logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

The 1,000 Likes, 500 Comments, 100 Shares Dare

The 1,000 Likes, 500 Comments, 100 Shares Dare

SofiaPHR


Bab 1 T1L5CA1SD: 1

“Ayos. Saktong alas sais.”
Isinukbit ni Marvene Estacio ang backpack at isang beses pang tiningnan ang sarili sa salamin. May thirty minutes pa bago ang klase nila at kailangan nilang makaalis agad ng kapatid. Traffic papunta sa Lakandula High School kung saan siya nag-aaral nang Grade 10. Lunes na naman at excited na siyang pumasok sa eskuwelahan. Handa na siya sa quiz at recitation. Nakapag-review na siya at nakapag-aral ng advance sa mga lesson.
Bumaba siya sa sala at naabutan ang kapatid na si Miley na nasa harap ng salamin habang hawak ang dalawang headband. “Pasok na tayo. Tara na!”
Nasa gitna pa ng bukid ang bahay nila at kailangan maglakad sa main highway bago makasakay ng jeep o tricycle papuntang bayan kung saan naroon ang Lakandula National High School. May allowance sila na kalahating oras. Kung walang masakyan ay pwede silang maglakad.
Nanghaba ang nguso ng kapatid. “Teka lang, Kuya. Di ko pa alam kung ano ang mas bagay sa akin - itong headband na may ribbon o may flower. Tie lang kasi ang boto ng mga kaklase ko kagabi sa Facebook poll.”
Napanganga si Marvene. Pati ang ilalagay ng kapatid niya sa buhok, kailangan pang ikonsulta sa botohan sa Facebook? Anong nangyayari sa mundo?
Kailangan ba lahat na lang I-post sa social media? I don’t mind if it’s a social issue where we can have a healthy and intelligent discussion. O kaya naman bagong discovery o magagandang ideas na makakatulong sa mundo o sa kapwa.
Ibang usapan ang OOTDs, foodporn, away na idinadaan sa social media sa halip na harapang I-solve ang problema at pati na rin paghingi ng baon naka-broadcast na sa Facebook status.
Normal lang ba iyon? O baka napag-iiwanan lang ako sa mundo? Baka naman makaluma lang talaga ako at ako ang may problema o ang mundo.
Kinain na ng sistema ang kapatid niyang Grade Seven.. Pati kung ano ang ilalagay sa buhok niya, kailangan pang makipagbotohan sa mga ka-Facebook nito. Ganoon ba ka-significant ang headband nito na pwedeng makaapekto nang matindi sa buhay nito at sa iba pang mamamayan ng mundo?
Dinampot ni Marvene ang headband na bulaklak at inabot kay Miley. “Heto. Gamitin mo na.”
Dumabog ang kapatid. “Ayoko niyan. Kasi nang nakaraan na nakinig ako sa iyo, pinagtawanan lang ako ng mga kaklase ko. Di naman pala bagay sa akin.”
Napamaang ang binata. “Baduy ang taste ko?”
“Yeah! Feeling ko hindi ka millenial, Kuya. Mas mukha kang Gen X or Baby Boomer. ‘Yung mga thunders na. Kita mo ‘yung Facebook mo. Tila ako lang ang nagla-like. Hindi gaanong interesado ang mga tao sa iyo. Ako lang ata ang nagpupuso sa post mo.”
“Puso?” tanong niya at natulala.
Tumirik ang mata ng kapatid at inilabas ang cellphone nito “Heto o!” At sa halip na thumbs up ang pindutin ay nakita niya na may iba’t ibang shapes at emoticons na pagpipilian. May puso, umiiyak, malungkot at galit.
“May ganyan na pala sa Facebook. Di ko naman alam.” Maswerte na kung mag-like siya sa mga status na dumadaan sa newsfeed niya.
“Kasi hindi ka naman yata nagla-log in. Noong isang taon pa ‘yang profile pic mo tapos mukha ka pang susunod na ipababaril ka Rizal sa Luneta. Luma na. Napag-iiwanan ka na, Kuya.”
Ano bang pakialam ko sa mga like at shares na iyan pati sa mga puso-puso sa social media?
Gumagamit lang siya at pag may kailangan siyang itanong tungkol sa project at assignment sa klase. Sa social media na kasi nakababad ang mga ito. Hindi naman dating addict sa internet ang mga tao doon dahil mahirap sumagap ng internet. Pero nitong nakaraang buwan ay nagbago ang lahat. Naging updated ang mga tao sa mga social media platforms at ginawa nang diary ng buhay-buhay ang Facebook at Youtube. Kahit ang mga kapit-bahay niyang senior citizen mas alam pa ang mga viral kaysa sa kanya.
“Huwag mo ngang problemahin ang profile pic ko. Wala namang grade iyan kahit na walang liker. Pumasok na lang tayo. Ayokong ma-late.” Dinampot niya ang backpack nito at isinukbit sa balikat. “Nanay, aalis na po kami.”
“Akala ko nga kanina pa kayo umalis,” anang nanay niyang si Aling Cora.
“Ito po kasing si Miley inuubos ang oras sa headband,” angal niya.
“Headband is life,” sabi naman ng kapatid niya.
“Isinuot mo pala ang pinusuan ko, anak,” sabi ng nanay niya at pumalakpak. “Lalo ka tuloy gumanda.”
“Siyempre po mana sa inyo,” anang kapatid niya at yumakap sa nanay niya.
Pati ang nanay niya ay kinain na ng sistema. Mas techie pa ang nanay niya kaysa sa kanya dahil tinuturuan ng kapatid niya.
“Kuya, merong may crush sa iyo,” kinikilig na sabi ng kapatid.
“Okay,” matamlay niyang sabi.
Nadismaya si Miley. “Ganyan lang ang reaksyon mo? Hindi mo man lang tatanungin kung sino?”
“Wala akong oras sa ganyan. Sila Nanay nagkakandakuba sa trabaho para lang mapag-aral tayo tapos poporoblema o pa ‘yung may crush sa akin?”
“Wala ka bang crush man lang? Hindi ko naman ipagkakalat.”
“Bakit ba mausisa ka?”
“Okay lang naman daw manligaw at magka-girlfriend ka basta hindi bumababa ang grades mo. Sabi nga ni Tatay okay lang din magpaligaw ako basta sa bahay ako ipakilala at hindi ligaw-kalye.”
“Ayun naman pala! Kaya naman pala gusto mo na magka-crush at manligaw ako dahil gusto mo nang magpaligaw. ‘Di man lang ninyo hintayn na nakakapagbayad na kayo ng tax bago makipagligawan.”
“Ang killjoy mo naman, Kuya.” Lumabi ang kapatid. “Mga bata pa tayo. ‘Di ko pa dapat iniintindi ‘yung mga tax-tax na iyan.”
Magkaibang-magkaiba sila ng kapatid. O dala lang ng pagiging panganay kaya kailangan niyang maging mas responsable. Maaga siyang namulat na bilang nakatatanda, siya ang katuwang ng magulang sa pagpapalaki sa kapatid na si Miley. Na maging magandang ehemplo dito. Ano ngayon kung hindi siya masyadong nakakalaro sa labas o nakakasali sa pagba-basketball o paliligo sa ilog kasaa ang mga kaibigan? Nakakatulong naman niya ang mga nanay niya sa paglilinis ng bahay, pag-aasikaso ng ama sa bukid o sa pagtulong sa paggawa ng project ng kapatid.
Mahirap kumita sa probinsiya. Bilang anak ng magsasaka, maraming bagyo at tagtuyot ang pinagdaanan nila. Laging nasasalanta ang mga pananim at wala silang kalaban-laban sa kalikasan. Minsan sila mismong pamilya ng magsasaka ang walang makain at nagdidildil sa bagoong at mantika. At ang masaklap, babaratin pa ng mga nangangalakal o middleman ani nila habang naibebenta nang mahal sa merkado. Kaya sa huli, ang mga magsasaka ang lugi.

Komentar Buku (29)

  • avatar
    ParkSunghoon

    I like this story

    20/08

      0
  • avatar
    Daniero Mahinay

    Thanks

    24/07

      0
  • avatar
    Marceline Francisco

    marceline

    20/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru