logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

KABANATA 5: Collided

Kabanata 5
Collided
Tumatagaktak ang pawis ng marating ang aming tahanan. Tahimik kahit mataas na ang araw. Nang sinubukang tingalain ang maningning na sinag, kaagad na nagbababa ng paningin dahil sinalubong kaagad ng liwanag. Nakakasilaw at tila patalim na nakakasugat.
Malikot ang mga mata at pinapakiramdaman ang paligid. Ang dating maingay na kalsada ngayon ay tahimik. Sabado ngayon kaya sinasamantala ng mga bata at ng mga magulang na magpuyat.
Pagod kong itinulak ang kahoy na tarangkahan. Kung magtatanong si Mama may baon ng sagot para sa mga katanungan niya. Bitbit ang isang plastic na naglalaman ng mga napunit na damit. Hindi ko na dapat pa ito dadalhin pero may nagtutulak na dalhin ko pa rin. Dinala ko ba para may maiwang alaala sa delubyony naganap? O dinala ko dahil umaasang mabibigyang kalutasan ang pangyayaring ito?
Walang kaingay-ingay akong pumasok. Lumangitngit ang pintuan ng kagyat na itinulak. Bumungad sa akin ang maaliwalas na sala. Ang katahimikan ng paligid. Gusto kong tawagin si Mama.. subalit ni ang pagtawag ay nawawalan ng lakas.
Pumikit ako ng mariin, napahawak ng mahigpit sa laylayan ng tee shirt. Kanina, bago inihatid sa kanto ni Manong Roger ipinagbihis niya muna. Damit ng matanda ang nakatabon sa katawan. Malaki ang pasasalamat sa kanya kahit pa nga mga amo niya ang may kagagawan!
Inosente siya! Gusto akong tulungan pero walang magawa dahil nakagapos naman!
Kaagad akong pumanhik sa aking silid. Nagkulong sa banyo. Pilit na inaalis sa isip ang pananamantala ng mga demonyo!
Basang-basa na ang buong katawan ng tubig. Dinadama ang tubig na bumubuhos galing shower. Kinukuskos ang katawan ng paulit-ulit.. Ilang beses ng sinabunan ang sarili.. ilang beses na nagbanlaw... ngunit, isang daang libong beses man akong maligo hindi na nito matatanggal sa isip ang mga karimarimarim na mga alaala dulot ng pananamantala nila!
Nahahapo kong isinandal ang katawan sa pader ng banyo. Pikit ang mga mata at hinahayaan ang tubig na maglandas sa buong katawan...
Ang kulay abong mga mata ni Aldric ang nabungaran ng imulat ang mga mata. Mainit ang salubong ng kanyang paninitig. Agad ang pagbaba ng paningin at nag-iwas na rin.
Hindi ko matukoy ang ibig ipahiwatig ng kanyang mga matang banyaga. Madilim ang kanyang mukha. Nakahalukipkip at ang mga panga ay nag-uumigting ng magkatitigan.
Sa gilid ng mga mata ay nakita ang kanyang pagtayo sa upuang inukupahan. Bakas sa kilos ang maraming katanungan.
"What did you do?" Ramdam ko ang pag-igting ng kanyang mga panga kahit hindi ko man lantarang nakikita.
Tumatahip ng malakas ang diddib dahil sa takot ko sa kanya.  Mas higit ito kumpara sa mga kamay ng mga demonyo!
"You tried to kill yourself? Is that what you're trying to do huh?"
Pumikit ako bago salubungin ang nagbabagang mga mata ng lalaking a-ako sa responsabilidad ng mga taong mapagsamantala!
Napakasama ko ba? Na, pati ang anghel na walang kamuwang-muwang ay papatayin ko pa?! Diyos lang dapat ang may karapatang humusga para sa buhay ng bawat nilalang! At hindi ako Diyos para husgahan ang buhay ng batang nasa sinapupunan!
"Don't push me to kill those bastards Sofia!" Muling umigting ang kanyang panga.
"Kung papayagan mo ako, ako na mismo ang maghahanap sa kanila, at kapag nahuli ko..."
He's jaw clenched harder... Kinikilabutan ako sa pagdidilim ng kanyang aura. 
"At kapag nahuli ko Sofia," Kuyom ang kanyang kamao ng angatin niya 'to. Nagpipigil at kontrolado ang boses nito.. "I swear, hindi ako magdadalawang isip na patayin sila sa harapan mo Sofia..."
I blink. My heart pounded so loud. Kinakagat ang labi dahil nakakaramdam ng katuwaan. Mali ang pumatay, mali rin ang maghiganti, pero sa katulad kong pinagsamantalahan, niruyakan, at ninakawan ng kinabukasan. Ang mga salitang ayaw tanggapin ng sistema noon, ngayon ay tila pa malaking papremyong mahahakot sa napanalunan.
"Don't push my limits..."
Umupo siya sa gilid ng hospital bed. Ilang pulgada na lamang ang aming pagitan. He was too quiet. Habang akong naliligalig na ng husto sa kanyang presensiya!
"From this day on. Ako na ang masusunod. Ako na parati ang susundin mo. Magtatalaga din ng magbabantay sayo."
Tututol pa sana ako pero...
"And that's an order. Simula ngayon pababantayan ko na bawat kilos mo."
"Aldric..." Sa nakikiusap na boses kong saad. Gustong bawiin niya ang mga sinabi.
"No. Hindi na ulit ako papayag na saktan mo ulit ang iyong sarili.. and this angel..."
Halos maubusan ako ng hangin ng haplusin niya ang impis na tiyan. Gustong pigilan ang kamay niyang nasa ibabaw ng aking tiyan.
I can feel his large hand. Rough, but it is very comforting... Ang mainit niyang palad ay ramdam, kahit may damit naman na nakaharang...
Unti-unti kong ini-angat ang paningin.. unti-unti ring nakakaramdam ng elektrisidad na nagmumula sa mainit niyang palad. He stared at me too. Pinagtaasaan ako ng kaninang nagsasalubong niyang mga kilay.
Ako lang ba ang nakakaramdam ng kuryenteng unti-unting dumadaloy sa buong parte ng katawan ngayon? Bakit siya kampanteng-kampante naman at tila pa purong galit lamang ang nararamdaman? Samantalang, puro naman ako kahalayan?
Nahawa na ba sa mga demonyo at nagiging mapusok na rin ako?
Kung ganoon ay dapat pigilan ko na ito!
"Aldric..."
Nakakahiya na, kasi hinahaplos lang naman niya ang sanggol na nasa sinapupunan tapos ako agad ng nadadarang?
Nahawa na ba talaga ako?
"It's sound like a moan..."
Pipigilan ko ito habang maaga pa! Ayaw ko sa pakiramdam na ito!
"Your doctor said... mas maiinit ang mga babaeng buntis kaysa sa hindi nagdadalang-tao.. Your hormones speak for it..."
Nahihiya akong nag-iwas ng tingin. Ngunit ang kamay niyang humahaplos ay nanatili sa aking tiyan!
Babaero siya. Marami na ang babaeng dumaan sa buhay niya. Kaya ba alam niya ang pakiramdam? Samantalang, wala naman akong naging karanasan bago madungisan...
"Kung... kung aakuin mo? P-paano ang girlfriend mo?"
He sighed and then he licked his lower lip. Ang malapad na dibdib ay bakat sa manipis na kulay puting tee-shirt. It was a v-neck shirt... His biceps are prominent. Napakalaking tao at malaki rin ang bulto. Nakaupo na nga siya, pero nakatingala pa rin ako sa kanya! This man in front of me is like a greek god! Nakakapanghina ang mga matang banyaga!
And when I lowered my gazed. I saw his veiny arms. Mas lalo akong nakakaramdam ng init ngayon! At mas lalo ring nakakahiya ito!
Napakagat ako sa ibabang labi... pilit na iniiwasan ang maugat niyang mga braso! Nababaliw na yata ako!
"I don't have a girlfriend love.."
Halos malusaw ako sa kanyang itinawag. Pumikit, pero inangat niya naman ang aking baba.
"You are mine now..."
He lower his gazed. Sa mga labing nanunuyo ko siya nakatitig, and then back to my eyes again.. Palipat-lipat siya ng tingin na halos ikasabog ng aking puso!
"And as I said... ako na ang masusunod. Lahat ng mga desisyon mo ay babalewalain ko. Understood?"
Malumanay at malambing ang kanyang boses. Agad akong napasunod kaya tumango. We're just exchanging our gazed. From our eyes to our lips.. Hanggang titig lang dahil ramdam ko ang pag-aalangan sa mga kilos ni Aldric...
Bumukas ang pintuan, dulot ng paghihiwalay ng pagtititigan. Narinig ko ang dismaya sa boses niya ng bumuntong-hininga...
"Hindi ako nagmamadali Sofia..." Bulong niya sa malambot na paraan.
Dahan-dahan na rin siyang humihiwalay. Tumayo para pakiharapan ang babaeng nakasuot ng white coat. Morena ang doktor na kanyang kausap. Larawan sa mukha ang pag-aalala... at naririnig ko ang mga habilin niya...
"She needed to take her vitamins. And please don't stress her too much..." Malungkot na mukha ng doktora ang bumungad.
"Yeah.. I'm sorry..."
Nagkamot pa sa kilay niya si Aldric. Wala naman siyang kasalanan. Kung tutuusin, masuwerte na ako dahil tinatanggap niya ako ng buong-buo. Nang walang hinihinging kapalit...
"Mahina ang kapit ng bata. Kung puwede lang, huwag masaydong magpapagod Ma'am..."
Ako na ang kanyang binalingan. Malungkot siyang nakangiti...
"And Sir... I know it's your right to do some moves while having sex with your wife.. pero sana," Saglit itong huminto at tumitig sa direksiyon ko. "Don't make it hard and rough..."
Pumikit ako ng mariin...
Hindi naman siya ang may kagagawan!
Napaiwas ako ng tingin at isinandal ang likuran sa headboard ng hospital bed. Nakakahiya, kung malalaman lamang sana ng doktor ang naging karanasan. Siguro, kaaawaan na naman ako.
Naka-alis na ang doktor. May mga habilin ito. Maraming vitamins ang bibilhin. Idagdag pa ang pang-pakapit sa bata. Si Mama, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon wala pa rin. Ang sabi naman ni Aldric. Nandito naman daw kanina habang natutulog ako...
"Let's go..." Si Aldric. Pormal ang kasuotan. Nagbihis yata habang natutulog ako kanina.
Puting long-sleeves na nakatupi hanggang sa kanyang siko. Denim jeans, and with his very shiny black boots... His too intense... too manly...
Bakit kung kailan hindi na ako buo, tsaka lang napahalagahan ang mga katangian niyang ito?
Ako naman. Pinagbihis ako ng kulay puting bestida. Simpleng-simple ang tabas nito. Hanggang tuhod ko ang haba at ang buhok ay maayos na sinuklay bago hinayaang ilugay...
Madilim na ang paligid. Ang sabi ng doktor pupuwede na naman akong ma dis-charge basta daw huwag lamang magpapagod para na rin sa kapakanan ng bata...
Pinakatitigan ako ni Aldric. He tilted his head. Pinapasadahan ako ng tingin mula sa aking mukha, sa buhok kong nakalugay, sa mga binting bahagyang nakasilip. Habang lumalapit hindi ko mapigilang pigilan ang aking hininga. He was towering over me... Ngumiti ako sa kanya...
This time, hindi dahil sa malungkot ako... Kundi dahil, nararamdaman kong totoong-totoo ang kanyang ipinapakita..
Totoong-totoo ang kanyang pagkalinga, ang kanyang pag-aaruga, at idinadalangin ko, na sana totoo rin ang pagmamahal na ipinapakita...
"Frow now on... our world will going to be collided..."
Pumikit na lang at suminghap ng maramdaman ang mainit niyang labi na lumapat sa aking nanlalamig na noo...

Komentar Buku (17)

  • avatar
    Ness Galleto

    Interesting story! Highly recommended!😊🔥

    24/04/2022

      0
  • avatar
    Khollen Mansalapuz

    okay

    16/09/2023

      0
  • avatar
    Rose Gadbilao Ignacio

    noted

    30/07/2022

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru