logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 4

Kabanata 4
TULAK ang wheelchair ng kanyang lolo, nagtungo si Teissa sa paborito nilang pwesto sa may hardin. Their grandfather often eat snacks with her near the artificial pond of koi fishes. Istrikto man ang matanda ay hindi naman ito nagkulang sa pagpapadama sa kanyang may nagmamahal sa kanya kahit wala na ang mga magulang niya.
Matapos niyang i-lock ang gulong ng wheel chair ay naupo siya sa bakal na silya. Nakasunod sa kanila ang katulong na siyang may bitbit ng tray ng kanilang miryenda. Nang iwan sila ng katulong ay sandali silang nabalot ng katahimikan.
Payak na ngumiti si Teissa habang pinagmamasdan ang kanyang lolo. He lost so much weight over the past two years. At loob ng mga panahong iyong madalas ang pag-uwi ng kanyang mga tiyuhin at tiyahin, tinago sa kanya ng lahat ang tungkol sa kanser ng don.
Her grandfather forced to smile back. "Ang akala ko ay nagtatampo ka pa rin sa akin, apo."
She faked a frown to hide her sadness. "Dapat lolo di ba ay wala tayong sikreto? Hindi mo man lang sinabi sa akin nang nasamahan kita sa mga check up mo."
Ipinatong nito ang nanghihinang kamay sa kanyang balikat saka ito mahinang piniga. "Alam mo namang ayaw kong makita mo ako na ganito. Baka maapektuhan ang pag-aaral mo."
"Lo, mas mahalaga ka kaysa sa kahit na ano."
Her grandpa chuckled weakly then took in a heavy breath. "Na-enroll ka na raw ng iyong tiya Mylene sa unibersidad sa Maynila? Are you going to pursue architecture, Teissa?"
Mahina siyang tumango saka pinagsalin ng juice ang kanyang lolo. "Pero hindi ko pa rin pi maintindihan kung bakit kailangan ko pang lumayo. May community college naman ho dito."
"Mas maganda nang doon ka, Teissa. Mababantayan ka pa ni Armani habang nasa kolehiyo ka."
Her brows furrowed. "Bakit naman kailangan niya pa ho akong bantayan? Eighteen na ako. Marunong na nga akong magmaneho, Lo."
Hindi sumagot ang kanyang lolo. Palaging ganoon. Mula nang tumuntong siya ng disi-otso ay madalas nang nababanggit si Armani at ang Reino De Alba sa mga usaping pamilya. When Tammy left two weeks before her birthday, she tried to look for her sister.
Gamit ang sasakyan ng kanyang lolo, sinuyod niya ang kanilang bayan. Ngunit nang matagpuan niya ang kapatid sa isang dance club, lango sa alak at tila wala na sa katinuan, galit na galit siya nitong pinagtabuyan. Gusto lang naman niya itong pauwiin dahil alam niyang pwede itong mapahamak. Isa pa ay nakadadagdag lang ito sa isipin ng kanilang lolo.
Napabuntong hininga siya nang maalala na naman ang galit ni Tammy. Alam naman niyang mainit ang dugo nito sa kanya ngunit ang reaksyon ni Tammy nang gabing iyon, hindi niya na sigurado kung dahil pa rin ba sa pagkawala ng kanilang mga magulang.
It was as if Tammy was furious because of something else already...
"Lo? May balita na ba kayo tungkol kay ate Tammy?"
Lumamlam ang mga mata ng kanyang lolo. Kasabay ng pagbuntong hininga nito ay ang pagtanaw sa malayo na tila ba dinaramdam din nito nang husto ang paglayas ng isa pang apo.
"Ang sabi ni Wilmer ay nasa Maynila na ngayon si Tammy. Kinukumbinsi pa rin niyang umuwi ang kapatid mo pero..." Her grandpa let out another sigh. "Marahil ay totoo ang sinabi ni Tammy, apo. Maybe your lolo really was never fair. Nagkulang nga siguro ako kay Tammy kaya niya nagawang itapon ang lahat ng mayroon siya rito para lang ipamukha sa akin ang bagay na iyon."
"Lo, huwag ninyong sabihin 'yan. Baka may pinagdaraanan lang si ate. Hindi kayo nagkulang. Kung tutuusin ay higit pa ang binigay ninyo sa amin para lang hindi namin madama ang sakit na mawalan ng magulang."
Namuo ang luha sa mga mata ng kanyang lolo. Pati tuloy siya ay naiiyak na rin. Ayaw niya talaga sa lahat ay nakikita sa ganitong kalagayan ang matandang Don.
Her grandpa sniffed back his tears and then reached something hiding under his blanket. Isa iyong maliit na kahong may asul na ribbon.
"Para sa iyo, apo. Buksan mo nga at kuha tayo ng litrato nang makita ko kung gwapo pa rin ba ako kahit puti na ang aking buhok."
They both laughed with what her grandpa said. Sinunod naman niya ang sinabi nito at nang makita ang bagong cellphone ay muli niyang tinignan ang kanyang lolo.
"Ayos pa naman iyong keypad, Lo?"
Tumawa ang kanyang lolo. "Ikaw talagang bata ka. Dinadaig mo pa ang mga anak ng mga trabahante sa sobrang tipid mo. Para iyan sayo, apo. Hindi ba ay marunong ka namang gumamit ng ganyan kaya bakit naman hindi na lang ganyan ang gamitin mo?"
The reason is, she thinks social media is toxic. Pinagamit na sa kanya ang dating phone ng tita Mylene niya pero sandali pa lamang siyang nakikisilip sa social media account ni Maia ay nayamot na siya. Paano ay puro mga kalokohan lamang ang nakita niya. People only like each other's photos but for Teissa, a simple react sign isn't enough to know if someone is really concern with you.
Nevertheless, she decided to open the phone and accessed the camera. Nag-selfie sila ng kanyang lolo, kinuhanan niya ito ng mga solo at siya rin ay pilit nitong kinunan kahit nanginginig na ang mga kamay.
TEISSA can't help but smile as she went through their photos earlier while she's on her bed. Matanda na talaga ang lolo niya ngunit kita pa rin ang pagkakahawig nilang dalawa. Kaya marahil sinasabi ng mga nakakakita sa kanila na siya ang babaeng bersyon ng Don. A softer, feminine, and innocent.
Ginawa niyang wallpaper at lockscreen ang kanilang litrato ng kanyang lolo. Nang matapos ay sinubukan niyang matulog kaya lamang ay ilang menuto na yata siyang nakapikit, hindi siya dinalaw ng antok.
Naalala niya ang app na sinabi ni Maia noon. Nang i-check niya ang installed social apps, napansin niyang naroroon na ito.
She sighed. Siguro tama si Maia. Hindi lahat ng nakikita sa social media ay toxic. She just needs to filter her feed. Isa pa ay kung matutuloy siya sa Maynila, kailangan niya ng ibang means of communication sa mga kaibigan niya sa kanilang bayan.
As if they're a lot. She thought to herself.
Sa huli, natagpuan niya ang sariling gumagawa ng account. Nang manghingi ng display picture ay pinili niya ang larawang kinunan ng kanyang lolo kahit na medyo malabo dahil nanginginig na ang kamay nito.
She searched for Tammy's account but it was set in private. Hindi tuloy niya ito mapadalahan ng friend request.
Nagpasya na lamang siyang i-search sina Maia...at Armani.
She was able to send Maia and Armani friend requests, ngunit hindi pa tinanggap ng mga ito kaya matutulog na sana siya. She placed her phone on the bedside table and was ready to sleep when her phone suddenly beeped. Nang tignan niya ang notification ay parang nawala na naman ang antok niya.
Armani RD Alba accepted your friend request.
One new message from Armani RD Alba.
Napabangon si Teissa, malakas ang kabog ng dibdib at tila biglang lumamig ang mga palad nang mabasa ang chat ni Armani.
Armani: Can I call you?
Napakurap siya habang nakaawang ang mga labi. Tawag? Nais siyang tawagan ni Armani? Bakit naman kaya?
She tucked a few strands of her hair on the back of her ear then typed a reply. Ngunit bago pa man niya napindot ang send ay nag-appear na sa screen ang video call request ni Armani.
Her eyes widened. Lalong nagwala ang kanyang dibdib at sa sobrang taranta, imbes na ang reject button ay accept ang napindot niya kaya naman nang bumulaga sa kanyang harap ang gwapong mukha ni Armani ay para siyang naestatwa...habang nanlalaki ang mga mata at nakaawang ang mga labi.
Armani looked more mature and handsome when he's wearing his glasses. Naka-wax nang maayos ang buhok nitong clean cut. He's wearing an ensemble of suit and tie, and Teissa will lie if she will say Armani didn't slay on his lawyer outfit.
Nagpigil ito ng ngisi saka hinubad ang suot na salamin sa mata. "Why do you look like you've just seen a ghost, Teissa?"
"Ahm..."
She wanted to slap herself all of a sudden because of her reaction. Kinailangan pa niyang lumunok ng sarili niyang laway nang kumalma kahit sa totoo lang ay nanunuyo ang kanyang lalamunan.
"Ano kasi..." She faked a smile. "Thank you sa... Sa pag-accept ng friend request ko," paglilihis niya ng usapan.
Armani smiled with a hint of tease, his brow cocked a little. "Pang-ilan ba ako sa pinadalahan mo ng request, hmm?"
"Mmm... Pangatlo dapat pero pangalawa."
"Pangalawa? Is Dayne the first one?" His eyes narrowed a little, but Teissa doesn't think he's aware of that.
Napakurap siya at ang mga kilay ay bahagyang nagsalubong. "May problema ba kung si Dayne?"
He sighed. "Well, technically, there shouldn't be."
Tumango na lamang siya. Minsan talaga ang weird ni Armani. Nang magpunta ito sa hacienda noong nakaraang buwan, may binigay itong bungkos ng rosas sa kanya pero hindi naman nito sinabi kung para saan. Sabi ni Maia sa kanya ay mukhang nanliligaw si Armani ngunit hindi ba ay kung nanliligaw ang lalake ay dapat humihingi muna ito ng pormal na permiso? Iyon ang turo ng kanyang yaya.
"Anong ginagawa mo?" she asked as she wrapped herself with her pink blanket.
"Studying a case, love," he said, yawning. Hindi tuloy niya masabi kung ano ang huling salitang sinabi nito.
"Uhm, ano ulit 'yon, Armani?"
Tinitigan siya ng inaantok nitong mga mata saka ito sumandal sa swivel chair at niluwagan ang necktie. His eyes seemed to sparkle as he pursed his lips together to suppress a smile. "So we're dropping the irritating big bro thingy, hmm?"
"Oh, I'm so—"
"Finally." He breathed in and stroke his hair towards the back as he moistened his lower lip. "Sorry, what were you asking? Tinatanong mo ba kung ano ang sinabi ko?"
Mahina niyang tinanong ang kanyng ulo. "Hindi ko masyadong nadinig ang huling salita."
Armani's jaw clenched as his flashed a meaningful smirk. "I said I'm studying a case..."
"Oh, uhm." Her cheeks felt hot. "Nagkamali nga siguro—"
"Love. I'm studying a case...love."

Komentar Buku (22)

  • avatar
    Maderaclaudine

    Thanks you she is so beautiful story so cute and so sad............. Habang akoy nag babasa na iiyak ako...........................

    11/11

      0
  • avatar
    22Aymee

    GANDA.❤️❤️❤️

    24/10

      0
  • avatar
    Chander Louie Mangalili Flores

    naks

    27/03/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru