logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

LOST IN HEAVEN

LOST IN HEAVEN

ATHENA MANCOL


PAGSILIP: Atake

Pagsilip
Atake
Sinipat ko ang oras sa aking cellphone. Alas kuwatro na ng hapon. Tinagilid ko ang ulo at pinasadahan ng tingin ang buong departamento. Ang ilan abala pa rin sa kanilang ginagawa. Tahimik, dahil may hinahabol na deadline. Bumuntong-hininga at tiningnan na rin ang mga papel na nasa ibabaw ng mesa. Minasahe ko saglit ang sintedo at humilig sa backrest ng upuan. Sinuklayan ang buhok gamit ang mga daliri.. tatlong beses pa lang na nagagawa nahinto na dahil nakarinig ng sipol...
Napatuwid ako ng upo. Inilibot ang paningin at hinanap ang sumipol. I rolled my eyes ng mapagsino ang taong sumipol.
Si Aldric Kieth...
Kaibigang matalik ng aking amo. Umiling ako.. hindi pinapansin ito. Sa dami ng babae niya, hindi na ako magtitiwala kahit ilang buwan na rin siyang nagpapansin. I am just an ordinary employée. Parati kong pinapapaalalahan ang sarili na malayong-malayo ako sa kalidad ng kanyang mga babae. Iniisip ko, baka paglaruan lang ako at hindi seseryosohin. Papalit-palit siya ng babae. Magaganda, nagpapaligsahan sa tangkad ang mga nakikitang kasama niya. Parang nagpapalit lamang ng kanyang panloob kung palitan ang mga babae niya.
Though, magandang lalaki si Aldric. Katulad ng amo ko, matangkad at magandang lalaki rin ito. Pormal, at disente ang kasuotan, ngunit kahit gaano man kapormal hindi pa rin siya pagbibigyan. Nakatatak na sa aking isipan ang pagiging babaero niya..
Simple at hindi ako masyadong nakikihalubilo sa kahit na sino. Nakikipag-usap lang sa mga ka-trabaho kung konektado naman sa mga proyekto ang tinatalakay.
Konserbatibo si Mama. Kung may manliligaw man, dapat pormal akong bibisitahin sa bahay at hindi sa kung saan-saan lang makikipagkita. Hindi siya sang-ayon sa bagong henerasyon ngayon. Kaunting pag-uusap lang, kaagad ng pumapayag na makipag-date kahit hindi pa kabisado sa totoong pakay ng manliligaw.
Lumaki ako sa paniniwalang, ibibigay lamang ang sarili sa taong papakasalan. Puro at totoo dapat ang nararamdaman. At i-aalay hindi lamang ang sarili kundi pati ang puso at kaluluwa.
He stopped in front of my desk. Pinapasadahan ako ng tingin. Nakakainis ba't ako biglang na-conscious ng lapitan niya? Hindi pa ako tapos magsuklay at gamit lamang ang mga daliri sa kamay. Pakiramdam ko nangingintab na ang mukha ko sa pawis. Tapos ang gwapong palikerong ito ay lumapit pa para titigan ako?
"Hi.."
Inabala ko ang sarili. Hindi para isipin niyang nakakaabala siya, kundi'y naapektuhan sa kanyang paglapit, natataranta ang isip.
"15 to five.."
Nahuli ko ng sipatin niya ang relos na suot. Kaagad na nag-iwas ng tingin ng salubungin niya ng tingin.
"O tapos?" Kunwari nagtataray, pinagtatakpan ang hiyang nararamdaman.
Sobrang malapit na siya at ang puso ko ay dumadagundong sa kaba! Pinipigilan ko naman. Hindi ko dapat siya hinahangaan pero iba kasi talaga ang kanyang karisma.
"Hatid kita." His voice was hopeful. Gusto kong pagbigyan pero hindi pa rin siya pagkakatiwalaan.
He licked his thin reddish lip. Nakakaba dahil baka makahalata. Sabihin pa masyado akong nagpapakipot sa kanya.
Bumuntong-hininga ako. Umiling at nahihiyang tumitig sa kanya.
"Magco-commute ako. Si Mama, hinihintay ako sa labas. Ayaw kong magtaka at baka magalit pa."
"Hanggang kanto lang hindi na aabot sa bahay ninyo.."
Pinasadahan niya ulit ako ng tingin. For today, I am not wearing a corporate attire. Biyernes ngayon kaya naman ordinaryo lamang ang damit na suot. Simpleng bestida ito. It's a maroon dress. Hanggang tuhod ko ang haba. Sakto lamang sa may kanipisang katawan. My Hair is freely flowing on my shoulder hanggang baywang ko ang haba nito.
Napadila ako sa ibabang labi ng mag-angat ako ng tingin sa kanya.
"Pasensiya na talaga.."
He bit his lower lip before nodding. Hawak sa kamay ang susi ng kanyang sasakyan.
"Okay.." He heaved a sighed before nodding.
Gusto ko naman e. Nahihiya lang talaga at hindi ko kayang pakiharapan ang isang tulad niya. I mean.. a greek god was taking his chances to an ordinary girl? Mali yata, paano kung tama ako ng iniisip? Hinahabol lamang niya dahil parati kong tinatanggihan ang mga alok niya, at kapag nakuha na niya ang loob doon na papasukin ng kapusukan niya...
"See you on Monday, Sofia.."
Naipikit ko ang mga mata ng marinig ang kaseryosohan sa kanyang boses.. His voice a bit husky.
Ngumiti ako bago inilibot ang tingin sa buong departamento. Nahihiya dahil marami ang nakikiusyoso.
"I'm going.. take care.."
Tinitigan pa niya ako ng malalim bago tumalikod. Sa inis ko sa sarili. Nagpasya ng mag-overtime. Hindi ko namalayan ang oras. Mag-aalas otso na ng tumigil dahil naramdaman na ang pangangalam ng sikmura.
Humikab muna bago ayusin ang sarili. Sinuklay ang mahabang buhok bago pahiran ng lip tint ang mga labi. I also put a little amount of powder on my cheek. Pakiramdam ko oily na masyado.
Mahirap sumakay sa ganitong oras. Pero magbabakasakali pa rin. Binilisan ko ang paglalakad. Tinanguan ko ang guwardiyang nagbabantay. Ng lumampas sa gusaling pinagtatrabahuan. Kaagad na binundol ng kaba..
Kada biyernes, lumalabas ang mga ka-trabaho para bumisita sa bar. Niyaya na minsan ang kaso, hindi sila pinagbigyan. Hindi kasi ako sanay sa madaming tao, at maiingay na lugar. Mas gusto ko ang tahimik at organisadong lugar na pupuntahan.
Tumingala ako sa langit. Binabalewala ang kaba at nagpatuloy sa paglalakad. Marami na akong gusaling nadaanan. May ilang nakapatay na ang ilaw. Mayroon din namang bukas pa ang ilan, marahil nag-overtime din ang ilang empleyado. Gahol sa oras kaya nanatili pa rin para ipagpatuloy ang mga hindi pa natatapos na gawain.
Umihip ang malamig na hangin. Lumala ang kaba ngunit pilit itong binubura. Wala pa ring dumadaan na sasakyan. Tahimik at walang taong dumadaan sa lugar kung saan ako nakatayo. Sanay na naman ako sa lugar na ito. Hindi ko alam ba't bigla akong kinakabahan ngayon. Nadadala lang siguro sa madilim na kalangitan. Parang uulan pa.
Nagpasya akong maglakad. Nagbabakasakali na may makakasalubong na sasakyan. Sa malas ko wala ni isang makasalubong. Nahinto ako saglit ng may mamataan sa malayong parte ng kalsada. Tanaw ko mula sa lugar na kinatatayuan ang isang sasakyan. Nakabukas ang ilaw at may tatlong lalaking nakasandal sa hood ng sasakyan. May isang lalaki din sa likurang bahagi nito. Nakasilip sa gulong sinisipat kung maayos ba.
Nahinto ako saglit sa paglalakad. Binabaha na ng takot. Pinasadahan ko ng tingin ang tatlong lalaki. Maayos naman silang titigan. Sa suot na damit halatang may sinasabi rin sa buhay. May lalaking naka-itim na tee-shirt. Ang buhok ay medyo mahaba. Nakatagilid ang ulo at abala sa pakikipag-usap sa lalaking kasing-tangkad noong lalaking nasa tabi ng lalaking nakasilip sa gulong ng sasakyan. Matatangkad silang pareho. Nakakakaba lang dahil madadaanan ko...
Kung papairalin ko ang takot. Paano ako makakauwi? Mag-aalala si Mama.
Kinakabahan pa rin ng magpasyang ipagpatuloy ang paglalakad. Aabutin ako ng madaling araw kung maghihintay lang sa pagdating ng masasakyan. Kapag biyernes kasi bihira ang mga sasakyan na dumaraan. Pakyawan kasi para makabisita sa bar.
The cold wind blows again. Nakakaramdam na ng takot. Malapit na ako sa nakahintong sasakyan. Patuloy pa rin itong sinisipat noong may edad na lalaki. Marahil siya iyong driver.
Hindi ko sila tiningnan ng malapit na sa kanila. Palihim akong nagdasal, na sana mabubuting tao sila... na sana hindi nila ako pag-iisipan ng masama..
I walked faster.. sa nerbiyos kamuntik pang natapilok, pero ipinagpatuloy pa rin ang paglalakad. Naalala si Aldrik ng pumikit.
"Hey Miss.. need a lift?"
Napabuga ako ng hangin. Ramdam ko ang init ng hininga ng pakawalan ko mula sa aking bibig. Nagdadalawang-isip kung hihinto ba o ipagpapatuloy pa rin ang paglalakad. Tanging lamp post lamang ang nagsisilbing ilaw sa madilim at tahimik na kalsada.. paano kung pagtangkaan ako may laban ba ako?!
Mariin akong pumikit ng maramdaman ang mabilis na paglapit noong lalaking naka-itim na tee-shirt. Ngumunguya siya ng chewing gum. Nakangisi ng malapitan sabay pa ng paghinto ko sa gitna ng daan!
The man in a black shirt is towering over me. Nakangisi. Panay pa ang sulyap sa mga kasamahang nanatili sa tabi ng sasakyan.
"Hatid ka na namin-"
Puro sila kalalakihan. Hindi ako papayag at manlalaban. Sa dami nila paano naman ako makakalaban?
Mali ba na tinanggihan ko ang alok ni Aldrik? Dapat ba pinagbigyan ko na para maginhawa ang pakiramdam..
"Inaayos na naman na ang sasakyan namin.."
Tumitig siya sa sasakyan na kinukumpuni noong may edad na lalaki. Huminto ito saglit sa ginagawa. Nahuli ko ang pag-aalala sa kanyang mukha.
"Bilisan mo na ng makaalis na kami. May ihahatid pa yata si Oliver o," Mapanuksong tugon noong lalaking suot ay polo shirt. Kulay gray ang suot na damit. Habang ang katabi nanatiling tahimik. Nagmamasid. Titig na titig sa aking katawan at kasuotan.
"Easy access.."
Muli akong napasulyap sa may edad ng lalaki. Kitang-kita ko ang pag-iling at pagkakadis-gusto. Habol ko na ang hininga ng tumalikod. Iniwanan ko iyong lalaking lumapit. Binilisan ang paglalakad...
"Tatakasan ka pa yata.." Hiyaw noong kaninang tahimik lamang.
Diyos ko gabayan niyo po ako... Huwag niyo pong papahintulutan na may mangyayari ngayong gabi.
Halos mayanig ang aking mundo ng hulihin noong lalaking humarang sa akin ang aking palapulsuhan. Awtomatiko akong nahinto sabay ng kanyang paghila ng marahas... Pumiksi ako.. parang pinagbibigyan lang, pinaglalaruan.. tatakbo na dapat ngunit sa pagtakbo sumalubong naman sa unahan ng daan ang lalaking nanahimik lamang kanina ngunit ngayon parang hayok na, na makatikim ng laman!
Sa takot ko naluluha na ako... gustong tumakbo pero parang napako na ang mga paa sa kinatatayuan.
"Mag-eenjoy ka naman e.." Nakangisi. May mga hitsura sila. Halatang may kaya.
"Naabot mo na ba ang langit?" Ang lalaking naka polo-shirt naman ang lumapit.
Pinadausdos niya ang kamay sa aking baywang sanhi ng aking pagsigaw.. naghalakhakan ang mga lalaki.
"Are you a virgin?" Nakatagilid ang ulo noong lalaking naka itim na shirt..
"Today is our lucky day. Hindi man tayo nakapag bar.. grasya naman ang lumalapit.."
Umiiyak na ako sa sobrang kaba. Pilit na iniiwasan sila.
Hahawakan dapat ako noong naka polo-shirt na lalaki. May hikaw siya sa kaliwang tenga at pare-pareho silang may tattoo sa braso magkakatulad din ang disenyo.. Kumurap ako at naglakas ng loob na sipain ang ari ng lalaking nasa harapan. Malakas ang pagkakasipa kaya napahiyaw siya sa sakit nagmura ng malakas iyong Oliver..
"Simon, habulin mo tang-ina! Sasagarin ko siya mamaya!"
Hindi ko na nakita ang reaksiyon niya pagkatapos niyang humiyaw dahil kumaripas na ako ng takbo. Nagkatali-talisod na dahil mataas ang takong ng sapatos...
Wala pa rin akong makasalubong na sasakyan. Pawis na pawis na ako na pati ang luhang rumaragasa sa pisngi ay nakikihalo...
Alam ko malayo na ako.. subalit ang pag-asang nabuo ay tuluyang naglaho ng maramdaman ang pagkakasambunot ng aking buhok. Sa sakit parang matatanggal na sa anit..
"Fuck you!"
Hindi ko alam kung sino ito dahil nakapikit..
Pilit kong tinatanggal ang kamay niyang nakasabunot sa aking buhok.. Nanlalaban sa kanya.. but then he punched me on my abdomen. Sobrang sakit, halos mamilipit sa sakit.
Ang katahimikan ng gabi ay napunit dahil sa kanyang pag-atake...

Komentar Buku (17)

  • avatar
    Ness Galleto

    Interesting story! Highly recommended!😊🔥

    24/04/2022

      0
  • avatar
    Khollen Mansalapuz

    okay

    16/09/2023

      0
  • avatar
    Rose Gadbilao Ignacio

    noted

    30/07/2022

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru