan niya ang braso ko sabay hatak sa'kin palabas ng bahay. Nakabihis na ako ng uniform at paalis na rin sana para pumasok dahil finals namin ngayon pero parang nawala lahat ng inaral ko dahil sa nabalitaan ko ngayon.
"Anong nangyari, manang? Nasa'n ho si tatay?" tanong ko habang tumatakbo kasabay niya. Ni hindi ko man lang naibaba sa bahay yung bag at mga gamit na dala dala ko sana para sa exam. Nakita ko naman na parang pamilyar yung daan na pinupuntahan namin.
"Nasa construction site s'ya ngayon at nagtatrabaho. Ang kulit naman kasi ng tatay mo eh! Sinabihan na namin ni Lino na 'wag na piliting magtrabaho kung 'di naman kaya pero nagta-trabaho pa rin! Sus maryosep!" medyo hinihingal na saad ni manang. Si Manang Linda ay ang asawa ni Tiyo Lino na katrabaho ni tatay sa construction site. Medyo malapit na rin sa'min ang pamilya niya.
"Ano ho? Akala ko ba rumaraket raket na lang si tatay at umalis na siya do'n sa costruction na 'yon?" takang tanong ko sa kanya. Akala ko ba sinabi niya sa'min na may nahanap na siyang pagraraket-an na 'di malalagay sa peligro yung kalusugan niya? Ba't nagta-trabaho na naman siya do'n?
Napalingon ako kay manang na pawisan na noong 'di siya sumagot sa tanong ko at dahil do'n ay medyo nahimasmasan ako. Nakalimutan kong may sakit nga rin pala siya at bawal siyang mapagod ng husto kaya pinatigil ko muna siya at saka ako ulit nagsalita.
"Manang, dito na lang ho kayo. Ako na lang ang pupunta kay tatay. Salamat ho," pagpapaalam ko at nagmamadali nang umalis. Alam ko naman na ang daan papunta sa site at tinakbo ko na 'yon. Pagkarating ko ay nasa baba si tatay habang akay akay siya ng iba pa niyang kasamahan. Mukhang nanghihina na rin siya.
Tumakbo na ako papunta sa kanya at inilapag muna ang bag ko sa sahig. Inalis naman ng isa sa katrabaho ni tatay ang braso nito sa pag-alalay sa kanya at agad ko naman itong inabot.
"Halika na, 'tay!" aya ko at nagpasalamat na dun kay Manong Lando, isa pang katrabaho ni tatay. Buti na lang at may dumating agad na tricycle. Siguro, may nagtawag na kanina bago pa ako dumating. Isinakay ko na siya sa loob at sumunod na ako.
"Kuya sa Castillo's Hospital ho!" agad na sabi ko sa driver nung umubo ulit si tatay sa isang damit na may kasama na namang dugo. 'Di na sumagot si kuya at pinaandar na lang ang sakay naming tricycle. Hindi na umuubo si tatay pero hawak hawak pa rin niya ang dibdib niya na isang senyales na nahihirapan siyang huminga.
"Kuya, baka pwede hong pakibilisan ---" 'di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nagring ang cellphone ko. Sinagot ko na ito kahit 'di ko pa tinitingnan kung sino ang tumatawag. Naramdaman ko namang bumilis kahit papaano ang takbo namin.
"Hello? Ano hong kailangan nila?" sagot ko sa cellphone gamit ang isang kamay habang ang isa nama'y tinatapik tapik ang likod ni tatay. Mabilis namang sumagot ang nasa kabilang linya.
"Hello? Is this Mr. Xandro Montero?" pormal na tanong ng nasa kabilang linya. Sino naman kaya 'to? Pamilyar yung boses nung babae pero 'di ko makilala kung kanino. Sumagot naman ako.
"Uh, oo, eto nga. Sino ba sila at anong kailangan niyo sa'kin?" alanganin pero nagmamadaling sagot ko sa kanya. Lumingon ako sa labas at nakita kong medyo malapit na kami. Sumagot naman ulit ang nasa linya at nabigla ako sa sunod na sinabi niya.
"This is Ms. Azarcon, your class professor," pagpapakilala niya na ikinalaki ko ng mata. Shit, si Ma'am pala! Napatigil ako sa pagtapik ng likod ni tatay at iniayos ang pagkakaupo. Narinig ko pa ang pagtikhim niya sa kabilang linya bago ulit nagsalita.
"Ako na talaga ang tumawag sa'yo dahil sabi ng mga kaibigan mo ay 'di ka raw nagr-reply sa texts nila sa'yo. Ipinapaala ko lang na final exam niyo ngayon at eto na lang ang tanging pag-asa mo para makalusot ng second sem, Xandro. Halos lahat ng requirements at written works mo ay 'di maganda ang performance lately kaya kailangan mong umattend dito," mahabang paliwanag pa niya.
Napatiim bagang naman ako at huminga ng malalim. Nakalimutan kong finals namin dahil sa pag-atake ng sakit ni tatay. Nagsalita naman ako at nagpaliwanag kay ma'am. Alam kong ito na lang ang natitirang tyansa ko pero wala talaga akong choice kundi lumiban dito.
"Good morning ma'am, sorry ho dun sa kanina," paninimula ko pa. "Pero hindi ho talaga ako makakaattend ngayon. Sinamahan ko si tatay sa ospital at walang magbabantay sa kanya kundi ako lang," pagpapaliwanag ko pa. Hindi ko alam kung ano ang naging tono ng pananalita ko pero ginawa ko ang lahat para hindi ako magmukhang malungkot. Kahit naiinis ako kay tatay ay ayoko pa ring sisihin niya ang sarili niya sa mga kamalasang nangyayari sa pag-aaral ko.
"Sure ka ba, Xandro? I mean, naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo pero wala ka na bang ibang mapapag-iwanan sa father mo? Alam kong concerned ka para sa kanya pero nag-aalala lang din ako para sa pag-aaral mo, sayang naman ang mga pinaghirapan mo nung mga nakaraang buwan" paninigurado pa niya. Nahimigan ko ang pag-aalala at sinseridad sa boses niya. Alam ko namang mabait si ma'am kahit may pagkastrikto siya 'pag nasa harap ng mga estudyante.
Naramdaman ko namang tinapik ni tatay ang tuhod ko kaya napalingon ako sa kanya. "Okay ka lang?" mahinang tanong niya. Hindi niya naririnig ang mga sinasabi ng prof ko dahil nasa kabilang tenga ko nakatapat ang cellphone. Tumango na lang ako at tumingin na lang ulit sa labas bago sinagot si ma'am.
"Yes ma'am, kailangan pa ho ako dito e. Pasensya na ho," ani ko sabay tingin kay tatay na ngayon ay umuubo na naman. Hinagod ko naman ulit ang likod ni tatay nang narinig kong nagpaalam na si ma'am sa kabilang linya.
"Oh sige, naiintindihan ko. Ipagdarasal ko ang tatay mo. Sige na at magsisimula na kami dito. Kung kaya mong humabol ay humabol ka, okay? It's better late than never," aniya kaya napangiti naman ako sa kabaitan niya. Kung ganito lang sana lahat ng prof, edi mabuti sana.
"Sige po, susubukan ko. Salamat ma'am!" pamamaalam ko sa kanya at saka ibinaba ang tawag. Napatitig pa muna ako dito sa screen bago ko narinig na nagsalita si tatay.
"Iwan mo na 'ko. Sumunod ka na dun dahil alam kong importante yang para sa pag-aaral mo," pagsasalita ni tatay kaya naman ako napatingin sa kanya pero sa harap lang siya nakatingin. Wala akong makitang emosyon sa mga mata niya. Wala akong makitang bakas ng lungkot.
Noong napansin niya akong nakatingin sa kanya ay ngumiti naman siya ng bahagya bago tinapik ang balikat ko. Naramdaman ko namang huminto ang tricycle.
"Pumunta ka na. Mas gugustuhin kong nandun ka at nag-aaral kesa naman nandito at nagpapakahirap sa'kin. Kaya ko nang alagaan ang sarili ko," dugtong pa niya. Hindi ko alam kung gusto niya ba talaga akong paalisin o nagpapakunsensya siya. Pero kahit alin man dun ang pinapahiwatig niya, 'di ko rin naman susundin yung sinabi niya dahil sasamahan ko pa rin siya.
Bumaba ako ng tricycle at inalalayan ko si tatay palabas bago nagsalita. "At sa tingin mo naman pababayaan kita dito?" 'di ko alam kung tanong pa ba 'yon o ano. Tinago ko sa bulsa ang cellphone ko bago siya inakay papunta sa loob ng ospital. 'Di naman na siya umimik pa.
Nasa may entrance pa lang kami nang umubo ulit siya. May kasama na naman itong dugo kaya sinabihan ko muna siya na dumito na lang at ako na ang papasok sa loob. Napaupo na siya sa gilid dahil sa panghihina.
Tumakbo na ako papunta sa loob ng emergency room at nagtawag ng nurse roon. Nagpahingi na rin ako ng wheelchair at agad rin naman kaming bumalik dun sa lugar na pinag-iwanan ko kay tatay.
Inalalayan siya ng isang babae at isang lalaking nurse paupo sa dala namin at ang lalaki naman ang nagtulak ng wheel chair papunta sa emergency room. Pagkarating namin sa loob ay may mga umalalay kay tatay para maiupo sa isang kama. May pumunta na ring doktor sa kama niya upang tingnan siya. Pinalayo muna nila ako at pinaghintay sa may tanggapan nila.
Yung isang babaeng nurse na kasabay namin kanina ay may inabot sa'king isang ballpen at isang folder na may lamang papel sa loob. Kinuha ko ito at mabilis na sinagutan ang mga kailangan. Pagkatapos ay binalik ko na rin ito sa kanya at narinig ko namang may doktor na nagtanong.
"Family of the patient?" tanong nito sabay ayos ng suot na coat. Agad naman akong pumunta sa harap ng doktor at nagsalita. "Ako 'doc. Kamusta na ho si tatay?" tanong ko sabay silip sa pinaglagyan niya. Tulog na siya pero nakakunot pa rin ang noo niya kahit nakapikit.
"Ayos naman na siya. May binigay kaming first aid para mapatigil ang pagsumpong ng ubo niya," pagbabalita nito kaya medyo um-okay ang pakiramdam ko. "May history na ba siya ng sakit na ganito?" tanong pa niya. Sinabi ko naman ang totoo at ang mga nalalaman ko tungkol sa sakit niya. Pati na rin yung tungkol sa pagtatrabaho niya.
Napatango tango naman siya at sinabi sa'kin na dapat ay 'di ko na pinagtatrabaho pa si tatay dahil kapag lumala raw ito, mas mahirap at mas matagalang gamutan pa raw ang kakailanganin niya. Um-oo naman ako at tinandaan lahat ng mga bilin at paalala niya.
Sinabi rin ng doktor na kailangan pa raw manatili dito ni tatay ng ilang araw para obserbahan. Kapag may clearance na raw ay saka ko na siya pupwedeng iuwi at doon na lang sa bahay ituloy ang gamutan.
************************
Lumipas ang halos limang oras na nakaupo lang ako sa upuang katabi ng kamang tinutulugan ni tatay kaya lumabas muna ako at nagpahangin. Naupo ako sa gilid kung saan wala masyadong tao ang dumaraan. Tulog pa rin si tatay noong iniwan ko siya at parehas pa kaming walang kain kahit hapon na. Buti nga 'di pa siya nagigising dahil sa gutom eh.
Sinabi sa amin ng nurse na ililipat raw mamayang gabi si tatay sa isang ordinaryong kwarto na may 'di naman kamahalan. Pero alam ko na sa oras na 'yon ay mauubos na naman ang perang naipon ko nitong mga nakaraang linggo dahil dito at sa mga gagastusin ko para sa mga gamot niya.
Halos tatlong linggo na ang nakakalipas simula noong natanggap ako sa isang coffee shop bilang isang barista. Buti na lang at may alam na 'ko sa mga ganung gawain dahil sa pinag-aralan namin noon.
At noong araw na natanggap ako sa coffee shop ay yun din ang araw na kinausap ko si tatay para pahintuin sa trabaho niya. 'Di naman na kami nag-away noon dahil sinabi niyang umalis na siya sa construction site at naghahanap na ng medyo magaan na trabaho kaya naniwala ako. Tapos ngayon tingnan mo, nandito kami sa ospital dahil sa katigasan ng ulo. Tsk
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at nakitang may 40 percent pa ito bago maubusan ng baterya. Inuna ko munang tingnan ang mga text sa'kin dahil hindi nga ako sanay na marami akong text na natatanggap. Yung mga nauna ay yung hinahanap ako ng mga kaibigan ko kung nasaan ako. Hindi naman kasi talaga ako naga-absent lalo na 'pag finals, ngayon lang talaga dahil kailangan.
Yung iba naman ay galing ulit sa kanila pero pagtapos pa ng ilang oras, siguro pagtapos na nilang mag-exam 'to tinext. Natawa naman ako nung binasa ko naman ang mga 'yon. 'Kala mo naman namatayan na 'ko dahil sa mga text nila.
May nabasa naman akong isang text na nagpabalik sa'kin sa reyalidad. May trabaho pa nga pala ako mamaya. Pa'no na kaya 'to? Panggabi ang shift ko sa coffee shop kaya minsan ay napapabayaan ko na ang pag-aaral ko dahil sa pagod at puyat.
Siguro kailangan ko munang kausapin si tatay bago ako gumawa ng desisyon. Pero isa lang ang alam ko sa ngayon.
Kailangan ko munang huminto ng pag-aaral at maghanap ng isa pang trabaho para masuportahan ko ang pangangailangan naming tatlo.

Komentar Buku (11)

  • avatar
    Rhafael Ducusin

    Sarap sa pakiramdam na pasko

    14d

      0
  • avatar
    ViloriaEllen

    nice to read

    22d

      0
  • avatar
    Maria Jessil Casas

    more money come

    22/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru