logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 3 T1L5CA1SD: 3

“Ay! Grabe siya o!” Hinaplos ni Miley ang noo ni Marvene. “Ang hirap sa iyo masyado kang seryoso. Maaga kang tatanda niyan, Kuya. Chill! Maigsi lang ang buhay. Kailangan ma-enjoy natin ang pagiging bata natin. Hayaan mo naman kaming mga simpleng tao na maging masaya sa mga simpleng achievements namin.”
Madaling maging masaya sa buhay kapag walang responsibilidad na iniisip. Di naman niya masisisi ang kapatid dahil prinsesa ang trato dito sa bahay. Ayaw nilang mahirapan ito. Pero sa sobrang pagmamahal yata nila dito, hindi na nito mapahalagahan ang hirap nila. Gusto lang naman nila na mag-aral itong mabuti at magkaroon ng disenteng grade.
“Simple lang ang achievement na gusto namin sa iyo - magandang grade at maka-graduate ka. Kung magbasa-basa ka na lang sana ng libro sa library kaysa magbabad sa internet para panoorin ang mga taong pasikat o kaya mang-stalk sa crush mo, matutuwa pa siguro sila Nanay at Tatay.”
Umismid ito. “Oo na. Ikaw na ang tama. Ang mahirap lang kasi hindi naman lahat kami katulad mong magaling o henyo.”
“Di ako magaling o henyo. Pinagsisikapan ko lang ang grades ko. Dadating ang panahon na kailangan mong tumao sa sarili mong ama. Wala ka nang kuya na gagawa ng projects mo o mga kaibigan na maglilinis ng mga kalat mo. Hindi pwedeng puro enjoy lang sa buhay.”
“Masyado kang advance mag-isip, Kuya. Relax lang.” Ibinalik nito ang tingin sa school ground. Bigla siya nitong hinampas sa braso. “Kuya, tapos na tuloy ‘yung palabas. Ikaw kasi!”
“Anong ako kasi? Ikaw itong kung anu-anong sinasabi. Pupunta na ako sa room ko,” aniya at akmang iiwan ang kapatid sa tapat ng room nito nang makitang naglalakad si Thalia at kasunod ang grupo nito. Nakangiti nitong binati ang mga kasalubong pero laging bumabalik ng tingin sa kanya.
He had an intense gaze. Kaya mga may naiilang na kausapin siya dahil nakaka-intimidate daw siya at minsan ‘di na lang pinipili na makipagtalo sa kanya dahil titig pa lang daw niya ay talo na ito. Pero hindi si Thalia.
Parang may bituin lagi ang mga mata nito na may ngiti sa lahat. ‘Di pa niya ito nakitang sumimangot o nainis kahit minsan. Kaya siguro gusto ito ng mga tao. Hindi tumatalab dito ang matatalim na tingin niya o pagsusuplado. Habang sumisimangot siya, lalo nitong tinatamisan ang ngiti. And that was disarming. ‘Di niya inaasahan na mas makapangyarihan ang ngiti nito kaysa sa matalim na titig niya.
Mas delikado pa si Thalia kaysa sa pinagsama-samang siga sa school. Gusto na niyang tumalilis na pero napako na siya ng mga tingin nito. Siya ang target nito.
Kumaway ito sa kanya. “Hi, Marvene! Nagustuhan mo ba ang performance ko?” pasigaw pa na tanong nito na parang gusto nitong marinig ng lahat kung ano ang isasagot niya.
“Performance mo?” Nag-loading ang utak ng binata. Paano ba niya sasabihin na nagka-tinnitus ang tainga niya dahil sa boses nito nang ‘di ito masasaktan?
“Oo naman,” sagot agad ng intrimitidang kapatid niya na si Miley. “Ang galing-galing mo nga. Muntik pa ngang madapa si Kuya sa kamamadali niya na mapanood ka. Sobrang galing mo talaga. Nanood na ako ang live at nag-Facebook like na ako para lang mapusuan ka.”
Ginagap ni Thalia ang kamay ng kapatid. “Oh! Thank you! Thank you for being supportive, sis.”
“Sis? Tinatawag mo akong sis?” manghang-manghang tanong kapatid niya at parang maiiyak pa.
“Of course naman. Kapatid ka ni Marvene kaya naman sissums na tayo.” At tinapunan siya ng babae ng matamis na ngiti.
Tumikhim si Marvene. Wala siyang plano na magtagal doon habang tinatapunan ng nakakalanggam na ngiti ni Thalia habang ipinamimigay siya ng kapatid niya dito.
“Papasok na ako sa klase,” aniya para makaiwas dito at iniwan ang babae sa kapatid niya at mga tagahanga nito.
At nang bumalik ang babae sa klase nila, nagbabasa lang siya ng librong hiniram sa library habang kausap nito ang kaklase nila. “Classmates, thank you sa mga nanood at nag-like. Pwede na ba natin itong ipa-trend?”
“Yes! Ipa-trend natin ‘yan,” narinig niyang sabi ng ilan sa mga kamag-aral.
“Kung may request kayo na gawin ko, I-tag lang ninyo ang friends at kakilala ninyo. Ang pinakamaraming like at comments, iyon ang gagawin ko. Isn’t it fun?”
Kanya-kanyang labasan ng cellphone ang mga kaklase. Siya lang yata ang ‘di naglabas ng cellphone. Wala siyang balak na makigulo sa mga ito. Sayang ang data at baterya.
“At siyempre, huwag ninyong kalimutan na pusuan ang bagong profile pic ni Marvene. Napusuan ko na. Sana kayo rin. After one year may bago na siyang profile pic and that is something to celebrate about.”
Inangat ni Marvene ang ulo at gulat na tiningnan si Thalia na nakatayo sa harap ng blackboard. Nang magtama ang mga mata nila, nag-finger heart pa ito. “Don’t worry, Marvene. Pauulanan namin ng love ang profile pic mo. Ang guwapo mo talaga.”
“Uyyyy!” tuksuhan ng mga kaklase niya.
“Bagong profile pic ko? Hindi pa naman ako nagpapalit ng profile pic.” Isang buwan na nga nang huli niyang pasukin ang Facebook niya dahil lang may pinapo-promote na campaigns ang guro nila sa Social Studies.
“Ayan o! Kapapalit pa lang kagabi. Ang ganda ng kuha sa bukid ninyo,” sabi ng kaibigan niyang si Danreb. Seryoso ang anyo niya habang nakatingin sa malawak na lupain sa harap ng bahay nila. Hindi niya alam kung saan nakuha ang picture na iyon. “Buti naman nag-update ka na.”
Hindi siya ang nag-update niyon pero may hinala na siya kung sino ang nakialam sa cellphone niya. Titirisin niya mamaya ang kapatid dahil sa pakikialam nito sa privacy niya.
“Ayan! May fifty likes ka na at one hundred heart comments. Na-share ko na sa mga followers ko ‘yung picture mo,” pagmamalaki ng babae nang mag-lunch break sila at ipinakita nito ang statistics ng picture.
“Salamat,” aniya sa malamig na boses at pilit na ngumiti. “Pero hindi mo naman kailangang ipa-like ang picture ko.” Wala naman siyang pakinabang sa maraming likes. Pakiramdam niya ay nabubulabog din ang privacy niya.
Ginagap ng babae ang kamay niya. “Maliit na bagay lang iyon. Ni-like mo rin kasi ang dare ko kagabi.” Ipinakita nito ang cellphone sa kanya at kasama nga sa account niya sa nag-react ng puso sa post nito. Ni wala siyang kamalay-malay na nagagamit ang account niya para paramihin ang engagement nito. “Thank you talaga sa react mo. Kahit ikaw lang ang mag-react sa post ko, masaya na ako. Kakanta pa rin ako. Para talaga sa iyo ang performance ko.”
“O…kay,” usal niya. “S-Salamat.”

Komentar Buku (29)

  • avatar
    ParkSunghoon

    I like this story

    20/08

      0
  • avatar
    Daniero Mahinay

    Thanks

    24/07

      0
  • avatar
    Marceline Francisco

    marceline

    20/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru