logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 2 T1L5CA1SD: 2

Natuto na siyang huwag maghingi sa magulang ng pera kung hindi kailangan. Tagalako din siya kapag walang pasok o taga-deliver ng mga paninda ng nanay niya sa palengke kapag may order dito. Hindi siya nahihiya doon.
Bata pa lang natuto na siya na alamin ang mga prioridad niya sa buhay. At hindi kasama doon ang magka-crush at manligaw.
Ang Lakandula National High School ang nag-iisang public school sa bayan nila. May apat na gusali iyon para sa junior at senior high school. Pero minsan hindi niya alam kung eskwelahan iyon o resort lalo na kapag binabaha sila. Napapaligiran kasi iyon ng bukid at pati classroom nila ay inaabot ng tubig.
Nakangiti niyang binati ang guard at ang ibang kakilala na naghintay sa gilid ng guard house. ‘Di pa siya nakakalayo nang marinig niya nang umalingawngaw ang boses ng parang pinupunit na lata sa buong paaralan.
“And I am dying inside to hold you.”
NGUMIWI si Marvene at awtomatikong tinakpan ang tainga. Gusto niyang simulan nang maaga ang araw na iyon pero nabulabog siya sa matining na ingay. Naghangusan pa ang mga estudyante papunta sa school ground. Mukhang excited pa ang mga ito.
“Anong meron? May sunog ba?” tanong niya sa kapatid.
“Anong sunog?”
“Parang may wang-wang ng firetruck.” Di man lang siya nasabihan na may fire drill at earthquake drill sila.
Natawa ang kapatid niya. “Si Thalia nagko-concert sa gitna ng school ground.” Hinatak siya nito papunta sa building niya na nakaharap sa school ground. “Hindi man lang sinabi na maaga siyang mag-start. Sana pala mas maaga akong nag-alarm kanina para nakaalis agad tayo.”
Walang nagawa si Marvene kundi magpakalakad sa kapatid. Lagi niya itong ihinahatid sa room nito bago tumuloy sa sarili niyang classroom. Kanya-kanyang pwesto na sa hilera ng corridor ang mga estudyante at nakatanghod sa school ground. Lahat ay matamag nanonood sa palabas sa gitna ng quadrangle.
Sa gitna ng school ground, nakatayo ang isang babae na nasa 5’2” ang taas na siyang sentro ng pagtatanghal. Kulot ang buhok nito na may supil na bahaghari ang disenyo at may tampok na disenyo ng unicorn. May hawak itong portable microphone na may speaker kaya dinig sa buong paaralan.
May mga backup dancer pa ito na may hawak na makukulay at makikinang na pompoms na pawang miyembro ng cheerdance squad. Mas ngiting-ngiti pa ang mga ito ngayon kaysa nang mag-cheer sa mga players nila sa district meet noong isang buwan. Hawak ng kaklase nilang si Norbert ang cellphone at kinukuhanan ng video ang performance ng mga ito. Dati itong kimi at mahiyain pero naging galawlaw na nang masama sa grupo ni Thalia. Kahit ang eskwelahan nila ay nagbago na rin. Dati ay tahimik lang iyon at halos huni lang ng mga ibon ang naririnig sa pagsisimula ng klase. Ngayon nag-aabang na ang mga estudyante kung ano na namang pakulo ang ihinanda ni Thalia Villarin.
Bagong lipat lang ang pamilya nito sa Lakandula. Galing daw ito sa Maynila at doon pa lang ay may pangalan na ito bilang internet sensation na sumikat dahil sa paggawa ng iba’t ibang dare. Mula sa pagpapa-cute habang kumakain ng pinaka-maanghang na noodles sa mundo hanggang sa pagpapa-snake massage nang hindi man lang ito natakot. Hindi rin hadlang dito na nakatira na ito sa liblib na bayan ng Lakandula na mahina ang internet. Patuloy pa rin ito sa paggawa ng kung anu-anong chalenge.
At nagising ang nahihimbing nilang bayan. Dati-rati daw kasi ay taganood lang ang mga ito pero ngayon ay may tsansa nang sumikat at makilala. Inspirasyon daw ito. Di niya alam kung paano itong naging inspirasyon samantalang hindi pa siya nakakakita dito ng bagay na kapupulutan ng araw ng mga kabataan. Nakasali siya sa Science Investigative Project Competition at nakapasok hanggang regional competition kung saan nakagawa sila ng portable water purifier na maaring gamitin kahit sa mahihirap na lugar na may maduduming tubig o kapag binaha.
Ni wala man lang silang nakuhang interes ng mga estudyante o kahit ng sariling lokal na pamahalaan para itaguyod ang proyekto. Isa sa problema ng bansa ang kawalan ng suporta sa magagandang imbensyon ng mga scientist ayon sa isang nakausap niyang imbentor na hurado sa kompetisyon. Kaya kahit gusto niyang maging chemist, biologist o physicist, at gumawa ng mga bagay na makakatulong sa marami, nag-aalala siya na wala siyang makuhang suporta.
May tropeo nga pero walang halaga para sa nakararami. Habang sa mga kainan ng maanghang na noodles at sa boses na parang pinupunit na lata manghang-mangha ang mga ito. Ang mga katulad ni Thalia ang gustong sundan ng yapak ng mga ito at hinahangaan ng mga tao.
“Ano? Concert na iyan?” Parang kuting na naipit sa pinto kung kumanta ang babae. Paanong naging concert iyon?
“Iyan daw kasi ang dare sa kanya. Kapag naka-five thousand likes, one thousand comments at five hundred shares ‘yung post niya, kakanta siya Dying Inside sa gitna ng campus bago ang simula ng klase para naman daw mabuha-buhay ang dugo ng mga tao sa pagsisimula ng linggo.”
“At ano naman ang silbi no’n sa lipunan?”
“For entertainment.”
Inilahad niya ang palad. “Entertainment? Nakaka-entertain ba ito sa palagay mo?”
“Oo. Mukhang masaya nga ang mga tao,” sabi ng kapatid at sinabayan pa ang step ng mga back up dancer at ang kanta ni Thalia habang kinakatikot ang cellphone.
At sa panggigilalas ni Marvene, may ngiti sa mga labi ang mga nanonood. Walang naiinis. Akala mo ay isang artistang nagtatanghal sa fiesta ang babae. Kanya-kanyang kaway din ang mga ito nang umikot na ang camera na hawak ni Norbert. Excited ang mga ito na magkaroon ng exposure sa live video ng babae.
Awtomatiko siyang yumuko para hindi mahagip ng camera. Wala sa plano niya na makihalo sa circs na iyon.
Halos ipaduldulan ni Miley ang cellphone sa kanya. “Tingnan mo ang dami nang likes sa Facebook Live ko ni Thalia. Umuulan pa ng puso. Ibig sabihin masaya lang ang mga tao sa performance niya. Parang si Anne Curtis.”
Hinawi niya ang kamay nito sa mukha niya. “Tigilan mo na iyan. Sayang ang bandwith ng internet.”
“Grabe ka naman. Hindi ba dapat proud ka? Kaklase mo ‘yang si Thalia. Siya ang pinakasikat na estudyante dito sa Lakandula High. Mula sa fashion sense niya pinag-uusapan pati ng taga-ibang school. Ginagaya na siya ng mga taga-kapitolyo. Maganda naman kasi siya may talent. Sana nga katulad niya ako.”
Talent? Saan banda? Malakas lang ang loob nito pero hindi ito ang tipo na hahangaan niya pagdating sa “talento”. Hindi niya alam kung liblib lang ang lugar nila kaya iba lang panlasa ng mga tao. Pero bago pa man dumating si Thalia sa lugar nila, may mga tagasunod na ito. Hindi niya alam kung anong gayuma ang ginamit nito sa mga tao para magusutuhan ito.
“Bakit ‘di ka na lang mag-aral kaya at nang matuwa pa si Nanay at Tatay?” tanong niya sa kapatid. “’Yung long test mo muntik ka na nang walang isagot kasi inuuna mo pagbababad sa Facebook kaysa sa magbuklat ng libro.”
“Naglilibang lang saka nagtatanggal ng stress,” nanghahaba ang nguso na sabi ng kapatid. “Nakakapagod kayang mag-aral.”
“Kung sabihin ko kayang nakaka-stress na tulungan kang gumawa ng project at maglako ng mga gulay para may pang-load ka diyan sa cellphone mo tutal parang slide naman ang grade mo - pababa.”

Komentar Buku (29)

  • avatar
    ParkSunghoon

    I like this story

    20/08

      0
  • avatar
    Daniero Mahinay

    Thanks

    24/07

      0
  • avatar
    Marceline Francisco

    marceline

    20/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru